being princess ianthe // kn

By engrfx

150K 3.2K 1.1K

Naglalaro, tumatakbo, nadudungisan, naliligo ng ulan, nadadapa, nasusugatan, pero babangon ulit at babalik sa... More

Being Princess Ianthe
NOTICE!
Chapter 1: Beginning of being me
Chapter 2: Despite of the hatred
Chapter 3: Pampanga here I come!
Chapter 4: Undeniable pain
Chapter 5: Meeting new friends
Chapter 6: Sleep together
Chapter 7: Love or Infatuation?
Chapter 8: I'm falling...
Chapter 9: Worst nightmare
Chapter 10: We got your back ;)
Chapter 11: Not again...
Chapter 12: I'd rather
Chapter 13: Memory to treasure: Gen. Cleaning
Chapter 14: Memory to treasure: Sandbox!
Chapter 15: Memory to treasure: Snakes and Ladders
Chapter 16: Memory to treasure: Ihaw sa tapat bahay
Chapter 17: Memory to treasure: Parade ground!!
Chapter 18: Memory to treasure: Parade ground 2
Chapter 19: Memory to treasure: Just the two of us
Chapter 20: Memory to treasure: Pakakasalan kita!
Chapter 21: Back in Manila?!
Chapter 22: Memory to treasure: First date!
Chapter 23: Sasagutin ko na siya..
Chapter 24: Meet the parents.
Chapter 25: Mahal ko na nga siya.
Chapter 26: Natatakot ako..
Chapter 27: Sabay na tayo?
Chapter 28: Ginugulaman siya..
Chapter 29: Harder and deeper
Chapter 30: Batang Alec at batang Ianthe
Chapter 31: Ang hirap magpigil!
Chapter 32: For your eyes only~
Chapter 33: Fall in love w/ someone
Chapter 34: Nasaan si Alec?
Chapter 35: Oo? Oo.
Chapter 36: Passionate kiss
Chapter 37: Nagsisimula pa lang kami
Chapter 38: Uuwi sa UK.
Chapter 39: Cuddling
Chapter 40: Sana ako na lang..
Chapter 41: Couldn't ask for more
Chapter 42: Ang katotohanan
Chapter 43: Break up with Alec
Chapter 44: You like Kian?
Chapter 45: Ghost of the past..
Chapter 46: Babalikan ako ni Ianthe.
Chapter 47: Sleep beside you.
Chapter 48: IanLec's dinner date
Chapter 49: Pizza sauce, lips, tongue.
Chapter 50: I'm sorry, love..
Chapter 51: Isa lamang pagsubok.
Chapter 52: Tough and brave
Chapter 53: Sleep under the stars..
Chapter 54: Life's still great
Chapter 55: Hotel explosion.
Chapter 57: Alec with other girl
Chapter 58: Pagod na ako..
Chapter 59: Bakit ganito kahirap?
Chapter 60: Missing you always..
Chapter 61: Back again..
Chapter 62: I promise you...
Chapter 63: Eternal love
Chapter 64: First day...
Chapter 65: Met 17 years ago
Chapter 66: But then again..
Chapter 67: Barcelona get away!
Chapter 68: Barcelone get away pt 2
Chapter 69: Barcelona
Chapter 70: If it was that easy..
Chapter 71: Two weeks to go
Chapter 72: Anniversary prep
Chapter 73: Love works
Chapter 74: Galit na si Misis
Chapter 75: Ianthe's
Chapter 76: Alec's
Chapter 77: Family..
Chapter 78: three days left..
Chapter 79: about happy endings
Chapter 80: ruin & trauma
Chapter 81: Falling into right places
Chapter 82: emotionless
Chapter 83: is it over?
Chapter 83.5: Alec's side
Chapter 84: a gift and misery
Chapter 85: decisions, pain and the past
Epilogue
Being Princess Ianthe
bestfriend (published)
AYJEI 🌸

Chapter 56: One year to decide.

