Beki Daddy on Duty

By kweenlheng

1.1M 35.7K 6K

Beki Daddy On Duty..... More

BDOD #1
BDOD #2
BDOD #3
BDOD #4
BDOD #5
BDOD #6
BDOD #7
BDOD #8
BDOD #9
BDOD #10
BDOD #11
BDOD #12
BDOD #13
BDOD #14
BDOD #15
BDOD #16
BDOD #17
BDOD #18
BDOD #19
BDOD #20
BDOD #21
BDOD #22
BDOD #23
BDOD #24
BDOD #25
BDOD #26
BDOD #27
BDOD #28
BDOD #29
BDOD #30
BDOD #31
BDOD #32
BDOD #33
BDOD #34
BDOD #35
BDOD #36
BDOD #37
BDOD #38
BDOD #39
BDOD #40
BDOD #41
BDOD #42
BDOD #43
BDOD #44
BDOD #45
EPILOGUE
BDOD #46
BDOD #47
BDOD #48
BDOD #49
BDOD #50
BDOD #51 (For my TeamBruh)
BDOD #52
BDOD #53
BDOD #54
BDOD #55
BDOD #56
BDOD #57
BDOD #58
BDOD #59
BDOD #60
BDOD #61
BDOD #62
BDOD #63
BDOD #64
BDOD #65
Fin
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Instagram
Instagram 2
Instagram 3
BDOD
Instagram 4

Special Chapter #1

16.1K 434 163
By kweenlheng

READ: I imagine LOISA ANDALIO as Klang after 10 years. May similarities kasi 'yung mukha ni Breanna at Loisa e. Haha! :) And wala pa 'kong nahahanap na pwedeng ilagay sa character ni Junjun. I'm sareh :D Sa mga humihiling ng JunKlang story, pagtiyagaan niyo muna 'tong special chapter na 'to. And para sa mga nakaka-miss sa Baby Klang, don't worry next special chapter ibabalik natin siya. :)

























Patuloy na namumuhay ng masaya ang pamilyang Viceral. Hindi man ganoon ka-smooth ang takbo ng relasyon nilang mag-asawa dahil sa minsanang pagtatalo, naroon parin ang dalawa nilang anak na laging nagiging dahilan upang maisip nila ang pagmamahalan na nabuo nilang dalawa. Karylle decided na iwanan ang buhay showbiz upang mapagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa asawa at sa mga anak na siya namang sinuportahan ni Vice. Patuloy naman ang pagkinang ng pangalan ni Vice hindi dahil sa kaliwa't kanang proyekto sa loob ng showbiz industry kundi dahil sa pagiging isang tanyag na business man. Kasama ang mga kaibigan, naisipan ni Vice na magtayo ng sariling bersyon ng laffline, bilang doon din naman siya nagsimula. Ngayon ay ibinabahagi niya sa mga kaibigan ang magandang ilaw na nakamit niya noon.

Hanggang ngayon na nasa highschool na ang panganay na anak, nanatili itong nag-aaral sa public school. Maging ang bunsong si Tutoy ay sa parehong skwelahan ipinasok ng mag-asawa. Klang got the second to the highest top spot of the class noong grade six ito kaya't laking tuwa nila Vice at Karylle dahil alam nilang nagagabayan nila ng maayos ang anak.

Vice stopped the car in front of Klang's school. Today is her first day of school bilang isang highschool student at ayaw namang palampasin ng mag-asawang Viceral ang pagkakataon na ito dahil finally, tumataas na ang mga hakbang na tinatahak ng anak nila.

"Kinakabahan ako," pabulong na sabi ni Klang habang nakatingin sa labas mg bintana ng sasakysn. "Absent nalang ako, Daddy Vice."

"Alam mo bang ganyang-ganyan ka din nung first day of school mo nung elememtary ka?" natatawang sabi ni Vice bago hatakin playfully ang buhok ng anak na naka-braid.

"Bakit ka ba kinakabahan?" tanong naman ni Karylle habang inaayos ang bag ni Klang.

"What if they don't like me? I mean, parang it's a new world for me and I'm scared that I might do something wrong na ikainis nila sa 'kin." paliwanag nito.

"Don't be scared. May tiwala naman akong kaya mong limitahan ang mga kilos mo so I know that you wouldn't do something wrong na pwedeng maging dahilan for them to hate you." pagccheer up ng ina. Mabilis namang napangiti ang anak sa kaniya. "We trust you, okay?"

"Thank you for always guiding me," pasasalamat ng bata na salitang tinignan ang mga magulang.

"Sige na. Baka ma-late ka pa," Vice said as he went out the car upang mapagbuksan ng pinto ang anak.

Nag-iwan ng matamis na halik si Klang sa pisngi ng ina bago lumabas ng sasakyan. Ganun din naman ang ginawa niya sa ama nang mag-meet sila outside. Kumakaway-kaway pa ito sa mga magulang habang naglalakad papasok ng gate. Nang makabalik si Vice sa loob ng sasakyan ay matamis itong napangiti sa asawa.

