LOVING SEBASTIAN GREENE (Publ...

By fedejik

42.6M 446K 17.5K

Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya't parang... More

Synopsis & Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2 (Restricted)
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2 (Restricted)
Chapter 6 (Restricted)
Chapter 7.1.2
Chapter 7.2.2 (Restricted)
Chapter 8.1.3 (Restricted)
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2 (Restricted)
Chapter 9.2.2
Chapter 10.2.2 (Restricted)
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4 (Restricted)
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3 (Restricted)
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14
Chapter 15.1.2
Chapter 15.2.2
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2 (Restricted)
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3 (Restricted)
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.2
Chapter 23.2.2
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.1.3
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28.1.3
Chapter 28.2.3
Chapter 28.3.3
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
Author's Note
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.4
Chapter 33.2.4
Chapter 33.3.4
Chapter 33.4.4
Chapter 34.2.2
Chapter 35.1.4
Chapter 35.2.4
Chapter 35.3.4
Chapter 35.4.4
Chapter 36.1.4
Chapter 36.2.4
Chapter 36.3.4
Chapter 36.4.4
Chapter 37.1.3
Chapter 37.2.3
Chapter 37.3.3
Epilogue
Important Note:
ANNOUNCEMENT

Chapter 10.1.2

479K 5.3K 44
By fedejik

CHAPTER 10.1.2

ADISON


Nakakainis! All I wanted was for him to apologize and admit he's jealous! But obviously, wala siyang balak gawin iyon. Kung kaya niya akong tikisin, titikisin ko rin siya! Hmp!

Pero nagugutom na ako! Hindi pa naman ako kumain sa school kanina dahil gusto ko sana sabay kaming mag-dinner. Pero nang subukan kong pumunta sa kusina ay nand'un pala siya at kumakain. Hindi man lang ako inalok! Kaya natulog tuloy ako nang walang laman ang tiyan! Nakakainis talaga!

It's seven o'clock in the morning at kailangan ko na bumangon dahil nagugutom na talaga ako! Buong magdamag ko na nga tiniis ang gutom. Sana lang ay tapos na siyang kumain or sana nakapasok na siya sa opisina. Baka kasi mapilitan na naman akong magtiis nang gutom para lang hindi siya makaharap.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong naamoy ang masarap na niluluto ni Tita Norma. Parang soup yata...

Oh my, I am really starving.

I really hoped Sebastian is not there.

"Good morning, Ady," nakangiting bati ni Norma.

Yes! Wala si Sebastian!

"Good morning, Tita..." balik bati ko rin naman at tipid na ngumiti. Lumapit ako sa kanyang niluluto at halos kumulo ang tiyan ko sa sobrang pagkagutom.

"Gutom ka na?"

Tumango ako at hinimas ang aking tiyan.

"Anong oras po ba kayo nagluluto para sa susunod ako na muna ang gagawa?" Hindi ko na siya hinintay na ipagtimpla pa ako ng kape at ako na lang ang gumawa.

"'Wag mo na 'yun intindihin pa, hija. Pag-aaral mo na lang muna ang asikasuhin mo. Ako na ang bahala sa kusina," sabi pa niya sabay kindat.

"Sa susunod nga makikipag-unahan ako sa inyo," biro ko pa.

"Tingnan natin," natatawa rin namang sagot niya.

"Maupo ka na. Ipaghain kita."

"Ako na po."

"Maupo ka na," pagpipilit pa niya atdinilatan pa ako ng mga mata bago nangingiting umiling-iling.

Oh well, alam ko rin namang hindi ako mananalo sa kanya kaya naupo na rin ako sa high stool. May regular dining table naman sila, pero ewan ko ba, parang si Sebastian, trip ko rin ang nakaupo sa mataas. Parang ang sarap kumain.

"Hindi mo ba itatanong si Sir Sebastian sa akin?" mapanukso pang tanong niya.

"Ah, nasaan po ba siya?" pa-inosenteng tanong ko naman.

Alam ko namang obvious na sa kanya na may LQ kami kasi nakita ko pa siyang nagluluto ng dinner namin kagabi. Oh wait, we're not lovers so it's not categorized as lover's quarrel... Hmp!

"Lalabas na 'yun. Maagang kumain," ngingiti-ngiti pang aniya. Alam kong gusto niyang manukso, pero alam ko ring tinatantiya pa niya ako.

Ipinatong niya sa tapat ko ang soup na kanina ko pa naaamoy. Ewan ko kung anong klaseng soup 'to, may mga herbs na ewan. Pero ang sarap sa ilong. And yes, may rice na rin siyang inihain, fried egg at corned beef. Whoa... gutom na gutom na talaga ako!

"Mukhang ginutom ka, a," nakangiting puna pa ni Tita.

