A Wife's One-Sided Love (Publ...

By MissSONE

7.7M 74.5K 14.7K

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages store... More

PROLOGUE
Chapter 1 (Currently Revising)
Chapter 2 (Currently Revising)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18 (Part 1)
Chapter 18 (Part 2)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
A Challenge To Allison....
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue

Chapter 17

196K 1.8K 253
By MissSONE

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

 

-------Unedited and unrevised Version-----------



Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko,feeling ko tinatamad ako,parang wala akong kagana-ganang tumayo sa higaan.Masyado lang siguro akong napagod sa date kuno namin ni Tristan kagabi. Nakapikit kong kinapa-kapa ang kama para hanapin si Tristan ngunit ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng mapagtantong wala na pala akong katabi.

"Dhie? Asan ka? Tristan?" medyo inaantok pa na tawag ko sa asawa ko dahil sa pagbabakasaling nasa cr lang siya ngunit walang sumasagot. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagkatapos ay nagpalinga-linga ako sa buong kwarto ngunit hindi ko nakita si Tristan.

Asan 'yun?

Inayos ko lang sandali ang sarili ko at pagkatapos ay bumaba na rin ako ng kwarto,dadaretso na sana ako sa dining room nang marinig ko ang ingay ng pagtampisaw ng tubig na nanggagaling mula sa pool area kaya naman agad akong nagtungo roon. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko roon si Tristan na abalang lumalangoy sa ilalim ng pool na animo'y isang professional swimmer.

Sumandal at humalukipkip ako sa glass door saka masayang pinagmasdan ang asawa ko.Kasalukuyan na siya noong nakatayo sa dulo ng pool at abalang pinupunasan ang mukha at pagdaka'y itinaas niya pa ang kanyang mga palad at hinawi naman non ang kanyang basang buhok na humaharang sa kanyang mukha. Sa ganung senaryo ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapanganga habang tulalang nakatitig sa hubad-barong katawan ni Tristan. Three words to describe and he's OH-SO-HOT. Bakit nung naghagis ang diyos ng ka-gwapuhan, ka-sexy-han, katalinuhan eh sinalo lahat ng asawa ko? Bakit? Ang PERFECT niya tuloy sa paningin ko!

"Wag masyadong katitig Mhie, baka matunaw ako niyan. Mukang ang ganda yata ng gising mo ah?"

 Tila bumalik sa kamunduhan ang tulala kong diwa nang marinig ko ang tila nanunudyong wika ni Tristan, nakasandal ang mga siko niya sa edge ng pool habang nakangising nakatingin sakin.Napangiwi na lang ako.

"Parang ang sarap ipambato ngayon ng mga nagkalat na paso dito."
    banta ko sa kayabangan niya. Walang boses na napatawa siya, para bang tuwang-tuwa pa ang loko na nakikita akong nagagalit.

"You look more beautiful when you're mad."


"So kaya ba lagi mo akong ginagalit?"

"Lagi ka namang galit eh."

"Tsk.Tara na kumain na nga tayo,nagugutom na 'ko."

"Kaya ka nananaba eh, pagkakagising mo pagkain agad nasa isip mo." panloloko niya.

"AYAN KA NA NAMAN FONTANILLA HUH!"

Tumawa lang siya.

"Mamaya na tayo kumain, c'mon, samahan mo muna ko ditong mag-swimming."
      aya niya.Pinandilatan ko lang siya ng mata at pagdaka'y dinilaan na parang bata.

"Mag-swimming kang mag-isa mo at kakain ako mag-isa ko! Dyan ka na,baliw."

Tatalikod na sana ako para pumunta ng dining room nang bigla niya akong tinawag.

"Fine.Aahon na 'ko.Sabay tayong kakain,paabot na lang nung towel."

Napangiti ako. GOOD DOG. Pumihit muli akong paharap para kunin ang towel niya.

"Oh, bilisan mo." Inabot ko ang towel kay Tristan na noo'y nakahawak na sa handrail ng pool at akma ng aahon. Nang nasa aktong aabutin na niya ang towel ay natigilan ako ng makita ko siyang pilyo na ngumisi sakin.

"Good Morning, Mama Mhie ko!"

Huli na ng mapagtanto ko ang balak niyang gawin dahil mabilis na niyang nahawakan ang kamay ko at sa isang iglap ay nahigit niya ako.Kasabay ng pagtili ko ay ang pagbagsak naming dalawa sa pool.Habol ko ang hininga ko ng iahon ko mula sa ilalim ng tubig ang ulo ko. Sunud-sunod na inihit ako ng ubo dahil sa tubig na pumasok sa ilong ko.

