ZBS#9: Blue grasshopper's Les...

By iamyourlovelywriter

2.5M 52.9K 2.7K

Paalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven (SPG)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Extra#1: Letter from MasterH to Blue grasshopper
Extra#2: Everything is almost complete... almost...

Chapter Fifteen

58.4K 1.3K 54
By iamyourlovelywriter

Chapter Fifteen

NAGISING siya sa hindi pamilyar na lugar, agad siyang kinabahan at handa na siyang magsisigaw kaya lang naisip niyang kapag ginawa niya iyon siguradong siya lang ang mapapagod at kung nasa masamang mga kamay siya kailangan niyang ipunin ang lahat ng lakas niya para makatakas.

Inilibot niya ang buong paningin sa marangyang silid na iyon, kumabog ng husto ang puso niya ng mapagtantong hindi simpleng silid lang iyon. Kung pagbabasehan ang mga Japanese characters na nakasulat sa dingding, sa mga paintings, sa mga nakasabit sa kung saan-saan isa lang ang sigurado niya may kinalaman sa kanya ang may-ari ng bahay na iyon.

Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman siya tanga at ayaw niyang magpakatanga sa isang bagay na sobrang obvious na. kinalma niya ang sarili at tumayo ng maayos ng mahagip ng kanyang mga mata ang pintuan ay agad niya itong tinungo at lumabas. Kung gaano karangya ang silid na pinanggalingan niya ay halos hindi iyon nangalahati sa rangya na nasilayan niya sa buong bahay—hindi pa nga buo sala pa lang ang nakita niya pero alam niyang kung ano ang nasa ibang panig ng lugar na iyon ay pareho lang.

"Oujo-sama." Kumunot ang kanyang noo ng may lalaking nakasuot ng black suit na gaya ng mga kumuha sa kanya ang tumawag sa kanya ng kung ano. "Mabuti naman po at gising na kayo." Magaling na ani nito.

"Sino ka?"

"Tauhan po ako ng iyong oji-sama." Sa kung anong dahilan ay naiintindihan niya ang mga ginagamit ng salita ng kausap niya, o baka pamilyar lang sa kanya. Minsan sa buhay niya ay nahilig siya sa panonood ng mga Japanese drama at mga anime kaya pamilyar siya sa mga salitang ginagamit nito.

"Lolo?" pagtatama niya sa kanya narinig. Gusto niyang mapakunot ng noo para kasing sa pagkakaalam niya ay dalawa na lang silang magkadugo ni Hexel sa mundong ibabaw at ngayon sasabihin nitong tauhan ito ng lolo niya.

"Matagal ka na niyang pinaghahanap." Isang bagong mukha ang nakita niyang biglang sumingit sa usapan nila. Napatitig siya sa lalaking kaharap, mas matangkad ito sa kanya, hindi rin maipagkakailang tulad niya ay may ibang dugo din na nananalaytay sa dugo nito. At hindi lang iyon hindi ito iyong tipong Hapones na sobrang payat tingnan, kahit na loose longsleeve polo at maong pants lang ang suot nito mapagkakamalan mo itong modelong biglang lumabas sa mga magazines. "Dapat magpasalamat ka dahil hinanap ka pa niya."

"Sino ka?" tanong niya sa lalaking may hangin sa katawan.

"We shared the same blood."

Ano raw? "Kamag-anak kita? Wala na akong kamag-anak-." The guy smirks at shake his head as if she comes from a planet where brains didn't exist.

"Your mom and my dad were siblings and that makes us cousins."

Pinsan? Pinsan niya talaga ito?

"Anong kailangan niyo sa akin?"

"Let that old man explain everything ayokong magpaliwanag nakakapagod." Nagkibit-balikat lang ito at bumaling sa naunang kausap niya.

"Gusto ko ng umuwi."

"Monica." Madiin na tawag ng pinsan niya sa pangalan niya. "I'm Forrester- call me Forrest Avancena."

"Hindi ka Tadashi?" tukoy niya sa apelyido ng mama niya.

"Lets just say isa ako sa sawing-palad na naging anak sa labas ng tatay ko kaya huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang nahanap mas nauna akong nahanap ni tanda keysa sa iyo. At kahit na gusto kong umalis ay hindi ko ginawa sayang din ang perang makukuha ko bilang pamana ng matandang iyon." Base sa paraan ng pagkakabigkas nito sa bawat salitang binibitawan nito hindi ito lumaki sa isang mayaman o maayos na pamilya. Sa pakiwari niya ay isang sanggano ito kung hindi lang ito nakabihis ng desente sa mga oras na iyon.