Sa halip na magkomento ay ngumiti lang ako. Hindi ako sanay na nagugutom. Mabuti na nga lang kahit medyo malakas akong kumain hindi ako tabain.

Sa sobrang pagkagutom ay sobrang bilis kong natapos ang aking almusal. Saktong paglabas rin ni Sebastian sa kanyang kwarto.

And me? Deadma as ever.

"I'll leave now," paalam niya at pilit na hindi lumingon sa gawi niya.

"Ingat ka, Sir Sebastian." Si Tita Norma ang sumagot. Bahagya pa niya akong pinandilatan, pero hindi ko siya pinansin.

Nang maramdaman kong nakaalis na siya ay tsaka ako tinukso ni Tita Norma.

"Kapag nakipagbati, batiin mo na. Kawawa naman si Sir Sebastian, mukhang hindi nakatulog kagabi at nangangalumata."

Ngumiti lang ako sa kanyang sinabi, pero hindi na ako nagkomento pa.

Bahala siya sa buhay niya!

I spent my entire day in school thinking about Sebastian.

Mukha yatang nai-inlove na ako sa mokong na 'yun, a. Parang ang bigat sa dibdib na hindi kami maayos. Kaya lang ay hindi rin naman tamang ma-inlove ako sa kanya dahil baka kasi masaktan lang din ako sahuli. Haist...

"Lalim n'un, a!" Si Matt!

"Uy..." Tipid akong ngumiti at umayos nang upo.

"What's up?" masiglang tanong pa niya sabay naupo sa aking tabi. Nakasalampak ako sa bermuda sa ilalim nang isa sa malalaking puno rito sa campus. Ito ang favorite tambayan namin ni Nicole simula pa noon.

"Good."

I lied of course.

"Mukhang pinagselosan ako ng boyfriend mo, a," mapait pang sabi niya. Gusto ko sana siyang itama, pero mas tama na nga lang yatang boyfriend ko kunwari si Sebastian. Mas acceptable ang term na 'yun.

"H-hindi, 'no!"

Lie. Though he never admitted, alam kong nagseselos siya.

"Sabi ko na nga ba, e, hindi siya special friend lang," mapait pa niyang sabi sabay iling at mapaklang ngumiti.

"Sorry..." Bahagya pa akong napangiwi. Fine. Paano naman naging special friend lang 'yung hinalikan ako sa lips sa harap niya?

"Siya ba 'yung sikat at pinaka-successful na batang businessman sa buong Asia? The Great Sebastian Greene?" curious pang tanong niya.

Tumango ako at hindi na nagkomento pa.

"I see..." Agad naman din siyang natahimik. Hindi rin siguro makapaniwalang boyfriend ko ang isa rin sa pinakamayaman sa bansa." You're one lucky girl..."

"I know, right?" I wish... "How did you know?"

"I just thought I'd seen him before. He don't have any pictures in the internet. Pero nabasa ko sa magazine at may picture niya."

"Oh..."

Sinubukan ko rin siyang i-google noon and it's weird na wala nga akong nakitang pictures niya sa internet.

"Seryoso ba siya sa'yo?" Mataman siyang tumitig sa akin na parang may bahid nang pag-aalala o selos? I don't know. Pero parang selos?

"I-i..."

Gosh, I don't know. Eventually, kapag nagsawa na siya sa akin ay iiwan din niya ako. Basta sa ngayon ang importante ay kasama ko siya.

"I think we're fine, Matt. 'Wag ka na mag-alala pa sa akin."

"I hope he's not taking advantage of you, Ady," makahulugan pang sabi niya na muntik nang makapagpasamid sa akin.

Wala ako sa sariling umiling at matamis na ngumiti.

"I am really okay? I am happy. Thanks for your concern, Matt."

"You know-" Mataman ulit siyang tumitig sa aking mukha." I'll always be here for you. Basta kapag nalaman kong sinaktan ka nang gagong 'yun ay wala akong pakialam kahit pa mayaman siya."

"Thanks, Dude!" Ginulo ko ang kanyang buhok bago itinuloy ko na lang ulit ang pag-aaral para sa susunod na subject. At ganoon rin naman ang kanyang ginawa.

Matapos ulit ang mahabang araw sa school, as expected ay naghihintay na sa akin si Spencer, but sadly, wala si Sebastian. For sure, mainit pa rin ang dugo niya sa akin. Haist... Gaano ba kami katagal na ganito? What if umuwi na lang muna kaya ako sa apartment? Pero baka lalo siyang magalit sa akin? Ano bang dapat gawin?

Nang makarating ako sa suite ay tamang naabutan ko ulit doon si Tita Norma na nagluluto ng dinner.

"Kumusta, Ady?" nakangiting tanong pa niya.

"O-kay lang po," alanganin pang sagot ko.

"Gusto mo na bang kumain?"

"Mamaya na po. Pahinga muna ako," iwas ko pa. Parang gusto kong umiyak na ewan.