"Walang... walangya ka talaga! Bal.... baliw! Waaaaaaaaaah! TRISTAN!"
    sigaw ko sa pagitan ng mga ubo ko habang hinahampas ko si Tristan sa magkabila niyang balikat. Tawa lang ang isinagot niya sakin at masayang halakhak niya ang nangibabaw sa buong pool indoor.


Manang Elly's POV

"Rhea, pakitawag mo na nga ang mag-asawa at sabihin mo'y kumain na, aba tanghali na hindi pa sila nag-uumagahan." aking utos sa isang katulong dito.Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga kasangkapan sa kusina nang maalala kong hindi pa nga pala nag-aamusal ang dalawang iyon.

"Manang Elly ano ho kasi, nasa pool po kasi sina Mam Allison at Sir Tristan."
   sagot ni Rhea na noo'y abalang nagliligpit ng mga pinggan sa lababo.

Naitigil ko ang ginagawa ko at matamang tiningnan ko si Rhea, nakita kong nakangiti siya na animo'y kinikilig, saglit na ipinagpaliban ko ang ginagawa ko at lumabas ako ng kusina para dumaretso sa pool area. Papalapit pa lamang ako sa nasabing lugar ay rinig ko na agad ang mga masasayang halakhakan ng mag-asawa roon. Kaysarap pakinggan. Sumilay ang mga masasayang ngiti saking mga labi ng mapanood ko mula sa likod ng glassdoor sina Tristan at Allison na noo'y tila mga batang munti na masayang naglalaro sa tubig ng swimming pool. Bahagya pa akong napatawa ng kargahin ni Tristan si Allison sa kanyang mga balikat,naghihiyaw naman ang huli sa takot na baka mahulog.

"Napakagandang senaryo, ano Manang?"


Mabilis akong napalingon nang pumukaw sa atensyon ko ang boses ng matandang lalaki.

"Kanina ka pa ba dyan Roberto?" tanong ko sa ama ni Tristan na noo'y masayang nakatitig sa harapan.

"Ang totoo niyan,kanina pa ako pabalik-balik dito dahil gusto kong panoorin ang dalawang batang iyan.Napakasaya nila. Parang kailan lang eh pinapalo mo pa sila dahil lagi silang nag-aaway na dalawa,pero tingnan mo ngayon, halos sugurin na sila ng mga hukbo ng langgam dahil sa sobrang ka-sweet-an nila." tatawa-tawang biro ng kasama ko.Napatawa na rin ako.

"Nung ikinasal silang dalawa, parang ang dami ng nagbago, parang tila nagkaron ng sigla at buhay ang mansion na 'to. Tingnan mo nga iyang anak mo, dati rati ang sipag pumasok sa trabaho halos doon na nga tumira sa opisina niya, eh ngayon? Ayan lagi nang nakadikit sa asawa." biro ko at mahina kaming naghalakhakan na dalawa. Saglit na katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa habang nakatuon pa rin ang aming mga paningin sa nagkakatuwaang mag-asawa.

"Sigurado ako,masayang nanonood ngayon sa itaas ang mga magulang ni Allison at ang aking asawa.Sigurado akong tuwang-tuwa sila ngayon sa nakikita nilang unti-unting pag-kakasundo ng mga anak nila. Haaaaay,apo na lang ang kulang at pag nagkatao'y masaya kong iiwan ang mundong 'to upang makasama ko na ang aking mga kaibigan at ang aking asawa.Masaya kaming magkukwentuhan doon."
bagaman nakangiti ay hindi naman maitatago ang kalungkutan sa mga mata ni Roberto.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Roberto!" saway ko sa kanya, sa tono kasi ng pananalita niya ay parang ramdam na niyang malapit na siyang magpaalam. Sumeryoso na ang mukha niya.

"Matanda na 'ko Manang, mahina na rin. Walang nakakaalam kung kailan niya 'ko kukunin lalo na't alam nating traydor ang sakit kong 'to. Sana nga'y hayaan pa 'ko ng Panginoon na masilayan ang magiging apo ko kina Tristan at Allison, kaytagal kong pinangarap na makalaro balang araw ang magiging anak nila habang masaya kaming naghabulan sa buong mansion.Napakasarap siguro sa pakiramdam noon." malumanay na wika niya habang nakangiting nakatitig sa itaas na tila ba ini-imagine ang pangarap niyang iyon,halata na sa kanyang mga mata ang pangingilid ng mga luha niya roon. Ibinaling ko na lang rin sa pagngiti ang aking sarili upang pigilin ang nakaamba ring pagtulo ng mga luha ko.

