After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 13: Fire vs Ice
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 15: The Other Side
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 30: Suppressed Emotions
Chapter 31: The Decree
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 37: Stranded
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 32: Caught in Between

19.2K 319 38
By wonderwall23

Bumaba si Kathryn sa harap ng gate ng bahay nila Julia M. Saktong naabutan nya na may delivery man na kapaparada lang din sa may unahan nya. 

“Excuse me po, Manong.” Tawag niya dito. 

“May maitutulong ho ba ko sa inyo, Ma’am?” 

“Opo. May dala po kayong package na nakapangalan kay Kathryn Bernardo? Or Chandria Bernardo?” 

“Ay oho. Iyon nga po ang ipinunta ko dito. Bakit ho?” 

“That’s great. Ako po si Kathryn Bernardo. Ito ang driver’s license ko.” Sabi nya sa delivery man sabay labas ng wallet para iabot ang lisensya nya dito. 

Medyo nagtaka pa ang delivery man pero pagkatapos nya magpaliwanag na kunwari ay kakabenta lamang nya sa bahay na iyon at hindi nya nasabi agad sa nagpadala sa kanya ng package ay tumungo na ang delivery man sa truck para kunin ang package. 

Nagulat na lamang sya nang sinimulang nitong ibaba ang nasa tantya nya ay isang daang bouquets ng ibat ibang klaseng roses. 

Napangiti sya dito. 

Diego was always sweet at naisip nyang kailangan nyang pasalamatan ang binata para sa mga pinadala nito. 

Dahil alam nyang hindi nya pwedeng maiuwi ang mga bulaklak ng hindi malalaman ni Daniel kaya ipinakiusap na lang nya na ideliver na lang ito sa opisina ng Glitz. 

Bago pa man sya nakaalis ay hinabol sya ng delivery man at iniabot ang isang envelope. Nang buksan nya ito ay nakita nya ang isang box na naglalaman ng mga cream colored envelopes at iba pang papeles. 

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi nya. 

Isa ito sa mga reasons kung bakit sya umuwi sa Pilipinas bukod sa fashion show. 

Isa sa mga bagay na kailangan nyang gawin. 

Pero habang tumatagal sya sa bansa, ay nakalimutan nya iyon. 

At ngayon bumabalik sa kanya ang lahat. She feels like nasa square one ulit sya. 

Laman din ng kahon ang isang plane ticket. 

Ang ticket na magdadala sa kanya pabalik sa California isang linggo mula ngayon. 

__________  

Blank ang expression ng mukha ni Kathryn habang wala sya sa sariling naglalakad malapit sa bahay ni Daniel. Sinadya nyang magpababa sa taxi driver isang kanto ang layo mula sa bahay para maiwasang mahuli ang ginawa nyang pagtakas.             

Tiningnan nya muli ang laman ng paperbag na hawak. 

*Pagkatapos ng kasal ni Julia M and Quen next week…* 

Hindi na natapos ni Kathryn ang iniisip dahil may biglang dumaan na isang pulang Ford Explorer sa harapan nya habang patawid sya ng kalsada. 

Malakas na preno at busina ang ginawa ng driver ng kotse at nagfreeze naman si Kathryn sa kinatatayuan. 

Nang-makarecover sa shock nya ay sumigaw sya ng sorry sa driver pero hindi ito bumaba ng sasakyan at umalis na lamang bigla. 

*Whew. Kung nasagasaan ako baka nagkaamnesia pa ko. At kung nagka-amnesia ko, I could forget and change everything.* 

Tinigil na ni Kathryn ang pagiisip ng negative thoughts at pumasok na sya mansion. Nagdaan sya sa secret passage na itinuro sa kanya ni Manang Fe. Ito daw ang dinadaanan ni Daniel dati kapag tinatakasan nito ang magulang para lumabas kasama ang mga kaibigan sa hatinggabi. 

Nang makapasok na sya sa kwarto nya ay ibinagsak nya ang katawan sa kama. 

Naisip na naman nya na konting panahon na lang ay iiwan nya na uli ang lahat ng ito. 

Pero ano ba ang pumipigil sa kanya para umalis? 

Bakit parang mas mahirap para sa kanya na umalis ngayon? 

At bigla nyang naalala si Daniel. 

Tumayo sya sa kama at sumilip sa bintana para pagmasdan ang garden.

She stopped asking. She stopped wondering. She stopped hoping.

She just stopped.

And she wasn't going to take that route again. She promised herself this.

Habang nagmumunimuni ay nakita nya si Daniel na naglalakad papasok ng bahay.

“Oh shit!”

Agad nyang nakita ang paperbag at bag nya na nasa ibabaw ng kama. Itinapon nya ang bag nya sa ibabaw ng dresser at ang paper bag sa ilalim ng kama nya sinipa kasama ng sapatos nya.

