The Seven Princes of Mafia

By FielCurfieL

81.8K 1.7K 474

Romance/Action/Comedy (Taglish) Fanfiction: BTS/EXO/BlackPink COSA NOSTRA ACADEMIA: a school for Mafia. They... More

A School For Mafia
Meet The Characters
Crucifix Six & Their Skills
Septem Sonticus Regit
PROLOGUE:
Chapter 1: The Klutz
Chapter 2: Wingless Angel
Chapter 3: Slavery
Chapter 4: Hint In Climax
Authors note:
Chapter 5: Maldita Lessons
Chapter 6: Maldita's Axioms And Maxims
(1st Part) Chapter 7: Undeniable Crush
(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush
Chapter 8: Cannibal
Chapter 9: Onion Cry
Chapter 10: PhotoMon
Chapter 11: Go and Multiply
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting
Chapter 13: Deathless Memories
Chapter 14: Humanitarian Aid
Special Chapter
Chapter 15: Map To Hell
Chapter 16: Angel In Hell
Chapter 17: Devil's Explanation
Chapter 18: God's Domino
Chapter 19: Euphoria
Chapter 20: Crestfallen
Chapter 21: Slave Princess
Chapter 22: Inner Bliss
Special Chapter: Taming The Beast
Taming The Beast (Continuation)
Chapter 23: Happiness
Chapter 24: On Bed Now!
Chapter 25: Happiness (Part 2)
Chapter 26: Lips of a Flower
Author's Note
Chapter 27: The Rescue
Chapter 28: Angel's Saviour
Special Chapter
Chapter 29: Remorseful
Chapter 30: The Revenge Plan
Chapter 31: Piece Of Heaven
Chapter 32: Unspoken Feelings
Chapter 33: Vengeance in Vain
Chapter 34: Sweating Abs
Chapter 35: Her Business
Chapter 36: Flesh to Sell?
Chapter 37: Evil Sweet Plan
Chapter 39: Hilarious
Chapter 40: Fifty Shades of Green
Chapter 41: He is my Suicide
Will UPDATE
Chapter 42: Yuletide
Chapter 43: La Cosa Nostra
Chapter 44: Code of Silence

Chapter 38: Even Sweeter Plan

145 8 1
By FielCurfieL


Chapter 38: Even Sweeter Plan

*Hershein's POV

Noong natapos na akong maligo at makapagbihis agad na rin akong bumaba para tingnan ko ano nang kalagayan nila. Nag-aalala ako baka kasi may kung ano nang nangyari.

Nadatnan ko sina Diael at Curfiel na naglalaro ng eroplano samantalang si Paine ay nakikipag-usap naman kay Zhaic at Sky. Bakas sa mukha ni Curfiel ang kasiyahan sa pakikipaglaro kay Diael.

"Nagugutom ka na ba Diael?" Tanong ko sa bata noong makarating ako sa pwesto kung saan sila naglalaro.

"Hindi pa po ako gutom mommy!" Sabi niya saken, ngumiti siya at naglarong muli.

Ayan na naman siya sa pagtawag niya saken ng mommy utos na naman ba ito ni Curfiel?

"Marami pang laruan don si Anne gusto mo kunin ko?" Inalok ko siya ng mas maraming laruan pa.

"Ayaw niya ng ibang laruan gusto niya eroplano lang." Sagot ni Curfiel na karga-karga si Diael habang hawak nito ang laruang eroplano.

"I am not asking you Curfiel." I replied to him.

"You know the reason why? Kasi pangarap ni Baby Diael na libutin ang buong mundo kasama ang taong mahal niya." Deretso lang siyang sumagot saken.

Tinignan ko lang si Curfiel, naging spokeperson na siya ni Diael.

"Pero ako makasama lang ang taong mahal ko, okay nako don kahit hindi ko na libutin ang buong mundo. Nasa harap ko na kasi siya ngayon." He added tapos inilapit niya ang mukha niya saken sabay ngiti.

"Nyee nyeee ang corn-knee! Mais-tuhod!" Medyo maarteng pagkakasagot ko sakanya.

"Yieeee nag-aaway na naman sila!" Singit ni Paine lumapit na rin kasi sila samen kasama sina Zhaic at Sky na nakangisi rin.

Nakita ko rin ang pagpasok ni Ayesha galing ulit siya sa hardin. Nakatingin siya saken na parang may ibig sabihin. Sa tingin niya pa lang alam ko na kung ano ang gagawin.

