Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)

1.1M 16.4K 3.7K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: December 04, 2011


Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php


SECRETLY MARRIED THE FINAL CHAPTER

"Di ka mapakali??! Pwede bang magrelax ka? Sumama ka na lang sana kay manang??!!" totoong naiiritang sabi ni Harley kay Jhone.

"Pinapalayas mo na ba ako?!" paaikot-ikot pa rin si Jhone. "Tama ba yun?? Tama ba ang ginawa mo? Pano pag iba ang naging meaning nun kay Kent? Pano kapag... kapag... HAAAYYY!!!"

"Umupo ka nga! Stop pacing! Sumama ka na lang dapat kay manang kung gusto mong makita si Isabelle. Hindi yung puro ka ganyan. Bakit ba hindi ka sumama?"

"Hindi ako sumama kasi... kinakabahan nga ako eh! Aalis na daw sila Fibboy mamaya... eh di ko pa nakakausap si Kent... Si Kent ang gusto ko puntahan eh..."

"Hwag na... Pabayaan mo na..." sagot ni Harley habang nagbabasa ng isang maliit na libro.

"Bakit ba ganyan ka ka kampante?!! Gagana ba talaga yung tactics mo? Talaga bang reverse psychology yun oh sadyang bukal sa kalooban mo ang paggiging masaya pag nagdivorce sila??" tanong ni Jhone.

"Tss... Let's just keep our fingers crossed."

"ANSAMA MOOO HINDI KA PALA SIGURADOOO!!!! Aalis na nga si Fibboy eh!!! Hooloo Pano na to!! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag wala akong nagawa!!!" tuloy-tuloy ang pagbubunganga ni Jhone sa harap ni Harley.

"Hello! Philip!!" hindi niya nakitang may tinatawagan pala si Harley. *________*

"Si Philip???!!!!" nagulat naman siya sa tinawagan nito.

"Oo... Ahh...Tonight, baka pwedeng pahandaan mo ng cameras. Sa airport... It's a big news right? Spread it to your friends? It'll be a hit!!!"

"ANONG CAMERAS??? PAKA-USAP KAY PHILIP!!!" singit ni Jhone.

"Oo..." pero hindi siya pinapansin ni Harley "7pm? So Mga ganun... Wala lang basta... Last favor... Since you can celebrate na naman dahil sa pagkalinis ng pangalan mo diba?"

"Pakausap ako!!" bulong ni Jhone sa gilid.

"Okay thanks bye..." pero tuluyan ng ibinaba ni Harley ang phone.

"Masamang nilalang si Keith Harley Vilalluz!" sumbat nito.

"Bakit mo ba kakausapin yun?" maang na sagot ni Harley "Close kayo?" balik na naman ito sa pagbabasa ng libro.

"Ay hinde! Hindi kami close! Kainis!! Pero anong meron sa camera? Anong meron sa airport?? Anong magiging HIT?"

"We will have a shoot..."

Madaming nangyari.

Hindi niya na alam kung paano nagsimula ang lahat. Hindi niya na rin alam kung paano magtatapos. Hindi niya kasi alam kung anong totoong gusto niya. Kung ano na talaga yung nararamdaman niya.

"Naayos ko na lahat anak." Sabi ng tatay niya, pagpapatungkol sa mga papeles, at ticket papuntang Italy.

"Opo..." gumanti siya ng ngiti sa ama. Ayaw niyang nagaalala ito.

Pero madaming pumapasok sa utak niya. Eto na naman kasi siya tumatakas. Naalala niya nung nakaraang debut niya, nang wala na siyang magawa at mapuntahan, ang pagtakas sa problema na lang ang ginawa niya. Sumama siya sa ama pabalik ng Italy.

"Pahinga ka na..."

