Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 5: Park

82K 1.2K 201
By endlesslaugh

Chapter 5: Park

“Anong ginagawa mo?”

Halatang nagulat si Venny nang makita niya ako sa may pintuan. Pero kung anong bakas ng pagkabigla ang dumaan sa mukha niya ay bigla din namang nawala nang ngumiti siya. Yung ngiting nakakainis kasi alam mong may binabalak siyang hindi maganda.

“Why, Sofia? Kitang-kita mo naman kung anong ginagawa ko, diba?”

“Iwanan mo si Chi. Bakit mo ba siya sinasabotahe? Wala naman kaming ginagawa sa iyo ni King ah.”

“Si King wala. Ikaw, meron.”

Ako? Madami na kong nagawang masama dito kahit sa mga pinag-iisip ko lang. “Ako? Anong namang nagawa kong masama sa’yo?”

“Earlier today. You humiliated me in front of King! He—he laughed at me and dahil iyon sa’yo!”

“Huh. Alam mo ba kung bakit ka napahiya sa kanya? Kasi nai-insecure ka.”

“H-hindi ako nai-insecure sa’yo.”

“Talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. Namula ang mukha niya sa galit. Nagtaka naman ako sa sarili ko kung bakit ko pa pino-provoke si Venny. Wala naman akong dahilan para pagselosin siya sa min ni King di ba? Di ba? Kasi nga wala namang something samin ng mokong na iyon. Pero ang saya pa ding asarin ni Venny…

Sobrang nadadala ako sa mga pinag-iisip ko kaya naman nagulat ako nang ilapag ni Venny si Chi sa sahig at nakaambang aapakan na niya ito. AAPAKAN NIYA SI CHI!

On impulse, tumakbo para sagipin ‘yung itlog. Sinagi ko iyon papalayo. Buti na  lang at matibay yung bahay na ginawa naming ni King. Naligtas si Chi.

Pero hindi naligtas ang kamay at mukha ko. Yung kanang kamay ko, natapakan ni Venny yung hinliiit at ring finger. Yung kaliwang parte ng mukha ko naman, tumama doon sa teacher’s table. Nakaramdam agad ako ng pamamanhid sa mukha. Mas masakit pa ata ito kesa sa sampal eh!

“B*tch.” At nag-walk out na siya.

Siya pa ang may ganang mag-walk out!

Isinantabi ko pa yung pananakit ng katawan ko para tignan kung hindi ba talaga nabasag si Chi. Napansin kong may dent sa isang parte ng bahay niya pero bukod doon, mukhang okay naman ang lahat.

Bigla ko namang na-realize na may P.E. nga pala kami ngayon!

Pagdating ko sa sports field, kakarating lang din ni Venny kasi nakita ko siyang tumatabi sa mga kauri niya. Wala pa din kaming P.E. teacher.

Naglakad ako papalapit kay King. Sasabihin ko sa kanya yung naging eksena namin sa classroom ni Venny. Pero babawasan ko ng konti. Basta ang sasabihin ko sa kanya,sinasabotahe ni Venny ang group work namin.

“King!” tinawag ko ang atensyon niya. Lumingon naman siya pero bakas sa mukha niya ang gulat.

Gulat? Saan naman?

Pero bago pa man ako makalapit sa kanya, may humawak sa kamay ko. Si Inna.

“Pia, anong nangyari sa’yo?” bulong niya sa akin.

“Ha?” Nagtataka naman ako.

“Yung mukha mo. May malaking pasa.”

Hinawakan ko naman ang bahagi ng mukha ko na tumama sa table kanina. Napaurong naman ako sa sakit.

“Kasi, Inna, ganito ang nangyari--.”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may humatak sa kamay ko. Nasaktan ako bigla kasi iyon ang kamay na natapakan ni Venny.

“Inna, pakisabi naman kay Mrs. Refulgente na dinala ko si Sofia sa clinic,” sabi ni King.

Tumango lang siya at kinaladkad na ako ni King papuntang clinic. Nagulat naman ako sa mga pinaggagagawa ni King. Bakit naman bigla na lang naging concerned itong mokong na ito. Maya-maya pa, nalaman ko din ang sagot ko.

Tumigil siya ng paglalakad sa labas lang ng clinic. “Sagutin mo ko. Si Venny ba ang gumawa sa’yo nito?”

“Paano mo nalaman?”

“Nakita ko kayo.”