"Tandaan mong hindi ka pa pwedeng mawala dahil gagabayan mo pa silang dalawa sa mga haharapin pa nilang mga problema sa buhay. Hindi ko 'to kayang mag-isa, kailangan mo pa 'kong tulungan." pampalakas-loob ko sa kanya.Malungkot na ngiti lang ang isinagot niya sakin at pagdaka'y nauna na siyang umalis. Pabalik na sana akong muli sa kusina nang makasalubong ko si Ellaine na may dala-dalang mga papel.

"San ka pupunta Ellaine hija?"

"Kay Tristan po, may ididiscuss lang po ako sa kanya about sa company."

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Ellaine, may ginagawa pa ngayon si Tristan."

Nakita ko kung pano siya tumingin sa may direksyon ng pool area na para bang alam na alam niyang naroon si Tristan at base sa itsura niya ay parang gusto niyang ipaalam na wala namang kwenta ang ginagawa ng huli.

"P-Pero urgent ho ito Nang, kailangan na ho----"

Hinawakan ko lang siya sa mga kamay niya at seryosong tumitig sa kanyang mga mata.

"Mamaya mo na lang sabihin sa kanya 'yan. Sa ngayon, may pinagkakaabalahan pa si Tristan, Ellaine. Mas mahalaga pa kaysa sa kompanya at kahit na anong pang materyal na bagay sa buhay niya."

Kita ko sa mga mata ng kaharap ko ang pinaghalong lungkot at hinanakit ng sabihin ko 'yun sa kanya, nang mahalata niya siguro na napansin ko 'yun ay nagmadali na itong umalis. May halong pagdududa na napasunod na lang ang mga paningin ko sa palayong direksyon niya.

Sa loob ng ilang dekadang paninilbihan ko sa pamamahay na 'to ay alam ko na ang bawat karakter ng mga nakatira dito. Alam at ramdam ko kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang may inililihim. At kung sino at ano man iyon,ay 'yun ang aking oobserbahan at aalamin.

   

Allison's POV

Pagkatapos naming maligo ng sabay at magbabad ng matagal sa pool ay umahon na rin kami dahil baka raw sipunin pa ako sabi ni Tristan. So pagkabihis namin ay kumain na kami ng tanghalian dahil alas-onse ymedia na noon. Dahil wala kaming pasok na dalawa ay marami pa kaming ginawa maghapon, katulad na lang ng pagbe-bake ng mga cookies sa kusina, naglaro rin kami ng playstation, nagtakbuhan pababa at paakyat sa hagdanan kapag nagkakapikunan, naglaro rin kami ng scrabble 'yun nga lang tawanan kami ng tawanan dahil kung ano-anong kalohokang word ang inilalagay niya, at nang bandang pa-hapon na ay nagpahinga na rin kami. Tila kapwa pagod na magkatabi kaming humiga sa kama at doon masayang nagkulitan, naroong nangingiliti siya at maya't-maya ang pagpugpog niya ng halik sa iba't-ibang parte ng mukha ko. Nakakatuwa lang na maghapon naming kasama ang isa't-isa, na walang minuto na hindi kami magkasama, 'yung tipong naghihiwalay lang kami kapag magsi-cr kaming dalawa.

   

Sana ganito na lang kami araw-araw,pero imposible dahil nagtatrabaho siya habang ako naman eh nag-aaral kuno. Tulad ngayon, nagpaalam siya sandali sakin para pumunta raw saglit sa office room niya dahil may aasikasuhin daw siyang urgent, pano kasi, umepal na naman si Ellaine slash palakang kokak! 'Yung babaeng 'yon, malapit na talaga 'kong mapuno sa kanya! Masyado niyang ipinahahalata na ayaw niya kaming makitang masayang magkasama ng asawa ko. Inggiterang palaka! Ang sarap niyang tuhugin at iihaw sa nagbabagang uling tapos gagayat-gayatin ko siya ng pino at ipapakain sa pusa! Naudlot ang pag-iimagine ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Cassie.

"Oh? Napatawag ka?" bungad ko sa kabilang linya. Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang marinig ko ang malakas na tili ni Cassie na para bang kilig na kilig. Nabasag yata eardrums ko.

"Hoy Cassie! Tumawag ka lang ba para tilian ako! Baliw ka ba huh? Huh? Naka-drugs ka yata eh."