"Dalaga na 'yung baby girl natin," pang-aasar ni Karylle na mabilis namang ikinasimangot ni Vice.

"Eehh! Baby girl ko parin 'yon. Wag mong madaliin mag-dalaga 'yung baby ko," nakanguso nitong sagot. "Tara na nga, baka nanuntok nanaman 'yung bunso natin."

Habang naglalakad papunta ng activity center, isang lalaki(?) ang bumangga kay Klang. Kunot noong nilingon ni Klang ang bumangga sa kaniya. Nakangiti lang naman ito ng pang-asar sa kaniya na pars bang walang balak humingi ng paumanhin.

"Hindi ka manlang ba magso-sorry?" inis na singhal ni Klang sa lalaki(?).

"Why would I?" mataray na sagot ng kaharap as he rolled his eyes. Doon ay napag-alaman ni Klang na tagilid ang taong bumangga sa kaniya.

"Binunggo mo kaya ako!" sigaw ni Klang. Tinaasan lang naman siya ng kilay ng kaharap at tinawanan.

"Puso mo, Ana Klarisse!" natatawa nitong pang-aasar. Hindi agad nakapagsalita si Klang at nagtaka na lamang ng mapagtanto na kilala siya ng kausap.

"Kilala mo 'ko?" nagtataka nitong tanong.

"Yhup. Ikaw kaya 'yung kumuha ng softdrinks sa tindahan ng walang paalam,"

Mabilis na napanganga si Klang dahil sa narinig. Nagsmirk lang naman ang lalaki(?) sabay talikod at kumekendeng na naglakad palayo.

"Junju--

"Sige, subukan mong ituloy 'yan! Sasabunutan talaga kita ng bongga." sa isang iglap ay nasa harap ng muli ni Klang si Junjun. Akma siya nitong sasabunutan ngunit mabilis siyang umiwas. "Tara na nga! Sabay na tayong pumunta sa Activity Center,"

Mabilis na hinila ni Junjun ang kamay ni Klang at sabay nilang tinahak ang daan papunta sa Activity Center. Klang's eyes went down sa kamay ni Junjun na nakahawak sa kamay niya.

She smiled.

Nang makarating sa Activity Center ay pinapila na ni Junjun si Klang sa line ng mga babae bago sumiksik sa mga naghuhuntahang lalaki. Hindi naman maialis ni Klang ang tingin kay Junjun dahil hindi niya inakala na muli pa silang magkikita kahit ilang taon na ang nakakalipas. Bakas naman sa mukha ni Junjun ang pagkairita at pagkainip dahil sa tagal ng pag-uumpisa ng flag ceremony.

"Junj-

"Juvien! Isa pang Junjun, kakaladkarin talaga kita mula dito hanggang sa gate," pabulong na asik nito habang pinandidilatan si Klang.

"Bakit dito ka nag-aaral?" usisa ni Klang.

"Ha? Bakit, wala ba 'kong karapatan na mag-aral dito sa Maynila?" kunot noong balik ng binata. Mabilis na umikot ang mga mata ni Klang.

"Wala naman akong sinabi na ganon. Nagtataka lang ako kasi diba sa Batangas kayo nakatira?"

"Last year pa ako nandito sa Manila. Nanganak kasi si Ate, walang nag-alaga kaya ako napadpad ako dito. Bilang kapalit, heto't pinag-aral niya 'ko dito kaso hindi agad ako nakapagpa-enroll last year kasi late narin 'yung pagpunta ko dito," paliwanag nito. "Ikaw? Ang yaman yaman niyo naman, bakit dito ka sa public nag-aaral?"

"Simula elementary sa public school na 'ko ipinasok nila Daddy. Mas kakaiba daw kasi ang experience pag sa public e," paliwanag nito. Tumango nalang naman si Junjun bilang sagot. "Anong section ka nga pala?"

"Hindi ko pa alam e. Ikaw ba?"

"Section A,"

"Ay mukhang malabo na maging magkaklase tayo," natatawang sabi ni Junjun. "Bopols ako e,"

"Grabe ka naman sa sarili mo. Hayaan mo ng ako ang lumait sa 'yo," hirit ni Klang habang taas baba ang mga kilay.

"Ah talaga ba, Ana Klarisse Viceral?"





















Mag-isang hinanap ni Klang ang classroom dahil sa Activity Center palang ay naghiwalay na sila ni Juvien. Kailangan kasi nitong pumunta sa Faculty upang itanong kung saang section ba siya inilagay dahil nga sa late enrollee ito. Nang mahanap ni Klang ang room ay dumiretso na siya ng lakad papasok sa loob. Pansin niyang nasa kaniya lahat ng tingin ng mga kaklase. Naiilang man ay nginitian niya na lang ang mga ito.

"Goodmorning class," bati ng guro na kapapasok lang. Nagkukumahog naman na naghanap ng upuan si Klang.

"Goodmorning, Ma'am!" sabay sabay na tugon ng mga estudyante.