“Nakita mo kami?” Eh bakit hindi man lang niya inawat? Nakita na pala niya.

“Galing ako sa CR. Tapos nakita ko siyang bumalik sa classroom. Nakita din kitang bumalik doon. Hindi ko naman pinansin. Pero nakita kong dumating kayo sa sports field. Halos sabay lang. At pagbalik mo, may pasa ka na sa mukha. Ano bang nangyari?”

Grabe. Iyon na ata ang pinakamahabang mga salitang narinig ko mula kay King.

“Bakit mo gustong malaman?”

“Dahil hula ko may kinalaman iyon kay Chi.”

Si Chi? Si Chi ang dahilan kung bakit niya ako dinala dito sa clinic? Kung ganon pala lagot ako kapag nalaman niyang kamuntikan nang may mangyayaring masama sa alaga namin.

“Wala. Away babae lang.”

Tinignan niya muna akong maigi bago niya buksan yung pinto ng clinic. “Pumasok ka na. Alam na nila kung anong gagawin nila sa’yo.”

Nakatalikod na siya nang kunin ko uli ang atensyon niya. “King.”

Humarap siya. Nagu-guilty ako sa mga nangyari kay Chi pero mas natatakot ako sa magiging reaksyon niya pag nalaman niyang napalapit na sa bingit ng kamatayan si Chi. “Salamat.”

Tumango siya.

Noong uwian na, ikinwento ko kay Inna lahat ng nangyari noong bumalik ako sa room para kunin yung class number ko.

“Grabe yung babaeng iyon! Ingungudngod ko yung mukha niya sa semento eh!” Aba! Yung best friend ko, naging bayolente bigla.

Natuwa naman ako sa support na ibinibigay sa akin ng kaibigan ko. “Hayaan mo na Inna. She’s not worth it.”

Kinabukasan, Religion time ay binigay na sa amin ni Sir Reyes ang last task sa pag-aalaga sa itlog namin. “Since ‘parents’ kayo ng mga alaga ninyo, kailangan ninyong ipakita sa kanila na mahal niyo sila. Bring them to some place na sa tingin niyo ay magandang dalhin ang mga bata. I’ll give you the rest of the period para pag-usapan kung saan niyo siya dadalhin.”

Ay ganon? May bonding time na. Nako Sir ah, ang korni na ng mga pinapagawa niyo.

Iniharap ko yung upuan ko kay King. Sa totoo lang, naiilang ako sa kanya kanina pang umaga. Kanina pa kasi niya tinititigan yung pasa sa mukha ko. Napatindi pa ang pagtitig niya nang ibinigay ko sa kanya si Chi kasi siya na ang mag-aalaga sa kanya sa araw na ito.

“Saan natin dadalhin si Chi?”

“Kamusta na ‘yang mukha mo?”

Agad naman akong napahawak sa pasa ko. Aray. “A-ayos lang.”

He nodded. “Sa Mall.”

“Ha?” grabe itong lalaking ito. Paiba-iba ang mga pinagsasasabi.

“Sa mall natin dalhin si Chi.”

“Hindi pwede doon. Maingay. Sa tingin mo ba pwede sa bata ang maingay na lugar?”

“Edi sa sementeryo.”

“Nasisiraan ka ba ng ulo?! Bakit ka magdadala ng bata sa sementeryo?”

“Eh ayaw mo sa maingay na lugar. Edi sa tahimik.”

“Ang labo mo naman. Mag-isip ka naman ng lugar na pinupuntahan ng bata.”

“Sa park.”

Nginitian ko siya. May matino ka din naman palang naiisip, King eh. Haha.

Saturday, 9 am, sa National Park ang napag-usapang place at time. Dahil isang family day ang napiling araw ni King, nahirapan akong magpaalam sa mga magulang ko kung saan ako pupunta. Tinanong pa nila kung sino ang kasama ko. Sinabi ko si Inna kasi siya yung kapartner ko sa project namin sa Religion. Grabe, nagagawa ko pang magsinungaling sa mga magulang ko dahil kay King.

Saktong nine ako nakarating doon. Akala ko nga male-late pa ako eh.

Nakatayo ako doon ng 20 minutes. Hinihintay ko sina King. Bakit kaya wala pa siya?

30 minutes. Traffic ba?

40 minutes. Baka hindi nagising. Hala. Wag naman sana.

50 minutes. Dadating pa kaya iyon?

Isang oras na akong naghihintay. Nangangalay na yung paa ko. Pati na din yung kamay ko na bitbit yung picnic basket namin.

Balak ko nang umalis. Mukha naman akong ewan dito sa may entrance. Mukha ako desperadang naghihintay ng ka-date. Teka, hindi ito date. Rewind, rewind. Mukha akong desperadang naghihintay ng kapartner sa itlog project ni Sir Reyes.

Nagsimula na akong lumakad paalis. Hindi ko na talaga kayang maghintay. Bahala na yung grade namin sa project, bahala na yung picture. Babayad na lang ako ng taong magaling mag-photoshop para i-edit niya yung picture naming tatlo. Bahala na doon si King--.

“Kulot!!”

Napatigil ako sa paglalakad dahil kilala ko yung boses na tumatawag sa akin. Pero di ako lumingon. Di ko alam kung matutuwa ba ako kasi dumating NA siya o maaasar ako kasi dumating PA siya. Kaya tumuloy-tuloy ako sa paglalakad.

“Kulot! Tara na, pumasok na tayo.”

Di ko siya pinansin.

Kinuha niya yung basket sa kamay ko. Tapos hinila ako papasok sa park.

“Hoy ano ba! Bitiwan mo ako!”

Pero di niya ako pinansin. Ano ba ito? Para kaming naglalaro ng “Wag-pansinin-si-king-wag-pansinin-si-Sofia game". Naghanap siya ng magandang spot para maglatag ng blanket at magpipicnic na kami. Maya-maya pa, tinulungan ko na siya sa pag-aayos.

“May nangyari lang sa bahay kaya ako na-late. Sorry pinaghintay kita ng matagal. Hindi din naman kita macontact kasi wala akong number mo.”

Tumango lang ako. Hindi ko man alam kung anong nangyari sa bahay nila, okay lang sa akin basta nakapag-explain siya.

Sandwich, hotdog, boiled egg, at juice ang pinagawa ko kay Mama na pagkain. Ang dami pa nga ng ginawa niya eh. Pero okay lang. Feeling ko mauubos namin ito. Nagutom ako kakahintay kay King eh!

Hinati ni King yung pagkain saming tatlo nina Chi. Nung inilalagay na niya yung boiled egg sa harap ni Chi, bigla akong tumawa.

“Anong problema mo?” tanong niya.

“Cannibalism. Yun anak natin kumakain ng kalahi niya.”

 “Ang corny mo.” Sabi niya.

“Eh totoo naman eh.”

Grabe. Ang KJ ng kasama ko. Walang babaeng tatagal dito. Kung ganito itong makipag-date—teka. Hindi nga kasi ito date, di ba?

Tahimik akong kumain. Wala naman kasi akong masabi kay King. na-conscious ako dahil sa nangyari nung nagjoke ako kanina. Dapat naiinis ako. Ako na ngang naghintay ng matagal, ako pang bumanat ng “Corny” na joke. Nakakaasar talaga! Kasi naman, sa dinami-dami ng pwedeng maging kapartner, siya pa. Kung iba sana, edi nakapag-enjoy pa ako sa araw na ito. Ugh! Ang sarap batukang ng lalaking nasa harap ko--!

Bigla kong nakagat yung labi ko at naibuga ang ILAN sa laman ng puno kong bibig. (dire-diretso akong kumain kapag malalim ang iniisip.) Tumalsik tuloy yung laman ng bibig ko sa mukha ni King. Kitang-kita ang iritasyon sa mukha niya.

“Sorry!” sabi ko, sabay punas sa makinis niyang mukha. Makinis. Ano ba yan? Ano bang iniisip ko?

“Maghinayhinay ka kasi sa pagkain. Ang takaw mo kasi eh!”

“Bakit ba? Tyan mo ba ‘to? Tyan mo ba? Matalsikan ka na agad ng pagkain ang sungit mo na agad!”

“Tara na nga,” tumayo siya at hinila ako patayo.

“S-saan tayo pupunta?” nagulat ako sa biglang pagbabago ng pinag-uusapan. May hang-over pa ko sa mga gusto kong sabihin sa kasungitan niya.

“Sasakay sa tandem bicycle. Para matapos na itong araw na ito. Gusto ko nang umuwi.”