1.3K 32 25
By engrfx

J U L Y       0 9      2 0 1 6
--------------------- 👑 --------------------

Ianthe's Point Of View

"Good morning, sunshine." Bumungad saakin ang napakaliwanag na ngiti ni Alec. Mas maliwanag pa ang ngiti niya sa araw sa labas.

"Good morning, sugarplum." Natawa kaming pareho dahil sa tinawag namin sa isa't isa.

"Maagang nagpaalam saakin sina Nanay Celine at Tatay Ruben. Mamamalengke daw muna sila. Hindi ko na sila pinaluto ng almusal dahil gusto ko ikaw ang magluluto." Nginitian ko siya at hinalikan sa labi bago ako bumangon.

Nagpunta na ako ng bathroom para makapaghilamos na. Nagrequest kasi ang mahal ko na ipagluto ko siya ng breakfast.

Nang matapos ako, lumabas na ako at sunod naman siyang naghilamos. "Sunod ka na lang sa kitchen." Lumabas na ako ng kwarto at diretso ng kitchen.

Bumabati saakin ang ibang maids namin na madadaanan ko at nginingitian ko naman sila.

"Miss Ianthe, hindi po kami nagluto ng breakfast dahil ibinilin saamin ni Ate Celine na ikaw daw po ang magluluto." Salubong saakin ni Yaya Ofelia.

"It's okay, Ya. Nagrequest kasi si Alec na ako ang magluto." Nginitian ko siya. Naghanap na ako ng ingredients para sa lulutuin ko.

Nagpasya akong magluto na lang ng ginisang sardinas. Gustong-gusto iyon ni Alec lalo na kapag nilalagyan ng dahon ng malunggay.

"Yaya Ofelia?" Tawag ko sa isa naming katulog. Kaagad naman siyang lumapit saakin.

"Pwede ho ba kayong mahingi ng dahon ng malunggay? Kahit iilang tangkay lang." Ngumiti siya saakin bago umalis.

Nagulat naman ako nang may mabangong lalake ang yumakap mula sa likuran ko. Inamoy niya ang niluluto ko.

"Sarap.. nagugutom na ako." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko saka ako kinagat doon.

"Alec, nagluluto ako. Magtigil ka dyan." Suway ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na si Yaya Ofelia. Tinanggal ko isa isa ang mga dahon sa tangkay at hinugasan bago inilagay sa niluluto ko.

Pagkatapos kong magluto ng ginisang sardinas ay nagpirito ako ng itlog. Masarap ipartner ang ginisang sardinas sa piritong itlog.

Pagkatapos nun ay nagsangag na ako ng kanin.

Inihapag ko na sa mesa ang niluto ko at naupo sa tabi ni Alec.

"Kain na.." Ngumiti muna siya saakin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Pwede ka na talaga mag-asawa." Bulong niya. Namula naman ako kaya hinampas ko na lang siya.

"Kumain ka na nga lang dyan." Natatawang sabi ko at kumuha na rin ng kanin sa plato ko.

"Hmmm... Iba na talaga ang luto ni Chef Ianthe." Tinawanan ko lang siya dahil mukha siyang baliw sa mga pinagsasasabi niya.

"Dahil masarap ang luto mo, may free kiss ka saakin." Lumapit siya saakin para halikan ako pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya. Kaya, nahalikan niya yung palad ko.

"Dami mong alam.." Tumawa lang siya.

"Good morning mga anak!" Nilingon namin sina Nanay Celine at Tatay Ruben na kadarating lang galing ng palengke.

"Good morning, Nay Tay." Sabay naming bati ni Alec saka nagmano sa kanila.

"Kumain na ho ba kayo? Sabayan niyo na kami ni Chef Ianthe." Natatawang sabi ni Alec kaya hinampas ko sa braso niya.

"Wow, mukhang masarap yan ah. Sige, sige at gutom na rin ako. Ang daming istasyon ng Nanay mo sa palengke. Nakipagkwentuhan pa." Reklamo ni Tatay Ruben kaya kinurot siya sa may tagiliran niya.