Yun lang at umalis ulit ang tatay niya. Alam niyang wala na rin itong masabi sa kanya.Kailan pa ba siya nagpapahinga? Eto nga at kagigisng nya pa lang. Matagal ng kalmado ang damdamin niya. Naroon ang paminsan-minsang pagsalakay ng sakit, pero kaya niya na ang sarili niya.

Humarap siya sa bintana. Ang liwanag ng sikat ng araw. Wala na yung madalas niyang nararamdamang pagkahilo at pagsama ng pakiramdam. Napahawak siya sa tyan niya, sabay ng pagbigat ng kalooban niya. Heto na naman siya, tatakas sa mga problema. Aalis ng bansa.

Tama ba to? Tama ba ang gagawin ko?

May narinig siyang nag-doorbell. Bago niya pa namalayan, tumatakbo na siya para buksan ang pintuan.

"Oh? Manang?" sabi niya ng makita si manang Lourdes na nakatayo.

Pinapasok niya ito sa loob. Gaano katagal niya na ba hindi nakikita si manang? Oras? Araw? Hindi niya na namalayan. Ayaw niya mang isiping may inexpect siya na mapagbuksan sa pintuan bukod kay manang, pero sa tingin niya ay meron, kaya medyo nakonsensya siya. Niyakap niya ang kaharap.

"May inaantay ka yata??" tanong ni manang. Nabasa yata ang pagkagulat niya ng nakita niya ito.

"Ahhh.. H-hindi po..." pagdadahilan niya "Si Jhone po kasi... di ko pa nakikita."

Alam niya. Half-baked truth.

"Kamusta ka na?" mabuti na lang at nagtanong ulit si manang habang pumapasok sila sa loob.

Di niya alam ang isasagot niya. Ayaw niya sabihing okay na siya dahil hindi naman talaga. Pero wala na rin naman siyang malabas na sama ng loob. "Aalis na po kami ulit ng papa..."

"Ganun ba?? Mag-iingat kayo..."

Sa totoo lang. Nagulat siya sa isinagot nito. Hindi na ba nito ipagtatanggol si Kent? Suko na rin ba ang lahat katulad niya? Baka nga tama talaga ang ginagawa niya, ang isipin ang sarili at lumayo.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?

Sa isip-isip niya. Para kasing may mali pa rin? Nasanay na ba talaga siyang pilit na pinagtatanggol ng lahat ang relasyon nila kaya ngayong, sumasangayon na ang lahat sa kanya, simula sa ama, at kay manang, ay iba ang nararamdaman niya?

Naninibago lang ako... Pero ganito talaga, kailangan na masanay. Naninibago lang ako kasi hindi na magulo... Hindi na komplikado...

"Kayo din po... Mamimiss ko po kayo..."

"Hwag papabayaan ang sarili ah..."

"Opo..." parang maiiyak na naman siya kahit parang naubos na lahat ng luha niya sa mga oras na iniyak niya. Kaya pinigilan niya yun. Lalo pa ngayong hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

Shit naman!!! Ano bang gagawin ko?? Ayaw mo na ba talaga sa akin Phoebe?? Sasama ka ba talaga sa Villaluz na yun kung sakali? Ganun lang ba kadali ang lahat?Magiging masaya ka na ba pag ganun? Mag-isa na lang siya sa bahay nila. Nababagabag pa siya sa mga sinabi ni Harley sa telepono kanina. Naibato niya sa labas ang telepono, pero ngayon, nagpasya siyang pulutin ulit ito.

"Kent!!" nagulat siya ng may tumawag. Si Mel.

"Hello... I'm sick... I don't have time to talk, Cancel mo na lahat ng schedule kung meron..." evasive siya, Tinry niyang kaswal na pumasok sa loob.

"Kent... marami nang nangungulit! Galit na ang CEO!! Sobrang dami ng issues!" pahayag ni Mel ng sa wakas ay nahuli niya si Kent sa bahay nito.

"Bahala ka na! Trabaho mo naman yan eh... Kaya mo na yang lusutan! Kahit ano ng sabihin mo!" singhal ni Kent.

