Beverly Grace Zamora ----------->
(Luna Park)
***
Hindi ako mapakali . Gumagawa ako ng K.A. pero naaasiwa ako sa kakatitig ni Beverly , yung crush ni Chester . Kanina pa sya nakatitig sa akin habang ginagawa ko ito . Si Chester kasi e busy sa pagluluto ng dinner . Bah , nagpapakitang gilas si bata para kay crush .
“Ehurm , uhm . . . Kuya Ice ? Ano , kasi dala ko yung copy ng K.A volume 1 . Uhmm . . .”
Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko . Muntik na ako mapatalon kasi ang lapit lapit na pala ng mukha nito sa mukha ko . Namula naman ito nung makita ang reaction ko .
“Ano . . .” Napakamot pa ito sa ulo . “Kung hindi ka po sana busy . . .” Tapos iniabot nito sa akin ang isang copy ng K.A . Hindi naman ito makatingin ng diretso . “Baka pwede pa-autograph ?”
Ahh . Napatango ako . “Oo naman .” Tapos kinuha ko na yung libro sa mga kamay nya .
Kaya lang , dahil hindi ako nakatingin sa kanya nung kinuha ko yung K.A , yung mismong kanang kamay nito ang nahawakan ko . Napalingon ako kasi nahulog na yung manipis na comic book sa sahig pero nakakapit pa rin ako sa kamay ni Beverly . Dali-dali kong inalis ang kamay ko sa kamay nya .
Tumikhim ako . “Ayy . Nahulog . Hehe .” Tapos pinulot ko na lang yung comic book .
Ito namang si Beverly , parang lalong namumula tapos hindi makatingin sa akin ng diretso . Ano ba tong batang to ? Cute nya sana e , ang kaso , parang kalahi ni Chester sa pagiging weird . Nako . Bagay nga sila .
“Hey guys ! Ready na in 10 minutes yung food kaya Kuya , i-set mo na yung table kasi kakain na tayo . Ok ?” bungad ni Chester sa amin . Mejo nawala ang awkwardness .
Tinaasan ko ng kilay si Chester . “INUUTUSAN mo ako ?”
Napakamot ito sa kilay . Tumingin naman si Beverly sa aming dalawa . Ngumiti si Chester tapos lumapit sa akin . Pasimple nya akong kinurot sa braso .
Pinandilatan ko sya . Sya naman , nagpapaawa yung mukha . Ayy nako , pasalamat sya at nandito si crush nya . Kaya gagawin ko ang gusto nya . Tutal , nagpapatulong naman kasi sya sa akin diba ?
Tumayo ako at tinabig ang kamay nya . “Opo, your majesty .” Sarcastic na sabi ko .
Ngumiti naman ito bago kinurot ang ilong ko .
“Kuya , I forgot to buy dessert ! Lalabas lang kami ng mabilis ni Bev para bumili ng dessert .Stay put ka lang jan . We’ll be back ok ?” paalam nito .
Napalingon ako agad sa kanya . “I-isasama mo pa talaga si Beverly ? Pwede namang ikaw na lang ah ? S-saka , ano , g-gusto ko makilala ng mabuti si Bev . Diba Bev ? Quality time ? Hehe .”
Parang gusto kong batukan ang sarili ko nung marealize ko ang mga pinagsasabi ko . Nakatitig kasi sa akin si Chester na parang sinasabi ng mga mata nito na “Pwede makisakay ka ? Ako ang gusto ng quality time together with her so back off !”
“Ahm , sige po dito na lang ako .” Sabi ni Beverly .
Nakita ko bigla na nalukot ang mukha ni Chester . Oh no .
Tumikhim ako . “I-I mean . . . pwede pa next time ang bonding . Hehe . Sige samahan mo na lang muna si Chester ngayon kasi . . . tatanga-tanga yan e . Hehe .”
“Hmp . I’ll deal with you later Kuya .” Nakaismid na sabi ni Chester bago hinila palabas ng pintuan si Beverly .
