Chapter 39: Hilarious
*Ayesha's POV
We were inside Hershien's room magslumber party kami together with Ches tinext na rin naman siya na pumunta dito, so I am expecting that tonight will turned out to be happily crazy.
Sina Sky at Zhaic ay nasa kabilang kwarto, nagpaalam na dito rin sila matutulog, kaya naman pala may dala silang malaking bag. Pinayagan nadin sila ni Ate Yani na kakarating lang, umuwi pala muna siya sa bahay nila because of emergency. Akala namin kung namili lang, kaya pala masyado siyang matagal.
Tumulong sila Sky at Zhaic sa paghahanda ng pagkain ng wala akong naririnig na reklamo mula sa kanilang mayabang na bibig at in fairness naman masarap sila magluto at marunong mag-plating.
"Ayesha!! Open sesame!" Naririnig ko na ang masakit sa tengang boses ni Ches, kumakatok na siya pinto at pinagbuksan ko rin naman agad, may saltik yan eh baka sirain niya yung pinto pag tinagalan ko.
"Ohh kumusta naman ang lakad mo Ches? Check ko nga yung pwet mo baka nag-paano ka na naman." Pabirong sabi ko sakanya noong pagkapasok niya sa kwarto kunwari tinitignan ko talaga yung butt niya.
"Wag kang ano diyan! Virgin pa 'to 'no! Never been kissed, never been touched." Tugon niya sabay pose ng pang beauty queen na rarampa na akala mo ang ganda-ganda.
"Alam mo hindi halata sa bunganga mo! Parang andami na eh!" Sabat naman ni Paine na nakahiga sa kama kasama si Anne na seryosong nanunuod ng TV.
"Tigil-tigilan niyo ko ha! Matumal ang nota ngayon mga bess! Nilibot ko na ang buong metro manila wala yung ka red string ko mga beshie.." Sagot ni Ches at naupo na rin siya sa kama sabay dampot ng chichirya na tangan tangan ni Anne.
"Aasa ka na naman sa red string, red string na yan! Kahit alambre pa gamitin mo wala kang mahahanap. Walang forever!" Seryosong pagkakasabi ko. Hanap siya ng hanap ng forever, mag-iilang taon na ba siyang naghahanap? Hindi ko na nga mabilang, after niyang makahanap nag-bibreak din naman agad.
"Buti pa si Cindirella nahubad lang yung sapatos nagkaprince charming na ,ako kahit maghubot-hubad nganga!! Si malakas at maganda nasa loob lang ng kawayan nagkaforever ako nilibot ko na buong bansa wala!! Si Rafunzel nasa taas lang ng tower pinuntuhan na lang ng forever. Ako na kusang naghahanap mailap ang forever. Napapagod na akong magpaputi mala Snow White nasasayang lang yung gluta.."
Nagsalita din yung isang naghahanap ng kared string niya. Pareho bitter 'tong dalawa eh si Paine at si Ches. Parehong naghahanap pero nganga!
"Taray mo bess! Paguma-awra ka kasi isama mo yung seven dwarfs!! Wag ang tatlong bibe!" Suggestion ni Ches.. Tapos biglang tumawa ng malakas si Anne.
"Sinong tatlong bibe ang tinutukoy mo?" Tanong ni Paine, mula sa pagkakahiga naupo na lang siya at tumabi kay Ches.
"Di ba kasama mo parati sina Ayesha at Hershien, di ba pare-pareho kayong may mga kabibe? Wag ka ng magtaka! Malamang sa malamang hindi ka pipiliin ng mga lalaki." Sagot sakanya ni Ches, grabe siya! "Tingnan moko confidently beautiful without make-up. Ikaw bess kelangan mo magic." Dagdag pa ni Ches na may diin sa word na magic.
Tumaas ang kilay ni Paine matapos sabihin sakanya yun ni Ches. Kinuha niya yung phone niya na nakalagay sa bedside table at parang may hinahanap sa cellphone niya.
"Tingnan mo 'to ohhh!" Pagmamayabang ni Paine habang may ipinapakitang picture.
"Oh my ghad! Sino yang kasama mo? Aminin mo magkano binayad mo sakanya?" Malaki ang pagtataka ni Ches.
Lumapit ako at tinignan din yung picture na pinapakita ni Paine.
"Ikaw lang nagbabayad! Ibahin moko sayo." Mataray na sagot ni Paine.
"San mo siya nameet! Parang artista siya ah! Ang tangos ng ilong at ang pula ng manipis niyang lips. Ano bang pangalan niya?" Halata sa boses ni Ches ang matinding kagustuhan na makilala yung lalaki.
"Sky Sejus Blaire" tugon ni Paine kay Ches na ngayon eh parang may iniisip.