   

"Waaaaaaaaah! Allison! Allison my lovey-dovey bestfriend! Let's meet tonight! May good news ako sayo bestfriend! Iiiiiiiih! Dali, kita tayo ngayon!"
    kinikilig na saad niya, nagtatatalon pa nga yata eh.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis o mawi-weird-uhan ako sa kanya, OA huh?

"Kdot, san tayo magkikita?"

"Sa bar, sagot ko lahat!"

Aba tingnan mo nga naman mukang good na good nga ang news niya dahil manlilibre siya, siya na dakilang kuripot at makunat pa sa belekoy eh manlilibre?

"LIBRE? As in FREE as in TREAT mo? Ok sang bar ba 'yan? Game, haha let's meet!"


Matapos kong magpaalam ng pahirapan kay Tristan eh sa huli'y pinayagan niya na rin akong makipag-kita kay Cassie. Nung una'y ayaw akong payagan ng magaling kong asawa dahil ayaw niya raw, basta ayaw niya raw, pero wala naman na siyang nagawa nung nakapagbihis na 'ko, at isa pa nangako naman ako na uuwi ako ng maaga eh. Pagdating ko sa bar na sinabi sakin ni Cassie ay dumaretso agad ako sa loob, bumugad agad sakin ang mga umiikot na disco light at maingay na tugtugan at daldalan ng mga nasa loob. Naglibot ako sa mga upuan hanggang sa nakita ko nga si Cassie na nagsosolong nakaupo at naghihintay sa isang couch, masayang umupo ako sa harap niya. Masaya ako hindi dahil sa manlilibre siya, siyempre kaibigan ko pa rin naman siya kaya mas interesado ako sa good news na sasabihin niya.

"KAMI NA NI JHAY!"


Muntik ko nang maibuga ang noo'y iniinom kong tequila nang marinig ko ang sinabi ni Cassie, mabuti na lang at mabilis ko iyong nalunok. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya.

"T-T-Talaga!"
   napasigaw ako dahil sa pinaghalong gulat at tuwa sa balita niyang 'yon.Woah! Hindi ako makapaniwala.

"Totoo Allison! Nagtapat na siya sakin kagabi."
   walang paglagyan ang kasiyahan sa itsura ni Cassie, para siyang nanalo sa lotto. Nagkuwento pa siya sakin tungkol sa lahat ng nangyari kagabi nung nagtapat sa kanya si Jhay, hindi niya raw inakala na may pagka-romantiko naman daw pala ang lalaking 'yun,pinaghandaan daw talaga nito ang gabing 'yon para sa kanya. Natawa ako nang ikwento niya sakin na sobrang naiyak at ngumalngal daw siya ng sobra sa harap ni Jhay dahil hindi niya raw iyon inasahan.

Tingnan mo nga naman ang kapalaran, dati-rati masaya na si Cassie mapansin lang ni Jhay, saksi ako sa pagpapa-cute at pagpapa-pansin niya noon sa huli pero ngayon, ayan, sila na.

"I'm so happy for you.Natupad mo na ang pangarap mo sa buhay, pwede ka nang mamatay bukas, haha!"
   panloloko ko sa kanya. Pinatatawa ko lang siya, nakita ko kasing namamasa-masa na ang mata niya dahil sa pagpipigil ng iyak. Tears of joy.

"Sira-ulo ka talaga."
    pinilit niyang ngumiti, dahan-dahan ko namang inilapat ang thumb ko sa pisngi niya at maingat na pinunasan ang mga luhang nagsisimula ng tumulo roon.

"Wag ka na ngang umiyak,ang panget mo eh." naiiyak na rin ako,pano naman kasi parang nararamdaman ko 'yung kasiyahan niya ngayon,sa tuwing naaalala kong naging asawa ko si Tristan na first love ko ay hindi mapigilang pumalakpak ng puso ko,ganun rin siguro ang nararamdaman ngayon ng kaibigan ko.

"Ang saya-saya ko kasi eh." parang batang wika niya at pagdakay niyakap niya ko ng mahigpit, masayang ginantihan ko ang pagyakap niyang 'yon na animo'y batang naglalambing.


Pagkatapos ng konting dramahan ay matagal pa kaming nagkwentuhan na dalawa, nagulat pa nga kami ng makita namin doon sina Migz at Janus na may akbay-akbay na mga babae, at katulad dati, gumigimik na naman ang dalawang casanova. Haaaay, kailan kaya magtitino at mag-i-stick-to-one sa babae ang dalawang 'yon, mga playboy.