"Ikaw ang may gustong samahan ako, kaya wag kang magreklamo. Next time wag ka na sumama saakin." Inirapan siya ni Nanay Celine. Tinatawanan lang namin sila ni Alec.

Parang kami lang kung magbangayan.

"Anong oras ang pasok niyo?" Tanong saamin ni Nanay.

"9 o'clock po ako papasok, Nay." Sagot ko.

"8:30 po saakin." Sagot naman ni Alec. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 7:45 na. Binilisan ko na ang pagkain ko dahil kailangan ko pa ihanda ang susuotin namin ni Alec. Ay, susuotin ko lang pala dahil wala siyang damit dito.

"Bakit ka ba nagmamadali? Slow down, maaga pa naman." Bumuntong hininga ako at tinanguan siya.

"Ihahatid na muna kita then balik ako ng condo para makapagbihis." Tinanguan ko siya.

Sa wakas ay natapos kaming kumain at nagpresinta na si Nanay Celine na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Umakyat na ako para makaligo at makapagbihis na.

Sa condo na lang daw maliligo si Alec.

Nang matapos ako, lumabas na ako at inabutan ko si Alec na may hinahalungkat sa walk in closet ko.

"Huy, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong inaayos niya ang damit ko at tinanggal ang iilang nakalagay sa isang sulok.

"Mamayang ihahatid kita, magdadala na ako ng damit ko at iiwan ko na dito. Then, ito." Tinaas niya ang iilang damit at...undergarments ko. "Ilalagay ko na sa cabinet natin sa condo." Hinapit niya ako sa bewang ko at hinalikan sa labi.

Lumayo naman siya ng konti saakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"You look so beautiful with your uniform, Chef Ianthe." He murmured. Napapailing akong tinalikuran siya.

"Tara na at uuwi ka pa sa condo." Hinapit niya ako palapit sa kanya at sabay na kaming lumabas ng kwarto.

Nagpaalam na ako kina Nanay Celine at Tatay Ruben at sinabing hindi ako magpapasundo sa kanya mamaya. Sabay daw kaming uuwi ni Alec mamaya.

"Ingat kayo, mga anak!" Kumaway ako kay Nanay at tuluyan ng nilabas ni Alec ang Chevrolet Corvette niya sa gate namin.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?" Tanong niya saakin.

"I think mga 5:30 to 6 o'clock. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya.

"I'm not sure. Pero sisiguraduhin kong masusundo kita." Tinanguan ko siya at tumingin na lang sa kalsada.

OoooOoooOooo

Nakarating na kami ni Alec dito sa restaurant kaya kaagad kaming sinalubong ni Miss Kate. Ang manager ng restaurant na 'to. Nandito kasi si Alec kaya ganyan.

"Good morning, Sir Alec and Ianthe." Bati niya saamin.

"Good morning, Ms. Kate.." Sabay naming bati ni Alec. We heard Ms. Kate chuckled. "Ian, uuna na ako. Text na lang kita kung anong time ako makakapunta dito. Susunduin kita, okay? I love you." Hinalikan niya ako sa labi sa harap ng manager at iilang customers namin.

Okay.

"A'right. Call me when you get there huh? I love you, too." Sumaludo siya saakin saka kumindat. Nakangiti akong napapailing.

Hinarap ko ang mga kasamahan ko. Nakangiti sila saakin at halatang kinikilig. Tinalikuran ko sila at sinuot na ang apron at hairnet ko.

Hanggang sa kitchen ay inaasar nila ako. Mga loko-loko talaga.

OoooOoooOooo

"Chef Ianthe's special?" Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko sa menu. What the hell? Bakit may ganito na kaagad?

"Oo girl! Mabenta kasi yung dishes mo. Maraming may gusto kaya nilagay na sa menu. Masarap naman kasi. Congrats!" Niyakap ako ni Chef Yvonne. Sobra naman akong natuwa. Intern pa lang ako marami ng may gusto sa mga niluluto ko.