"Hindi ka kilala ng tatay mo?"

"He almost killed my mother when she told him she was pregnant I am not that dumb to tell him I am alive. Ang buhay ko ay kasawian niya." Ngumisi lang ito. "Don't worry I am not on his side so you are safe with me." Napatingin lang siya dito.

"Ilang taon ka na?"

"We are of the same age mas matanda lang ako ng ilang buwan keysa sa iyo." He motioned her to follow him somewhere so she did, magaan ang loob niya dito, siguro dahil na rin sa sinabi nitong pinsan sila and she can see their resemblance. "Nandito si tanda kakausapin ka muna niya kung ako sa iyo mas mabuti pang sumang-ayon ka nalang sa kung anuman ang plano niya para sa ikakaligtas ng buhay mo." Suhestiyon nito.

"Anuman ang plano niya wala akong kinalaman sa pamilya niya."

"You are already a part of the family Monica." He said boredly as he opened the door. "Tanda nandito na ang isang apo mo." Sigaw nito na para bang nasa palengke ito. Napakunot lang ang noo niya kung hindi sa similarities nila sa hitsura hindi niya iisipin na magkadugo nga silang dalawa ni Forrest masyadong malayo ang ugali nila sa isa't isa.

Napatingin siya sa isang pigurang nasa unahan nila, nakasuot ang taong iyon ng asul na yukata isang tradisyonal na kasuotan ng mga Hapon. Humarap sa kanila ang taong iyon at kahit hindi pa ipakilala ay mukhang kilala na niya agad ito. "Monica hime."

"I am not a princess." Angil agad niya kahit na nakangiti ito sa kanya ay may pakiramdam siyang hindi maganda. Feeling kasi niya ay may masamang plano ito sa kanya and unconsciously she stepped back pero nakaharang si Forrest sa likuran niya kaya hindi siya agad nakalayo.

"Ikaw ang nag-iisang anak ng aking unica hija at dahil wala na siya ikaw ang papalit sa puwesto niya." Hindi niya gusto ang paraan ng pagsasalita nito.

"Pasensya na po kayo sir mukhang mali po kayo ng taong nadampot-."

"Hindi mo maikakaila na apo kita Monica Garcia, ikaw ay isang Tadashi tandaan mo iyan."

She glared at the old man. "I was born a Garcia and would die one, kung hindi sa inyo hindi mamamatay ang mga magulang ko."

Tumitig lang sa kanya ang matandang lalaki wala siyang bakas na nababasa sa mukha nito, she is like looking herself. "You don't know the story grandchild."

"Beat me."

"Kung anuman ang alam mo ay hindi nakakalahati sa totoong nangyari ng mga panahon na iyon. Hindi moa lam kung bakit umalis ang mga magulang mo at itatanong ko sa iyo hanggang saan ba ang alam mo?" hindi siya makasagot sa tanong nito dahil sa totoo lang wala din siyang alam sa kung ano ang nangyari. She can't ask Hexel because she knew she had a reason for that but she was told before by her cousin a short tale about her parents tragic love story.

"Hinadlangan niyo sila."

"Maaari, hinadlangan ko silang dalawa para sa ikakabuti nila. Kung may dapat kang katakutan hindi kami o ang pamilya ng nanay mo dahil wala kaming ginawang masama. Mas matakot ka sa pamilya ng tatay mo dahil sila ang totoong may kasalanan."

Umiling siya sa sinabi nito. "Walang ginawang masama ang pamilya ng tatay ko, itinago nila sa akin ang totoo pero alam kong may rason sila. Sinabi sa akin ni lola bago siya namatay, hindi man lahat pero sinabi niyang kayo ang may kasalanan. You and your selfish needs and deeds." She said venomously.

Tumawa lang ang matanda. "Talagang nabrainwash ka na nila," bigla itong naging seryoso. "Hindi kita pipilitin na maniwala sa akin ngayon pero darating din ang oras na ako ang tatakbuhan mo para sa mga kasagutan sa mga tanong mo. Ako ang may hawak ng katotohanan at binabalaan na kita Monica mag-ingat ka sa pinsan mo, mag-ingat ka sa babaeng iyon dahil siya ang magdadala ng ikakapahamak mo at hindi kami." May gusto sana niyang sabihin para protektahan si Hexel pero wala siyang masabi dahil kahit pinsan niya si Hexel. "Dala niya ang pangalan ng iyon ina pero magkaibang-magkaiba ang ugali niya kay Hikaru be careful."

