A/N : HAHA . Sa wakas , may kasunod na rin . LOL . Natapos din ang sakit-sakitan kong Katam . Humahanap pa kasi ako ng lame excuses , Shinpot-utot para hindi mag UD kasi wala pa napasok sa utak ko ! LOL . ngayon meron na kaya ---- JARAAAAAAN ! Meron na ulit UD . HAHA . Ok shshatap na ako .
Chester's newly-dyed and newly cut hair -------------->
(Pogi o Maganda ? Nagagandahan pa rin ako sa kanya ; ba't ganun ? LOL)
--------------------------
Ang lawak lawak ng pagkakangiti ko habang sinusuklayan ko ang newly-dyed hair ni Chester . Sa wakas , naging au-naturale din sya . Hindi man pure black , pero at least , hindi na blonde . Bumagay naman pati sa kanya ang brownish-gold color . At pina cut nya pa . Ayos din tong batang to e . He never fails to surprise me . HAHA .
“Buti naman naisipan mo nang i-dye ito !” sabi ko .
Tumawa sya . “Shempre may kapalit yun Kuya .”
Napakunot ang noo ko . “Kapalit ?”
Humarap sya sa akin at ngumiti . Grabe nag iba talaga ang hitsura nya . Mukha na syang lalaki ngayon . HAHA . Pero maganda pa rin sya .
“Alala mo yung sinabi mo noon sakin ? Pag nagpagupit ako ng buhok , papahabain mo ang iyo .”
Nanlaki ang mga mata ko .
“Shit .” Bulong ko . Naalala ko nga yun ! Malay ko bang seryoso sya !
Nginitian ko sya . “Nope . Invalid yun . Kasi hindi naman ako seryoso dun . HAHA .”
Nawala ang ngiti nito .
“Kahit kelan madaya ka . Ah basta . Kapag ipinagupit mo yang buhok mo , hindi na tayo bati . Kahit hanggang shoulders lang Kuya . Sige na .” sabi nito .
Umiling iling na lang ako habang ngumingiti . “Ewan ko sayo bata ka . Ang dami dami mong alam . HAHAHAHHA . Bakit kasi nagpagupit ka kung hindi ka willing .”
Sumimangot ito . “Para kaya ito sa crush ko . Kasi sabi nya sakin , muka daw akong babae . Napilitan tuloy ako magpagupit . Para naman magmukha na akong lalaki sa tingin nya .”
Napatawa na talaga ako . “WHAHAHAHAHA ! Wow dalaga ka na nga talaga !”
Nagpout ito . “Tsk kakainis ka talaga . Hindi ko talaga ipapakilala sayo yun ! Hmp !”
Tumayo ito at iniwan ako na tawa pa rin ng tawa .
***
“Ano na naman ? Pati ba naman dito ? Please lang , nakakastress ka lalo .” sabi ko .
Hindi naman nawala ang ngiti na nakaplaster sa mukha ni Royce . Nakakapagtaka lang dahil sa hectic ng sched nya , nagagawa nya pa rin talagang magpabalik-balik dito sa office . Halos araw araw pa . At kalimitan , may dala-dala syang fresh roses . Na hindi ko naman tinatanggap .
Alam ko masama ang ugali ko dahil ganun ako sa kanya . E ano ?
“Please lang Royce . Pwede ba na kahit sa lunch break ko wag kang magpakita ? Kakairita kasi .”
Mejo nalukot ang mukha nito pero hindi pa rin ito natitinag . Umupo pa ito sa tabi ko . Nagtitinginan na tuloy ang mga co-workers ko . Halos lahat kasi kami , dito sa canteen sa tapat ng office kumakain pag lunch kasi mura saka masarap ang luto . Kaya halos lahat sila , nandito at nakikita ang ginagawa ni Royce na pagsunod-sunod sa akin . I’ll admit naaapektuhan ako sa ginagawa nya pero ayaw ko pa rin i-acknowledge .
“Sabi ko naman sayo Ice , diba ? Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako nagugustuhan .” sabi nito na nakangiti .
Pinandilatan ko lang sya ng mata . Nang ibaling ko ang tingin ko kay Kuya Baste na syang kasama ko sa table , halatang halata na nagpipigil ito ng tawa . Kainis .
Hinayaan ko na lang si Royce . Aalis din naman siguro ito mamaya . Pagkatapos ng lunch break , papalayasin ko na ito . Magdadahilan akong busy . Bahala sya .
“Royce !”
Napalingon din ako sa pamilyar na boses na narinig ko . At napanganga ako . Kasi nasa bungad ng pintuan ng canteen si Shena . Yup , ang makulit na si Shena . Anong ginagawa nito dito ? ? ?
Lumapit na ito ng tuluyan at umupo sa tabi ni Kuya Baste .
“Hi !” bati nito sa aming tatlo . Tapos ngumiti ito kay Kuya Baste . “Ako pala si Shena . Hello !”
Nakangiting-aso naman si Kuya Baste .
Naramdaman ko ang pagbuntung-hininga ni Royce sa tabi ko .
“Shena , anong ginagawa mo dito ? Paano mo nalaman na nandito ako ?” tanong nito .
Ngumiti si Shena na lalong nagpasingkit sa mga mata nya . “Simple . I followed you .”
Hindi ko na talaga naisarado ang bibig ko . Adik ng babaeng ito aba !
Napakamot sa sentido nya si Royce . “Shena , you have work right ? Hindi ba dapat mas importante sayo ang work mo ?”
“Duh , I’m the boss . I can do whatever I want . Isa pa , lagi namang free time ko kasi hindi kami busy sa work . Kaya na lahat gawin yun ng mga matatalino kong empleyado .” sabi nito .
Napangiti ako . Ibang klase talaga tong babaeng to . Napakalakas ng sense of control nya na mapapahanga ka . Halata mo kasing napaka independent nya at strong-willed .
“Kahit pa . You shouldn’t be doing this . Shena , I really like Ice . We can be good friends , though .”
Nabulunan ako sa harap-harapang confession ni Royce for the second time . Peste , ang sarap nya na talagang pakainin ng katol . Mukang kulang pa ang kahibangan , sige dagdagan ! Potek .
Nakita ko na mejo nawala ang ningning sa mga masasayang mata ni Shena . Pero mabilis namang napalitan ulit iyon ng amusement .
“Problem is , I really like YOU too . Habulan tayo ?” nakangiting sabi nito .
Napakamot na lang si Royce sa ulo at hindi na sumagot pa .
“Pwede pasali sa habulan ?” nakangiting tanong ni Kuya Baste . Tae , galing talaga ng sense of humor ng isang ito . Sobra .
Ngumiti si Shena . “Sorry ! Exclusive lang yun samin ni Royce e . Ipinipilit nyang isali si Ice e muka namang hindi interested si Ice e . Right ?” sabi nito tapos tumingin sa akin .
Hindi agad ako nakasagot . Nginuya ko na lang ang kinakain ko kasi hindi ako makatingin sa mga mata ni Royce na nakatitig sa akin na parang naghihintay kung anong isasagot ko .
Ang awkward kasi pati si Kuya Baste , nakatingin din sa akin para tingnan ang reaction ko . Badtrip . Kaya nagkibit-balikat na lang ako .
Nag-wink si Shena kay Royce . “Told you . Kaya if I were you , choose me over her . After all , hindi ko magets kung ano ang nakita mo sa kanya . Yeah , she’s really pretty . Pero mukang iba ang sexual preference nya . HAHA . Sorry Ice , I wasn’t being sarcastic . I was just being frank .”
Nagkibit-balikat ako kasi totoo naman lahat ng sinabi nya . Nagtataka din ako kung ano ang nagustuhan sa akin ni Royce . I mean , why not choose Shena ? Ang ganda nya , matangkad , sexy , chinita beauty , mayaman at maangas . HAHA . Tunay naman e .
Tahimik lang naman si Royce at hindi kumikibo .
“Guys , una na kami ni Kuya Baste ha . May work pa kami e . Bye !” pagpapaalam ko sa kanila kahit hindi pa ako tapos kumain . Bahala na sila . Ang awkward kasi e ! Hinila ko na patayo si Kuya Baste kahit nasa kalagitnaan pa ito ng paghigop ng kakaorder nya pa lang na shake .
Iniwan namin silang dalawa . Tahimik lang naman ako nung bumalik sa office kahit na kung ano-ano na ang naisermon sa akin ni Kuya Baste .
