BDOD #20

15.9K 564 60
                                    

Nagsiksikan lahat ng hosts sa dressing room ni Vice. Instant reunion narin dahil sa comeback ni Karylle from her long sleep. He doesn't really know na pupunta ang mag-ina sa studio. "Kung alam ko lang na pupunta sila, edi sana sinundo ko nalang para mas safe," he thought. Natatakot na siya dahil dalawa na sila ni Klang ang dapat niyang alagaan. Ayow na niyang maulit yung panahon na parehas nanganib yung buhay ng mag-ina dahil wala siya sa tabi ng mga 'to.

"Daddy, I want chicken pa." Klang said while pointing another chicken's leg.

"Baka naman maimpatso ka, anak? Nakakailang hita ka na. Mag-kanin ka kaya?" she shook her head na hindi parin inaalis ang pagkakaturo sa hita ng manok na gustong gusto niyang makuha. "Last na 'to ha?"

Nakaupo si Karylle sa tabi ni Anne at walang humpay na nagkukuwentuhan. She seems happy naman at parang hindi ininda ang tatlong taon na pagkakatulog sa hospital. He loves seeing her smile, yung parang walang piniproblema.

"Karylle, babalik ka na ba ng Showtime?" tanong ni Kuya Kim na nakatayo at kumakain ng spaghetti na ibinigay sa kaniya ni Klang.

"Hindi po muna siguro. I'll spend time muna with Klarisse. Matagal ko din kasing hindi nakasama yung bata,"

"So you'll stay sa bahay? Hindi ka magtatrabaho?" Billy added.

"Siguro I'll accept short gigs or mall tours. Yung works na hindi gaanong macoconsume ang oras ko. I really want to bond kasi with my daughter so gusto kong magfocus muna sa kaniya,"

"Tatanggap ka na ng trabaho? Kagagaling mo lang sa hospital," sabad ni Vice with his brows knitted. Napatingin naman lahat sa kaniya, including Karylle dahil sa biglaang pagsasalita nito. "Magpahinga ka muna,"

"I wouldn't accept works naman kung hindi ko kaya. Besides, kailangan ko rin namang magtrabaho para sa bata," she muttered. Lalong nalukot ang mukha ni Vice dahil sa nagsisimula nanaman ang pagiging makulit ni Karylle.

"I can work for Klang," he added as he gets tissue para maipang-punas sa mamantikang kamay ng bata. "I can work for you,"

"I can work for my own needs,"

"Magpapahinga ka sa ayaw at sa gusto mo,"

Nanatili namang tahimik ang nga hosts and pretended they didn't hear anything kahit ang totoo ay natutuwa sila sa nangyayari. Nasasabi na ni Vice lahat ng gusto niyang sabihin unlike before. He's now acting like a real partner to Karylle.

-.-.-.-.-

After ng mini-reunion with the hosts, Karylle decided na samahan muna si Anne sa dressing room nito para narin magkaroon sila ng oras to talk about their personal stuffs. Naiwan naman si Klang kay Vice na nakikipaghuntahan parin sa ibang hosts.

"Where are you staying nga pala? Para naman mabisita kita kapag free ako," tanong ni Anne habang sinisimulang i-retouch ang sarili.

"Nagsstay kami ni Klarisse ngayon sa bahay ni Mama but probably next week, we'll move in na dun sa dati kong Condo." pagpapaliwanag nito.

"Kaya mo na ba? I mean, kalalabas mo lang ng hospital and you're already planning to transfer sa Condo mo without housemaids." Anne said with a hint of concen in her voice. "Baka hindi makabuti sa 'yo kung magkikikilos ka agad."

"Anne, alam mong hindi ko ugali ang kumuha ng katulong,"

"But you have to get atleast one para naman may katulong ka sa gawain," pagpipilit ni Anne. Napabuntong hininga lang naman si Karylle sabay ngiti. "Sasabunutan kita pag hindi ka kumuha ng katulong,"

"Okay! Suko na 'ko. I'll get one." sabi nalang ni Karylle para matapos na ang pangungulit ng kaibigan.

Anne smirked for winning. Alam kasi niya na hindi talaga nananalo si Karylle pagdating sa ganitong pagtatalo.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon