The Ice Breaker [COMPLETED]

By keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... More

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 24

904 22 5
By keizaki56

A/N : Gusto ko lang mabatid ninyo na ang pangalang Wang Shih En (Andrew Wang) ay may katawang tao at hindi likhang isip lamang . Sya ay isang Taiwanese Missionary na nakilala ko . At . . . GWAPO sya . BAHAHAHAHHAHA ! Wala lang . Trip ko lang ibahagi . :D Naisip kong gamitin ang name nya dito . HAHA . :))

Wang Shih En (Andrew Wang)------------>

(Lee Donghae)

*** 

Minamasahe ko ang sentido ko habang nanginginig na humihithit sa yosi ko . Nagpaalam ako kay Sir Greg na lalabas sandali at kakausapin ko ang “kapatid” ko . So nandito ako sa isang coffee shop na malapit sa office , kasama si Mr . Wang . Nalaman ko rin na patay na si Wang Shou Zhong o mas kilala sa pangalang Daniel Wang , ang tatay daw namin .

“So . . . pwede pakipaliwanag kung paano tayo naging “magkapatid” ?” pagbasag ko sa katahimikan namin .

Tumango ito bago nagsalita . “Alam ko , our dad was an ass . Sorry for the word pero sya rin mismo ang nagdescribe sa sarili nya na ganun sya . Let me explain further .”

Umayos ito ng upo at niluwagan ang necktie .

“Before pa makilala ng Mom mo si Dad , pamilya nya na kami ni Mommy . Three years old na ako that time . Nagkaroon ng relationship ang Mom mo at ang Dad ko ; your mom never knew na pamilyado na si Dad . At nagtagal din ng dalawang taon ang relasyon nila behind our backs . I was almost six nung nangyari yung hindi inaasahan . Isang araw , bumalik si Dad sa bahay namin saying na kelangan daw muna namin lahat umuwi sa Taiwan . Hindi namin alam na tinakasan lang pala nya ang Mommy mo na buntis na pala sayo that time .”

Tumingin ito sa akin . Parang naghahanap ng reaction from me . Pero nakatingin lang din ako sa kanya na parang wala lang sa akin ang mga sinabi nya . Pero ang totoo , awang-awa ako sa  sarili ko dahil totoo pala ang hinala ko na simula noon , kahit hindi pa ako naipapanganak ay ayaw na sa akin ng tatay ko .

Ipinagpatuloy nito ang pagkkwento nang makitang wala syang mapapalang reaction galing sa akin .

“I was 15 nung nagdecide si Dad na bumalik dito dahil nga namimiss na ni Mommy ang family nya . Filipina din kasi ang Mommy ko so umuwi kami lahat dito at nag-business na lang ulit sila . Nung naging successful ang publishing business , nagdecide si Dad na ipahanap kayo ng Mommy mo . Hindi pa rin namin alam yun that time dahil tinatago nya parin sa amin all those years . Nalaman lang namin ang tungkol sa inyo nung nabasa ni Mommy ang text message ng private investigator na ni-hire ni Dad para ipahanap kayo . When she learned about that , dinamdam nya ng husto ang paglilihim ni Dad . Mas galit sya sa ginawa ni Dad na pang iiwan nito sa iyo noon . Sana daw ay sinabi na lang ni Dad kay Mommy ang totoo , matatanggap naman daw ni Mommy na may anak si Dad sa iba at willing syang i-adopt ka that time .”

Nag pause ito para tingnan ulit ang reaction ko . Dahil nga sanay na ako at puro kalyo na ang puso ko , kahit na nakakaiyak lahat ng sinabi ni “Kuya” Andrew ay  nanatiling bato ang expression sa mukha ko .

