LOVING SEBASTIAN GREENE (Publ...

By fedejik

42.6M 446K 17.5K

Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya't parang... More

Synopsis & Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2 (Restricted)
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2 (Restricted)
Chapter 6 (Restricted)
Chapter 7.2.2 (Restricted)
Chapter 8.1.3 (Restricted)
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2 (Restricted)
Chapter 9.2.2
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2 (Restricted)
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4 (Restricted)
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3 (Restricted)
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14
Chapter 15.1.2
Chapter 15.2.2
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2 (Restricted)
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3 (Restricted)
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.2
Chapter 23.2.2
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.1.3
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28.1.3
Chapter 28.2.3
Chapter 28.3.3
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
Author's Note
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.4
Chapter 33.2.4
Chapter 33.3.4
Chapter 33.4.4
Chapter 34.2.2
Chapter 35.1.4
Chapter 35.2.4
Chapter 35.3.4
Chapter 35.4.4
Chapter 36.1.4
Chapter 36.2.4
Chapter 36.3.4
Chapter 36.4.4
Chapter 37.1.3
Chapter 37.2.3
Chapter 37.3.3
Epilogue
Important Note:
ANNOUNCEMENT

Chapter 7.1.2

568K 6.1K 83
By fedejik

Dedicated to you because you're so helpful sa previous chap. Hindi ko pa naintindihan noong una hehe Salamat. ;) Always feel free to correct me, I really don't mind at all. Nakakabaliw magsulat ng spg hahaha


********

CHAPTER 7.1.2


ADISON

Last night was just the most special night of my life.

Sebastian made love to me...

Hmm...Sex would probably be the right term for him,but as for me, it's making love.

Sa sobrang pagod ko nakatulugan ko talaga siya, kaya lang ay hindi kaya siya nagalit?Medyo mahapdi pa rin ang pakiramdam ko sa pagitan ng aking mga hita. Iningatan niya ako at naramdaman ko 'yun kagabi. Agad ko ring nakita ang bahid ng dugo sa bedsheet. He deflowered me... strangely, I am happy.

Pero nasaan na kaya siya?Iginala ko ang aking paningin sa kwarto, pero walang bakas ni Sebastian. Bumangon ako sa bed at kinuha ang damit kong nakasampay na nang maayos sa upuan. Kaya langay parang ayoko na ring isuot na 'to lalo na ang underwear. Wala ako sa sariling napatitig sa closet na ilang dipa ang layo sa akin kasunod ang pagguhit nang ngiti sa aking labi. Jeez... I am so naughty.

Hindi ko naiwasang matawa sa aking sarili habang maingat kong binubuksan ang kanyang closet. Wish ko lang ay hindi siya magalit sa pakikialam ko sa kanyang mga gamit. Naghanap ako ng t-shirt at agad kong isinuot 'yun. Hindi ko naisip na gan'un siya katangkad. Halos hanggang tuhod ko na ang t-shirt. Naghalungkat din ako sa kanyang undergarments, pero puro boxers. Wala man lang bang briefs?Hindi naman kakasya sa akin ang boxers. Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap at nakita ko sa medyo mas maliit na kahon ang hinahanap ko! Yes! Okay, fine. Siya na talaga ang mayaman dahil puro branded kahit na anong hawakan ko. Wala akong pambili nang ganitong kamahal na underwear. Oh well, 'di naman siguro niya mapapansin kung kukuha ako nang isa. T-shirt lang naman ang kanyang makikita kung sakali.

Pero bago ko pa man isuot ang brief ay pumasok muna ako sa comfort room at naglinis muna nang kaunti. At dahil wala akong toothbrush na dala ay ginamit ko na rinmuna ang sa kanya. It's totally unhygienic, but who cares? Naghalikan na nga kami. I just hope he don't mind.

Matapos makapag-CR ay tsaka ako lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay naamoy ko ang bango nang niluluto sa kusina. Nakaramdam tuloy ako nang gutom.

"Good morning, Adison..." He's on the bar!

"Good morning, Sebastian," nakangiting bati ko rin naman. Oh, I'd love to see that face everyday.

"Hungry?" Bahagya niyang pinilig ang kanyang ulo at nagtaas ng kilay.

Tumango ako at naupo sa high stool katabi niya.

"Norma..." Who's Norma?!