"Okay, let us all stand up for a prayer." Nagsitayuan naman ang lahat at sabay sabay na nagdasal. "You may now take your seats,"

Bilang unang araw palang naman ng klase, at alam naman ng guro na bago pa lamang ang mga estudyante sa paaralang iyon, ipinakilala niya muna ang sarili bago magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga patakaran at mga achievements na nakamit na ng eskwelahan. Kahit busy sa pakikinig, pansin ni Klang ang paunti-unting paglayo ng upuan ng mga katabi.

"Mabaho ba ako?" lakas loob na tanong niya. Isang irap lang naman ang natanggap niya mula sa babaeng nasa kaliwa.

"Yes, Miss? What are you asking from your seatmate?" puna ng guro nang mapansin na nagtanong si Klang sa katabi.

"Uhm, sorry Ma'am. Nagtaka lang po ako kasi bigla siyang lumayo sa 'kin," paliwanag ni Klang sa guro.

Nagpatuloy ang guro sa sinasabi nito at hindi nalang din pinansin pa ni Klang ang paglayo ng kaklase sa kaniya. Matapos magsalita ang guro ay inatasan niya ang mga estudyante na ipakilala ang kani-kanilang sarili at sabihin kung ano ang hilig ng mga ito. Nahihiya man ay nagsimula naring mag-isip si Klang kung paano niya ipakikilala ang sarili sa harap ng mga kaklase.

"Goodmorning classmates, I am Yben Barawed, 14 years old. I graduated from Bulacan and my parents decided na lumipat dito sa Manila dahil nandito yung trabaho nila." walang ganang pakilala ng unang estudyante na nagbigay lamang ng bahagyang ngiti sa mga kaklase.

Sunod sunod na nagpakilala ang mga bata at natutuwa naman si Klang habang nakikinig dahil inaasahan niya na marami siyang pwedeng maka-close. Simula elementary ay palakaibigan na siya kaya gusto niya na kahit nasa high school na ay walang magbabago. She wants to have friends na kayang sumakay sa mga trip niya.

"I am Louise Villacarlos, 14 years old." maiksing pakilala naman ng babaeng nakaupo sa harapan ni Klang.

Ilang estudyante na ang nakapagpakilala ngunit ni isa ay wala pang napapakiramdaman si Klang na maaari niyang maging kaibigan. Sa tingin niya kasi, puro maldita at hindi kayang sumakay sa trip ang mga naging kaklase niya and that made her feel sad. Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga bata hanggang sa turn na ng katabi ni Klang ang pumunta sa harap at iintroduce ang sarili.

"I am Angel Delgado, 13 years old," nakangiting pakilala ng estudyante. Nakahinga naman ng maluwag si Klang dahil noong una, ang akala niyang kalahi ni satanas ang katabi dahil sa biglaan nitong paglayo sa kaniya. "Mabait ako, sa taong gusto ko. Pag gusto kita, kakaibigan kita pero kung hindi... pasensyahan tayo."

"Whoooooo!" sabay sabay na sigawan ng mga bata na agad din namang pinatahimik ng guro. Pinuna din nito ang hindi ganoon kaayos na pagpapakilala ng estudyante.

Sumunod na tumayo si Klang at naglakad papunta sa harap upang ipakilala ang sarili.

"Hi! Ako nga pala si Ana Klarisse Tatlonghari Viceral. I'm 14 years old and..."

"Bakit dito ka nag-aaral?" mabilis na tanong ng nagpakilalang si Louise. "Diba anak ka ni Vice Ganda? Bakit hindi ka sa private nag-enroll?"

"Simula elementary sa public school na ako nag-aaral. Mas masaya daw kasi ang experience pag sa public ka nag-enroll." nakangiting sagot nito.

"Nah, isn't it obvious? Pinag-enroll niya 'yung anak niya sa public school para maging sikat din. Everyone knows na anak siya ni Vice Ganda and that makes her famous," segunda naman ng nagpakilalang si Angel.

"Never ko namang ginamit 'yung pangalan ng Daddy ko to be famous. Ganda ko palang sapat na," naka-smirk na patutsada ni Klang sabay hawi ng buhok na ikinahiyaw naman ng mga kaklase nitong lalaki.

"Enough! Unang araw palang ganiyang attitude na ang ipinapakita niyo sa 'kin. Ms. Viceral, you may now take your seat. Thank you. Next!" striktong sigaw ng guro.

Mapang-asar namang naglakad si Klang pabalik sa upuan habang inaayos ang buhok na nasa dulo ang kulot. Masama naman ang titig sa kaniya ng kaklaseng si Angel na ngayon ay naka-cross ang mga braso at tila handa ng maghasik ng napakalakas na bagyo.





















Klang

Since orientation palang naman ang naganap at hindi pa nagsimula ang klase, agad din kaming idinismissed ni Ma'am after niyang kumuda ng kung anu-ano. To be honest, halos wala na nga talaga akong naintindihan dahil literal na nagpapakiramdaman kami nitong katabi kong kamag-anak yata ni Luci. Hindi ni Luci Torres ha? Luci Fer. *irap* Mahirap na. Baka mamaya bigla nalang humaba ang kamay nito at lumapat sa buhok ko. Mainam na yung handa. Hindi ako pala-away, pero gaya ng sabi ni Daddy Bays sa 'kin noon, lumaban kapag natatapakan na.