***
Bumukas ang pintuan at pumasok si Chester galing sa Bookshop nya . Sembreak na ng mga ito kaya nagagawi sya parati sa bookshop nya na feeling ko e mahal na mahal nya . Hindi pa rin ako sanay sa hitsura nyang bago e . Kahit may isang linggo na syang ganito ang buhok , hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya . Kakatawa kasi isipin na talagang nagpagupit pa sya . Speaking of pagupit , kelangan ko na talaga magpagupit dahil humahaba na ang buhok ko at abot na sya sa may balikat .
Itinigil ko ang page edit ng mga mukha ng characters ko for volume 2 at binati ko si Chester .
“Yo . Mukang inspired ka na naman ? Si Crush ba yan ?” sabi ko .
Pansin ko agad ang pamumula ng mga pisngi nya sabay tango . HAHA . Tumpak ! Walangjung bata ito . Kakatawa e . Kinikilig lang ? Ano to , first ever crush nya ? Parang ngayon lang naka experience e ! HAHAAHHA .
Lumapit ito sa ref at inilabas ang isang canned fruit juice . Ito ang nakakatawa sa kanya . Hindi sya mahilig sa mga soda or beer gaya ng ibang teenagers . Ang hilig nyang inumin e fruit juice , milk o tubig . Yun lang .
Umupo ito sa katapat ko . “Kuya , pinapansin nya na ako ngayon na parang hindi gaya ng dati . Sab ina , tama ang decision ko na ipagupit na tong hair ko . I think she can see me as a man now . HIHI !” Hinawakan pa nito ang buhok . “Sana tama ang hinala ko na may crush din sya sakin ! HIHIHIHIHI !” Kinikilig na sabi nito . Eww . So gaaaaay .
Napatawa na naman ako . “Ewan ko sayo . Kadire ka . Namumula pa yang pisngi mo . HAHA . Masarap ba magkaroon ng crush ? Ayyyiie . Kelan ko ba makikilala yan ng makilatis naman .”
Tumigil ito sa paghigop ng juice nya . “Uhhmmm . . . Hindi pa . Kasi inaaway mo pa ako . Pag mabait ka na sakin , saka ko sya ipapakilala sayo . Hindi ka kasi behave e !”
Nagsmirk ako . “Arte . Bahala ka na nga . Anyway , nahahalata ko na talaga yang mga lame excuses mo bakit hindi ka pa nabalik sa unit mo ha . Aba hoy . May dalawang buwan at kalahati ka nang andito . Ang usapan natin dati , 3 weeks lang .” sabi ko .
Nagpout sya . “Eh kasi nga diba pina-repaint at pina-redecorate ko ang unit ko ? Napaka mo naman e ! Walang concern ! Hmmp !”
“E kasi naman ! Parang feeling ko ayaw mo lang lumayas dito kasi may nahihita ka sa pagtira kasama ko e .”
Ngumiti ito at nag peace sign . “Ano kasi Kuya . . . Alam mo naman ako , takot sa mumu . HAHA . Wag ka na magalit . Sige promise , pag natapos na ang lahat at pag wala ng amoy ng paint , lilipat na ulit ako .”
“Hmp . Good . At utang na loob ha , isoli mo na dito si Karma . Hirap na hirap akong pakainin yun at kelangan ko pa puntahan sa unit mo . Badtrip ka .”
“Oo na ! Kakapagtampo , mas love mo pa yung freaky evil thing mo kesa sakin !”
Napalunok ako . Iba kasi yung dating sa akin nung sinabi nya e . Bakit ganun ? Bakit ganun ang reaction ko ? Alam ko na walang meaning yun para sa batang ito pero the way he said it , parang may nabubuhay na kakaiba sa loob-looban ng dibdib ko na halos hindi ko maipaliwanag ? Hala hibang na rin ako . Kung ano-ano na naiisip ko .
Tumikhim ako . “Shempre . Pet ko yun e .” sagot ko .
“Hmp . Ako nga FRIEND mo , di mo ako mahal .” sabi nito na nakatitig sa mga mata ko .
Deym those amazing amber-colored eyes ! Nakakawindang ng isip . I’ve been captivated by those eyes since like forever . At naiirita ako dahil hindi ko maiwasang hindi humanga sa napaka inosente nyang mga mata .
Ipinilig ko ang ulo ko . FOCUS . Just FOCUS . Whew .