Mabilis akong napabaling sa direksyong tinitingnan niya at mula nga sa maliit na pasilyo ay lumabas ang babaeng tinawag galing sa kung saan mang kwarto. Oh, shit. I am not wearing a bra and I am wearing his t-shirt!

"Oh,God..." naibulong ko na lang.

"Norma, breakfast for Adison, please," utos pa niya sa babae na abot-tainga ang ngiti sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa bagong girlfriend mo, Sir Sebastian?" mapanukso pang tanong niya at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa klase nang pagtitig niya sa akin. She was trying to be polite. Nasisiguro kong alam niya kung ano ako sa amo niya.

"Oh, no-" magre-react sana ako, pero naunahan na rin ako ni Sebastian.

"Adison, she's Norma. Cook ko siya and all around helper na rin. Norma, this is Adison," kaswal na pakilala niya at umiling-iling lang din sa nakangiting babae.

"Hello, Ma'am Adison..." Kinindatan niya ako at agad na ipinagsalin ng coffee sa mug." Careful... Mainit." Inilagay niya iyon sa harapan ko atpagkatapos ay kumuha rin ng plato at nilagyan iyon ng bread, bacon and egg. Jeez... parang mas gusto ko yatang magkanin.

"May rice po ba?" walang kahihiyang tanong ko pa. Nagugutom ako! Kahiyaan na lang talaga!

"Opo, Ma'am. Sige, ipaghain ko kayo," sabi pa niya at agad ngang kumuha sa rice cooker.

"Interesting..." nakangiting sabi ni Sebastian at huling-huli ko rin ang pagsipat niya sa boobs ko. Kinagat niya ang kanyang labi at nakakalokong ngumisi sa akin.

"Nagugutom ako..." Umirap ako kasabay nang pagpipigil nang ngiti.

He smirked at nagpatuloy lang sa pagkain. At nang maipaghanda na rin ako ng agahan ni Norma ay agad na rin naman siyang umalis at binigyan kami ng privacy.

"How are you feeling?" baling pa niya sa akin.

"Drained..." natatawa pang sagot ko." Pinagod mo ako."

"Really?" Umiling siya at ngumiti." Hindi ba parang ako 'yung napagod?" nakakalokong sagot niya.

Umirap ako at sumubo ng pagkain. Inulam ko na lang ang bacon and egg.

"You're wearing my t-shirt," puna pa niya.

"Yes... Hiram ko lang naman." Umismid ako at manipis namansiyang natawa.

"Hmmm... You look sexy wearing my t-shirt," he said with his lascivious grinned.

Umirap ako at ipinagpatuloy na lang ulit ang pagkain.

"Nakapaligo ka na?" puna ko pa. Basa na kasi ang buhok niya and yes, amuy na amoy ko ang shower fresh scent niya. Nakakabaliw sa bango!

"Yup." Tumango pa siya." You are still sore. Nauna na ako and I don't want to be tempted." He grinnedwhile consuming his coffee.

"That's a good start..." sabi ko na lang. My inner goddess is rejoicing.

"Good start for what?" He frowned.

"For loving me..." I looked at him closely. As expected nagulat siya sa aking sinabi.

"Adison..." Medyo bothered pa niyang bigkas sa pangalan ko.

"You're taking good care of me. That's a good start," iyon na lang ang sinabi ko bago limpyahin ang mga pinagkainan namin.

"Let Norma take care of that," pigil pa niya.

"Okay lang, kaunti lang naman 'to. Sige na, gumayak ka na. May work ka today, right?"

"Yes." Bahagya lang siyang tumango. Mukhang 'di pa rin makamove-on sa sinabi ko." Are you sure gagawin mo 'yan?" alanganin pang tanong niya.

"Go!" pasimpleng taboy ko lang at hinugasan na nga ang mga pinagkainan namin.

"Whatever you say, Ma'am..." Iyon na lang ang narinig kong sinabi niya at pumasok na ulit sa kwarto.

Matapos kong mahugasan ang pinagkainan namin ay sumunod na rin ako sa kwarto. Saktong nagpapalit na rin siya ng damit pang opisina. The usual formal wear... suit and tie. Pero si Sebastian na yata ang pinakamagandang magdala ng damit sa lahat. This beautiful guy I lost my virginity with.

"Enjoying the view?"