"Salamat.." Niyakap ko silang lahat.

Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya napatingin ako kay Chef Rachel para magpaalam. Tinanguan naman niya ako.

"Daddy?" Bulong ko. Nakalimutan ko na nga pala na may mga kailangan pa akong solusyunang problema.

"Omg si Mr. Ford?" Tumili si Chef Ruki at Chef Yvonne. Lumapit sila saakin.

"Yup. Excuse muna ha?" Tinanguan nila ako na hindi taos sa puso nila. They look so disappointed.

"Dad?"

"Sweetheart.. I'm sorry.." Bigla akong nanghina nang marinig ko ang hikbi ng Daddy ko.

"Dad, what happened?" May takot sa boses ko.

"Hawak na nila tayo sa leeg. I'm scared na isang araw ikaw na ang saktan nila. Hindi ko kakayanin yun, anak. I'm sorry because Daddy didn't make it." Umiiyak si Daddy sa kabilang linya. Tumakbo ako palabas ng kitchen at pumunta ng locker room namin.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mata ko. Ayaw ko ng naririnig ko. Ayaw kong naririnig si Daddy na umiiyak ng ganito.

I've known Dad as a strong man. He's strong and brave. He's my hero. Now, that he's crying, I feel so weak.

"It's okay, Dad. I'll be fine." Umiiyak ako pero hindi ko pinahalata.

"I love you so much, sweetheart." Napapikit ako dahilan para bumagsak ang mga luhang naipon sa mata ko.

"I love you, too, Dad, so much." Unti-unti kong ibinaba ang cellphone ko at umiyak ng umiyak. Laking pasasalamat ko at hindi na nila ako sinundan dito.

Naintindihan yata nilang gusto ko mapag-isa.

Nang magkalakas ako, tinawagan ko si Kian.

"Kian, tell your Dad I want to talk to him! Asap!"

"Ianthe--"

Ibinaba ko na ang tawag bago pa siya magreklamo.

Hawak sa leeg? At anong gagawin nila, pasasabugin lahat ng mga ari-arihan namin? No way! I won't let them. Pinaghirapan pa ng mga ninuno ko ang mga yun. Pinaghirapan ni Daddy at Mommy. Hindi ko hahayaang mawala yun ng ganun na lang.

If Mum and Dad can't make it, then I will.

I'll fight!

Pinunasan ko ang luha ko at pumunta ng banyo para mag-ayos ng sarili. Hindi ko na rin kaya magtrabaho ngayon dahil sa nalaman ko.

"Chef Rachel, masama po talaga ang pakiramdam ko. Gusto ko na po sana umuwi." Pakiusap ko kay Chef nang makabalik ako sa kitchen.

"Okay, gusto mo ba ipahatid na kita?" Tanong niya saakin. Umiling ako at nginitian siya.

Nagpaalam na ako sa iba at pinuntahan naman si Miss Kate. Ganun din ang sinabi ko sa kanya. Mabuti naman at pumayag siya.

Tinawagan ko kaagad si Tatay Ruben at nagpasundo sa kanya. Mamaya ko na tatawagan si Alec.

Pagdating ko sa bahay ay sumalubong na saakin si Kian. Ibinaba ko lang ang gamit ko at nagbihis sa taas.

Nag-aalala si Nanay Celine dahil sa binabalak kong pagkausap sa abnormal na ama ni Kian.

"I'll be fine, Nay." Lumabas na ako ng kwarto ko at lumapit kay Kian.

"Sigurado ka?" Tanong niya saakin.

"Yes, I need to do this." Humalik ako sa noo niya at hinila na palabas si Kian. Sumakay ako sa Audi r8 niya at nagdrive na siya paalis.

"Ianthe, I'm not really agree with this. I don't think you're making the right decision." Nilingon ko si Kian at bumuntong hininga.