"Bagay sakanya ang pangalan niya." SKY" siguradong dadalhin ka niya talaga sa alapaap kapag siya ay iyong nalasap. Bagay kaming dalawa! Gwapo at maganda." Wika ni Ches, pumapalakpak pa siya at nagtitwinkle ng eyes.
"Hindi 'no mas bagay kami! Wala kang kabibe ako meron!" Pagmamayabang ni Paine at nakacross arms pa siya.
"Yan ang mahirap saenyo eh! Kakainin na lang namin uupuan niyo pa!" Nagmamataray na sabi ni Ches sabay inirapan si Paine.
"Bagay talaga ang SKY na pangalan niya kasi ikaw bakla, bibitbitin ka niya hanggang langit tapos sabay ihuhulog ka para magkapira-piraso ang mga buto mo." Taas kilay na sinabi ni Paine. Kung nakakapanakit lang ang tingin malamang kanina pa 'tong dalawa sugatan.
"Tumigil na nga kayong dalawa, kaya kayo parating nasasaktan kasi parati rin kayong umaasa." Sumingit na ako sa pag-uusap nilang dalawa bago pa mauwi sa sabunutan ang lahat.
"Ahahahaha!!! Ahahahaha!!!" May narinig kaming malakas na tawa mula sa kabilang kwarto.
"Oyy sino nasa kabilang kwarto? Akala ko ba tayo lang nandito?" Ches curiously asked while looking at the concrete wall dividing the room.
"Nandito yung nasa picture na yan tapos may kasama pa siyang isa pang lalaki." Pagkasabi ko niyan agad namilog ang mga mata ni Ches at nagniningning pa ang mga nito. Mukhang may naiisip na naman siyang masamang plano.
"Talaga nandito siya? Pwedeng puntahan natin siya? Gusto ko siya makita." Mabilis na pagkakasabi ni Ches na akala mo'y may emergencing nagaganap. Inaalog-alog niya pa ako.
"Wag ka magkakamali Ches! Akin si Sky sayo na lang si Zhaic." Pagbabanta ni Paine.
"Tara na! Excited nako makita sila." Kahit kelan talaga 'tong si Ches pagsalalaki ambilis.
Pumunta kaming lahat papalapit sa pinto para sabay-sabay kaming maglakad patungo sa kabilang kwarto. Nasa labas na kaming lahat nang..
"Wait lang! Hindi pa ako ready mga bess.. Chararat pa ang feslak ko. Retouch muna ako." Sabi ni Ches at pumasok ulit siya sa kwarto, humarap sa salamin at kinuha ang make-up kit niya.
Mga 2minutes pa ang nakalipas...
"Ano Ches? bukas na lang?" Naasar na sabi ni Paine.
"Malapit na 'to wait lang. Ayan nako papunta na sa labas." Salamat at natapos rin siya. Kilay na sabog! Blush on na pumuputok! Kabooogg talaga to si Bess!! T.T
"Gorabells na tayo.. Dali sabik nakong makita sila." Saad niya at nauuna na siyang maglakad samen.
Marahan kong kinatok ang nakasarang pinto. Si Ches at si Paine ay may hawak na salamin masyadong concious sa kanilang pagmumukha. Narinig naming may naglalakad papalapit ng pinto kaya naman yung dalawang may hawak ng salamin ay agad itong naitago sa kanilang bulsa.
Pagbukas ng pinto tumambad samen si Zhaic na half naked. Porket macho siya kailangan talaga nakahubad?
"Anong maipaglilingkod namin saenyo? May problema ba kayo? Gusto niyo pumasok?" Sambit ni Zhaic na dire-deretso kung magsalita. "Namiss yata agad ako ni Ayesha hindi ba?" Dagdag niya pa at nagtatangka pa siyang yakapin ako. Pero hinarang ko yun ng aking kamao. Lakas talaga ng loob eh! Sarap tadtarin ng mga lamang loob niya. Gwapong-gwapo sa sarili. Anak ng tupa!
"Shege sha loob na lang tayo mag-ushap-ushap." Pabebeng sagot ni Ches na may halong paglalandi.
"Sige tara!" Paanyaya samen ni Zhaic at nauna na siyang pumasok sa loob.
"Shet na malagkit! Yummy ng abs niya! Ang ganda ng mga mata niya!!! Pakilala niyo 'ko sakanya pag-pasok natin ha." Pabulong na sabi ni Ches habang siniko-siko ako.
"Sorry if we take our shirts off. Sanay kasi kaming nakatopless pagmatutulog." Paumanhin ni Sky na nakatopless din. Medyo OK pa 'to saken si Sky kesa kay Zhaic.
Nakahiga na si Zhaic at nanunuod ng One Piece yung anime kung saan bida si Monkey D. Luffy. Malaki naman yung kwarto para talaga yun sa mga bisita, naupo kami sa chairs na nakasandig sa wall.