"I am and I trust Hexel so much, I'll trust her kahit na dumating ang oras na sasaktan niya ako. Marami na siyang ginawang mabuti para sa ikakaganda ng buhay ko, nahanap niya ako ng matagal at kahit na itinago niya ang totoo ay naiintindihan ko. Bakit ngayon lang ninyo ako sinubukang hanapin?"

"Because your cousin knows how to play her cards very well Monica." Forrest intercepted them. "Alam niya kung paano ka niya itago at natago ka niya ng matagal sa amin. And now that we've found you we will never let you go not when the entire family needs you."

"Forrest stop that." Pigil ng nagpakilalang lolo niya, anong ibig sabihin nitong kailangan siya ng pamilya nito? "Hindi pa oras."

"Anong dapat kong malaman?"

Her cousin smile smugly at her. "Kapag handa mo ng tanggapin na isa kang Tadashi saka mo na malalaman."

Hindi na rin siya nagpumilit, the two didn't hold her that long dahil agad namang inutusan ng lolo niya na ihatid siya ni Forrest. Dahil sa mga pangyayari ay nakalimutan na niya si Xancho at nakalimutan na niya ang mga kapatid niya. It's already past ten in the evening and she haven't called dahil hindi niya dala ang kanyang cellphone.

"Mas mabuting hindi ka nalang nahanap Monica." Usal ni Forrest.

"At bakit?"

"Dahil ikakapahamak mo lang ang pagbabalik mo sa buhay namin, I am not telling you this to scare you. I am just stating a fact and the facts would tell you that it would be better if you won't accept lolo's propotition whenever you accepted that you are a family." Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito.

"At sinong mananakit sa akin, ikaw?"

"Hell no! But my father would do, hindi siya ang pinakamabait na tao sa mundo wala siyang alam sa iyo at hindi rin niya alam na buhay ako. He killed my mother not knowing I was born before he did that and he would have killed me too."

"Bakit niya gagawin iyon?"

"Dahil sagabal ako sa kayamanan na pwede niyang makuha sa lolo natin. That old man, he might not be a saint but he's kind. He doesn't know how to relay his feelings very well I know I shouldn't have told you this but I think you deserved to know the truth."

"And the truth is?"

"Tita Hikaru was pregnant with you noong ipakilala niya ang tatay mo sa lolo natin, masaya ang matandang iyon noong nalaman niyang buntis ang nanay mo at kahit na sabihin na may gusto siyang iba para pakasalan si tita may balak siyang tanggapin si tito. Pero hindi na nangyari ang plano niya dahil nagalit ang tatay ko, he doesn't want tita Hikaru to marry some other man with non-Japanese blood. Malaki ang utang ng walang kwenta kong ama sa ipinagkasundo nila sa mama mo. At alam ni lolo na may masamang mangyayari sa mama mo kapag pumayag siya kaya hinadlangan niya ang pagmamahalan ni tita Hikaru and tito Land." Nakinig lang siya dito, it is another version of her mother's life. "Akala niya ay sapat na iyon, lolo had a mild heart attack when everything was in chaos kailangan niyang bumalik sa Japan at nalaman nalang niya na namatay ang daddy mo and probably that was may devil of a father doing." Napansin niyang napapahigpit ang hawak nito sa manibela ng banggitin nito ang tungkol sa tatay nito. "And your mom was gone, hinanap na siya ng halos lahat pero wala ni isa ang nakahanap sa kanya. And all was found was her clothes soaked with blood and after that no one knows where she was. All lolo knows was she was pregnant at pwedeng nakapanganak na siya. Kung saan siya nagsimula sa paghahanap hindi niya rin alam basta may nagpadala na lang ng sulat sa kanya na nagsasabing buhay ang anak ng anak niya. It goes for years, wala ni isang araw na hindi inaalala ni lolo ang tungkol sa iyo at sa mga taon-taon na sulat na natatanggap niya."

"Sino ang nagpapadala ng sulat?"

"Hindi namin alam."