Nang maiwan akong mag isa , pinaghahampas ko ang sarili kong pisngi . Ano bang mga pinagsasasabi ko kanina ? WTFH ! Ano yun ! ! ! Bakit ganun ako ?
Umupo ako sa couch . No way . No effin’ way . Hindi yun ang totoo . Hindi . Erase , erase . Umiling iling ako bago tumayo ulit . Confused lang siguro ako dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari sa buhay ko . Pero I’m not affected . Tunay , promise yun , I’m not affected and definitely , I’m not jealous ! Duh !
***
Bumukas ang pintuan at napakislot ako habang naghuhugas ng pinggan . Kakarating lang ni Chester galing sa paghahatid kay Beverly sa bahay nito .
Naramdaman ko na lumapit ito . Feel ko na sobrang stiff na ng shoulders ko dahil nat-tense ako sa hindi maipaliwanag na dahilan . Akala ko ba kanina I’m not affected ? Aargh .
“Naknamp*cha !” Nagulat talaga ako nang maramdaman ko na lang bigla na niyakap ako ni Chester mula sa likuran . Nakatalikod ako sa kanya pero naramdaman ko agad na tumatawa sya . Kumabog ang dibdib ko . Leche , ano pati yung pagtawa nya ngayon nakaka-tense na rin ?
“Pfffft . HAHAHA . Nagulat ka no ?” sabi nito habang nakapatong ang baba sa balikat ko .
Napalunok ako . Buong lakas na siniko ko sya .
“Awww !” Daing nito at kumawala na sa pagkakayakap sa akin .
“Ikaw na tumapos nito . Inaantok na ako .” sabi ko habang nagpupunas ng kamay sa hand towel na nakasabit sa fridge handle .
“Tch . Ok fine . Anyways Kuya , I’m super happy today . As in .” sabi nito habang isinusuot ang apron .
“Halata . Masama pala sayo ang nagkaka-crush , nabubuang ka . HAHA .” sagot ko .
Ngumiti ito . “Sana lagi ko syang nakikitang ganun . Ang saya-saya ko kasi feeling ko , mutual na yata talaga kami ng feelings . HIHI !”
Ngumiti din ako . Pero habang nakangiti ako , feeling ko plastik ako . Bakit ganito !
“O sya , saka na ulit ang crush-crush na iyan . Ako’y tutulog muna at antok na ako . At ikaw , matulog ka na rin agad . Naiintindihan mo ?”
“Yes boss !”
Pag pasok ko sa kwarto , napasandal ako sa dingding . I really have to clear my head . Kung ano-anong agiw na kasi ang nakakapasok .
Humiga na ako sa bed at nagtalukbong ng kumot . I have a strange feeling na hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi .
***
Sumama ako kay Kuya Andrew nung inaya nya akong maglunch sa labas . Nagpaalam na lang ako kay Sir Greg na mejo male-late ako ng pagpasok after lunch break . Ipinaliwanag ko na naman kasi ang issue na ito sa kanya nung isang araw kaya naiintindihan nya ako .
Matapos namin kumain at magkwentuhan tungkol sa bagay bagay sa nangyari sa buhay namin , narealize ko na masaya palaang feeling na magkaroon ng kapatid . Kaya kahit galit pa rin ako sa tatay ko at isinusumpa ko sya , napapalitan naman ng saya ang nararamdaman ko ngayon na kasama ko ang Kuya ko .
Awkward kanina shempre . Pero nung nagstart na syang magkwento at napalagay ang loob ko dahil sa pagiging kwela nya e dirediretso na ang nangyari . Gustong gusto ko syang maka-close dahil ngayon ko lang naramdamang magkaroon ng kapatid .
“Nako , Ice , you’re already late ! Let’s go now . Baka pagalitan ka pa ng boss mo dahil sakin .”
Nginitian ko sya . “HAHA . Baka nga . Halimaw yun e .”
Hinila nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng restaurant . Nakatingin sa amin ang ilang tao na nakasalubong namin . May mga awkward glances sila sa magkahinang na kamay namin . Naasiwa tuloy ako .