"I can't do this alone! Ang dami-daming kumakalat na issue! Bakit daw naospital si Phoebe? Bakit daw si Elisa din nasa ospital? Bakit daw dinugo si Phoebe sa school niyo! Anong sasabihin ko??!! Eh ako nga hindi ko alam lahat? Binabantayan ang buhay mo ng lahat ng tao Kent! You can't just go away and pretend nothing's going on. Showing pa rin ng movie niyo ngayon!!"

Napahinto si Kent, sobrang gulo na ng lahat, at hindi niya alam kung saan dapat magsimula.

"SCREW THE MOVIE!!!" sigaw niya na ikinagulat ng kausap "Ayoko na...I lost a child, now I think I'm losing her..." sabi niya habang nakatalikod pa rin kay Mel.

Di naman nakasagot ang manager. Halatang nabigla sa mga kompirmasyon ni Kent.

"So it's true?? The rumors are true... That she's leaving tonight? And you're just letting her go?" makahulugang tanong ni Mel kay Kent

Napaharap siya.

"ANO??"

Paalis na sila. Kanina pa siya nagpaalam kay manang na siyang tanging dumalaw. Ni hindi niya nakita si Jhone para makapagpaalam. Ayaw niya na rin namang tumwag para dito.

"Ready??" tanong ng papa niya. Parang naninibago siya sa mga pangyayari. Talagang hindi pala siya sanay na ganoon kaswabe na lang ang nangyayari. O sadyang nakukulangan lang siya? Pero wala na kasi siyang magagawa. Yung landas na yun ang ibinigay sa kanya ng pagkakataan. Ang gagawin na lang niya, ay maglakad.

"Opo..."

Nagpaalam na siya sa lahat ng nakikita niya sa labas mula sa kinauupuan sa taxi. Lahat ng nadadaanan, mga kalsada, mga puno. Gusto niyang umuwi sa bahay nila ni Kent para makuha ang gusto niyang dalhin. Makapagpaalam sa mga gusto niyang pagpaalaman. Pero para saan pa? Hindi ba magbabagong buhay na siya? Hindi ba kailangan kalimutan na lahat? Hindi niya man sigurado kung hindi na talaga siya babalik, sumasakit na ang dibdib niya. Ang hirap iwan ang lahat-lahat ng nakikita niya ng basta-basta. Lalo na ang mga hindi niya na makikita pa.

Bago niya pa namalayan, nasa airport na sila. 2 hours pa ang hihintayin bago ang flight ng eroplano nila pero kailangan na nilang nandoon para sa airport check-in.

Lahat na nagawa niya para maglibang sa natitirang oras. Binilang niya na ang mga dumadaaang mga tao, naglaro na siya sa sariling telepono. Makailang ulit na tinignan at chinek ang mga dala-dala. Pero inip na inip pa rin siya. At hindi naman sila gaano naguusap ng ama.

"Gutom ka ba?" tanong sa kanya ng tatay niya na nakatayo ngayon sa harap niya.

Umiling siya. Wala na silang maayos na paguusap ng ama simula ng magkasama sila. Hindi niya alam kung natatakot ba itong kasuapin siya o, wala lang talaga itong masabi sa mga nangyayari. Kumain naman sila kanina at alam naman nitong hindi siya gutom.

"Sabihin mo lang kung nagugutom ka, meron namang mga termina concessionaires diyan..." umupo ulit ito.

"Di po papa..." Tumayo siya. "CR lang po ako..." naglakad siya papalayo. Nakakahiya dahil nagkakailangan sila ng tatay niya. Nakita niya rin ang CR at pumasok siya doon kahit wala namang rason. Humarap siya sa salamin. Ngayon lang yata niya nakita ang sarili niya matapos ang ilang araw.

Tinignan niya ang repleksyon niya. Pumayat siya. At wala siyang mabasang emosyon... Kaya siguro naiilang kahit na ang tatay niya.