"Ayaw ko man gawin 'to, Ki. Pero pamilya ko na ang damay. Ayaw ko ng ganito. Mas pipiliin kong ako na lang. Kailangan kong gawin 'to, lalo na ngayong alam na ng Tatay mo na si Alec ang lalakeng tinutukoy ko." Ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada.

"Fine! Ikaw ang bahala.." Nakarating kami sa isang lugar na tago. Napakaraming puno at halaman sa paligid.

"Anong lugar ito?" Tanong ko kay Kian.

"It is an abandoned building." Maikling paliwanag niya. Narating namin ang abandoned building na sinasabi niya. Mataas iyon at napakarami ng mud ng pader.

"Don't worry, hindi ko pababayaang saktan ka niya." Nginitian ko lang si Kian. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayang lumabas.

Pumasok kami doon at umakyat ng hagdan.

Ang dami naming nadadaanang mga goons. Malalaki ang katawan nila at armado silang lahat.

"Nice to see you again, Ms. Ford." Napairap ako sa hangin. Old man!

"I'm here to talk!" May apat na goons ang lumapit saamin. Inihiwalay nila saakin si Kian. Pumalag si Kian pero sinuntok lang siya sa sikmura nung dalawang may hawak sa kanya.

"Jeez, let him go!" Sigaw ko dun sa dalawang unggoy na may hawak kay Kian.

"I thought you want to talk to me, Ms. Ford?" Prenteng umupo ang amo ng mga unggoy sa harapan ko.

"Cut this crap, Mr. Suazon! Wala kang makukuha saamin!" Madiin kong sabi sa kanya. Ngumisi siya saakin.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?" Nakangisi niyang sabi. Lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"Oo! Hinding-hindi ko papakasalan ang anak mo!" Siguradong-sigurado ang boses ko. Matigas iyon at madiin.

"Hawak ko na ang buong pamilya mo. Nalaman ko na rin ang business ng pamilya ng mga Frazier. Si Alec Frazier pala ang lalakeng dahilan kung bakit hindi mo mapakasalan ang anak ko? Well, madali lang naman siyang burahin sa mundo--"

"BULLSHIT!! That's bullshit, this is bullshit, you're bullshit!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawakan ng dalawang goons ang dalawang braso ko at tinakpan ako sa bibig.

"Damn it! Don't touch her!" Singhal ni Kian pero sinuntok lang siya nung dalawang may hawak sa kanya.

"I know I'm bullshit! Ginagawa ko 'to para sa pamilya ko...para sa kumpanya namin." Hinawakan niya ako sa baba ko pero umatras ako.

"Fvck shit, Dad! Not her!" Sigaw nanaman ni Kian.

"Manahimik ka Kian! Tangina mo, ikaw wala kang ginawa kung hindi suwayin ako! Lahat ng gusto ko, hindi mo sinusunod!" Baling niya kay Kian saka kinwelyuhan.

"Suwayin ka? Eh lahat ng gusto mo, sinusunod ko kahit labag sa kalooban ko. Dad, ito lang. Ito lang ang sinusuway ko." Madilim na ang tinginan nilang mag-ama.

"Diba noon pa ay pinapasundan ko na sayo si Ianthe? Anong ginawa mo, mas inuna mo pa yung babaeng mahal mo na wala ka namang makukuha kahit na ano! Walang kwenta!" Sinuntok ni Kian ang Daddy niya sa pisngi.

Sinuntok naman siya pabalik ng Daddy niya. Pumutok na ang labi ni Kian. May dugo na ring lumalabas mula sa bibig niya.

"Wag na wag mong sasabihan ng walang kwenta si Louise. Wala kang karapatan! Siya ang nagpakita at nagparamdam ng totoong pagmamahal saakin na kayo mismong mga magulang ko ay hindi man lang naiparamdam saakin. Kayo ang walang kwenta!" Sinuntok nanaman ni Mr. Suazon si Kian sa tiyan. Napangiwi si Kian sa lakas ng suntok ng Daddy niya.