Pero ambilis lang talaga mag isip ni Kuya Andrew . “Nako , lil bro , halika na at late ka na sa class mo . Tara .”
Napangiti ako nung kumindat ito sa akin . “Tara Kuya .”
Natatawa ako dahil lil BRO ang tawag nya sakin instead na lil SIS . HAHAHA . Buti naman at comfortable sya kahit ganito ako ka-abnormal . Pero don’t get me wrong , I don’t have gender issues or whatever . Babae pa rin talaga ako . Nasanay nga lang talaga ako na lalake ang tingin sa akin ng karamihan kaya hindi na ako nagrereklamo .
“Ate Ice ! ! !”
Ngumiti ako at kumaway din kay Cherish na papalapit sa amin .
“Hi ! Musta Ate ? Si Archie ? Ok lang ba ? Hindi ko na nakikita masyado yun e . Salamat pala sa pagbabantay sa kanya Ate ha .” sabi nito at yumakap sa akin . May katagalan na nga rin naman since last kong makita ito .
“Nga pala , Cherish , Kuya ko – Andrew Wang .” sabi ko sabay turo kay Kuya Andrew .
Ngumiti agad si Kuya Andrew at inilahad ang palad .
“Hi .” bati nito .
Tinanggap naman agad ni Cherish ang kamay nito . “Hello po ! Nice to meet you po !”
Napangiwi si Kuya Andrew tapos napakamot sa batok .
“Grabe , wag namang may “po” . Hindi pa naman ako sobrang tanda e .” sabi nito .
Ngumiti si Cherish tapos nag peace sign . “Sorry !” Bumaling ito sa akin . “Ate Ice , kamukang kamuka mo ang Kuya mo ! Ang galing !”
Napatawa ako . “Talaga ? HAHA .”
Tumango-tango ito .
“Nga pala , musta naman kayo ni Royce ?” bigla ay tanong ko .
Nawala ang ngiti nito . “Ate Ice , wag na lang natin pag usapan si Royce . Lagi ko kasi syang nakikita na kasama yung “Shena” girl .”
Napatango ako . “Sorry . Sige wag na lang natin sya pag usapan .”
Tumango ito saka ngumiti ulit . “Sige Ate Ice , napadaan lang ako nung nakita kita . May pupuntahan pa ako . Bye muna ! Kuya Andrew , nice meeting you ! See you guys next time !”
Kumaway na rin kami ni Kuya Andrew nung umalis ito .
“Ehurm . Ice , friend mo ba yun ?” tanong ni Kuya Andrew bigla .
Nanlaki ang mga mata ko . “Halaaaa ! Type mo si Cherish no !”
Bigla ay namula ito at lalong naningkit ang mga mata nito . “Hoy hindi ah ! Ang bata naman nun masyado no .”
Ngumiti ako . “Sus . Age doesn’t matter naman ah ? HAHAAHHAHA !”
Nagsmirk lang ito bago hinila na ulit ako paalis .
***
“Chester , isa ! Sinabi nang hindi pwede eh !” singhal ko kay Chester na nagpupumilit pa rin na naglalambitin sa door knob ng unit ko .
“Kuya , you’re sooo unfair ! ! ! Ang sabi ko , pag wala ng amoy ng pintura , saka ako babalik sa unit ko diba ?” pagsusumamo nito .
Kinakalas ko pa rin ang mahigpit na pagkakahawak ng dalawa nyang kamay sa door knob .
“Hindi nga pwede . Ang tagal mo na dito sa unit ko . Inabot ka na ng halos apat na buwan !”
Nagpout ito . “Naman e ! Alam ko naman enjoy ka rin na may kasama kang pogimachogenius ! Bakit pa ako aalis ? Mas gusto ko ang may kasama ! Balak ko na nga paupahan sa iba yang unit ko e ! Magbabayad naman ako ng kalahati nitong unit mo . Sige naaaaa !”
Umiling ako . “Hindi pwede . Wag kang makulit .”
Kumalas na ito sa paghihila sa door knob ko . “O sige , sa isang kundisyon !”