"Talaga bang... nagbago ka na Phoebe..." sabi niya sa sarili niya. Dahil kahit siya, parang hindi niya na makilala ang sarili niya.

Naghilamos siya ng mukha at balak niya na ring lumabas agad ng may magsalita.

"Don't go..." sabi ng babaeng papasok sa pintuan ng banyo.

Hindi niya alam ang unang sasabihin at irereact niya. Dahil sa lahat ng ineexpect niya na makikita niya... na pipigil sa kanya. Ang nasaharapan niya ay si Elisa.

Nandoon ang galit... Pero mas nangibabaw ang pag-iwas. Marahas niyang itinapon ang tissue na ipinamunas niya sa mukha kanina at iniwasan ito. Madami siyang tanong. Pero ayaw niya ring sagutin mag-isa.

"Excuse me.."

"I'm sorry okay???!!!" humarang si Elisa sa dadaanan ni Phoebe.

"Get off my way..." ayaw niya ng makipag-away dito. Dahil noong huli lang, sa mismong banyo rin, and dahilan ng pagbagsak ng buhay niya."

"I THOUGHT YOU LOVE KENT!!!" sigaw nito. Mabuti na lamang at walang ibang tao.

Natigilan siya. This is not the Elisa that she knew.

"Eh ano ngayon? Eh anong nangyari sa pagmamahal na yun?" pagpapamukha niya dito.

"You might not forgive me... dahil I'm so rotten... and I have fallen in love with the wrong man... your man..."

"Alam mo naman pala eh..."

"Pero give yourself a chance to be happy... Andaming nagmamahal sayo oh! You have that Jhone... your bestfriend, you have Villaluz!... tska nandiyan si Kent... You're so lucky you know?"

Hindi niya maintindihan si Elisa. Isa na naman ba ito sa katusuhan nito?

"Don't talk to me okay??" pinilit niyang lagpasan ito. Palabas.

Pero nagulat siya ng maraming tao ang nasa labas.

Mas marami kaysa kanina. At ang napansin niya, may ilang mga camera. Nakita na naman niya ang sarili niya ilang bwan lamang ang nakakaraan. Lumalabas ng airport, inaakusahang hooker at pinagkakaguluhan ng press. Inaakusahan ng kung-ano-ano. Dali-dali siyang nagtago. Papasok na ulit sana siya ng CR ng maalala niyang nandoon nga pala si Elisa kaya naghanap siya ng ibang mapupuntahan. Nang may marinig siyang boses... Malakas na boses na nanggagaling sa intercom.

"Phoebe..." pakiramdam niya paos na siya. Napakahigpit ng sistema ng airport na yun... Pero marahil na-intimidate ang front desk agent sa kanya. At napapayag siyang pagsalitain sa airport intercom system. Pero ngayong nagsasalita na siya at nairinig ng buong paliparan, parang wala siyang masabi.

"Phoebe..." ulit niya "Alam ko naririnig mo ako..."

Tumingin siya sa paligid. May mga ilang hinahanap ang nagsasalita. Ang iba naman ay nakatingin na sa kanya. Nahanap na siya ang nagsasalita sa intercom.

"Phoebe ko... Hwag ka na umalis... Please..."

May mga ilang natatawa. Iniisip marahil na mukang tanga ang ginagawa niya. Ang iba naman ay napapakamot dahil na-istorbo ang pakikinig sa mga intercom announcements ng flights at kung ano-ano pa.

"Phoebe Isabelle... I'm so sorry... Hindi ko kaya, hwag ka ng umalis. I know it'll be hard, pero patawarin mo na ako. I promise I'll make it up to you!!! Mahal kita. Do you hear me? I love you baby ko..." gusto niyang sumigaw para siguradong maririnig ni Phoebe ang lahat ng katangahang ginagawa niya ngayon sa lahat. Gusto niyang lumabas ito ngayon, sa harap niya. Pero wala Phoebe na lumalabas. Marahil naririnig man iyon ni Phoebe, pero hindi na siya pinapansin.