“Ang sungit talaga.” Bulong ko sa sarili ko. Tinignan niya ako ng masama. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Nag-rent kami ng tandem bicycle. At syempre, dahil kuripot itong mayamang mokong na ito, hati kami sa bayad. Sa harap na basket, nilagay niya si Chi. Tapos pumwesto siya sa likod na bike. Ibig sabihin sa akin ung harap.

“Ah, King,”

“Hmm?”

“Hindi ako marunong mag-bike?” I murmured. Nahihiya akong sabihin iyon sa kanya.

“Ha?”

“Hindi ako marunong magbike.” Nilakasan ko ang boses ko pero mahina pa din talaga.

“Ha?!”

“SABI KO, HINDI AKO MARUNONG MAG-BIKE!” napasigaw na ako. Nakakahiya kayang paulit-ulitin iyon! Noong tumingin na ako sa paligid, saka ko lang nakita na pinagtitinginan kami ng mga tao sa park. Namula naman bigla yung mukha ko. At pagtingin ko kay King, nakita ko ang effort niya sa pagpigil tumawa.

“O sige,” kinagat niya yung labi niya. “Doon ako sa harap. Dito ka sa likod. Sundan mo lang ako.”

Inikot namin yung buong park. Ang sarap ng feeling! Ganito pala kapag nakasakay sa bike! Yung hangin, dumadampi sa mukha mo. Feeling ko tuloy nasa isa akong commercial ng Ponds facial wash. Haha. Eme.

Nung maisoli na naming yung bike, nakasimangot sa akin si King habang minamasahe yung braso niya.

“Oh, bakit ganyan mukha mo?”

“Tinatanong mo pa. Eh ikaw kaya mag-bike para sa dalawang tao, tignan ko kung ngingiti ka pa!”

He-he. Nakalimutan ko palang sabihin. Si King lang ang nagbike sa tandem.

“Thank you King!” Para di naman sayang yung effort niya.

Dinedma niya lang yung pasasalamat ko. Nagtuloy-tuloy na siya palabas ng park.

“Teka, King!” hinila ko yung braso niya. “Kailangan pa natin ng picture!” Nilabas ko yung Polaroid na hiniram ko kay Kuya Paolo tapos may isang kuyang nakaupo lang sa bench. Nilapitan ko siya. “Kuya, pwede mo ba kaming kuhanan ng picture? Isa lang, kuya. Salamat.”

Tumabi ako kay King. Ako ang humawak kay Chi. Manong nakangiti na ako at nakasilip na si Kuya sa lens nang ibinaba niya ito.

“Excuse me, pare, ang stiff niyo kasi eh. Pwede ba medyo maglapit kayo tsaka lagyan ninyo ng buhay yung ekspresyon ninyo?”

Lumapit sa akin si King at bumalik naman ako sa dating pose ko.

“Oh sige ah, kukuhanan ko na kayo. 1… 2…”

Bigla akong hinila ni King papalapit sa kanya. Ipinatong niya yung kamay ko sa bewang ko. Bigla akong napatingin sa kanya.”

“3!”

Nagulat ako sa mga pangyayari. Natigil ako sa pwesto ko habang kinukuha ni King yung Polaroid at yung picture na na-develop na.

“O. Iyan na. Ingat na lang sa pag-uwi.” At umalis na si King.

Tinignan ko yung picture at napanganga sa nakita ko. Ang gwapong mukha ni King ay nakatingin sa camera. Suot niya yung trademark niyang smirk. At sa tabi niya—jusko, yung nasa tabi niya—ako. Hawak si Chi, nakatingin kay King, bakas sa mukha ang pagkagulat, nakanganga pa. Kitang kita pa yung manilaw-nilaw na pasa ko sa mukha.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang papalayong pigura ni King. Pero bago siya lumayo ng tuluyan, humarap pa siya sa akin. At saka siya tumawa. Kumaway siya at tumalikod na.

Ngayon talaga hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Sobra. As in90% of the time.

• • • • • • • • • • •

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

149K 246 5
[Wattis Awards 2018 Participant] [Wattys2018 Participant] Enemy- yan ang tawag sa mga taong ayaw na ayaw mo. Yung tipong sira na ang araw mo pag naki...
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
320 127 13
Kwentong nagpapakita ng paglaban sa buhay kahit sa maling pamamaraan at pag-ibig na mahirap ipaglaban.
370K 6.7K 60
Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chasing her Mr. Right. Charmaine Felice Cab...