"Sige, hija. Kapag nagutom ka, kumain ka na, huh," pahabol pang sabi niya.

"Salamat po." Tumango ako at nagdiretso na sa kwarto.

Ano pa bang silbi na nandito ako sa kanyang bahay kung hindi naman kami magpapansinan? Iilang araw pa lang ako rito ganito na kami kaagad?

At dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa kakaisip sa kanya maghapon ay hindi ko namalayan na nakatulog napala ako...



Sebastian

My headache is killing me!

Ugh! Why can't I just stop myself from thinking about her?! Ni hindi ko magawang makapagtrabaho nang maayos! I am also wondering if she really liked me that much because she doesn't seem to care. Ni hindi nga makuhang mag-text man lang. Or should I even be bother?!

Damn it!

It's getting late... As much as I don't want to go home, I can't sleep here in my office. Baka naiinip na rin si Spencer. Matapos kasi niyang sunduin si Adison ay binalikan na niya ako rito sa opisina.

Kaya naman kahit wala pa sa loob kong umuwi ay napilitan na rin ako dahil gusto ko na rin namang mapahinga. Halos magdamag yata akong hindi nakatulog kagabi. It actually sucks na para bang hindi na ako sanay na hindi katabi si Adison. And this is no good for me.

Maybe she is no good for me.

It's around ten o' clock nang makarating kami ni Spencer sa suite. It was actually very quiet. Jeez... Dati namang tahimik dito, ngayon pa ba ako manibago?! Dumiretso ako sa bedroom at agad na nagdiretso sa shower. I hope magagawa ko nang makatulog nang maayos ngayon. Sa pagod ko ba namang ito kapag hindi pa ako nakatulog ewan ko na lang.

Matapos makapag-shower ay tsaka ako lumabas sa kusina para kumain. Pero bakit parang hindi man lang pa nababawasan ang pagkain? Hindi pa ba kumakain si Adison?

Oh, fuck! Ugh!

Bahala na nga siya! But what the hell?! Parang hindi naman kaya ng konsensya ko?! Damn it! What is so fucking wrong with you, Sebastian?!

Ugh! Bahala na nga!

Maybe it's time that we talk about this. Maybe she needed to know the things that I didn't like.

Matapos ang matagal tagal na pag-iisip ay nagdesisyon pa rin akong puntahan siya sa kanyang room. I tried to knock a few times, pero walang sumasagot. Natutulog na kaya siya? Pinihit ko ang seradura ng pinto, it's open. Pagbukas ko ay sobrang dilim sa loob. Ang tanging liwanag na pumapasok sa loob ng kwarto ay ang liwanag na galing sa pagkakabukas ko ngpinto. Hmm... she's still on jeans. Mukhang kanina pa siya tulog. Lumapit ako sa kanyang kinalalagyan at naupo sa gilid ng bed. She's so beautiful and so peaceful in her sleep. I could watch her all night.

"S-sebastian. . ?" pupungas pa siyang nagkusot ng mga mata.

Shit. Nagising ko yata.

"A-adison..." I cleared my throat at mabilis na dumistansya." I'm sorry... Did I wake you up?"

Dahan-dahan siyang bumangon at bahagyang nag-inat.

"What time is it?" tanong pa niya.

"It's 10:30..."

"Oh, jeez..." gulat pang hinilot niya ang kanyang batok." Napahaba na pala ang tulog ko..."

"Kumain ka na ba ng dinner?" nag-aalalang tanong ko pa. Oh damn, bakit ba ngayon pa ako kinakabahan?

"N-no..." sagot pa niya kasabay ang marahang pag-iling.

Noon ko na binuksan ang ilaw at bahagya pa siyang nasilaw bago ako matitigan nang diretso sa mukha.

"Do you want to eat dinner with me?" kinakabahang tanong ko pa habang marahang naglalakad palapit. Hinawi ko ang nagulo niyang buhok at sinuklay-suklay iyon gamit ang aking mga daliri.

Tumango lang siya at tipid na ngumiti.

"Hintayin mo lang ako sa kusina, huh. Palit lang ako saglit."

"Okay..." Tumango lang din ako at lumabas na ng kwarto.

Well, that's a good start. Mas okay sana 'yung ganito. 'Yung hindi nag-aaway. I just hope makikinig lang din siya sa akin mamaya.

7

Continue Reading

You'll Also Like

436K 1.7K 11
Melissa Olivar was Irwin Herrera's love of his life. Simula noong dumating sa buhay niya ang dalaga, lahat ng pagmamahal ay binuhos niya para rito. H...
1.3M 10.1K 7
Dylan Wyatt De Gracia - The fourth son of the multi-Billionaire Enrico De Gracia. He is the smartest of his siblings. He's been called a lot of thing...
393K 11.2K 35
Khaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do thi...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...