Saan Kami Pupunta?

By ruerukun

253K 4.7K 1.7K

Alas syete ng umaga, sa may Avenida, Maynila... Pakapal nang pakapal ang di-pangkaraniwang hamog na bumalo... More

Preface
Season 1: El Vacío
Kabanata I : Kami
Kabanata II : Unang Araw (1/2)
Kabanata II : Unang Araw (2/2)
Kabanata III : Avenida (1/3)
Kabanata III : Avenida (2/3)
Kabanata III : Avenida (3/3)
Kabanata IV : Hintay (1/3)
Kabanata IV : Hintay (2/3)
Kabanata IV : Hintay (3/3)
Kabanata V : Ang Unang Patak ng Ulan (1/2)
Kabanata VI : Liwanag at Dilim
Author's Message
Kabanata VII : Saklolo (1/2)
Kabanata VII : Saklolo (2/2)
Liwanag ng Buwan
Season 2: Rigor Mortis

Kabanata V : Ang Unang Patak ng Ulan (2/2)

10.7K 200 30
By ruerukun

Mula sa ilalim ng tubig ay kusang kumilos ang katawan ko't sinubukang lumangoy pataas...

may natatanaw akong liwanag...

malayo...

Hinabol ko.

Pero hindi ko alam kung kaya kong abutin...

Kay bigat ng katawan ko...

hindi ko ata kaya...

"...may dahilan ang lahat ng nangyayari..." bigla na lang naalala ko ang sinabi noon ni Marta "...imposibleng nangyari lang ito nang walang dahilan..."

Isang malalim na paghabol ng hininga ang nagbalik ng buhay sa aking katawan nang maabot ko ang ibabaw ng tubig... Hindi naging sapat iyon para kumalma ang katawan kong matagal na nalublob kaya't sunod sunod ko pang pinuno ng hangin ang dibdib ko. Napakabigat ng aking bawat paghinga at pakiramdam ko ay sinasakal pa rin ang leeg ko kada habol sa hangin. Bawat pag higop ay siya ring paglaban ng lalamunan ko. Sa ilong ko naman ay lumalabas ang naghahalong hangin at tubig. Pilit inilalabas ng sikmura ko ang tubig na naipon sa aking katawan. Mahapdi... napakasakit... pero kusang lumalaban ang katawan ko at nagpupumilit na mabuhay.

Nagpupumiglas sa tubig ang mga kamay ko dahil sa sobrang pagkataranta. Ang paningin ko naman ay magkahalong dilim at mga munting kislap ng liwanag ang nakikita. Ang utak ko ay gulong gulo at hindi malaman kung ano ang dapat unahing gawin. Naramdaman kong parang boluntaryong sumisipa ang aking mga paa at umaalpas sa bawat pagubo kong nagbubuga ng labis na tubig. Isang matinding pagubo pa at isinuka kong lahat ang tubig na pumuno sa tyan ko.

Unti unti kumalma ang pagpasok ng hangin sa aking dibdib. Nawala na ang kirot. Mga ilang ubo pa't naging klaro na ang lalamunan ko. Mga ilang singa pa at nawala na rin ang tubig sa ilong ko. Isang pang malalim na paghinga at tuluyan nang naging panatag ang aking katawan. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na walang pumipigil sa iyo. Pakiramdam ko ngayon ay para akong pusang nakawala sa isang masikip na hawla.

Pinunasan ko ang mukha kong balot ng tubig, nagkusot ng mga mata at pinatuyo ang mga tenga. Tumingala ako sa langit... Nararamdaman ko ang mga butil butil na ambon na humahalik sa mukha ko. Sa unti unti kong pagmulat ay nakita ko ang liwanag na pilit kong nilalangoy kanina - pinagmasdan ko ang mga ulap na tinatakpan ang araw. Makulimlim ang langit. Nakikita ko ang buong kalangitan. Kahit naguguluhan ay pinagmasdan ko pa nang matagal ang liwanag. Ilang araw din kitang pinanalanging makita...

Manipis na ang hamog... Bahagya ko nang naaaninag ang mga tanawin. Tumingin ako sa paligid ko at may kalinawan ko nang nakikita ang mga bagay na nakapalibot sa 'kin. Manipis na nga ang hamog...

Sa unang pagkakataon ay nakakita ako ng ulap. Maulap ang dinatnan kong umaga. Tinangka kong sumigaw para magbakasakaling humingi ng tulong sa kaninuman pero walang lumabas na boses mula sa bibig ko. Tuwing magbubukas ako ng lalamunan ay parang may tumutusok dito. Mahapdi at mukhang nagnanais din ng pahinga.

Tahimik ang buong paligid. Wala akong marinig na kahit ano maliban sa mahinang ambon at panaka nakang alon ng tubig.

"Nasaan ako?" tanong ng isip ko. Luminga linga ako sa at may napansin akong mahabang kahoy na palutang lutang mga ilang metro lamang ang layo sa akin. Naisip kong gamitin itong salababida para maipahinga ko kahit sandali ang katawan ko. Nilangoy ko ito at aking hinila nang masumpungan - at ipinatong ang dalawa kong braso para yakapin.

Inayos kong muli ang sarili ko at muli kong itinuon ang paningin sa lahat ng dako - may naaninag akong tulay - may sampung metro siguro ang taas sa akin at doble naman ng taas ang layo. Nung una ay inakala kong nasa ibabaw ako ng ilog pero hindi pala. Bumaling ako sa iba pang dako at napansin kong wala nga ako sa ilog. Mayroon pa ring maninipis na hamog sa buong paligid kaya hindi ko agad napansin ang mga gusali sa paligid ko. Pinagmasdan kong muli at naging pamilyar na sa akin ang lugar. Nang tignan ko muli ang tulay ay doon ko napagalaman na nandito ako sa Recto Ave - lumulutang lutang sa Quiapo Underpass.

Nilubog ng baha ang buong underpass at parang naging ilog ang itsura. Ang Quiapo underpass ang nagdudugtong sa Quezon City at Maynila. Hindi talaga karaniwan ang nangyaring bagyo dahil kinaya nitong punuin ng tubig ang malaking underpass na to. Para itong naging lawa na napapaligiran ng mga gusali.

Nun ko lang din napansin ang LRT 2 sa ibabaw ng tulay. Kahit pa bahagyang natatakpan ng hamog ay di ito naging sagabal para makita kong walang dumaraang tren.

Nilibot ko pa ang tingin ko at napansin ko rin na sa kinalulutangan ko, bukod sa mga mangilan ngilang kahoy at halaman, ay wala nang ibang nakalutang sa baha. Ang tanawin ay parang isang umaga sa malaking lawa na pinaliligiran ng manipis na hamog. Tahimik na parang nakakabaliw dahil sa katahimikan.

Pinilit kong lumangoy at abutin ang pinakamababaw na lupa Ang buong katawan ko ay basang basa at nanginginig nang lumantad sa hangin. Sa unang paghakbang ko ay napansin kong nakasukbit pa rin ang relo ko sa aking braso. Tinignan ko ang oras pero hindi ko nabatid dahil pinasok ito ng tubig at huminto ang mga kamay sa alas nuebe.

Pagkatayo ko ay agad akong bumaling muli sa paligid at tinignan ko ang lahat ng maaabot ng aking mga mata. Tama nga ako... inanod ako ng baha papunta dito sa Quezon Boulevard. Hindi ko lang maisip kung paanong nangyari yun dahil halos kalahating kilometro ata ang layo ng 7-eleven . Naitanong ko pa sa sarili ko kung gaano ba talaga kalakas ang bagyo at gaano kataas ang baha para abutin ako ng ganito kalayo. Pero tulad ng mga dati ko pang tanong, hindi ko ito masagot sagot. May sariling mekanismo ang mundong ito at kadalasan, mas maigi pang paniwalaan na lang.