Hanggang ngayon ay wala parin akong nakakausap sa loob ng classroom kaya mag-isa akong lumabas para magpunta sa canteen. Kanina pa nagwawala yung tiyan ko. Kumain ako sa bahay, mahilig lang talaga akong maghanap ng pagkain. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ng halos mapuno ang canteen sa sobrang dami ng students na bumibili at kumakain. Gusto ko pa sanang makipagsiksikan kaso sinusuntok na 'ko ng sarili kong tiyan dahil sa gutom kaya dumiretso nalang ako sa barrocks. at doon kumain.

Hala may poging umupo sa kabilang barrocks.

"Wag munang lalandi. Sasabunutan kita." Kikiligin na sana ako nang bigla kong naalala 'yung palaging sinasabi sakin ni Daddy Bays. Wag daw muna lumandi. Grabe siya.

Hindi ko nalang pinansin si Kuyang Pogi para hindi ko malabag ang pinaka-mahigpit na rule ng tatay ko. I opened my bag at kinuha ang tupperwear na naglalaman ng pancakes na isinalisi ko kaninang umaga.

Don't judge me.

Bata palang ako, buhay ko na ang pancakes.

Kakagat na sana ako nang makarinig ako ng sigaw.

"Klaaaaaaang!" napalingon ako and there, I saw Junjun running palapit sa 'kin. "Kanina pa kita hinahanap! Kung saan saan ka nanaman nagsususuot!"

"Ang ingay mo, Junj-

"Sabi ng Juvien eh!"

"Ang ingay mo, Juvien! Istorbo ka, alam mo ba 'yon?" pagtataray ko. Ayoko pa naman sa lahat eh yung dinadaot ako sa tuwing may moment kami ng pancakes ko.

"Pancakes? Bata palang tayo, pancakes na ang hinahanap mo. Ano ba naman 'yan!" tila nandidiri niyang asik habang umuupo sa tabi ko.

"Pwede ba? Wag mong binabastos 'tong buhay ko." nakasimangot kong tugon na ikinalaki naman ng mata niya.

"Pancakes ang buhay mo? Hahahahaha!" utas sa katatawang sambit niya. "Saan mo namana 'yang ka-weirduhan mo?"

"Sa mommy ko!" proud kong sagot. Sabi kasi ni Mommy K, I should always be proud of my weirdness. Oh diba?

"Ewan ko sa 'yo, weirdo!" natatawa parin niyang sabi habang kinakalkal ang bag niya.

Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ng pancakes. Medyo marami rami din 'tong naitakbo ko kaninang umaga kaya alam kong mabubusog ako nito.

"Bumili ako ng dalawang burger sa canteen saka mismo," naglabas siya ng dalawang jumbo burger and coke mismo.

"Tig-isa tayo?" nagniningning ang matang tanong ko.

"Aba, bakit? May ipinatago ka bang pera sa 'kin?" taas noo niyang tanong. I just rolled my eyes at itinuon nalang ulit ang atensyon sa pagkain ng pancakes. "Charot lang. Tig-isa tayo. Akala ko kasi hindi ka nakabili sa canteen dahil siksikan,"

Mabilis na nagbago ang mood ko dahil sa sinabi niya. Sadya nga yata talagang mabilis akong sumaya pagdating sa pagkain. Saglit kong ibinaba sa lap ko yung tupperware of pancakes ko para buksan yung drinks na binili niya for me. Iinom palang sana ako nang maramdaman ko na may bolang tumama sa hita ko that caused my pancakes to fall.

YUNG BUHAY KO!

Nagngangalit kong nilingon kung saan galing yung bola ng volleyballl and when I see her... when I see them, agad akong napatayo.

"Ooppss. Sorry, hindi namin sinasadya." paghingi ng paumanhin... nope, parang hindi naman siya nagso-sorry. Parang nag-aasar pa na sabi ni Angel. Oo yung kaklase ko! "Hala Fiona, natapon yung pancakes niya o."

"Problema mo ba sa 'kin?"

"Pancakes? Seriously? You're eating pancakes? Hahahaha! Isip bata,"

Ah talaga ba? Tignan natin ngayon kung sino sa atin ang iiyak ng parang bata.





















Tagapagsalaysay

"Ana Klarisse naman!" striktong sabi ni Vice pagkapasok na pagkapasok ng bahay.

Kinakabahan namang nakasunod si Klang sa ama dahil alam niyang galit ito dahil sa ginawa niya sa eskwelahan. Ipinatawag ng guidance councilor si Vice dahil sa bagay na kinasangkutan ng anak kaya kahit hindi pa natatapos ang meeting nito with the big bossess ay nagkukumarat itong umalis upang makapunta sa eskwelahan.

"Unang araw palang ng school year, nakipag-away ka na?" halos pabulong na panenermon ni Vice sa anak dahil ayaw naman nitong gumawa ng eskandalo kahit nasa loob sila ng bahay.