“So as I was saying , nung nagkaalaman , tumulong na rin si Mommy sa paghahanap sa inyo . Pero natigil yun two years ago nang biglang mamatay si Dad . Na-heart attack sya at diretso na namatay . So dahil sa shock and grief namin ni Mommy , ipinatigil muna namin ang pagpapahanap sa inyo at nagluksa muna kami . After that , ako na ang humawak sa publishing business . Fate has been so good to me dahil sa Publishing House ko pa nadala ng boss mo ang Comic Series mo . Ako ang Presidente ng Publishing Company na nag-publish ng Comics mo , Ice . Sakto naman na may lead na daw ang private investigator noon at sinabing namatay na nga rin daw pala ang Mommy mo at ikaw na lang ang natira ; sinabi nya sa akin ang full name mo at binigyan nya ako ng copy ng photo mo . So nung nalaman ko ang name mo at nakita ka nung signing of contract with my company , hindi ako lumabas . Naaalala mo ba yun ?”

Dahan-dahan ang pagtango ko . Totoo , naaalala ko yung contract signing . Hindi nga daw makakalabas ang President Wang na iyon dahil busy , kaya yung Secretary lang ang nakausap namin ni Sir Greg .

“I’m so sorry kung hindi agad ako nagpakilala sayo that time . I was thinking kasi na kaya ko na humarap sayo pero nung makita kita , na kamukha ko pa , it came as a shock to me . Kaya nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago kita napuntahan dito ngayon . Naghihintay din si Mommy na ma-meet ka . Nasa Taiwan lang sya ngayon dahil may inaayos syang citizenship something .”

Pinitik ko ang yosi sa trash bin sa gilid ko . Nanginginig ang kamay ko habang sinusuklay ko ang buhok ko na lumalago na . Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa mga narinig ko . Yun bang feeling na hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magagalit o maiinis sa nangyari . Ito na nga e , ito na yung sagot sa katanungan ko noon na bakit ako iniwan ng Tatay ko . Andito na sa harap ko at sinabi na sa akin ang dahilan . Pero bakit ang sama pa rin ng pakiramdam ko ? Bakit ang laki laki pa rin ng galit ko sa Tatay ko !

“I’m sorry kung na-shock ka sa mga sinabi ko sayo . Pasensya ka na . Kaya lang , sa tinagal-tagal kasi ng paghihintay namin na mameet ka , ito tuloy , nasabik ako masyado . Simula kasi nang malaman ko na may kapatid ako kahit hindi buo , sobrang saya ko dahil sa wakas , mararamdaman ko na ang feeling na magkaroon ng kapatid .”

Tahimik lang ako . Hindi ko magawang sumagot sa mga sinabi nya . There’s a huge lump in my throat . Kaya tumayo ako at pinilit ko ang sarili ko na ngumiti .

“Mr. Wang , may trabaho pa po ako . Saka na lang ulit tayo mag usap . Mejo busy ako . Isa pa , hinihintay na ni Sir Greg na maipa-publish ang Volume 2 ng comics ko . Ayoko naman po mahuli sa deadline sa inyo . Nakakahiya .” sabi ko .

Tumayo na rin ito at tinitigan ako . Punong-puno ng concern ang mga mata nito . “Ok . I understand . Sana , ok lang sayo na dalawin kita every now and then .”

Tumango lang ako tapos umalis na ako .

***

Hindi ako makapa-concentrate dahil hindi ako mapakali sa idea na nakilala ko kanina ang kapatid ko . I mean , WTFH ! Hindi ko talaga alam ang dapat kong i-react kanina .

Nilinis ko ang lahat ng gamit ko sa pag gawa ng comics . Nagpakawala ako ng isang buntong hininga . Napansin ko na napatingin sa gawi ko si Chester na nanonood ng cartoons . Yung Phineas and Ferb . Bata talaga .

Ini-off nito ang TV . Nilapitan nya ako .”Kuya , what’s wrong ?” tanong nito .

Umiling ako .”Wala , dude . Ituloy mo na ang panonood mo . Favorite mo yun diba ? Sige na . Wala naman akong problema .”

Pero lalo lang itong sumiksik sa couch at tumabi sa akin . “Kuya naman , I know may problema ka . Spill the beans . Para gumaan ang dibdib mo .”