"Bat di na lang tayo maglaro ng taguan baby Diael gusto mo ba yun?" Suggestion ni Paine kay Diael nakarga karga pa rin ni Curfiel.

"Sige po. But I want that all of you will join." Tugon ni Diael.

Pumayag kaming lahat na sumali. Pero ang gusto ni Diael kami ang magkakampi ni Curfiel pumayag na rin naman agad ako. Kampihan na daw para mas madali mahanap, kawawa naman daw kasi pag mag-isa.

"Si Kuya Zhaic nalang kakampi mo Baby Diael ha." Sabi ni Zhaic kay Diael tapos kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Curfiel.

"Sige po! Wag po nating pahirapan si Mommy at daddy ah." Masayang tugon ni Diael.

Oo kami ang taya ngayon ni Curfiel, ok lang yun kasi alam ko naman lahat ng mapagtataguan dito sa bahay namin. Lahat ng kasuloksulukan alam ko.

"Sige na pipikit na kami. Bibilang kami hanggang sampu." Hindi pa nga kami pumipikit eh nagsitakbuhan na sila.

Magkahawak kamay si Sky at Paine, si Zhaic naman karga-karga si Diael at tumatawa pa ito. Ang cute talaga ng tawa ni Diael tapos pag ngumingiti siya. Tapos si Anne at Ayesha sabay na sabay sa pagtakbo.

Dapat daw kasi parating magkasama yung magkakampi kapag nagsimula ng tumago.

Pumikit kami at nagsimulang ng magbilang.

"1..."

"2..."

"3.."

"4.."

Hanggang sa umabot sa sampu ang aming pagbibilang.

Hinawakan ni Curfiel ang kamay ko at naghanap kami ng magkasabay.

"Kelangan pa ba natin silang hanapin? Yung bagay kasi na matagal ko ng hinahanap hawak ko na ngayon, ayoko ng maghanap pa ng iba." Hugot na naman ni Curfiel, mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Doon tayo sa may stock room." Hinayaan ko na lang yung sinabi niya at hinila siya papunta doon sa stock room , malamang merong tao don maraming pwedeng siksikan doon para may mapagtaguan.

"Shien! Pansinin mo naman ako!" Pagtatampo niya.

Tapos hinawakan ko pa yung isa niyang kamay, tinignan siya ng mata sa mata, ngumiti at niyakap ko siya.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang mamula na lang. Bat parang nahihiya siya ngayon hindi bagay sakanya.

Siya na mismo yung bumitaw sa kamay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa stock room habang wala ng imik si Curfiel.

"May nagtatago ba rito?" Tanong ko nong pagkapasok namin sa kwarto.

"Walang nagtatago dito mommy! Nasa kabilang kwarto madami." Yung cute na boses na naman ni Diael ang narinig ko. Masyado silang halata ni Zhaic kung makapagtago. Nasa likod lang ng lumang kabinet. Parang pako kung magtago kita ang ulo.

Sige na nga, hindi na sila ang uunahin ko ayoko namang maging taya si Baby Diael kaya naman lumipat kami sa kabilang kwarto at maghahanap ng iba pang nagtatago.

Pumasok kami sa kwarto kung saan wala ng gumagamit non. Natatakot nga ako doon eh' kasi parang may kung anong merong nasa loob non pag-gabi.

"Dahan-dahan lang tayo sa pagbukas ng pinto gawin naten yung ginawa mo dahan-dahan ka lang kasing pumapasok sa puso ko." Kakornihan na naman ni Curfiel pero niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Tumingala ako at binigyan siya ng matamis na ngiti (mas matangkad kasi siya saken)

Ayun na nga, dahan-dahan naming binuksan ang pinto naghanap kami habang magkahawak pa rin ang kamay.

Naghanap kami sa may likod at ilalim ng sofa, sa likod ng pinto, sa loob ng pinaglalagyan ng damit...

Lumuhod kami ni Curfiel at sumilip sa ilalim ng higaan may narinig kasi kaming parang may tumatawa.

Tama nga yung hinala namin nakita ko si Paine at Sky na magkayap pa. Si Sky, pinipigilan ang pagsasalita ni Paine tinatakpan niya kasi yung bibig.

"Huli kayong dalawa! Kayo ha! Anong ginagawa niyo? Hmmm..." Wika ni Curfiel na parang may iniisip na pagkagreen.

"Ayan nakita na nila tuloy tayo. Si Paine kasi hindi natitigil sa pagkikipag-usap saken." Reklamo ni Sky na gumagapang na palabas sa ilalim ng higaan.