Tatakbo pa sana sya sa closet para magbihis pero bigla na lamang bumukas ang pintuan.

Nang lingunin nya ito ay nakita nya ang inaasahan nya.

Sa pagkakakilala nya kay Daniel ay alam nyang hindi sya nito bibigyan ng benefit of the doubt. Pero bakit parang kalmado lamang ito. O baka paranoid lamang sya?

“Common courtesy ang kumatok bago pumasok.” Masungit na bati nya kay Daniel.

“Hello din sayo. Matanong kita, yung mga pulis ba kumakatok kapag nagraraid sila ng mga druglord?” Sagot ni Daniel.

“Mukha ba kong druglord?”

“Hindi. But you are sly. Kaya nga kailangan ko maginspection.”

“Wow. Umuwi ka ng maaga para lang maginspection? How sweet.” Sarcastic na sagot ni Kathryn.

“Wag mo masyadong pakiligin ang sarili mo. Ayoko lang ng niloloko ako.”

Lumapit si Kathryn sa kanya.

“Kung tungkol ito sa note na iniwan mo kaninang umaga – which by the way ay completely absurd. As you can see, andito naman ako. Satisfied?”

“Medyo. Andito ka ngayon, pero kung andito ka maghapon, hindi pa yan proven.”

*Gulp*

“Andito ako maghapon. Itanong mo pa sa mga tao. Tawagan mo si Julia M or sa opisina ko kung nakita nila ko kanina.”

“Mukhang confident ka?”

“I am.”

Tinitigan sya ni Daniel saka bumaling ang tingin sa paa nya.

“Tinanggal mo yung bandage?”

“S..syempre kinailangan ko maligo. And besides, okay na ko. Nakakatayo na nga ako ng maayos.”

“Alright. So diba sabi mo andito ka lang maghapon?” Tumingin si Daniel sa paligid ng kwarto para maghanap ng ebidensya.

“Yes.”

“Dito lang sa kwarto mo?”

“Yes.”

“Ng nakadamit pang-alis?”

Natigilan si Kathryn pero hindi nya ito pinahalata. If Daniel is good at anything, it’s at cornering people. Pero hindi sya pwedeng magpatalo ngayon.

“I was bored. Kaya sinukat ko yung iba kong damit.”

Hindi sumagot si Daniel at naglakad ito ng mabagal papunta sa dresser nya.

His movements were executed in a painfully slow manner.

Pinipigil ni Kathryn ang hininga habang iniangat ni Daniel ang bag nya.

“Pati bag  sinukat mo?”

“Syempre kailangan ko malaman kung alin ang bagay sa damit ko.” Inis na inis na si Kathryn sa sarili at sa pagiging lousy liar nya sa araw na iyon.

“Ganun ba yun?”

“Yes.”

Tumayo ng maayos si Daniel at inilagay ang kamay sa bulsa.

“Sige, sabi mo eh.”

*Yun na yun?!*

Nagulat si Kathryn na ganoon lamang ang ginawang “investigation” ni Daniel. Parang may kakaiba sa kinikilos nito.

“By the way…” Nagsalita uli si Daniel at humarap sa kanya bago ito makalabas ng pintuan. “Sorry pala kasi muntik na kitang masagasaan ng bago kong Ford Explorer habang tumatawid ka kanina.”

Kathryn froze, gaping at Daniel sa sobrang shock.

“Ikaw?! Ikaw yun???” Nauutal na sigaw nya sa binata. Inalala nya ang nangyari at isang pulang Ford Explorer nga ang muntik nang makasagasa sa kanya. Hindi nya alam na may ganung sasakyan pala ito.

Kelan pa lumiit ng ganoon kaliit ang mundo?

“At isa pa. Pag dadaan ka sa secret passage, isara mo naman yung gate. Ibalik mo din yung mga vines sa dating ayos. Ganoon ang dapat gawin para mapanatiling secret yun. Okay?”

Damn. Huling huli.

Kahit gustuhin ni Kathryn na sumagot pa, hindi na nya magawa. Ayaw na nyang isipin ang kahihiyan na dulot ng mga kasinungalingan nya kanina.

Hindi naman mapigilan ni Daniel na magpakita ng isang triumphant smile dahil alam nyang na-caught off guard si Kathryn sa mga sinabi nya. Lalabas na sana sya ng tuluyan sa pintuan nang may maalala sya.

“Ay at bago ko pala makalimutan…” Tinitigan nya si Kathryn at nagsmirk. “You owe me a kiss.”

Tumalikod na ito at tuloy tuloy na lumabas ng pinto.

___________

Author’s Note: Sabaw update. Kasing sabaw ng mga watty kwento about DJ’s condition. Hahahahaha.    

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 92 54
[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wa...
327K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
450 55 20
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Oh, To Fall For You Duology: Her POV ~•~•~ Nexus Cairo. He is a ray of shining moonlight...
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...