Tumayo ako sa gitna ng Quezon Boulevard at pinagmasdan ang buong paligid. Para akong nasa isang patay na lugar na ni isang bakas ng buhay ay wala - walang mga taong dati ay di magkamayaw kung magmadali sa paglalakad, walang mga asong madalas kong nakikitang nagsisitakbuhan sa kalsada at bangketa, wala ang mga dating mala konsyertong ingay ng speaker na ginagamit ng mga nagtitinda ng mga piratang palabas. Ang buong Quiapo... Hindi... Ang buong mundo ay tila naging isang patay na mundo.

Mabilis kong nilingon ang Isetann Mall na nasa gawing kanan - ito'y naging isang napakalaking abandonadong gusali - kupas ang kulay at nabakbak ang maraming bahagi. Nilingon ko ang iba pa ang mga magkakahilerang building at agad kong napansin na parang lahat ay may pagkakahalintulad - Ang lahat ng gusaling makita ko ay parang naging luma at hindi naalagaan. ... Mukhang tama nga ang kinwento ni Penny - ang lahat ng bagay sa labas ng 7-eleven ay pinaglipasan ng panahon.

Hindi ito ang mundo namin...

Pakiramdam ko'y ang buong lugar ay isang malaking sementeryo sa gitna ng lungsod. Isang lugar na nilisan ng sibilisasyon. Isang kunwaring lugar na lilinlangin ka hanggang sa maplitan kang yakapin ang mundong ito na parang tunay.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang lumakad. Literal na hinihila ko ang aking katawan para makagalaw dahil sa sobrang pagod. Sinabayan ng panginginig ng katawan ang aking pagka hapo na parang ang bawat paghakbang ay kahalintulad ng isang taong may akay akay na kabayo. Namamanhid na rin ang mga paa ko at mga kamay sa sobrang lamig.

Kailangan ko ng masisilungan...

Dahan dahan kong tinungo ang pinakamalapit na bangketa. Parang itinapon ko ang katawan ko sa tuyong lupa nang maabot ko ito. Sa aking pagkakadapa ay sunod sunod na nagbalik ang aking alala. Ang lahat ng pangyayari ay lumukob muli sa akin... Naramdaman ko na lang na tumutulo ang masagang luha sa aking mga pisngi. Ano ba talaga ang nangyayari...? Ano na ang gagawin ko...? Nasan na silang lahat...?

Nagsimula nang mamanhid ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ako. Para akong isang lumpo na naiwan sa gitna ng unos - na kahit anong gawin ay hindi matulungan ang sarili.

Hindi ko na rin maramdaman ang pagtakbo ng oras. Ilang oras na ba akong nakadapa dito..? Nauuhaw na ako... Gusto kong bumalik sa kalsada at salubungin ang ambon at inumin ang ulan pero hindi ko magawa. Ni ang ulo ko ay di ko maigalaw at nakasalampak lang ito sa bangketa. "Tulong...!" sigaw ng utak ko.

"Tulong..."

Ilang sandali pa at kusang nagpikit na ang aking mga mata at ako'y nakatulog...

________________

Nakita ko syang nakaupo sa isang duyan na nakasabit sa sanga ng isang puno at nakatingin sa akin. Nakangiting nakatingin din sa akin na parang inaaya akong tulungan syang itulak at samahang maglaro.

"Kamusta ka na?" mahina kong sigaw sa kanya. Pero tanging ngiti lang ang isinagot nya. Yumuko pagkatapos sabay tulak ng kanyang mga paa sa lupa para igalaw ang duyan.

Gusto ko syang lapitan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Tumingin syang muli sa akin at tila hinihintay nya akong lumapit sa kanya.

"Hintay" sabi ko, pero sadyang hindi ko maikilos ang aking mga paa para puntahan sya.

Nilingon ko ulit sya sa kanyang duyan at nakita ko syang tumayo, tumalikod sa akin at saka dahan dahang lumayo.

"Hintay!" sigaw ko sa aking asawa...

_______________

Nagdilat ako ng mga mata...

Panaginip na naman...