"Ano gwapo ba sila? Makalaglag napkin ba?" Tanong ni Paine kay Ches. Mahina lang yung pagkakasabi niya non baka kasi marinig siya.
"Hindi sila makalaglag napkin. Makasabog ovaries bess! Makasabog ovaries!" Tugon ni Ches na may diin sa salitang ovaries, kung hindi lang 'to bakla malamang isang dosena na anak niyan.
"OA! Tandaan mo wala kang ovaries!" Sagot din sakanya ni Paine at dinilaan siya nito.
"So, why are you here?" Tanong ni Sky tumayo siya at isinuot ang moss green na body fit na T-shirt mas lumitaw pa ang kaputian at kakisigan niya.
"Paine! Juice colored! Mas gwapo siya sa personal." Sabi ni Ches, nagsisikuhan pa yung dalawa habang papalapit na si Sky.
"Wala lang gusto lang namin tingnan kong may ginagawa kayong kabulastugan sa loob ng kwartong ito." I answered to Sky's question.
"Hi! I'm Sky!" Nagpakilala siya kay Ches at iniaabot ang kanyang kamay para magshake hand silang dalawa. Ang bakla naman kilig na kilig, parang bulateng naasinan.
At nung nginitian pa siya ni Sky halos parang umikot ikot ang bakla na parang asong inaabot ang kanyang buntot.
Nang makamove on sila sa taglaway moment nagpakilala na rin naman siya.
"I'm Ches." Pabebeng sagot niya. Akala niya naman kung babae siya with matching twinkling eyes pa.
Halos ayaw ng bitawan ni Ches ang kamay ni Sky na parang nakamighty bond.
Kinurot siya ni Paine kaya biglang nakabitaw si Ches .
"If you want pwede tayong mag-usap-usap dito sa loob ng kwarto." Sky suggested while giving his warm smile. Mas trip ko pa itong si Sky kesa kay Zhaic mas friendly siya eh.
"Sige, gorabells na tayesh mga beshie! Busog-busog tayo dito." Saad ni Ches.
"What does he say?" Hindi naintindihan ni Sky ang sinabi ni Ches. Halata namang wala siyang alam sa gay lingo.
Naglalakad na rin siya papunta kay Zhaic grab the opportunity na siya porket nakahubad pa ng pang-taas si Zhaic. Hindi na namin siya sinagot, nahalata naman niya na gusto namin na makipag-usap sa kanila.
Lumapit kaming lahat papunta sa malaking kama kung saan nakaupo si Zhaic. Si Ches ay nakikipagshake hands na sa kanya at abot batok na ang kanyang ngiti. Halos mahati na sa dalawa ang mukha ni Ches.
"Do you have girlfriend?" Tanong niya sa dalawa. Interesado talaga siya.
"Zhaic and I have a lot of girl friends! " ang sagot ni Sky na nagpadismaya sa itsura ni Ches.
"Madami talaga kaming babaeng kaibigan.. Gusto niyong maging kaibigan din namin?" Zhaic cordially asked. Friendly ba siya?
"Hindi! Hindi kami nakikipagkaibigan sa mga Extra terrestrial!" Sagot ko sakanya at inirapan ko siya.
"What I mean yung karelasyon." Siksik ni Ches kaya hindi na nakasagot pabalik yung mokong.
"Wala kaming ganun. We're not looking for it." Sky replied na parang inosenteng inosente sa pagkakaroon ng girl friend.
"Sa gwapo niyong yan. For sure meron. Pero kung wala talaga pwede bang ako na lang?" Ayan na ang bakla sa kanyang best in moving choreography. Landi talaga!
"You're so funny! Hahaha hindi kami pwedeng magkaroon ng ganun."tugon ni Sky.
" Ako ? pwede bang maging karelasyon mo?" Sumingit na rin si Paine.
"Sabi ko na nga ba eh may gusto ka saken pero ok lang pwede tayong maging mag kaibigan." Mabait na pagkakasabi ni Sky.
Nagpatuloy lang ang kulitan sa loob ng kwarto. Sayang-saya si Ches buti na lang at hindi maarte yung dalawa go din sila sa mga kabaliwan ni Ches. Daig talaga ng malandi ang maganda isang malaking patunay diyan eh yung dalawa. Wala talaga yan sa mukha eh. Una-unahan lang sa kalandian.
Bumalik kami sa kwarto namin na akala mo'y nasa langit na si Ches hinawakan niya kasi yung abs nong dalawa. Letsugas!! Anlakas! Hindi daw siya maghuhugas ng kamay hanggang next year. Inaamoy amoy niya pa ang kanyang kamay na parang may sobrang pagnanasa.
So, ayun na nga natulog kami na may ngiti sa labi ni Ches, nagreklamo pa si Paine na dapat daw hindi na lang pinapunta si Ches nagkaroon pa siya ng kaagaw.
(To be continued on Chapter 40)