Nangingig ang mga labi ko nung nagsalita ako . “Nameet ko kasi ang kapatid ko kanina .”

Nanlaki ang mga mata nito . “Akala ko wala kang kapatid ? Sabi mo . . .”

“Ssshhh . Ganito kasi yun , Chester . . .” at sinimulan kong ikwento sa kanya ang totoong nangyayari sa buhay ko na hindi nya alam . All he knows is namatay ang tatay at nanay ko kaya si Tito Bogs ang nag alaga sa akin . Pero ngayon , hindi ko rin malaman kung anong dahilan bakit sinasabi ko lahat ito kay Chester .

Halo-halo ang expression sa mukha nito habang nagkkwento ako . By the end of the story , para nang gripo ang mga mata nito habang umiiyak . Sya pa ang naiyak instead na ako . Grabe talaga tong batang to .

Iniabot ko sa kanya ang box ng Cleenex . “O sige , magdrama ka pa . Buhay mo kasi yan e ano ?”

Pinalo nya ako sa balikat . “Huhuhu . Grabe ka , tao ka ba ? Bakit hindi ka man lang naiiyak jan ? Hindi ka ba nasasaktan ?”

Ngumiti ako ng mapait . “Chester , nasanay na ako . Manhid na ako sa mga ganyang bagay . Lumaki ako sa turo ng Tito Bogs ko na kapag parating naiyak , WEAK .”

Suminga ito sa tissue paper . “Kuya , hindi naman ibig sabihin na umiiyak ka ay weak ka na . Walang masama sa pag iyak . Hindi mababawasan ng pag iyak ang pride mo as a person . Luha lang yan , Kuya . Pakawalan mo . Alam ko na nahihirapan  ka rin at gusto mong ilabas lahat ng sama ng loob mo .”

Umiling ako . Kahit na nararamdaman ko na ang nagbabadyang pagtutubig ng mga mata ko ay pinigilan ko ito . “Woo . Keri ko lang to , Chester . No worries , pramis .”sabi ko .

Ngumiti ito . “Tsk , si Kuya talaga . Halika nga , hug kita !” Tapos niyakap nya ako .

At ito namang dibdib ko , para na namang may drumroll . Badtrip , ano ba nangyayari saken lately ! Ayoko na talaga itong nararamdaman kong kakaiba pag nagkakalapit kami ni Chester . He really needs to get out of this place soon .

Pero mas lalo akong naestatwa nung matapos nya akong yakapin ay inipit nya ang mukha ko sa mga palad nya at hinalikan ang noo ko .

“Hehe . Pampabuenas .” sabi nito saka tumayo at ini-on ulit ang TV . Samantalang ako , naiwang nakatulala .

***

“Karina . Paki-explain bakit nandito ang dalawang kutonglupa mong manliligaw please ?” bulong ko kay Karina na busy na naman sa kaka-peysbuk sa laptop ko . Nandito na naman sya sa office kasi dinadalaw nya daw ako . Yeah as if ako nga ang dinadalaw nya .

“Ewan . Baka sumunod na naman . Alam mo naman yang dalawang yan , may pagka-stalker ang dating .” sagot nito na nakatitig sa screen na nakangiti pa .

Napailing na lang ako . Mukha naman talagang stalker na tong dalawang kambal na ito sa kakasunod kay Karina e . Pati ba naman dito ? Akala yata nila , hindi ko sila kita na nagtatago sa likod ng puno sa labas ng office . E ang laki-laki kaya ng bintana dito . Kitang-kita ko sila na nakatambay sa likod ng puno .

“Hindi ka ba natatakot sa dalawang yan ? Baka mamaya obsessed na pala sila sayo ?”

Umiling lang si Karina . “Naku . Yang pang dalawang yan . E isa’t kalahating tanga din naman yang mga yan . Yaan mo na lang sila . Mga bata e . Kung makapagsalita ka jan , parang hindi isip-bata ang housemate mo . Minsan nga napapaisip ako e , baka kaya hindi na umalis yun sa unit mo kasi may secret relationship na kayo . HAHAHAHAHA ! Ang sagwa !”