Aalis na sana siya dahil nakakahiya na rin sa mga tao at sa mga desk clerks na nagbigay sa kanya, nang may makita siya.

Hindi si Phoebe, pero mga camera. Mga reporter.

Ang unang naisip niyang gawin ay magtago. Ayaw niya na ng mga intriga. Ayaw niya munang magpaliwanag sa mga ito. Ayaw niya ring madungisan na naman ang pangalan ni Phoebe sa lahat.

"Anong masasabi mo sa pag-alis ni Phoebe?"

"Anong mga nangyari noong nakaraang araw?"

"Meron bang 3rd party?"

"Nakunan nga ba si Phoebe Bernal?"

Sunud-sunod ang mga tanong. Hindi niya alam kung saan nagmula ang mga ito. Pero hindi niya namalayang inaabot niya na pala ang isang mikropono. Kasabay ng pagsasalita muli sa tapat ng intercom.

Hindi para sagutin ang mga tanong ng mga mapangusisang reporter. Kundi para may sabihin... sa lahat. Sa lahat ng nasa airport. Sa lahat ng makakarinig at makakita. Hindi niya binalewala o pinaalis ang mga kamera. Pero ginamit niya ang mga iyon sa gagawin niya.

Wala ng oras. Aalis na si Phoebe. Mawawala na ito sa kanya. Wala na siyang maisip na gagawin. Iyon na lang ang kaya niya.

"When we were still kids... I always think you are the most beautiful girl in the world..." nakita niyang tumatango-tango ang mga reporters pageencourage sa kanya na magsalita. Ilang araw ring walang narinig sa parte niya. Kaya uhaw ang mga ito sa balita. Na kahit kung ano-ano ang sinasabi niya at halatang hindi naiintindihan, tutok pa rin ang mga ito.

"Alam mo kung bakit? Kasi aside from my late mom, ikaw lang ang nakilala kong babae. And I grew up knowing you'll be there forever. Kahit anong gawin ko. Phoebe! I'm sorry for being a selfish git! For being so disregardful of your emotions. Sorry! for always thinking about myself, just myself, first when it should have been the other way around. I just thought, no matter what I do, you'll never leave my side. Pero mali... I shouldn't have taken you for granted. Hindi ko dineny, na mahal talaga kita, dati pa... Even before our marriage."

Nakarinig siya ng collective gasp. At alam niyang marami siyang audience.

"Yes people... Five years ago, I've been married to the most splendid girl I've ever met. But I've never been a good husband. Baka nga, I'm not even worthy to be called one. I've denied her. I've forsaken her. But Phoebe... that's because I thought I was protecting you. And I thought I was right. And if I'm just man enough before to tell everyone... to tell infront of their faces that how I'm lucky to have you as my wife, I would. If I can just turn back time... God know I would."

Tinitignan niya ang mga tao. Walang gumagalaw. Hindi na niya aam kung nasaang parte ba si Phoebe. Kung naririnig ba nito ang lahat. Kung lalabas ba ito at sasagot sa kanya. Kung yayakapin ba siya at papatawarin.

"I'm sorry for being so worthless for you. For not being there everytime you need me. For always shouting at you, for always pointing out your every wrong deeds. Pero sa totoo lang, wala lang naman yang mga pagkakamali mo, yang mga kengotan mo, sa mga nagawa ko eh sayo. Dahil hindi ko man lang nasabi sa lahat. How I'm proud of you. How I'm always jealous. How I'm always happy with you. Hindi ko man palaging nasasabi, pero I'm happy watching you smile, laugh, walk, live your life... I'm always so happy. If I see you smiling, I'll smile more, if I see you crying, I'll cry even more. Mahal kasi kita. At kahit mahirap man paniwalaan dahil sa mga nakita mo... sa mga naintindihan mo. Ikaw lang... Ikaw lang talaga...