"Naitapon niya po 'yung pancakes ko. Hindi ko pa nga nakakalahati 'yun e," katwiran nito.

"Seriously? Nakipag-away ka talaga dahil lang sa pancakes?" napa face palm nalang si Vice sa sinabi ng anak. Si Klang naman ay umupo nalang sa sofa habang pinakikinggan ang sermon ng ama. "Tama bang ibato mo yung sapatos mo sa ulo ng kaklase mo? Paano kung hindi lang sugat ang natamo non? Paano kung pumutok?"

"Edi ipatahi," nakangusong bulong ni Klang. "Eh Daddy, sabi mo kaya sa 'kin lumaban kapag natatapakan na."

"Wag ka ngang umarte sa 'kin, Klang! Natapon lang 'yung pancakes mo, hindi ka naman tinapak-tapakan." nangungunsiming dagdag ni Vice. "Kailangan mong mag-sorry dun sa kaklase mo ha?"

"Eeehhhh! Bakit ako ang unang magso-sorry? Ako kaya una niyang minalditahan,"

"Magso-sorry ka oh isusumbong ko sa mommy mo na nakipag-away ka?"

"Ano kaya pwedeng peace offering?"





















Ilang araw pa ang lumipas, pinilit na lamang ni Klang na umiwas sa mga kaklaseng nakaalitan noong unang araw ng klase. Habang patagal ng patagal, unti-unti naring gumagaan ang loob ni Klang sa iba pang mga kaklase. May mga kumakausap na sa kaniya at sumasabay kumain every break. Si Juvien na hinihiling ni Klang na makasama sa loob ng classroom ay napunta sa kabilang section kaya tuwing lunch at dismissal lamang sila nagkakatagpo.

"Junjun, ano kaya pwede kong iregalo kay Daddy?" namomroblemang tanong ni Klang. Kasalukuyan silang nasa canteen at sabay na nagla-lunch. "Father's Day na next week wala pa kong gift,"

"Ano bang hilig ng Daddy mo?"

"Shoes," mabilis na sagot nito. "Kaso ang mamahal naman nung gusto niyang sapatos. Pang dalawang taon na baon ko na yata 'yun e,"

"Halos lahat naman yata kaya ng bilhin ng Daddy mo. Why don't you try to give him something na hindi kayang bilhin ng pera?" suggestion ni Juvien.

"Ha?"

"Ipagluto mo siya ng favorite niyang food,"

"Pero lagi ng ginagawa ni mommy yun e. Mommy always cooks adobo for him,"

"Mommy mo naman 'yun e. Iba 'yung ikaw ang magluluto."

"Hindi ako marunong,"

"Ganito nalang. Pahingi ng cellphone number mo para maguide kita habang nagluluto," sabi ni Juvien habang iniaabot kay Klang ang android phone nito.

"Wala akong cellphone eh," nakangiting sagot ni Klang na ipinagtaka ng kaharap.

"Wala kang cellphone? Paano nangyaring wala kang cellphone? Ang yaman yaman niyo tapos wala kang cellphone? Ano 'to?"

"Ayaw pa 'kong bilhan ni Daddy ng cellphone. Ipinapahiram niya lang sa 'kin 'yung phone niya when I want to play or when I have to ring momsie," paliwanag nito. "Ayaw niya kasing mafocus ako sa gadgets,"

"Nakakaloka! Ang strict naman pala ng Daddy mo." nagkakamot ulong turan ni Juvien. "Facebook nalang,"

"Wala rin eh,"

"EH PAANO KITA MATUTULUNGAN?" pasigaw na tanong ni Junjun sa kaibigan.

"EH BAKIT KAILANGAN MONG SUMIGAW?" bawi naman ni Klang.

Nangungunsiming napahilamos sa mukha si Junjun habang nag-iisip kung paano ba niya tutulungan ang kaibigan.

"Subukan mo kayang humingi ng cellphone sa daddy mo mamaya?" suhestiyon nito.

"Hindi ako bibigyan nun kahit umiyak pa ako,"

"Try mo lang. Pag hindi ka binigyan, edi iisip ako ng ibang paraan."

























Habang kumakain ng hapunan, panaka-nakang tinitignan ni Klang kung nasa mood ang ama. Binabalak kasi nitong humingi ng cellphone kagaya ng iniutos sa kaniya ni Juvien. Kahit ang mood ng ina ay sinusubukan niyang kalkulahin. Mahirap na, baka bad mood.

"Ate, ikuha mo 'ko tubig." utos ng nakababatang kapatid. Upang ma-goodshot ay sumunod na lamang ito.

"Oh, tutoy!" nakangiting sabi ni Klang habang iniaabot sa kapatid ang tubig na kinuha niya. "May gusto ka pa?"

"Timpla mo 'ko ng juice," tila nang-aasar pa na sabi ni Tutoy. Sumunod na lang ulit si Klang.