Nameywang ako . “Aba at ikaw pa talaga ang may ganang magpakundi-kundisyon ah ?”
Ngumiti ito . “Pumayag ka na dahil pag hindi , pepestehin ko ang unit mo araw-araw .”
Tumaas ang kilay ko . “Ano ba kasi yun ?”
“Tutulungan mo akong manligaw kay Bev ! Nagpromise ka noon !”
Napakamot ako sa kilay . “Bakit kasi ako ? Kinamalayan ko sa panliligaw ?”
Humalukipkip ito . “Bahala ka , hindi ako aalis dito . . .” Nakangiti pa ito na parang alam na alam nyang papayag ako sa sinasabi nyang kundisyon .
Tsk ! Kakainis ! “Ok , ok ! Oo na , payag na ako . Wag ka lang makulit !”
Nagningning ang mga mata nito . “Yey ! ! !” Tapos ay ibinuka nito ang dalawang kamay at lumapit para yakapin ako . Pero mabilis pa sa alas quarto na umiwas ako .
Nawala ang ngiti nito . “Ang arte mo , ayaw mo na magpa-hug ha !”
Nagkibit balikat na lang ako . Ayoko na kasi na napapalapit sa kanya . Something’s off about me kapag nagkakadikit ang katawan namin lately . Para akong napapaso na ewan .
“Sige na , lumayas ka na . Nang matahimik naman ang buhay ko .” sabi ko at itinulak sya papalabas ng pintuan .
Pero humarap ulit ito .
“Ayy Kuya , what about the freaky evil thing ? Ayoko buhatin yung cage nya . Eww .”
Napa-face palm ako . “Naman , Chester ! OA na yang kaartehan mo ! Paano ka makakapanligaw kung pati si Karma e pinandidirian mo ? Sa tingin mo matutuwa sayo si Bev pag nalaman nya na duwag ka ?”
Nagpout ito . “Tsk . Kasi naman e , ampangit-pangit ng alaga mo .”
Sinapok ko sya . “Mukha mo ! Mas cute pa nga yun sayo e !”
Sumimangot ito . “Tsk . Ah basta , ayoko sya kuhanin . Ikaw ang magdala sa kanya pabalik dito . Wag mo na lang sasabihin kay Bev ito ok !”
Ngumiti ako at humalukipkip . “Actually , gusto ko yang idea mo . Sasabihin ko ang pag iinarte mo kay Bev . HAHAHA !”
Tinapakan nito bigla ang paa ko . Dahil wala akong suot na tsinelas , napamura ako sa sakit .
“Naknamp*cha !” Daing ko habang nakaupo sa sahig at sapo-sapo ang kaliwang paa ko .
Nanlaki naman ang mga mata nito bago bumagsak ang mga tuhod paharap sa akin .
“Aaaahhhhhh ! Kuya Sorrrryyyyy ! Di ko naman sinadya yun ! Ikaw kasi e , inaasar mo ako !” sabi nito at ni-cradle nya ang paa ko . Hinimas-himas nya ito .
“Haalaaaa ! Sorry talaga ! Ayan , naku parang namumula ! Hala , ang epic fail ko talaga !”
Nakangiti lang ako habang nagpapanic mode sya . Kahit ang sakit ng paa ko , hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa mga pinagsasasabi nya .
“Masakit pa ?” tanong nito habang minamassage ang paa ko .
Nakatitig ako sa inosente nyang mukha . Hindi ko namalayan , sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha nya . Nung tumingin sya sa akin , kumabog na naman ang drums sa dibdib ko . Naknangpakinshet , ano na naman to !
Iniiwas ko ang tingin ko at tumikhim . “Ok na ako , Chester .” sabi ko .
Pero nanlaki ang mga mata ko nang kintalan nya ng halik ang pisngi ko . Napalingon ako ng marahas sa kanya . Nakangiti si kumag !
“Pampatanggal ng pain . Sa cheek na lang ha ? Ayoko sa paa mo e , mabaho yan . HAHAHAHA !”
Napatulala na lang ako sa kanyang nakangiting mukha .
---------------------
:))