Iniwan ko muna sandali si Cassie sa couch para mag-cr sandali. Pagkalabas ko ng comfort room ay nagulat na lang ako nang makasalubong ko roon si Jed. Hindi ko sana siya papansinin ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko at nagulat ako ng mabilis niya akong naisandal sa pader.

"Let me go Jed!" asik ko, ngunit imbis na pakawalan ako ay nakuha niya pang mag-smirk sakin.

"Long time no see. Hindi na kasi kita masyadong nakikita saUniversity and now I missing you like crazy.You look more beautiful now Allison, mukang masaya ka yata sa buhay may-asawa mo ah, tell me, pano ka ba niya napapasaya? Is he giving you a pleasure everyday? Is he making you satisfy everynight?"

Nang hindi na ko nakapagtimpi pa ay mabilis ko na siyang sinampal ng malakas gamit ang isang palad ko.Napamura siya habang nakahawak sa pisngi niya na sinampal ko saka matalim ang mga matang tinitigan niya 'ko.

 "How dare you,Jed! Kung hindi mo 'ko kayang irespeto, matuto ka man lang irespeto ang mga taong pinapahalagahan ko."
  matigas na sambit ko sa kanya.Pinanlakihan ko siya ng mata dala ng sobrang galit.

"Nagmamalaki ka na ba ha!"
  sinigawan niya ko. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanyang hininga, namumula rin ang mga mata niya indikasyon na marami siyang nainom.

"Look Jed, lasing ka lang. I'm sorry, pero hindi ko ugaling makipag-argue sa mga lasing... lalo na sa mga adik na katulad mo."
   matapang na sagot ko at pagkatapos ay pabatong tinanggal ko na angkamay niya na nakahawak sa braso ko.Tumalikod na ko at nagmamadaling umalis.

Sino ba siya sa akala niya? Isa lang naman siyang hamak na ex-suitor ko ah! Oo,inaamin ko na muntikan ko na siyang sagutin noon kung hindi lang ako nakapag-isip-isip ng ayos, gusto ko kasi noong gantihan si Tristan nung minsang nakita ko siyang nakikipaglandian sa ibang babae na inakala kong dine-date niya na 'yun naman pala eh kliyente niya lang.

Alam kong nagkakaganun si Jed dahil hindi ko siya sinagot noon, siya na hearthrob at campus prince ay na-basted ng isang babae na kumalat pa sa buong University,alam kong nasaktan ko ang ego niya bilang isang lalaki.Napailing na lang ako.Bahala siya sa buhay niya.

Napagdesisyunan namin ni Cassie na umuwi na, lumalalim na kasi ang gabi at isa pa baka nag-aalala na rin si Tristan. Iniwan ko ang kaibigan ko sa loob dahil nagtext daw sa kanya si Jhay na susunduin daw siya nito, nag-aalala siguro ang huli na baka mag-drive ang girlfriend niya ng naka-inom. Masaya ako dahil nakahanap ang kaibigan ko ng sweet na boyfriend, she deserves it, mabait naman si Cassie eh.

Kasalukuyan na kong naglalakad sa parking lot para hanapin ang kotse ko, madilim at napaka-tahimik roon.

"Allison!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang ma-awtoridad na tawag na iyon. Lumingon ako. Nakita ko si Jed na matalim ngunit naka-smirk na nakatingin sakin, kasama niya sa kanyang likod ang apat niyang kaibigan na lalaki. Lahat sila napaka-angas ng itsura.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at pagkatapos ay tumalikod na ko para umalis ngunit mabilis siyang nakalapit sakin,hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko katulad ng ginawa niya sakin kanina.Bayolente at sapilitan niya akong iniharap sa kanya.

"Bitawan mo 'ko! Ano ba!" bulyaw ko sa kanya habang pilit kong hinihigit ang braso ko ngunit lalo niya lang hinigpitan ang pagkaka-ipit doon.

"Ano bang problema mo Jed huh! Hindi ka ba talaga titigil! Malapit na kong mapuno sayo huh! Ano ba! Sabing bitiw----aaah!"

Hindi na niya ko pinatapos pa dahil mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sa braso ko, halos umangat ang balikat ko,ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa balat ko.

"Wala pang kahit sinong babae ang nakakagawa ng ginawa mo sakin,ikaw lang,ikaw lang Allison! Pinagmukha mo kong tanga! Ang tagal kitang niligawan pero anong ginawa mo? Malalaman ko na lang na ikinasal ka na pala! Alam mo bang pinagtatawanan ako ng ibang tao dahil sayo huh!"