"Sir... kailangan niyo na pong umalis. Naantala na po ang ilang announce ments."

"Sandali na lang!"

Nagulat din ang babae sa pagsigaw niya.

"We lost our little angel.." hindi niya pinansin ang babae "at alam kong kasalanan ko rin yun. If only I have told you we had that scene in the movie, and if only I wasn't so jealous that time, I couldn't have done that with Elisa!" ayaw niya sanang idamay yun sa mga sinasabi, pero kusang lumabas sa bibig niya. Desperado na naman siya.

"Sir..."

"They said you misunderstood something! Elisa was your blood donor!!! That's why I'm there in her room! I know you detest her! Pero I still owe her something. I owe her you... I owe her my life... That's about it baby ko..."

"Sir, nagagalit na po ang—"

"I need you Phoebe... I need you so much baby... I need you because I love you..."

Wala na siyang nagawa... Umalis na siya sa likod ng desk. Inaawat na rin kasi siya ng mga clerks. At lampas na ang oras. Walang Phoebe na nagpakita. Marahil hindi niya napansin na dumaan na ito. Tinaguan siya. Walang pakialam sa katangahang ginawa niya sa harap ng lahat. Hindi niya na rin alam kung paano siya nakaalis sa harap ng mga reporters na yun. Sa harap ng maraming tao.

At least you did your best... you gave your best. Sinasabi niya sa sarili niya habang nakasakay sa cab. Hind niya na kinayang magdrive. Baka may magawa lang siya sa sarili niya.

It is without a doubt. Ang pinaka-down na parte ng buhay niya. Weak. Helpless. Fool. Pointless.

Marami siyang natatanggap na tawag sa telepono niya. Natawa na lang siya ng binasa ang huling text kanina.

*

|From: Elisa|

I'm so sorry... Hindi ko na rin siya napigilan... Sorry Kent... I'm sorry forever....

*

Binuksan niya ang bintana at tinapon sa labas ang telepono niya. Wala na namang iyon silbi eh.

Dumating siya sa gate ng village at bumaba. Halos ibigay niya na ang buong wallet niya sa taxi driver pero sadyang bukal ang kalooban nito at ibinalik sa kanya ang sobra. Nilakad niya na lang papunta sa bahay nila ni Phoebe... na ngayon ay bahay niya na lamang mag-isa.

She didn't hear me...

She did not even put an effort to listen...

What's life...

Without her?

Di niya alam kung paano niya nalaman na narating niya na ang bahay nila gayung hindi siya nakatingin sa nilalakaran. Basta-basta niya na lang binuksan ang gate. Marahil nandoon na si manang, pero di siya nagabalang katukin pa ito sa kwarto niya sa baba.

Tinanggal niya ang unang butones sa polong suot-suot niya. Sikip na sikip na siya. Sa lahat. Parang wala na lang siyang magawa. Di na siya nagabalang buksan ang ilaw sa baba. Sa tingin niya kasi ay makikita niya lang si Phoebe sa lahat ng parte ng bahay.

Nakahiga na parang bata sa sofa. Kumakain ng marami sa kusina. Nakasalampak sa sahig at naglalaro ng kung anu-ano kesa nagaaral.

Sa hagdan, parang ayaw niya ng maalala.

Pag akyat niya ayaw niya sana, pero dinala siya ng mga paa sa kwarto nito.

Sa dating kwarto nito. Nung una, nakita niya na naman sa lahat ng sulok si Phoebe.

Palagi na lang siyang nagbabalik-tanaw.

Pero wala naman talaga...

Wala na kasi doon si Phoebe.

Wala na siyang engot na makulit at selosa.

This will be empty forever... Will it be?

Tinignan niya ang mga gamit sa loob ng kwarto. Halos walang nagalaw. Hindi man lang bumalik si Phoebe para balikan ang mga bagay na naiwan.