Napapakunot noo naman si Vice habang pinagmamasdan ang panganay na anak. Hindi kasi ugali ni Klang ang sundin ang utos ng bunsong kapatid. Lihim naman na nagkatinginan ang mag-asawa. Lingid sa kaalaman ni Vice ay ganoon rin ang iniisip ni Karylle. Maging siya ang naguguluhumihanan na sa ikinikilos ng anak.

"Anong nakain niyan, mommy?" nagtatakang tanong ni Vice sa asawa.

"Baka nagbabagong buhay na," natatawang sagot ni Karylle.

Matapos magtimpla ng juice ay bumalik na si Klang sa mesa at iniabot ang tinimpla sa kapatid. Ngiting ipis naman ang ipinakita ni Tutoy. Madalas silang magtalo kaya't tuwang tuwa ito ngayon na nauutusan niya ang nakatatandang kapatid.

"May kailangan ka ba?" diretsahang tanong ni Vice habang nakatingin sa anak. Nahihiya namang ngumiti si Klang sa ama na tila nagpapacute. "Sabi na e,"

"Daddy, ano kasi... ako nalang po yata ang walang cellphone sa classroom." kinakabahang panimula ni Klang.

"So?"

"Uhm, baka po pwede na 'kong magcellphone? Kahit yung mumurahin lang, daddy. Kahit 'yung di pindot lang," Klang clasped her hands together habang patuloy na nagpapacute sa ama. Napapailing nalang naman si Karylle habang pinagmamasdan ang asawa at ang anak. "Please?"

"No," mabilisang sagot ni Vice bago muling ituon ang atensyon sa pagkain.

"Why? Pwede ko namang gamitin yung phone pag kailangan ko pong magresearch or-

"You can use my laptop or your mom's laptop. Pwede mo ring hiramin yung phone ko or yung phone ng mommy mo kung may gusto kang itext or tawagan but to buy you a phone? Hindi muna, anak."

"But, daddy-

"Ana Klarisse, pag sinabi kong hindi, hindi muna. Wag ng makulit. I want you to focus on your studies." napabuntong hininga na lamang si Klang dahil tila desidido na ang ama na hindi muna siya bigyan ng cellphone.

"Ate, paabot naman nung ketsup!" pagbabaka-sakaling utos ni Tutoy sa kapatid.

"May paa't kamay ka diba? Tumayo ka! Hindi ako katulong." pairap na sagot ni Klang sa kapatid na siya namang lihim na ikinatawa ni Karylle.





















Dahil hindi nabigyan ng cellphone si Klang, minabuti ni Junjun na isulat na lamang lahat ng ingredients pati narin ang procedure kung paano lutuin ang adobo.

Kasalukuyang nasa kusina si Klang at ihinahanda ang mga gagamitin sa pagluluto. Nataon kasing may taping ang ama at dinalaw naman ng ina ang kaibigan nitong nagbabalik bayan. Naiwan ang magkapatid sa bahay kasama ang isa sa mga dati pang kasambahay ni Vice. Ayaw nila Vice at Karylle na lumaking walang alam gawin sa bahay ang mga anak kaya isa lang ang natirang katulong nila sa bahay. Tinuturuan nito kung paano maghugas ng pinggan, magwalis at maglinis ng kwarto ang mga bata.

"Ate anong ginagawa mo?" usisa ni Tutoy habang tinitingkayad ang ginagawa ng ate niya.

"Doon ka nalang, Tutoy! Wag mo 'kong guluhin dito,"

"Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang ako e," nakangusong sagot ng bunsong kapatid. "Ano ba kasing ginagawa mo? Hindi ka naman marunong magluto ah?"

"Kaya nga gusto kong matuto eh. Saka bakit ka ba nandito?"

"Nagugutom ako."

"Magpadeliver ka ng pizza,"

"Gusto ko ng kanin,"

"Mamaya nalang. Doon ka muna sa sala. Baka pumangit pa lasa nitong niluluto ko eh,"

Nagkakamot ilong na iniwanan ni Tutoy ang kapatid at nagtungo na lamang sa sala upang manood ng tv. Tutok na tutok sa ginagawa si Klang dahil gusto niyang maperfect ang ginagawang regalo para sa ama. Totoo naman nga kasi ang sinabi ni Junjun. Kahit anong gustuhin ng ama ay kakayanin na nitong bilhin kaya naisip niya na magbigay ng isang bagay na hindi kayang bilhin ng pera... ang effort.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ni Klang ang procedure na nakasulat sa papel na ibinigay sa kaniya ni Junjun. Hinihintay na lamang niya na lumambot ang karne upang tuluyan ng matapos ang iniluluto. Tinikman niya ang lasa nito at nasiyahan naman siya sa kinalabasan.

"Perfect!" pumapalakpak na sigaw nito bago patayin ang kalan. "Sana magustuhan 'to ni Daddy Bays,"

Isinalin ni Klang sa isang bowl ang niluto at itinabi sa isang gilid upang palamigin. Matapos hugasan ang pinaglutuan ay tumakbo na siya paakyat sa kwarto upang maligo dahil ilang oras nalang ay alam niyang uuwi na ang ama.
