Nanlilisik na siya sa sobrang galit. Gad! Ganun ko ba masyadong nasagasaan ang pride at pagkatao niya? Hindi pa rin ba siya maka-move-on?

"Wala akong sinabing manligaw ka at lalong wala akong sinabing umasa ka sakin! At isa pa, sa tingin mo ba maaatim ng sikmura kong sagutin ang isang kagaya mo na saksakan ng hambog at yabang? Alam mo? Kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hinding-hindi kita sasagutin! I swear!"

Nanlaki ang mga mata niya, he clenched his jaw.

"Ah ganun ha!"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niya kong higitin at sapilitang kaladkarin.Naghihiyaw ako ngunit parang wala lang siyang narinig. Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo niya lang akong hinihila papunta kung saan. May inihagis sa kanyang susi ang isa niyang kaibigan at saka ko lang napagtanto ang balak niyang gawin ng ipasok niya ko sa loob ng kotse niya sa backseat, sumunod rin siya sa loob at isinara niya ang pintuan ng sasakyan.

"I will prove to you that I am much better than your husband."
    he devilishly smiled.'Yun lang at sa isang iglap ay naihiga niya ko sa upuan,pumaibabaw siya sakin.Nagsimula akong magsisi-sigaw ng umpisahan niyang halikan ang leeg ko.Tila naman isa siyang gutom na leon nang marahas niyang sakupin ang aking mga labi.Inikot ko patagilid ang ulo ko para iwasan ang mga labi niya ngunit patuloy lang siya sa pagsunod. Sinubukan ko siyang itulak at sipain ngunit naiipit ako sa pagitan ng mabigat niyang katawan at ng upuan. Nangatal ang buo kong katawan dahil sa pinaghalong takot at kaba. Lalo akong nagpa-nic ng isa-isa na niyang tinatanggal mula sa pagkaka-butones ang blouse ko. I pleaded with him to stop but the more I begged the more he found pleasure.

Ginamit ko ang pagkakataon na hinuhubaran niya ko para pagkakalmutin siya sa kanyang mukha at leeg, ngunit dahil sa ginawa kong iyon ay mas lalo ko lang siyang nagalit. He slapped me. Hindi lang isang beses kundi apat na beses, magkabilaang pisngi ko ang sinampal niya ng malakas na para bang hindi ako tao, na para bang hindi ako babae. Napahagulhol na ako.

Kahit kailan,hindi pa ako nasasaktan ni Tristan physically, ni kurot, ni pitik sa noo hindi niya nagawa sakin. Kahit napaka-maldita ko sa kanya, kahit lagi ko siyang inaaway,kahit kailan ay hindi niya ko nagagawang saktan.

Si Jed, siya ang naging first choice ko na papakasalan ko nung panahong nag-aalinlangan akong magpakasal kay Tristan, naisipan ko noon na sumama at magpakalayo-layo kasama si Jed ngunit dahil hindi ako nagkaron ng lakas ng loob noon ay hindi ko 'yon nagawa.

   

Nung mga oras na sinampal ako ni Jed ay don ko lang mas na-realize ang worth ni Tristan sa buhay ko, napakaswerte ko sa asawa ko, hindi siya katulad ng iba na brutal at nananakit ng asawa. Napaka-bait niyang tao.Napaka-bait niyang asawa, at nagpapasalamat ako na siya ang napili kong pakasalan.

Kasalukuyan noong nilalakbay ng mga kamay ni Jed ang iba't-ibang bahagi ng katawan ko nang makarinig kami ng ingay mula sa labas,napagtanto ko lang ang nangyayari roon ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at bumungad ang nanlilisik sa galit na si Migz. Mabilis niyang hinaklit si Jed palabas at saka sinuntok ng malakas. Nakita kong nakikipagsuntukan din sina Janus at Jhay sa mga kaibigan ni Jed sa labas

"Allison!"

Nakita ko ang maluha-luhang itsura ni Cassie, dala marahil ng sobrang pagkatakot ay nayakap ko ng mahigpit ang kaibigan ko.Malakas na napahagulhol ako sa balikat niya.

Inilayo nila ako sa lugar na iyon para pakalmahin. Ipinasuot sakin ni Janus ang jacket niya dahil nasira ang damit ko.Ikinuwento rin ni Cassie sakin na may kakilala raw siya sa loob ng bar na nagsabi na nakita nga raw nila si Jed na kinaladkad ako. Nang marinig daw nila Migz, Jhay at Janus iyon ay nagmamadali na raw na tumakbo sila papunta sakin.

"Migz, Jhay, Janus, Cassie." tawag ko sa kanila.

"Please, 'wag niyo na lang ipaalam kay Tristan ang nangyari ngayon."

Tristan's POV

Halos mahilo na ko kakapabalik-balik sa loob ng kwarto naming mag-asawa.Maya't-maya ang tingin ko sa cellphone ko sa pagbabakasaling tatawag o magte-text man lang siya, pero wala! Gabi na! Anong oras na! Bakit ba hindi pa siya umuuwi?

Napa-silip ako sa bintana nang makarinig ako ng ingay ng makina ng sasakyan sa labas, parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng makita ko ang kotse ni Allison. Dumating na siya. Nagtatakbo ako at patalon na humiga sa kama,ibinalot ko ang kumot sa katawan ko at nagkunwaring natulog.I'm mad. I will not talk to her.

Diniin ko pa ang pagkakapikit ng mata ko nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Nandito na siya. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pag-galaw ng kama.

   

"Dhie? Are you still awake?" bagaman malambing ay dama ko pa rin ang kalungkutan sa kanyang boses. Hindi pa rin ako nagmumulat, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sakin, inihilig niya pa ang ulo niya sa dibdib ko.

"Dhie? Galit ka ba sakin? Kung nagtatampo ka, sorry huh. Hayaan mo, simula ngayon magbabago na 'ko para sayo, hindi na 'ko uuwi ng gabing-gabi, hindi na kita sisigawan, pangako hindi na rin kita aawayin, pangako hindi na kita tatawaging abnormal, baliw at sira-ulo, pangako magpapakabait na ko, pangako magiging mabuti na kong asawa para sayo. Tristan,s-sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sayo, sa lahat ng mga nagawa kong mali noon, sorry kung napaka-maldita ko sayo, sorry kung minsan binabatukan kita, sorry kung minsan sinisipa kita. Pangako... pangako, hindi ko na 'yun uulitin, pangako magbabago na talaga 'ko."

Mabilis kong na-imulat ang mga mata ko ng marinig ko ang pag-garalgal ng tinig ni Allison. Sa pagmulat ko ay tila tinunaw ang puso ko nang makita kong umiiyak siya, ngunit hindi iyon ang nakapukaw ng atensiyon kundi ang mga pasa sa magkabilang pisngi niya.

Kaagad akong napabangon sa higaan, iniharap ko siya sakin at pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. I gritted my teeth.

"Sinong... sinong gumawa niyan sayo? Allison, sinong nanakit sayo!"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at napasigaw na ko. F*ck! Mukang makakapatay yata ako ng tao! Ngumiti lang siya sakin na para bang wala lang 'yon.

"W-Wala 'to, may naka-away lang kasi kami kanina ni Cassie sa bar, pano ba naman kasi etong si Cassie, napaka-eng-eng. May nakabangga siyang maarte na babae, nabuhusan niya pa ng alak, kaya ayun nag-away, edi tinulungan ko. Medyo napunit pa nga 'tong damit ko kasi nahila ng kaaaway, kaya pinahiram ako ni Jhay ng jacket niya." paliwanag niya habang pinapakita niya sakin ang suot na jacket. Inis na napabuntung-hininga ako.

"Ano ka ba! Dapat 'di ka na sumasali sa mga away! Pano kung hindi lang 'yan ang inabot mo? Pano kung nahampas ka na naman ng bote sa ulo.Pano kung na-unconscious ka na naman! Haaaaay!"
hindi ko alam kung mag-aalala o magagalit sa kanya. PASAWAY talaga!

   

"Ok lang,tinulungan naman ako ng mga kaibigan mo eh,nagkataon kasing nandun din sila Migz,Janus at Jhay kaya medyo nakaganti na rin ako." saad niya. At kailan pa natutong pumatol sa mga babae ang mga kaibigan ko?

Niyakap niya ako ng mahigpit.


"Sorry na ha."
malambing niyang tono.Niyakap ko na rin siya.

"Marami ka bang nainom?"

Umiling siya.

"Teka.Halika gamutin natin 'yang pasa mo.Tsk,sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka dahil sa iba parang gusto kong makapatay ng tao." "Hmmm..papatol ka sa babae?"

"Bakit hindi!! Eh sinaktan nila asawa ko!Tingnan mo ang nangyari noon sa Leila na nananakit sayo,ayun, naghihirap na ang pamilya niya.Tinulungan ko si daddy na ipitin ang kompanya nila,kaya ayun nga."