Ano pa nga bang inaasahan kay Paine kwento lang yan ng kwento hindi nauubos.

"Kayo una naming nakita." Sabi ko sa kanila. Si Sky ay medyo malungkot. Ewan ko kung bakit baka ayaw niya lang talagang maging taya.

Naghanap pa kami sa ibang lugar at parte ng bahay.

Hindi rin nagtagal nakita na namin silang lahat.

"Ito kasi si baby Diael tinuro kami. Madaya." Nagkocomplain pa si Paine ayaw maging taya.

"Wag mo ng sisihin yung bata. Ang ingay mo kasi sa ilalim ng kama. Nakuha mo pang magpicture kasama ako. Tsss" pagtatanggol ni Sky kay Diael.

" Napansin mo yun?" Tanong ni Paine sakanya na parang nahihiya pa.

"Oo! Syempre may tunog na nga may flash pa." Sagot ni Sky

"Tama na yan! Pikit na kayong dalawa." Nagsalita na din si Ayesha.

"Halika na nga.. ok na yun." Wika ni Sky. Tumalikod sila at inakbayan niya si Paine.

Tumakbo kaming magkakasabay pare-pareho kaming pumasok sa iisang maliit na kwarto. Ang dilim hindi namin nakikita ang bawat isa.

"Kaninong eggy itong nahahawakan ko?" Tanong ni Ayesha na parang natatawa.

"Hoy!! Akin yan! Kababaeng tao ang bastos! Mamaya ipakita ko na lang sayo." Sagot ni Zhaic sakanya halata ko sa pagsasalita niya na parang nakangiti siya ng kaunti.

"Wag ka kasing tumabi saken! Gusto mo din kasi!" Malakas na pagkakasabi ni Ayesha.

"Ssssssshhh...Wag kayong maingay." Pabulong na sabi namin ni Curfiel.

"Wag ka kasing kapa ng kapa mamaya niyan hotdog na nahawakan mo hindi na itlog." Zhaic whispered softly. Napangiti na din ako sa sinabi niyang yun.

"Ayoko ng hotdog maliit yun gusto ko footlong." Ayesha murmured na may halong inis.

"Kuya Zhaic, bat andame niyong sinasabing pagkain. Malapit po ba kayo sa ref?" Inosenteng pagkakatanong ni Diael.

"Hindi baby Diael iniisip lang namin yun." Tugon ni Zhaic sa katanungan ni Diael.

Yan kasi kahit anong mga pinagsasasabi pati yung bata nalilito sa kanila.

Lumipat kami ng mapagtataguan ni Curfiel habang papunta sa taas sina Sky , ang ingay kasi nila Ayesha.

Pumasok kami ni Curfiel sa CR. Kunyare hindi lock yung pinto para isipin nila walang tao.

"Ewwww! Kadire naman! Kaninong brief yan?" Tinanong ko si Curfiel sabay taas ng kilay.

"Akin bakit?" Tugon niya saken habang nasa harapan kami ng salamin.

"Eh bat nakasampay diyan sa may faucet? Gusto mo gawing flag? Akin na iwawagayway ko." Pabirong sabi ko sakanya. Tumingin siya saken ng napakatalim.

" Ikaw ha! Gusto mo lang kasing mahawakan eh! Sus.. Di ka pa ba nakontento noong binihisan mo ako?" Pagmamayabang niya. Akala niya naman.

"Hindi mo ba alam yung word na biro?" I replied to him tapos niyakap ko siya at hindi na naman siya umimik.

"May tao ba rito? Wait lang Sky ha' CR lang ako." Mukhang si Paine ang papasok ng CR kaya naman kumaripas kami ng takbo ni Curfiel papunta sa isang pinto. Nahahati kasi yung CR sa tatlo.

Halos pati paghinga pinigilan namin wag lang mahalata ni Paine na nasa kabilang pinto kami. Nakayakap rin saken si Curfiel ramdam ko ang init ng kanyang katawan at naaamoy ang kanyang mabangog hininga.

Narinig namin ang pagflush ng tubig at pagbukas na pinto. "Tara Sky! Hanapin na natin sila." Boses ni Paine ang narinig ko.

"Naiihi ako Shien!" Pagkasabi niya noon sinusubukan niya ng ibaba ang zipper niya.

"Wait lang andito pa ako sa loob eh! Lalabas muna ako." I whispered baka kasi nandiyan pa sa labas sina Paine at baka mahalata nilang nandito kami sa loob.