Pinagmasdan ko ang paligid.. at ilang sandali lang ay gumana nang muli ang utak ko. Nandito pa rin pala ako sa bangketa - nakadapa bagamat kahit papaano ay nagagalaw ko na ang braso ko. Sinubukan kong iangat ang ulo ko mula sa pagkakasalampak sa lupa. Pagkatapos ay itinaas ko naman ang katawan ko at tumihaya. Isinandal ko ang likod ko sa malapit na pader at umupo saka huminga ng malalim para ibalik ang aking sarili sa tamang pagiisip.

Umaambon pa rin at wala yatang balak kumawala ang araw sa mga ulap. Wala pa ring senyales ng buhay. Matagal kong pinagmasdan ang paligid, may tatlumpung minuto rin siguro pero kahit isang pusa ay wala napadaan. Tiningala ko rin ang langit, wala man lang din ibon na naligaw.

"Anong lugar ba talaga ito?" naibulong ko na lang.

Sinubukan kong itukod ang mga kamay ko sa lupa para tumayo. Dahan dahan akong nagangat ng katawan at kumapit sa pader para alalayan ang sarili kong maglakad. Hindi naging madali para sa akin ang gumalaw... Para bang nabugbog ang katawan ko... Ngayon ko lang naramdaman na masakit ang likod ko. Naalala kong parang may mga bagay na humampas sa akin nung inanod ako ng baha. Mabuti na lang at hindi ako napuruhan.

"Hello...!?" napapaos kong sigaw. Nagbakasakali akong may makarinig sa akin at tumulong. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses ko... Hindi na ito parang nanggaling sa hukay di tulad nung una akong lumabas ng 7-eleven. Pinakiramdaman ko ang bawat paglakad ko at napansin ko rin na hindi na hinihila ng lupa ang mga paa ko. Maliban sa mga kakaibang tanawin, masasabi kong ang buong lugar ay walang pinagkaiba sa tunay na mundo - ang amoy ng hangin, ang tunog ng ulan, ang pagkiskis ng mga sapatos ko sa lupa - lahat yun ay walang pinagkaiba sa normal. Kung iisipin ay para nga akong nakatakas sa pagkakulong sa 7-eleven - nakatakas para mabuhay namang mag-isa sa sa isa pang hindi malamang lugar.

Umabot ako sa Isetann. Kailangan ko ng masisilungan at naisip kong dito pumunta. Naisip ko na dati na kung sakaling makalabas ako ng 7-eleven ay Mall agad ang pupuntahan ko para makakuha ng magagamit - pagkain, tubig, damit at iba pa. Pero hindi rin pala ito madali. Nang makita ko ang pinto ay nanlumo ako dahil mahigpit na nakakandado. Pinilit kong hilahin ito pero hindi ko mabuksan. Makailang ulit pa ay talagang ayaw. Tinungo ko ang iba pang pintuan pero lahat ay ganun din... Ang ganitong klaseng kandado ay kailangan hampasin ng matigas at mabigat na bagay para kumalas.

Sa puntong ito ay hindi ko alam kung saan na ko pupunta. Tumingin ako sa aking kaliwa at sa kanan at nalaman kong sa lahat ng dako ay wala ring bukas na establishment. Lahat ng makita kong tindahan at mga building ay sarado.

"Hello...?" garalgal kong boses. Sadyang wala tao...

Nagpasya akong maglakad at tinahak ko ang Quezon Boulevard. Sa totoo lang ay nanibago ako sa kalsadang ito. Dati ay maingay, magulo at laging trapik kahit na anong oras. Ngayon ay mangilan ngilang sasakyan lang ang nakikita ko - lahat ay nasa gilid pa at nakaparada. Sinilip ko ang isang jeep na nadatnan ko sa kanto ng Raon - walang kakaiba maliban sa ilang basurang nagkalat sa loob. Sinilip ko pa ang iba at ganun din.