***
Lumalala na ang Allergic Rhinitis ko . Hindi naman ito ganito ka-grabe dati pero since ng tumigil ako sa pag gamit ng Nasal Spray ko last month ay lumalala na talaga sya . Bahin ako ng bahin kahit nasa trabaho at grabe ang vertigo ko . Pero pinipilit ko pa ring pumasok kasi kaya ko pa naman . Hindi ko na lang pinapahalata sa mga co-workers ko lalo na kay Kuya Baste .
Kinuha ko ang tissue paper at isininga lahat ng sticky sipon ko . Eww . Creamy very much . Nilamukos ko ang tissue paper at ini-shoot sa trash bin . Pasok ! Oyeah !
“Hoy , inaatake ka na naman ng allergy mo ?” tanong sa akin ni Kuya Baste .
Pansin nya na pala . Tumango ako at suminghot-singhot .
Tinabihan nya ako . “Adik mo . Magpahinga ka na muna kaya ? Over-worked ka na e .”
“Ok na ok to , dude . Kering-keri pa .” sabi ko .
“Ay nako bahala ka . Basta ako nagpapa-alala lang .”
“Oo na . Alam ko naman na concerned na concerned ka sa welfare ko . HAHA !”
Nagsmirk ito at bumalik na sa desk nya . Sakto namang nilapitan ako ni Miss Cherry .
“Ice , may naghahanap sayo sa labas ---“
“Miss Cherry , kung si Royce na naman yan . . .”
Umiling ito . “Hindi si Loverboy . Iba .”
Napa-face palm ako sa itinawag nya kay Royce . Eww . Loverboy .
“E sino pala ?” tanong ko habang tumatayo .
“Ewan ko . Basta kamukha mo . Baka Kuya mo ?”
Kumunot ang noo ko . “Wala kaya akong Kuya . Only child ako e .”
Nagkibit-balikat ito . “Ahh . Bah ewan ko . Basta kamukha mo e . Puntahan mo na lang sya sa labas . Nasa may receiving area . Pinaupo ko muna dun habang naghihintay sayo . Puntahan mo na ngayon .”
Tumango ako at dali-daling lumabas .
Mejo nagulat din ako sa nakita ko . Nahagip agad ng mga mata ko ang isang lalaking nagbabasa ng magazine at nakaupo sa love seat sa receiving area . Mata pa lang ang nakikita ko sa kanya dahil natatakpan ng magazine ang mukha nya .
Nakakagulat dahil posturang-postura ang porma nito sa suot na coat and tie . Sino ito ?
Lumapit ako sa kanya at tumikhim .
“Ehurm . Good morning po . Hinahanap nyo daw po ako ?”
Ibinaba nito ang magazine na hawak . Nakita ko sa unang pagkakataon ang mukha nito . At totoo nga . May pagkakahawig kaming dalawa . Kinabahan ako sa ideyang nabubuo sa isipan ko . Tatay ko ba ito ? Pero matay ko mang tingnan , napakabata nya pa para maging tatay ko . Mukang nasa late twenties to early thirties pa lang ito e . Baka nagpa-face lift ? HAHA .
Tumayo ito at ngumiti sa akin .
“Hi ! Ikaw si Ice right ?”
Tumango ako . “Ako nga po . Sino po sila ?” tanong ko .
“I’m Wang Shih En . You can also call me Andrew Wang . Better yet , call me Kuya Andy .”
Napalaki ang butas ng ilong ko . Say what ?
“Excuse me lang po ? Kuya Andy ? E . . . Sino po ba kayo ?”
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin . Hindi ako makapag-react . I mean , hello ! total stranger , yayakapin ako bigla bigla ? Sino ba ito ?
Kumalas ako sa pagkakayakap nya . Awkward .
“Sorry po , Sir . Bakit po ba ? Ano po ba ang kailangan nyo sa akin ?”
Ngumiti ito at nakita ko na may luha na namumuo sa mga mata nito .
“Ice . . . Kapatid mo ako . I’m your Kuya Andy . Finally , nagmeet din tayo !”
Napanganga ako . Ano daw ? ? ? Kapatid ? KAPATID ? ? ? ? ?
Pakinshet , nangangati ang kamay ko . Gusto ko humithit ng Marlboro Lights now na !
-----------------
:))