Sumilip muna ako sa labas at nakita kong wala na sila doon. Kaya naman iniwan ko na si Curfiel upang makaihi na siya.

Paglabas niya...

"Tara Shien!" At sinubukan niyang hawakan ang kaliwang kamay ko.

"Ooops!!! Ayon oh may faucet hugas-hugas din." At tinuro ko sakanya yung gripo.

"Malinis naman yung ano ko, di ba kakaligo ko pa lang."

"Hindi! ayun maghugas ka na." Medyo napalakas yung pagkakasabi ko. Parang nangyari na 'to dati. Ah oo, noong nasa restaurant kami.

Naghugas na nga si Curfiel at nag alcohol pa siya. Mga 10 minutes na kaming nag-aantay sa loob ng cr.

Sumilip ulit ako sa pinto at nakitang nakaupo na lamang sina Paine at Sky.

"Kaya naman pala nakaupo lang kayo diyan sa sofa!" Galit na pagkakasabi ni Ayesha. "Halos magpachemotherapy na ako don sa dami ng lamok!!! kayo paupo-upo lang."

"Alam mo kasi Ayesha magpahinga ka pag pagod ka ng hanapin ang isang bagay na nagtatago sayo. Di ba kapag hinahanap mo, yun pa ang mahirap hagilapin. Mas mabuti pang mag-antay na lang at lalabas din yung mga hinahanap mo sa panahong hindi mo gusto." Pahugot na sagot ni Paine.

"Wag mokong hinuhugutan diyan baka ibaon kita! Andame mong alam." Sagot ni Ayesha at naupo na rin siya. Kasama niya na ngayon sina Anne, Zhaic at Diael.

Kami na lang ni Curfiel ang nagtatago.

"Shien halika dito saken!" Kinaladkad niya ako at nakayakap akong nakaharap sakanya.

Naging seryoso ang kanyang mukha. Naging maamo ito. Ramdam kong may kakaiba sa yakap niya. Nakatitig siya saken. Ang mga mata niya'y parang nangungusap.

"Shien.. May aaminin ako sayo" seryosong pagkakasabi niya. Habang akoy nasa kanyang makisig na bisig.

"Ano yun Curfiel?" I asked softly. Nag-iinit ang loob ng CR.

"Kasi Shien matagal na kitang......"

"Isira niyo na yung pinto! Isara niyo na!" Hindi natapos si Curfiel sa pagsasalita dahil sa ingay nong mga kaibigan niya. Ni-lock nila yung pinto kaya nakulong na kami ni Curfiel.

"Buksan niyo to Sky! Lagot kayo saken pagnakalabas ako dito!!" Sigaw ni Curfiel habang kinakatok yung pinto.

"Ayesha buksan niyo 'to" pagmamakaawa ko.

"Wag kayong mag-alala hahatiran namin kayo ng pagkain. Huwag niyong kainin ang isat-isa ha!" Pabirong bulyaw ni Zhaic. Pareho na naming malakas na kinakatok ni Curfiel ang pinto. Ano bang iniisip nila?

"Mga baliw kayo!! Buksan niyo 'to sh*t!" Galit na si Curfiel at namumula na siya.

Nawala na yung ingay sa labas ng pinto. Umalis na yata sila. Naglakad kami ni Curfiel patungo sa isang sulok at naupo doon. The floor was cold, tiles kasi. Hinawakan ulit ni Curfiel ang dalawang kamay ko. Ang kamay niyay napakainit hindi kagaya sa sahig na kinauupuan namin ngayon.

"Can you please hug me again?" Pagmamakaawa niya saken. Yinakap ko ulit siya and he leaned on my shoulder. Bat parang ang init-init niya may sakit ba siya.?

"I feel safe so safe pagnakayakap ako sayo. I became even warmer. I feel comfortable." Dagdag niya pa tapos pinaglaruan ko yung buhok niya, hinagod-hagod ito at parang sinusuklay gamit ang aking mga kamay.

"May fever ka ba? Ang init mo.." Nag-aalalang pagkakasabi ko.

"Wala to, hindi uso sakit saken." Sagot niya na parang akala niya sa kanyang sarili ay si Hercules.

Ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa aking leeg, ang mainit niyang katawan at ang mahigpit niyang yakap na parang ayaw niya na akong pakawalan.

"Dito ka lang sa tabi ko Shien wag mokong iiwan." Pagkasabi niya non, bumitaw siya sa pagkakayakap. At nag-usap kaming dalawa tungkol sa kanyang mga karanasan sa buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

11K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
3K 99 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.