dedicated to Anjanette Virador! Salamat sa pagbabasa ng Limerence! Haha.
• • • • • • • • • • • • •
Chapter 9: Spaghetti Sauce
“Kanina pa kayo hinahanap na dalawa. Lunch na daw tayo,” at umalis na si King.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Nakita kaya niya? Kaasar naman eh!
Pero teka. Eh ano naman kung nakita ni King?
Eh kasiiiiiiiii! Baka ipagsabi niya pa kung kani-kanino eh!
Hindi! Hindi niya sasabihin iyon. Hindi naman tsismoso si King eh.
At dahil doon sa rason na iyon, kinaladkad ko na ang sarili ko papuntang canteen kung saan nakahanda na yung lunch namin. Wala namang dahilan para ma-conscious ako kay King. Balewala na nga sa akin na hinalikan ko sa Dan Gab… sa cheeks.
Pero hindi ko talaga maiwasan na mahiya kay King. Siguro kasi baka ayaw kong magkaroon siya ng conclusion tungkol sa amin ni Dan Gab. In fact, ayokong magkaroon KAHIT SINO sa mga classmates ko kahit hinala man lang. Dahil wala talaga!
“Mommy!” pag-divert ni Bravery sa attention ko. Oo nga pala. May misyon ako. Bakit ko ba kasi pinagkakaabalahan iyon? Tama na nga.
“Hmm? Bakit?”
“Aaaaahh,” sabi niya habang nakahandang isubo niya sa akin yung spaghetti niya.
Sinubo ko naman iyon at nang manguya at nalunok ko na, “Hmmm! Sarap! Gusto mo ng chicken?” Tumango si Bravery at sinubuan ko siya ng hinimay kong manok.
Natuwa naman si Bravery sa ginawa ko. Sinabayan pa niya ng konting sayaw-sayaw habang nginunguya niya yung pagkain. Di ko mapigilang tawanan siya. Ang taas kasi ng energy niya eh.
Sa interraksyon namin na iyon ni Bravery ay nakatingin lang sa amin si Dan Gab. Maya-maya pa, tinawag niya si Bravery at binulungan. Habang ginagawa niya iyon, nakatingin siya sa akin. May masama nanamang binabalak itong isang ito.
“Mommy, Mommy! Gusto din daw ni Daddy ng chicken!”
Iniabot ko yung fried chicken ko kay Dan Gab na nasa kabilang tabi ni Bravery. Hindi pinansin ni Dan Gab yung ulam, sa halip, bumulong uli siya kay Bravery.
“Subuan mo din si Daddy, Mommy!”
“Ah, susubuan ko ba?” At hinimay ko na yung manok. “Oh, buksan mo yung bibig mo,” sinubo ko yung chicken na may kasamang rice kay Dan Gab. “Masarap ba? Ito pa, oh,” at sinubuan ko siya ng sinubuan ng manok hanggang sa mapuno yung bibig niya.
“Hahahahaha!” tuwa sa galak si Bravery sa tabi ko. Sa wakas, napatawa ko din siya.
May laman pa yung bibig ni Dan Gab nang magsalita siya pero naintindihan ko yung sinabi niya, “Honey! Kumain ka din!” Bigla niyang sinubo sa aking yung spaghetti. Nginunguya ko pa, sinundan niya agad iyon.
Ang lakas din ng tama ng isang ito ah!
Sa gitna naman namin, dire-diretso lang si Bravery sa pagtawa. “Si Mommy, ang kalat ng mukha!”
Syempre, mako-conscious na ako, diba? Kaya nga humablot agad ako ng tissue at pinunasan yung bibig ko.
“Sofia, meron pa—” At gamit ang hinlalaki niya, pinunasan ni Dan Gab ang natirang sauce sa gilid ng labi ko. Madami pa bang sauce? Bakit parang ang tagal niyang punasan. Titignan ko na sana ng masama si Dan Gab pero hindi natuloy iyon. Dahil hindi si Dan Gab ang nahagip ng mata ko kundi si King. Nakatingin nanaman siya sa amin. Nagkatitigan kami. Bigla ko din namang inalis yung tingin ko kay King at yung mukha ko kay Dan Gab. “Ubusin na natin ito.”
Nang mahimasmasan na kaming lahat, pinapunta kami sa activity hall ng orphanage.
“Mga bata, nabusog ba kayo sa pagkain?” tanong ng classmate naming si Jonna na emcee ng afternoon program.
“Oooopooooo!”
“Kung ganon, gusto niyo bang maglaro?” Mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga bata.