Ang project nito na ginawa niya dati ay nandoon pa.

Ang mga ilang tuyong bulaklak na ibinigay niya ay nandoon din.

Ang sakit.

Ang sakit lang ng puso niya kaya dali-dali niyang sinara ang pinto. Para lang niyang pinapahirapan ang sarili niya habang nakikita niya ang mga gamit nito.

Ayaw niya na sanang dumilat, dahil palagi na lang niyang nakikita si Phoebe sa lahat ng sulok. Lahat ng parte ng bahay ay nagbibigay sa kanya ng ala-ala. Hindi sa ayaw niya, pero kasabay nun, ay isang paalala, na wala naman talaga ito.

Naisip niya, kaya rin siguro palaging naiiisp ni Phoebe na umalis, dahil ganoon din ang nararamdaman, kapag nasasaktan. Kaya gusto niya na ring umalis.

Tatanngapin niya na lang ba? Na wala na? Pag sinundan niya ba ito, at ganun pa rin ang sasabihin niya, may mangyayari pa ba?

Pumasok siya sa kwarto niya...

Noong una akala niya namamalikmata na naman siya. Na nakikita niya na naman ito gawa ng balik-tanaw.

"Phoebe??"

Nakaupo ito sa kama niya. Tumakbo siya papunta rito para mapatunayang hindi lang yun isang ilusyon.

"I thought you left me!!!" sigaw niya. Hinaplos haplos ang mukha nito. "How come you're here!?!?!??! Umalis na ang eroplano ah!! Is this true??? Akala ko hindi mo ako narinig, bakit hindi ka nagpakita kanina???"

"Ayoko sa press... but I heard you... I heard everything.." yun lang ang sinabi ni Phoebe at yumakap na sa kanya.

Nagyakap sila ng matagal. Hindi niya na alam kung ilang oras sila sa ganung ayos. Walang matinding paliwanagan. Ang mga puso na lang nila ang nag-usap, at nakaintindi sa lahat.

"Thank God..." bulalas niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. He thought he lost everything.

"I love you Kent."

Yun ang pinakagusto niyang marinig na bubura sa lahat ng sakit at kaguluhan.

"I love you more... Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella... You're mine okay? We're still married..."

"Di mo na ako papakasalan?" makahulugang tanong ni Phoebe.

Ngumiti siya. Ang unang totoong ngiti matapos lahat ng nangyari.

"Of course..." tumayo siya. Kinuha ang matagal niya ng tinatago sa kahon Nilabas niya iyon "You'll marry me again okay??? You'll marry me again.." sinuot niya sa kamay nito ang singsing.

"Hanggang ngayon, bossy ka pa rin... Command talaga?"

"Sorry... I just donn't to lose you... Never again..."

"We'll marry after we graduate... Okay?" sabi ni Phoebe.

Kumunot ang noo niya. Kanina lang inuudyok siya nito sa pagpapakasal. Ngayon naman dinedelay nito.

"Bakit?"

"Maybe God has his reasons why he took Junjun with him, mahirap sigurong mag-aral ng may anak... Ganun na rin sa seryosong pag-aasawa..."

"But we're married!" sabi ni Kent.

"You said our marriage is void here in the country!" alma ni Phoebe. Hanggang ngayon, nagtatalo pa rin sila.

"Engot ka talaga... We're still married... Matapos kong iaannounce sa lahat na kasal tayo!!"

"Totoo ba lahat ng sinabi mo kanina?" tanong ni Phoebe.

"Mukha na nga akong tanga nagduda ka pa"

"Sabihin mo ulit."

"Totoo lahat yun Phoebe... The fact that I love you... And we are not anymore... SECRETLY MARRIED"

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
91.6K 2K 13
Megan Elizalde, an independent woman who loves to play with people's feelings. She loves to see them suffer because of love. She's merciless, she's c...
131K 3.4K 12
"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Uno...