Alam niyang pwedeng nagsisinungaling ang lalaking ito para pagtakpan ang totoo, pero sa mga oras na ito hindi niya alam kung kanino maniniwala. Kung anong totoo ang dapat niyang paniwalaan dahil naguguluhan na siya. She knew they existed but she doesn't know they'll just popped out from somewhere and tell her about this. Para kasing ang boring lang ng buhay niya pero parang nagkaroon ng adventure na hindi niya maintindihan.

She'd rather have a boring life than a dangerous one.

"Ikaw? Kalian ka nahanap?"

"Right I was born or before I was born, kinuha ako ni lolo at ibinigay sa isang tauhan niya at pinalaki. Alam ko sa simula pa lang kung sino at ano ako."

"Pwede mo rin akong saktan para makuha ang sinasabi niyong kayamanan ng taong iyon." Tumawa lang ito sa sinabi niya, this man really loves to give a wry smile or a sarcastic laugh.

"Tinutulungan ko si lolo dahil sa utang na loob pero hindi ko habol ang pera niya, ayoko sa perang ang kaagaw ko ay ang taong gustong pumatay sa akin. If it weren't for you matagal ko ng binagsak ang yaman na iyon but I didn't, dahil alam kong mas nararapat na mapunta sa iyo ang bagay na iyon. I have my fair share our grandfather gave it to me years ago I can't even remember. I used it to build my own empire and I can definitely stand on my own." Tiningnan niya uli ito kung totoo man ang sinasabi nito ay hindi niya alam.

"I can't still believe it."

"Then don't and be safe." He just said to her, napansin niyang pumasok sila sa isang pamilyar na lugar. "I know your place I know about you." Makahulugang saad nito.

"Why?"

"Dahil ako ang nakahanap sa iyo." Huminto sila sa harap ng bahay niya, the lights were open kaya naisip niyang baka gising pa ang mga kapatid niya. "Here." May ibinigay itong calling card sa kanya. "Call me if you need help or you changed your mind," he patted her head which feels nice by the way. "Kung tatanggapin mo man kami sa buhay mo aalagaan ka namin dahil sabi nga ni tanda you are our oujo, a princess." He smiled for real at her.

Bumaba ito para pagbuksan siya at tamang-tama naman pagbaba niya ay may narinig siyang tumawag sa pangalan niya.

"Monica ikaw na ba iyan?" biglang bumalik sa kanya ang nangyari kanina ng marinig niya ang boses ni Xancho. "Oz?" napatingin siya kay Forrest ng tawagin ito ng ibang pangalan ni Xancho.

"Yow, Baste."

Oz? Baste? Magkakilala ang dalawang ito?

"Bakit kayo magkasama ni Monica?"

Bigla siyang nataranta ayaw niyang malaman ni Xancho ang tungkol sa kanya at ang koneksyon niya kay Forrest. That would trigger him to ask a lot of question she can't answer at ayaw niyang madamay ito sa kung anumang gulo sa buhay niya.

"Monica? Natagpuan ko siyang umiiyak sa tabi ng daan akala ko nga pusa kaya pinulot ko at dinala dito." Forrest smirks at her and patted her head. "Alam mo naman ayoko sa mga babaeng umiiyak." Her cousin pushed her lightly. "Sa iyo na huwag mo ng hayaan na umiyak iyan baka sa susunod iba na ang pumulot diyan at hindi na ibalik." Sumakay ito sa kotse nito at saka kumaway. "Nice to see you around Baste and bye Monica."

Hindi naman siya umiyak ah! Kapag nakita niya uli si Forrest makakatikim talaga ito sa kanya ng sapok. Pinanood lang niya ang pag-alis ng sasakyan nito at ng wala na ito sa paningin niya ay saka lang siya nakaramdam ng pagod.

"Monica." Tawag nito sa kanya, wala siyang lakas na makipag-usap ngayon kay Xancho dahil sa nangyari at sa nalaman niya. At ayaw din niyang ungkatin ang nangyari noong huli silang nag-usap. Nadrained na rin ang will power niyang humingi ng tawad sa mga nasabi niya.

"Masyado ng malalim ang gabi kailangan ko ng magpahinga." Malamig na tugon niya sa pagtawag nito sa pangalan niya.

"Hey-." He caught her up, nasa harap na agad niya ito nakakailang hakbang palang siya. "Pwede ba kitang kausapin sa nangyari kanina? I know I acted crazy but I want to-."

"I am tired hindi mo ako makakausap ng matino ngayon." She heard him sigh.