At sinimulan na nga yung palaro. May mga games na para sa bata lang at para sa guardian lang. yung mga nagvo-volunteer lang ang mga sumasali kaya pwedeng hindi ako sumali sa parlor games. Hindi kasi talaga ako magaling sa mga ganoon. Kahit kelan di pa ako nanalo. Naalala ko dati sa pinakamahabang hininga sa pagsasabi ng “Happy Birthday *insert name here*!” halos mamatay na ako sa pagpilit na malagpasan yung pinakamataas na score na 15. Naka 5 lang ako. Malas talaga.
Nauna yung Trip to Jerusalem. Merong bata lang, at meron yung guardians. Meron naman, sabay. Yung uupo yung bata sa lap mo, ganoon. Nagyaya si Bravery na sumali kami pero sabi ko kay Dan Gab na lang siya magpasama para manalo sila. Pero di nila nakuha iyon. Doon napunta kina Venny at sa batang inaalagaan nila. Okay lang. Madami pa namang games diyan eh. Makukuha din namin ng prize si Bravery.
Sumunod ay yung “The Boat is Sinking” na nilaro ng mga bata. Mananalo na sana si Bravery kaso sa huling round eh nawalan pa siya ng kasama sa bangkang lumulubog.
“Mommy, hindi pa ako nakakakuha ng prize,” malungkot niyang sabi.
“’Wag kang mag-alala. Ikukuha ka namin ni Dan Gab.”
“O ito na! Last game na ‘to!” sigaw ni Jonna sa mic. “Para sa guardians! Newspaper dance. Sino sasali?”
“Kami!” at hinila ni Dan Gab yung kamay ko papunta sa gitna. Hindi naman ako maka-hindi kasi nga gustong makakuha ni Bravery ng prize, diba?
Nakita kong hinihila ni Venny si King patayo. Sasali din sila?! Sana ma-out agad sila. At saka hindi naman si King yung tipo ng lalaking sasali sa parlor games. Kahit isa nga sa games kanina hindi siya sumali. Pero teka, bakit nagpapahila si King?! Please naman, King 'wag ka nang sumali. Baka mamaya buhatin mo pa si Venny. Hindi magandang sight iyon. Magagalit ako. Hindi! Hindi ako magagalit. Bahala na silang dalawa. Magagalit si Joana. Ayan. Much better.
Nang makumpleto na ng number ng kasali (10), sinimulan na yung tugtog.
♫ Ohh Ohh… 2-0-1-2 ♫
At nagsimula na ang newspaper dance. Syempre sa umpisa, madali lang. Broadsheet yung gamit eh. Nagsimula yung malakihang pagtanggal ng mga contestants noong pagdating sa ikatlong fold ng dyaryo. Pagdating sa pang-apat, binulungan ko si Dan Gab, “Hindi na tayo kasya, pano na yan?”
“Akong bahala.”
♫ Ain't i seen you before?
I think I remember those
eyes,eyes,eyes,eyes,e-e
Cuz baby tonight
the DJ got us falling in love again
Yeah baby tonight
the DJ got us falling in love again
So dance dance
Like its the last last night
of your life life
Im'ma get you rig— ♫
Nang itigil na yung music, nakatapak na yung dalawang paa ni Dan Gab sa dyaryo. Hindi na kasya yung akin. “Tapakan mo yung paa ko! Bilis!”
Hindi na ako nagdalawang isip. Tinapakan ko yung paa niya. Pero syempre, sobrang magkalapit kami. As in wala nang space sa pagitan namin, tapos yung braso niya nakayakap sa siya sa akin. Namula ako sa sobrang lapit ko sa kanya.
“O, bat ka namumula?” tukso niya.
“Wala ka na don.” Ang tagal naman ng tugtog. Patugtugin niyo na pleeeaaasssee!
“Crush mo ko no?!”
“U-umayos ka nga, Dan Gab! Sasapakin kita, sige ka.”
“Sus. Gusto mo lang uli ako i-kiss uli eh.”
Sasagot pa sana ako kaso nagsimula na uli yung tugtog.
♫ --ht
Cuz baby tonight
the DJ got us falling in love again
Keep downing drinks like this,
not tomorrow not just right now
now now now n-now now
gonna set the roof on fire,
gonna burn this mother****
down down down down d-down down
Hands up when the music drops,we both put our hands up
Put your hands up on my body
Swear i've seen you before
I think I remember those
eyes,eyes,eyes,eyes,e-e
Cuz baby tonight
the DJ got us falling in love again
Yeah baby tonight
the DJ got us falling in love again ♫
Isang paa na lang ni Dan Gab yung nasa dyaryo. Tinaasan ko siya ng kilay pero nakangiti lang siya. Maya-maya lang, binuhat niya ako.