"Yes," simpleng sagot ko habang mariing kagat ang aking labi.

"Hey..." Mabilis pa siyang lumapit sa akin at tinanggal ang pagkaka-kagat ko sa lower lip ko." You don't know what kind of effect it does on me."

"S-sorry..." Alanganin pa akong napangiti lalo pa nga't ang hawak pa lang niya ay nagdadala na kaagad nang kakaibang pakiramdam sa akin.

"Hintayin mo lang nang kaunti si Spencer. Pinabilhan kita ng damit na puwede mong gamitin," sabi pa niya habang inaayos ang kanyang necktie.

"Hindi na kailangan," maagap na tanggi ko pa sabay iling." Uuwi na rin naman na ako," kaswal na sabi ko.

"Excuse me?" Kunot-noo pa siyang bumaling sa akin." You're leaving?"

"Yup. May klase pa ako mamaya. And besides, may apartment naman ako," dire-diretso ko pang sagot bagomaupo sa bed at tumitig sa naguguluhan niyang ekspresyon." May problema ba?"

"I thought you'll live here." Mas lalong nalukot ang kanyang mukha...Jeez...

"I can't leave my apartment. Not until makaalis si Nicole."

"Hmm..." Mataman pa siyang tumitig sa akin na akala mo nahihirapan siyang intindihin ako. Para bang ibig din niyang mairita." Kailan ba aalis si Nicole?"

Saglit akong napaisip bago sumagot." A month from now."

"Are you kidding me?!" He snapped.

"W-what?"

"You actually want me to wait for a month?" iritadong tanong pa niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Why not?" Kumunot ako at nakipaghamunan nang tingin.

"Adison..." He deeply sighed." When I said sexual partner,I want you to live here with me. What happened last night isn't just a one night stand."

"Alam ko naman ang sinasabi mo,pero ano na lang ang iisipin ni Nicole kapag tumira agad ako rito?We've only known each other for such a short time," paliwanag ko pa.

He ran his fingers through his hair in exasperation. I've seen this before. Oh jeez...Wish ko lang ay hindi niya ako palayasin ngayon.

"You want me to wait for another fucking month just to get you in bed?!" iritadong tanong pa rin niya na nakapagpatawa sa akin.

I can't believe this... Gan'un talaga niya ako kagusto?

"What is so funny?" Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha at parang iritang-irita na talaga.

"Visiting you here every other day won't be that bad, right?"

"Every other day?"

"Yes... A few hours would be enough?"

"Few hours?"

"Are you going to mimic me in our entire conversation?" natatawa ko pang sabi sabay taas ng kilay. Nanatiling madilim pa rin ang kanyang ekspresyon. Obviously, hindi niya gusto ang idea ko.

"I can't believe I am having this conversation with you," iiling-iling pa niyang sabi habang inaayos nang maigi ang kanyang necktie. Noon na lang niya inilayo ang tingin sa akin at humarap sa salamin." We'll talk again tonight. I have an early appointment today."

"On my apartment," sabi ko rin kaagad. Kailangan ko talagang umuwi at baka kung ano ang isipin ni Nicole.

"Fine!" iiling-iling na sagot na lang niya." Ipapahatid na kita kay Spencer."

"Mag jeep na lang ako."

"No, I insist," pagmamatigas pa niya." We're not going to argue about this."

"Aish..." Umirap akoat hindi na nakipagtalo. Kung sabagay ay mas makakabuti ring ihatid na lang ako dahil baka ma-late pa ako sa klase.

"Spencer will be here in a minute."

"Why don't you drop me off yourself?"

"I'd love to but I'm running late. Maybe next time." Napasulyap pa siya sa kanyang pambisig na relo. Lumapit siya sa akin at bahagyang pinisil ang aking pisngi." I'll see you tonight, okay?"

Tumango lamang ako at tipid na ngumiti.

"Ingat ka, huh." Inayus-ayos ko ang kanyangnecktie bago banayad na tapikinang matipuno niyang dibdib.

Saglit siyang natigilan sa ginawa ko, pero agad ring nakabawi.

"Ikaw din," malambing na sagot din naman niya and kissed me passionately. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 372 52
In the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With a...
82.2K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
560K 17.7K 41
In the middle of my chaos, there is you. The only question is, am I ready to hold the thorns just to win the Rose? -Lego Marcelo
22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...