"Ginagawa ko 'to para sa kinabukasan mo. Balang araw maiintindihan mo ako." Hinila niya ang buhok ni Kian para tumingala ito sa kanya. "Balang araw pasasalamatan mo ako sa ginawa kong ito." Binagsak niya ang ulo ni Kian at bumaling saakin.

"I'll give you one year to decide and be with your family. Kapag pinili mo ang magpakasal sa anak ko, matatahimik ang lahat. Maililigtas mo ang pamilya at ang buhay ng pamilya ng mga Frazier. Once na pinili mo si Alec, sulitin mo ang isang taon para makasama sila dahil pagkatapos nun ay mawawala na sila sa buhay mo." Hinawakan ako sa magkabilang pisngi ni Mr. Suazon gamit ang isang kamay niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Pakiramdam ko bumabaon na ang mga daliri niya sa pisngi ko.

"Tandaan mo yan, Ianthe Ford." Biglaan niya akong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig. Umalis na sila kasama ang mga goons niya.

Kaagad kong nilapitan si Kian.

"Kian! Dadalhin kita sa ospital.." Nagmamadali ko siyang inalalayan. Umiling siya.

"I'll be fine. Sa hotel na lang kung saan ako tumutuloy. Baka malaman pa ni Alec na may kasama kang ibang lalake. Panigurado bugbog nanaman ang abot ko dun." Inalalayan ko siyang tumayo at pinasakay sa kotse niya.

"Kaya mo magdrive?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at humawak sa tiyan niya. Napasapo ako sa noo ko.

"Shit!" Pinasakay ko siya ng shot gun seat at pumasok na sa driver seat.

"Marunong ka?" Tanong niya saakin. Marunong ako kaso hindi ako pinapayagan magdrive ng Daddy ko. May tatlong kotse ako na dala dito kaso hindi naman ako pinapayagan gamitin ang mga yun. May driver naman daw ako.

"Trust me.." Nginisian ko siya at sinimulan na magmaneho.

"WHOA! Ianthe, slow down!" Napahawak si Kian sa seatbelt niya.

"Sorry.." Binagalan ko na ang pagmamaneho ko. Habang papunta kami ng hotel niya, naisip ko ang huling sinabi saakin ni Mr. Suazon.

"Anong desisiyon mo dun sa sinabi ng gurang kong Ama?" Tanong niya saakin. Napalingon ako sa kanya.

"How'd you know the word gurang?" Tanong ko. Naalala ko kasi nung kumakain kami ng rice porridge kina Aling Jessica at sinabi ni JB na paggurang ang pangalan niya.

Happy moments.

"Nah. Learned it from my Filipino friends. So, ano na nga ang desisyon mo?" Tanong niya saakin. Lumingon ako sandali sa kanya dahil red light naman.

"I still have a year to decide, Kian. Ayaw ko ng isipin yan. At sana wag ng makarating kina Mommy at Daddy itong nangyare ngayon ha?" Bumuntong hininga siya at tumango.

Nag-green light na kaya nagpatuloy nanaman ako sa pagdadrive. Akala ko hindi na ako marunong dahil mula nang umuwi ako dito sa Pinas ay isang beses pa lang ako nagdrive pwera ngayon.

Nakarating kami ng hotel kaya sinuot ko na muna ang hoodie ni Kian dahil baka may makakilala saakin at malaman pa ito ni Alec. Inakay ko siya papasok ng hotel. Marami ang nakatingin kaya binilisan na namin.

"Bilisan mo maglakad, Kian." Pagmamadali ko sa kanya.

"Ianthe naman! Ikaw kaya ang bugbugin ng dalawang goons at isang halimaw, makalakad ka pa kaya ng normal?" Napakibit balikat na lang ako.

Oo nga naman.

----------------------- 👑 -----------------------
Ang tanong ni Ayjei!
Hold on or let go?
--------------------- 👑 --------------------
Don't forget to be awesome!

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...