Nagpatuloy akong maglakad... bawat gusaling madaanan ko ay sinusuri kong maigi. Baka sakaling mayroong nakabukas at pwede kong masilungan. May nadaanan akong bakery pero tulad ng ibang tindahan ay nakalock din. Nakakita rin ako ng Chowking. Napapitlag ako dahil nang tignan kong maigi ay nakabukas ito. Bukas ang mga pinto pero madilim dahil wala ring kuryente. Nagmadali akong lumapit dito. May kadiliman sa loob pero kita pa naman ang laman. Dahan dahan akong naglakad at sumilip. Bumungad sa akin ang makapal na alikabok na nanggaling sa loob. Walang kakaiba sa itsura maliban sa walang ilaw; kahit marumi ay maayos namang nakahilera ang mga bangko at lamesa. Ang ineexpect ko ay magulo sa loob... magulo na parang biglang nilisan ng mga kumakain sa pagkataranta nang biglang humamog. Naalala ko nung unang araw... Lahat ng tao noon sa 7-eleven ay natataranta at nagsitakbuhan palabas ang karamihan at iniwang magulo ang tindahan. Pero sa loob nitong Chowking, ni bakas ng kaguluhan ay wala.

Pumasok pa ako sa loob ng kitchen area. Bagamat mas madilim ay kapansin pansing walang kakaiba. Lahat ng gamit ay nasa ayos. Napansin ko ang freezer sa bandang dulo at mabilis ko itong nilapitan at binuksan. Bahagya ko pa lamang naiaangat ang pinto ay agad ko na itong isinara. Hindi maganda ang amoy at tulad ng inaasahan, lahat ng laman ay bulok na. Hindi ako nadismaya, para bang inaasahan na ng sarili ko ang mga ganito. Naalala ko ang dyaryong pinakita sa amin ni Hesus nung nakaraan... mukhang totoo nga na mahigit tatlong taon na ang lumipas mula nung makulong kami sa 7-eleven. Nang makita ko pa lang ang mga nalumang building ay sumagi na yun sa isip ko. Hindi ko lang maamin amin yun sa sarili ko dahil hindi pa rin mawala wala ang pagtataka ko sa mga nasasaksihan.

Isang bagay ang nagpatunay sa akin na tama si Hesus. Isang kalendaryo ang nakasabit di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang lapitan ko at tignan ay nakita ko nga ang katotohanan... Pinikit ko ang mga mata ko at binuksang muli sa pagaakalang namamalikmata lang ako...

November 2016...

Lumabas ako ng Chowking tangay ang natuklasang di ko alam kung dapat ko bang tanggapin. Mukhang kailangan ko na talagang maniwala... na naliligaw ako sa isang kakaibang lugar na kung hindi ko yayakapin ay sya kong ikamamatay. Hinarap ko muli ang kalsada. Halo halo na namang bagay ang pumasok sa isip ko. Naroong isipin ko kung paano mabubuhay sa ganitong klase ng mundo. Naroong maisip ko kung san ako maghahanap ng makakain. Makakain... Kung tatlong taon na lumipas ay baka wala na kong mahahagilap pa. Kahit mga de lata ay masisira at di tatagal nang tatlong taon. Tama nga ba...? Hindi ko alam. Di ko pa naranasang kumain ng expired na sardinas o kahit anong de lata. Pero may mga nagsasabi sa akin noon na pwede pa raw kainin ang mga de lata kahit expired na. Di naman daw masisira at magiiba lang ang lasa.

Naglakad akong muli. Pinilit ko ang sarili kong bumalik sa 7-eleven para alamin kung ano ang nagyari sa mga kasama ko. Bukod dun ay gusto kong magbakasaling makahanap ng kahit anong pagkaing maaaring naiwan sa loob.

Parang lalo pang bumigat ang mga paa ko. Hindi pa rin mawala wala sa utak ko kung paano nangyari yun... Tatlong taon? Parang tatlo o apat na araw pa nga lang yata nang makulong kami sa 7-eleven. Anong nangyari sa mundo? Anong nangyari sa labas ng tindahan nung mga oras na yun? Kahit anong isip ko ay walang man lang akong maisip na bagay na pwedeng magbigay sa akin na kahit palatandaan man lang ng posibleng dahilan.