Namula ako sa sinabi nya . Potek na babae to ! Ano bang mga pinagsasasabi nya !

“Baliw ka ! Umayos ka nga jan .”

Nilingon nya ako bigla . “Aba teka . Something’s fishy . . . Ba’t parang iba ang reaction mo ? Parang ang defensive ? Aba , aba , aba . Ang akala ko pa naman e si Royce ang target . Naiba na ba ang type mong lalaki ? HAHAHAHAHAHA !”

Lalo akong namula sa sinabi nya . “Shunga ka . Tumigil ka na nga ! Alis jan , may tatapusin pa akong trabaho ! Badtrip na to !”

Tumawa ito . “Halaaaa ! Crush mo na yung bata no !”

Hindi ko sya pinansin dahil naiirita ako sa mga sinasabi nya . Duh ! Si Chester crush ko ? No way ! ! ! As in capital ASA !

“Uyy crush ! Uyy crush crush crush ! ! !” patuloy na pangungulit nya .

“Pwede ba , wag ka na makulit jan . Wala akong gusto sa kanya ok !”

“Oh e bakit ka defensive jan ? Saka namumula ka oh ! HIHIHIHI ! ! ! Dalaga ka na ulit ha !”

Nagpakawala ako ng buntong hininga . “Karina isa pa , uupakan na kita !”

Bigla naman itong tumahimik . “Haha . Ikaw talaga , shempre joke lang yun .”

Sasagot pa sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng office ni Sir Greg at lumabas ito na galit na galit ang mukha . Anong meron ?

“Miss Jose !” sigaw nito at dire-diretsong naglakad papunta sa amin .

Napalunok ako . Patay na . Galit na naman si Sir kay Karina ? Akala ko good vibes na sila ?

“Hi !” at talagang nagawa pang bumati at ngumiti ni Karina !

“Miss Jose , bakit dala-dala mo na naman ang dalawang asungot na batang iyon dito !”

Nangunot ang noo ni Karina . “Hindi ko sila kasama Sir . Isa pa , paano mo naman nalaman na nandito sila ?”

Hinila ni Sir Greg bigla ang kamay ni Karina at dali-dali silang pumasok sa office ni Sir . At dahil natural na chismoso , sumunod ang ibang mga co-workers ko . Shempre di ako papahuli , sumunod din ako at nakisilip sa nakaawang na pintuan .

“Damn those kids ! Miss Jose , pagsabihan mo sila dahil pag hindi ako nakapagpigil , may kalalagyan sila sa akin !” galit na galit na sabi nito .

Sino bang hindi magagalit ? May spray paint lang naman sa malaking bintana ng office ni Sir Greg . May word na “ASSHOLE” na nakasulat .

“Hindi ko agad napansin na may nags-spray paint na sa bintana ko . Nakita ko lang ang reflection nilang dalawa sa bathroom mirror !” dagdag ni Sir Greg .

“Ok Sir , don’t worry . Sasabihan ko talaga sila . Pasensya ka na .” sabi ni Karina .

Napailing ako . Grabe talaga ang lahi nila ! Bakit sila mga abnormal ? Ano bang klaseng pamilya meron ang mga yun ? Magkakasing-level sila ng ka-abnormal-an ni Chester !

Nagsibalikan kaming lahat sa desks namin nung nilingon kami ng galit na hitsura ni Sir Greg . Kakatakot talaga yun .

“Girl , tulungan mo naman ako oh . Grabe ang kukulit talaga nung dalawa na yun . Diba pinsan naman yun nung crush mo ? Sabihin mo naman kay Chester na pagsabihan oh !”

Binatukan ko sya . “Ilang beses ko ba kailangan ulitin na hindi ko crush yun ?”

Ngumiwi ito . “Grabe , hindi naman yun ang topic ngayon . Nahingi ako ng tulong e diba ? Nabanggit ko lang , naging defensive mode ka na naman ! Ano ba , nahahalata na kita !”