"Bukas nalang." Hahalikan sana siya nito sa noo pero agad siyang nag-iwas, nagulat din siya sa ginawa niya she acted out of instinct. Nakaramdam kasi siya ng takot, baka kasi bigla na namang magbago ang isip niya at kung ano na naman ang maisipan nitong gawin sa kanya ay hindi niya mapigilan. "Good night princess."

Tahimik na pumasok siya sa bahay, tahimik sa loob. Nakabukas lang pala ang ilaw pero natutulog na ang mga kapatid niya. While looking at them she taught about things, family to be exact. Nakakatawa ngang isipin na noon akala niya ay saling-pusa lang siya sa pamilya ng may pamilya only to find out na may lola pa pala siya at isang pinsan na kaibigan din niya. And today she found out na may pamilya pa pala talaga siya and they want her because they need her.

Nakakapagod isipin na kung kalian settled na siya sa kung anong meron siya ngayon ay may darating para sirain lang iyon ulit. She only wanted to have her family now, her siblings matters to her the most and she would do everything to keep them.

Humingi na siya ng tulong kay Hexel, to keep Emman and Yoona's family away. So far wala ng nagpaparamdam pero hindi pa rin siya pakakasigurado. Masaya naman silang lahat, hindi sila naghihirap masyado at nakakaya naman nila ang mga bagay-bagay. Kaya pa niya at hindi siya kailanman susuko sa pag-aalaga sa mga kapatid niya. Mahal niya ang mga ito, pantay-pantay ang pagmamahal na ibinigay niya sa mga kapatid niya minsan nakakalimutan na niyang mahalin ang kanyang sarili para lang ibigay sa mga ito. And there's Xancho, ang lalaking mahal niya.

Kung wala ang mga kapatid niya, kung nabuhay siya na kasama ang tunay na pamilya niya at lumaki sa maayos na buhay siguro kung dumating si Xancho ay hindi siya matatakot ng ganito. She can love him with all her heart and even dared to tell him what she feels, hindi siya matatakot na harapin ang antas nito sa buhay. They said it doesn't matter but in reality it does, and since she loved him already the pain is inevitable.

Natatakot siyang masaktan dahil saksi siya sa bawat sakit na hinarap ng mga kaibigan niya, she saw how they were broken by love. Xancho can make her happy but he can hurt her too by all means. Iniisip pa niya kung darating ang time na masaktan siya ng husto makakaya kaya niya? Ano kaya ang magiging reaction niya? Anong gagawin niya sa takot na nararamdaman niya para sa sakit na pwede niyang matikman sa mga kamay ng taong mahal niya.

If only Xancho loves her and secure her it wouldn't be too hard for her to accept her own feelings. Kahit niyaya na siya nitong pakasal still hindi assurance iyon na mahal nga siya nito, baka guilty lang ang naramdaman nito sa kanya. At siguro katawan lang din ang habol nito sa kanya when he's done with her he will toss her away and that she doesn't want to happen and hopefully would never happened.




"HI, GOOD MORNING." Hindi niya sinagot ang pagbati ni Xancho ng bumaba siya sa hagdanan, bitbit niya ang kanyang mga gamit dahil papasok na siya sa trabaho ng madatnan niya ito sa ibaba. He looks so fresh and so handsome. "I cooked." Balita nito sa kanya. "Kumain na ang mga kapatid mo ikaw nalang ang hinihintay namin." Iniwas lang niya ang tingin mula dito her emotions right now were very fragile. "Kumain ka na."

"Busog pa ako." Pagsisinungaling niya mabuti nalang at hindi siya nakatingin dito kung hindi ay baka magbago ang isip niya at yakapin niya ito.

"Norman-."

"Kanina pa siya umalis may kailangan pa siyang gawin sa school." Sagot naman nito.

Pumasok siya sa kusina sa pag-aakalang nandoon ang iba pa niyang kapatid. "Inihatid ko na sila kanina sa school." Hindi man lang siya hinintay ng mga kapatid niya. "Pagkatapos mong kumain ihahatid na rin kita."

"No thank you, I can manage." Tanggi niya. "Aalis na ako kung wala ka ng kailangan ilock mo ang door paglabas mo." Mabilis siyang lumabas at hindi nag-abalang hintayin ang sagot nito. Paglabas niya ay may tricycle na dumaan na agad niyang pinara at sumakay. Wala siya sa mood, buong umaga ay hindi siya malapitan. Kahit na hindi siya ngumingiti ay mapapansin naman ng lahat kung maganda ba o hindi ang mood niya. At alam ng mga ito na hindi iyon maganda.