Ganoon kalalim ang pagiisip ko nang di ko namalayang umabot na pala ako ng Plaza Miranda at angsimbahan ng Quiapo. Marumi ang paligid nito. Tila kinapitan ng makakapal na putik ang kabuuan ng simbahan. Ang mga pintura naman ay parang kinakain ng panahon - sira sira at kinapitan ng mga halaman ang pader. Malungkot ang anyo nito. Parang isang may kampansanang ina na iniwan ng kanyang mga anak. Ganoon ko sya maihahalintulad.

Lumakad pa ako papalayo.. ngunit nang lingunin ko ulit ang simbahan ay napansin kong bukas pala ang harapang pinto nito. Nagsisimula na ring gumabi at mas mahirap kung sa kalsada ako aabutin ng magdamag kaya nagpasya akong pumasok dito.

Sa totoo lang ay ayaw kong pumasok sa simbahan. Hindi na ako naniniwala sa Diyos... At isa pa, sa tuwing nasisilip ko ang altar ng simbahan ay parang naaalala ko ang kasal namin ng ang yumao kong asawa.

Madilim ang loob ng simbahan. Pinasok din ito ng manipis na hamog. Tanging ang malamlam na ilaw na pumapasok sa mga matataas na bintana ang kahit papano'y nagbibigay kulay sa mga mahahabang upuan, sa mga rebulto, sa marmol na sahig at sa altar. Tahimik. Wala akong marinig kahit ang mga patak ng ulan sa labas.

"Hello....?" pilit kong sigaw. Akala ko ay may narinig din akong sumagot pero echo lang pala...

Sinunggaban ko ang unang upuan nahagilap ko at ipinahinga ko ang nananamlay ko nang katawan. Gutom na gutom na ko... pero sadyang di ko alam kung paano at saan makakahanap ng pagkain. Walang kasiguraduhan na may natira pa ngang makakain sa 7-eleven matapos itong bahain. Para bang niloloko ko lang ang sarili ko at pinaaasa.

Tinignan ko ang altar. "Ganyan ba talaga ang mukha ni Hesukristo?" bulong ko sa sarili. "...kailangan ba talagang magmukhang kaawa awa ang itsura nya para paniwalain ang sinuman na siya ay naghirap para sa mga tao... Kailangan nya bang ipakita sa amin na hanggang ngayon ay buhat nya ang sarili nyang krus...?"

Tumayo ako... at hinila ang sarili para lumakad palapit pa sa altar. Tumayo ako sa harapan ng rebulto, pinagmasdan ang Nazareno. "Gusto ko kitang kausapin... " nasabi kong bigla. "...gusto kitang kausapin hindi dahil gusto kong tulungan mo ko... Wala na kasi akong ibang makausap... hindi ko alam kung san napunta mga kasama ko..." Tinitigan ko lang ang imahe nya. Nakaluhod pa rin.

Hindi ko malaman kung matatawa ba ako sa ginawa ko maaawa dahil pati rebulto ay kinakausap ko na. Sadyang hindi na siguro ako makapagisip ng maayos....

Inihiga ko ang sarili ko sa maalikabok na upuang malapit sa akin. Makitid pero sapat ang haba para maipahinga kong muli ang katawan ko. Sa pagkakahiga ay napansin kong kinakain na ng gabi ang liwanag. Unti unting nawawala ang kulay... Lumalamlam pang lalo... Hanggang sa tuluyan na kong walang makita dahil sa sobrang dilim...

"Elias...?" tila may tumawag sa akin.

Pinilit kong bumangon at pakinggang muli pero di na naulit. "Nananaginip na naman ata ako", sa loob loob ko.

Pabalik na ako sa pagkakahiga nang may makita akong bilog na liwanag. Nanggaling ito sa bandang altar... Nakakasilaw... gumagalaw at tila lumulutang palapit sa akin. Di ako makapagsalita.. gusto kong tumayo at lumayo pero di ko maikilos ang katawan ko. Palapit ito nang palapit hanggang sa maaninag ko ang isang anyo... anyo ni Hesukristo...

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...