“Huwag kang malikot kung ayaw mong matalo.”
Sinunod ko naman siya. Ang mga bagay na nagagawa ko talaga para kay Bravery…
“Ayan, mga kaibigan, dalawang pares na lang ang natitira,” sabi ni Jonna.
“Yakapin mo ako, malalaglag ka!” yinakap ko naman si Dan Gab. Dalawa na lang kaming naglalaban, hindi ko hahayaan masayang itong kahihiyan ko.
“Uy tignan niyo sina Dan tsaka Sofia, nagkakadebelopan na!” sabi ni Jonna sa mic.
Sinundan naman ito ng isang malakas na “Yiiiiheeeee!!!” mula sa mga classmates namin.
Ngiting ngiti naman si Dan Gab na parang ewan habang namumula yung mukha ko na parang kamatis.
Narinig ko lang na nagsalita si Venny. “King! Mananalo na dapat tayo, bakit mo ako binaba?”
Si Venny at si King pala ang kalaban namin.
“Ayan kita niyo na mga kaibigan, nanalo na sila pero ayaw pa ding ibaba ni Dan si Sofia,” tuloy na panunukso ni Jonna. Natauhan naman ako at nagpababa na kay Dan Gab. Nakakahiya talaga.
Sa huli, nabigyan namin ng prize si Bravery at masayang masaya naman siya doon. Sa pagtatapos ng araw namin sa orphanage, binigyan pa kami ng konting oras para magpaalam.
“Nag-enjoy ka ba ngayon, Bravery?”
“Opo Mommy. Nalulungkot nga po ako aalis na kayo. Ngayon lang ako nagkaroon ng mommy tsaka daddy tapos aalis din sila.” Nakita kong namumuo na yung luha sa mata niya.
“’Wag kang mag-alala, bibisita kami dito ng Daddy mo kapag may oras kami, ha?”
“Huwag mong kalimutan yung happy birthday na tinuro ko sa’yo ah,” ginulo ni Dan Gab yung buhok ni Bravery.
“Opo, Daddy!” Dito, tuluyan nang tumulo yung luha ng bata. Hinug ko siya. Hindi ko kasi alam kung pano ko pa siya iko-comfort. “Si Daddy din!” At lumapit si Dan Gab at sumali sa group hug namin.
“Guys! It’s time to go!” sigaw ni Sir Reyes mula sa bus.
Humiwalay kami kay Bravery. “Ingat ka lagi ah. Huwag maging pasaway kina Sister. Kain ka ng madami.”
“Tsaka pag-aralan ng maigi yung Happy Birthday,” dugtong ni Dan Gab. Tinignan ko siya “Bakit? Iyan ang maipapamana ko sa anak natin, Honey.”
Hindi ko na siya pinansin, “Ba-bye, Bravery.” At hinalikan ko siya. Sinundan ni Dan Gab. Naluluha ako. Saglit ko lang nakasama si Bravery pero na-attach na ako sa kabibuhan, kakulitan, at kabaitan ng batang ito.
“Tara na, honey.” Alok ni Dan Gab.
“Mauna ka na, susunod ako.” Gusto pa niya akong hintayin pero umalis na din siya. May kinuha ako sa bulsa ko at nilagay sa palad ni Bravery. Isang kwintas na Cross na kahoy. “Lagi kang magpe-pray kay God ah. Ba-bye na talaga.”
Ako na lang ata ang hinihintay. Pa-special pa ako. Umaakyat na ako ng bus nang malaglag yung flat shoes na suot ko. Bababa pa sana ako para kunin pero naunahan ako. Pinulot niya yung sapatos ko tapos tinignan ako. Akala ko iaabot niya sa aking yung sapatos pero sa halip ay kinuha niya yung paa ko, pinagpag yung ilalim tapos dahan dahang sinuot yung flat shoes. Biglang pumasok sa isip ko si Cinderella. Nagkaroon pa ako ng Cinderella moment.
“S-salamat.”
“Ang bagal mo kasi tsaka nakaharang ka sa daan,” sabi ni King. “Bilisan mo na para makauwi na tayo.”
Nakakainis. May Cinderella moment na nga ako sinira pa niya. Dream come true na nga, ini-spoil pa niya. Naaasar talaga ako sa kanya. 82% of the time.
• • • • • • • • • • • • •
to be continued...