"TUTOOOOOOYYYY!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Klang nang makita na iisang piraso nalang ng karne ang natira sa niluto niya. Nagmamadaling tumakbo si Tutoy palapit sa kapatid at napakagat labi nalang nang makita ang galit na ekspresyon ng mukha nito.

"B-bakit ka ba sumisigaw?" kinakabahang tanong nito.

"Sino nagsabi sa 'yong kainin mo 'yung niluto ko?!" singhal ni Klang sa bunsong kapatid.

"Hindi naman ako 'yung kuma- *burp*" napatakip na lamang ng bibig si Tutoy nang dumighay siya ng pagkalakas-lakas.

"Hindi naman kasi para sa 'yo 'yun eh! Nakakainis naman 'to! Ibalik mo 'yon!!" hindi na napigilan ni Klang ang sarili at naiyak na lamang ito sa sobrang inis. Inaasahan niya kasing matitikman ng ama ang niluto niya. "I-ibalik mo 'yon!"

"Anong nangyayari?" usisa ng kasambahay na si Jackie nang marinig na sumisigaw ang alaga. "Ma'am Klang, anong nangyayari?"

Hindi nalang sumagot si Klang at humihikbing tumakbo paakyat ng kwarto. Binalingan ni Jackie ang bunsong alaga na ngayon ay nakayuko na at nagkakamot ng ulo.
















Alas singko na ng hapon nang makauwi sila Vice at Karylle. Sinundo ni Vice ang asawa sa isang resto near ABS-CBN at sabay ng umuwi. Nagtataka naman ang dalawa dahil wala silang ingay na nadatnan sa bahay. Kadalasan kasi, kapag naiiwan ang magkapatid sa bahay, lagi nila itong naaabutan na nag-aaway oh hindi kaya'y naghaharutan. Malinis din ang sala na madalas ay nadadatnan nilang magulo dahil sa paglalaro ng dalawa.

"Nasan kaya 'yung dalawa?" nagtatakang tanong ni Vice. "Jackie?!"

"Sir?" sagot ni Jackie na kalalabas lang mula sa kusina.

"Nasan 'yung mga bata?" tanong ni Karylle.

"Si Tutoy po, nasa kwarto niyo. Si Klang naman po... nasa kwarto niya, umiiyak. Kanina ko pa nga po kinakatok, ayaw naman po akong pagbuksan."

Agad na nag-alala ang mag-asawa kaya mabilis silang tumakbo paakyat without asking Jackie kung ano ba ang nangyari. Pagkaakyat na pagka-akyat ng mag-asawa ay siya namang labas ni Tutoy mula sa kwarto nila. Nang makita ang mga magulang ay nanlaki ang mga mata nito at akmang papasok ulit sa loob ng kwarto nang hilahin na siya ng ama.

"Anong nangyari sa ate mo?" nag-aalalang tanong ni Vice sa bunsong anak.

"Ano po... uhm, nagluto po kasi si ate," pilit ngiting sagot ni Tutoy sa ama.

"Bakit umiyak? Napaso? Natilansikan ng mantika? Bakit?"

"Inubos ko po kasi yung niluto niya," nagkakamot ulong sagot nito.

"Ayooooooon! Umiral nanaman ang katakawan mo," sarkastikong turan ni Vice sa anak. "Bakit mo naman kasi kinain?"

"Eh nagutom ako, Daddy! Wala na kasing ulam sa ref,"

"Edi sana nagpaalam ka muna sa ate mo bago mo kinain yung niluto niya," sabad ni Karylle na bahagyang ginulo ang buhok ng anak. "Jose Marie naman kasi, kaya lagi kayong nag-aaway ng kapatid mo e."

"Sorry na, mommy. Nagutom lang talaga 'ko,"

"Sa susunod, tanungin mo muna 'yung ate mo kung pwede mong pakialaman yung mga gamit niya or yung mga bagay na ginawa niya." dagdag ni Vice. "Nagsorry ka manlang ba?"

"Hindi po,"

"Mag-sorry ka. Pag hindi ka humingi ng pasensya sa kapatid mo, alam mo na kung anong gagawin ko sa 'yo." mabagal na tumango na lamang si Tutoy sa sinabi ng ama.

Habang kinakausap ni Karylle ang bunsong anak, minabuti naman ni Vice na buksan nalang ang kwarto ni Klang since nasa kaniya naman ang duplicate key nito. Nakita niya ang panganay na nakatalukbong ng kumot. Rinig din niya ang maliliit na hikbi nito. Bilang ama, alam ni Vice na sobrang halaga para kay Klang ang niluto nito kaya ganoon na lamang ito nasaktan sa ginawa ng kapatid.

"Princess?" umupo si Vice sa gilid ng kama ng anak. "Nandito na si Daddy. Pinagalitan ko na si Tutoy,"

"P-pinaghirapan ko 'yun, Daddy e." sabi ni Klang sa pagitan ng mga hikbi.