Akala niya ay mababawi na niya ang momentum niya pagkatapos ng mga classes niya pero hindi kaya naisipan niyang pumunta sa Little Devils. Kaso mas lalong hindi gumanda ang mood niya dahil sweet na sweet si Heinz at si Zyrene mukhang nang-aasar lang. After finishing her smoothies and cookies she bids good bye and decided to visit Ainsley pero habang nasa jeep pa siya ay nakita niya si Ainsley na pasakay ng kotse kasama ang kapatid ni Karylle kaya hindi nalang siya bumaba at naisipan na puntahan si Georgette.

Kaso, sa kasamaang palad mukhang may bisita naman ito ang pinsan ni Ainsley na si Ashton kaya hindi na rin siya tumuloy. Hindi niya mapuntahan si Karylle dahil malamang kasama nito si Colton, si Chloe naman ay out of reach sa cruising nito, si Diana ay abala din kay Warren, si Crischelle wala naman sa Little Devils, tapos si Monique ay nasa shooting pa.

Nakakainis pala ang ganitong pakiramdam iyong sa dami ng kaibigan mo na sobrang busy ay hindi mo na alam kung saan pupunta o sino ang kakausapin. She can't talk Hexel about Xancho. Kinuha niya ang calling card na ibinigay ni Forrest sa kanya she wanted to call him pero alam din niyang busy ito, while scrolling her phone ay biglang nagregister na naman ang number ni Xancho at dating gawi she cancelled the incoming call.

Nakalimutan na niya ang oras kaya ng makauwi siya ay masyado ng gabi, agad siyang nagbihis at natulog. Kinabukasan ay natagpuan na naman niya si Xancho sa bahay niya pero hindi niya ito pinansin. She starts to build that façade around her heart fearing that he would hurt her.

Naging ganoon sila ng ilang lingo hanggang sa...

"Ayoko na." sigaw ni Xancho isang umaga ng palabas na siya ng bahay. Sinulyapan lang niya ito halata ang galit sa mukha nito. "Gusto mo ng ganito ang walang pansinan? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit ayaw mo pa rin?" galit na tanong nito sa kanya.

She just looked at him devoid with any emotion.

"Fine, I'll play your game. Hindi na kita papakialaman pa, hindi na rin kita papansinin at bahala ka na sa buhay mo. Papansinin lang kita uli hanggang sa handa ka ng kausapin ako." At nagwalk-out ito sa kanya. Pinigilan niya ang sariling hindi ito habulin dala na rin siguro ng pride niya.

Iba talaga ang nadadala ng takot.

Mas Malala kapag nahaluan na ng pride.

Sinara na rin niya ang pintuan ng bahay niya at naglakad sa ibang direksyon, hindi naman siguro nito inaasahan na susundan niya hindi ba?

Hindi ba talaga niya ito susundan?

Buo na sa utak niya na hindi ito sundan pero habang papalayo siya ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi makaramdam ng kakaibang takot. She felt like she is drifting apart.



<3 <3 <3

a/n: I was so busy last week, at wala sana akong balak na magsulat ngayon pero na-open ko ang gmail account ko kanina at nabasa ko ang sandamakmak na comments niyo and private messages kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magtype ng magtype hanggang sa matapos ko ang chapter na ito and currently writing the next chapter as well. Hahaha, may ganoon talaga ano? Thank you sa encouragement mga babies hindi niyo lang alam kung gaano niya pinalakas ang loob ko para kayanin ang mga bagay-bagay (as if may matinding pinagdadaanan). Hopefully, sana tuloy-tuloy na ito pero hindi ako mangangako. 

STATUS UPDATE: Para sa inyong lahat ito.

PPS: LOVE YOU all babies,

Continue Reading

You'll Also Like

35.7K 862 25
ZODIAC SIGN SERIES MATURE CONTENT (R-16) Ranali Carolina A Libra. She's the good definition of a person with boring lifestyle. No fun life style, no...
1.2M 12.8K 14
Warning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18
160K 3.9K 57
Isang babaeng isip bata,makulit at hindi mo aakalaing siya ay 18 years old na. Lumaki siya sa marangyang pamilya ngunit namatay ang ina nito kaya ang...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...