Lalo lang humigpit ang yakap niya sakin.Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat niya,indikasyon na umiiyak na naman siya. Nakaramdam ako ng pag-aalala, sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap niya ngunit lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit.

   

"Salamat Tristan huh? Salamat kasi ako ang pinakasalan mo, ako na dakilang maldita, pasaway, spoiled brat, at maarte, ako na lagi kang inaaway. Salamat kasi kahit ganto lang ako lagi mo pa rin akong iniintindi, salamat kasi ang bait mo sakin. Tristan 'wag mo kong iiwan huh? 'Wag mo akong iiwan."

Napahagulhol na siya sa dibdib ko. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya ngayon nagkakaganito ay sapat na ang dahilan para maging masaya ako. Masaya ako dahil na-aapreciate niya ang mga ginagawa ko sa kanya, ang pagpapahalaga ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit upang maiparamdam ko sa kanya ang aking sinseridad.

"Manatili ka lang sa tabi ko. Pangako ko, hinding-hindi kita iiwan."

----------o-----------

Lunes ng umaga. Tanghali na kong nakapasok sa opisina dahil tinanghali kami ni Allison ng gising. Pagkapasok ko sa office ay bumungad sakin ang apat kong kaibigan, si Ethan na naka-dekwatro ng upo sa couch, si Jhay na nakasilip sa may glasswall, si Migz na base sa tunog ng computer sa table ay alam kong naglalaro ng farmville,habang si Janus naman ay abalang naghahalungkat ng kung ano-ano sa drawer ko.

"What are you doing here guys?" kunot ang noong tanong ko sa lima.

Sabay-sabay silang napatingin sakin at bumati. Dumaretso ako sa office table at pinaalis si Migz at Janus doon.

"Kamusta pare." si Migz.

"I'm ok. Kayo? Ikaw Ethan, wala ka bang trabaho? Ikaw naman Jhay, wala ka bang pasok? Migz,Janus, wala ba kayong laro ngayon?" nagtatakang tanong ko sa kanila.Nagsimula na akong tumipa sa computer.

"Meron akong pasok, pero mas type kong magpaka-action star ngayon." ani Ethan.Napakunot-noo na naman ako.

"Sabihin niyo na." naiinip na wika ni Jhay. Lumapit sakin si Janus.

"Wala bang sinasabi sayo si Allison, pare?" tanong ni Janus habang nakaupo sa table ko.

"Tungkol san?" tanong ko, nakatingin pa rin ako sa screen ng computer. Tumahimik sa buong silid.



"Your wife was almost rape by Jed." sumbong ni Migz.


Napatigil ako sa ginagawa ko at matamang tiningnan ang mga kaibigan ko na noo'y makikinita ang pagkaseryoso sa mga itsura. Sa tinagal-tagal na naming magkakasama ay alam ko kung kailan sila nagbibiro at kung kailan sila seryoso.

Ikinuwento sakin nina Migz ang tunay na nangyari noong Sabado ng gabi at nalaman kong nagsinungaling sakin si Allison. Dahil sa nalaman ko ay tila nagdilim ang paningin ko, kumuyom ang mga nanginginig kong kamao at nangatal dahil sa pagka-poot ang buo kong katawan.

Si Jed Ephraim Avila, siya ang ex-suitor ng asawa ko, siya rin ang dahilan kung bakit minsang napahamak noon si Allison at sa kahayupang ginawa naman niya ngayon sa asawa ko, pinapangako ko, hinding-hindi ko na talaga 'to mapapalampas! I SWEAR!

Wala na kong sinayang na panahon at ishinat-down ko na ang computer at saka nagmamadaling tumayo. Tumigil pa ko bago ako lumabas,tumingin ako sa mga kaibigan ko.

"Kayo? Hindi ba kayo sasama?" malamig na tono ko. Nagsitayuan silang lahat.

"San tayo pupunta pare?" si Ethan habang abalang nag-iinat. Nagpalagutok ng mga daliri si Migz, hinubad naman ni Jhay ang suot niyang itim na blazer habang si Janus naman ay ine-excercise ang mga braso.

I clenched my jaw.

"May tuturuan lang ako ng leksyon."

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 126K 46
The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for her skill but also for being a coldhearted...
133K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
1.8M 13.7K 53
this story is not suitable for very young audiences parental guidance is advised..so ayun bawal ito sa mga hindi green kea kung hindi pa kaya nang ut...
12.1M 149K 53
Be careful who you give your heart to. Because when you give your heart to someone, you also give the person the power to destroy you. -Maddison Fuen...