Vice pulled the blanket off of Klang's face at awa naman ang naramdaman niya nang makita ang mukha nitong halos mahilam na sa sariling luha. Maging ang anak ay hinila narin niya paupo upang makausap ito ng masinsinan.

"W-wala na. H-hindi mo na matitikman 'yung niluto ko," dagdag pa nito habang nakayuko.

"Para sa 'kin ba 'yon?"

"W-wala po kasi akong maisip na gift for father's day so nag-effort nalang ako na magluto kahit hindi ako marunong... kaso hindi mo naman pala matitikman," paglalabas ng hinanakit nito.

"Tara nga dito," nakangiting sabi ni Vice sabay hila sa anak upang mayakap ito. Hindi niya maitatangging na-touched siya sa effort na ginawa ng anak para sa kaniya. "Okay lang naman,"

"But it's not okay for me, daddy. Umasa akong matitikman mo 'yung niluto ko." humihikbi paring sagot ng anak.

"Hindi naman mauubos 'yung oras na magkasama tayo so pwede mo pa akong lutuan." pagpapakalma nito kay Klang. "Thank you for the effort, princess ha? Sobrang naappreciate ng daddy 'yung effort mo na magluto. Sobra sobrang gift na sa 'kin 'yun kahit hindi ko natikman 'yung niluto mo,"

Nanatiling nakayakap si Klang sa ama at hindi na ito muling sumagot. Naramdaman naman ni Vice na hindi parin okay ang anak kaya saglit siyang nag pull away at hinawakan si Klang sa magkabila nitong pisngi.

"Yung thought palang na nagluto ka for me, that was beyond enough. Wag ka ng malungkot, okay? Paglutuan mo nalang ako next time," mabagal naman na tumango si Klang sa ama. "Smile na, anak."

Ngumiti si Klang ngunit alam ni Vice na peke ang ngiting iyon.

"Would this make you smile?"

Unti-unting inilabas ni Vice mula sa paper bag ang isang white rectangle box at iniabot sa anak. Tinitigan namang mabuti ni Klang ang ibinigay ng ama upang makumpirma kung totoo ba ang hinala niya. Nang makumpirma na tunay nga ang hinala, mabilis niyang niyakap ang ama ng pagkahigpit higpit.

"Thank you, Daddy!!" galak na galak na tili ni Klang habang pinupupog ng halik ang mukha ni Vice.

"Inaway ako ng mommy mo e. Hahaha! Basta, ipangako mo sa 'kin na pagbubutihin mo parin 'yung pag-aaral mo kahit may phone ka na ha?"

"I promise. Thank you so much. I love you," malambing na sabi ni Klang bago halikan sa ilong ang ama.

"I love you too, so much!" Vice answered back.



































"Junjuuuuun!" sigaw ni Klang nang makita ang kaibigan sa harap ng school gate na tila ba may inaabangan.

"Sasabunutan ko talaga 'tong babae na 'to e," iritadong bulong ni Junjun nang mapansin na halos humalakhak na ang mga estudyanteng nakarinig sa pagtawag ni Klang sa kaniya. "Ano ba?"

"May cellphone na 'ko," balita ni Klang sabay pakita ng cellphone na iniregalo sa kaniya ng ama.

"Ay teka lang naman! Nahiya naman 'tong Huawei ko sa Iphone 6S Plus mo." biglang itinago ni Junjun ang Android Phone nang makita ang cellphone ng kaibigan.

"Ano ba, parehas lang namang cellphone yan. Pahingi na ng number mo bilis,"

Agad namang itinype ni Junjun ang number sa cellphone ni Klang na mabilis din namang isinave ng huli.

"Ano nga palang nangyari sa niluto mo?" usisa ni Junjun.

"Ayun, naubos."

"Wow! Nasarapan siguro yung daddy mo no?"

"Hindi naman si Daddy 'yung kumain eh,"

"E sino?"

"Yung kapatid kong ipinaglahi kay Barakuda kung lumamon," pairap na sagot nito. "Pero thank you ha? Thank you sa effort na tulungan ako,"

"Sus! Yun lang e. Small thing," mahangin na sabi ni Junjun nang maramdaman ang kung anong malamig at malambot na bagay na dumampi sa pisngi niya. "Hinalikan mo 'ko?"

"Thank you kiss lang 'yon- OMG!" maging si Klang ay nabigla din sa ikinilos niya. "That was my first kiss! You... you stole my first kiss!"

"What the hell! Ikaw 'tong humalik sa 'kin, ako pa 'tong nagnakaw ng halik?" hindi makapaniwalang asik ni Junjun sa kaibigan.

"You stole my first kiss! Panagutan mo 'ko!"











Continue Reading

You'll Also Like

708K 22.3K 58
127K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
115K 3K 59
Paano kung yung mga taong nag paiyak at nang iwan sa inyo noon , ay bigla nalang bumalik para bawiin yung dapat na sa kanila , Ipagapapatuloy niyo b...
195K 4.1K 24
This is a story inspired by the short film called "Pretty Boy". I am gay, that's all I know. Not until I met you and your crazy antics. Ctto of the...