Pinandilatan ko naman sya . “Mukha mo ! Naiirita lang ako pag sinasabi mo yan ! Duh !”

Nagsmirk ito . “Hmmm . Sige i-deny mo lang ngayon . Papayag ako . Pero i’m sure sa susunod hindi mo rin kakayanin yan at aamin ka rin . Hmp !”

Umiling na lang ako . Bahala na nga sya sa buhay nya . Nahihibang na talaga sya . Ako ? May crush daw kay Chester ? Oh please .

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin na ipinupukol ni Karina sa akin . Mapang asar yung ngiti nya na parang sinasabi , “I know something you don’t” .

“Sinasabi ko lang sayo , girl . . . Hindi lahat ng bagay , kaya mong i-deny . Kahit pa ilang ulit mong sabihing hindi kung lalabas din naman sa expression ng mukha mo , halata pa rin . Kaya sige . I-deny mo hangga’t kaya pang itago ng maskara mo . HAHAHAHAHA !”

***

Pasakay na sana ako sa elevator ng Zinnia pero bigla akong tumalikod nang makita ko na pumasok bigla sa front door ng Zinnia si Yves , yung kapatid ni Ate Crisbel . Ayokong makita ito e . Baka mamaya ay mamukhaan pa ako . Humahaba na kaya ang buhok ko . Baka ma-recognize nya ako mahusay na . Kaya lumabas muna ako papunta sa side door papunta sa pool area .

Dun ako umupo sa mejo malapit sa parking space . Mamaya na ako aakyat kasi ayokong magkita kami ni Yves if ever .

Maya-maya ay nakita ko si Speedo na paparating . Kilalang kilala ko na ang hitsura ng kotse ni Chester . Nag-park ito sa malapit sa entrance sa side door .

Bumaba si Chester . Aba , nagbibinata na nga yata ito ah . Kasi mukha na syang lalaki sa porma nya . Hindi na sya mukhang malamyang bading .

Sisigaw na sana agad ako para batiin sya pero nagulat ako nang may isa pang tao na lumabas mula sa sasakyan nito . Napatitig ako sa kakababa lang na babae .

Maliit ito , mahaba ang straight at itim na buhok , cute at chinita . Sino ito ?

Nakangiti si Chester habang inaalalayan ito sa paglakad papasok sa side door . Kitang-kita ko sa mukha ni Chester na masaya ito . Parang inspired na inspired ang aura nya .

Hindi kaya . . . ? ? ?

“Chester .” Bati ko sa kanya .

Nagulat ito sa pagtawag ko . Lumingon ito sa direksyon ko at ngumiti . Hinila nito palapit sa akin ang babaeng kasama nya .

“Hi Kuya !” bati nito sa akin .

“H-hello po .” bati nung babae . Nakangiti ito ng awkward na parang natatae na naiihi .

“Hi . Saan ka galing ? Galaero ka talaga .” puna ko kay Chester . Aba e buong sembreak nya e hindi na pumirmi sa unit ito e . Hada ng hada kung saan saan .

“Jan lang . Hehe . Ay oo nga pala , Kuya . . . May ipapakilala ako sayo .” sabi nito .

Tumaas lang ang kilay ko . Mukhang totoo ang hula ko kanina ah .

“Kuya , meet Beverly . Classmate ko . Bev , si Kuya Ice nga pala , yung kinukwento ko sayong housemate ko na author ng Kiss Angel .”

Nakipagkamay ako kay Beverly . “Nice to meet you .” Bati ko sa kanya .

Ngumiti ito na parang namimilipit . “N-nice to meet you din po .”

Tumaas ang kilay ko at tiningnan ko si Chester . Ngumiti naman ito at bumulong sa akin .

“Kuya , sya yung kinukwento ko sayo na crush ko . Avid fan mo yan .”

-------------------

:))

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
73K 1.5K 22
COMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Chris...