BDOD #52

14.5K 482 107
                                    

One week later

Kunot-noong hinahabol ni Karylle ang asawa na nagkukumahog namang umakyat ng kwarto. She really doesn't know what's up with him at bigla nalang itong nagalit sa kaniya. Klang on the other hand just stayed sa sala kung saan hindi niya nakikitang nag-aaway ang mga magulang.

"Vice, can you please talk to me? Paano ko maaayos 'tong problema kung ayaw mong makipag-usap sakin?" iritadong sabi ni Karylle habang nakasunod parin sa asawa.

Kalagitnaan ng show ay hindi na umimik si Vice dahil sa hindi malamang dahilan. She tried asking him kanina sa studio but he kept on telling her 'wala lang'. Pero ngayon, alam ni Karylle na hindi 'wala lang' ang inaasta ng asawa.

"Daddy naman, wag mo naman akong pahirapan ng ganito." nagsusumamong sambit ni Karylle nang makaramdam ng pagod. Napapikit naman si Vice dahil hindi na niya matiis ang asawa. "Sabihin mo naman sa 'kin kung anong problema,"

"I'm jealous." pabulong na sagot nito sabay salampak ng upo sa kama. Napakunot noo naman si Karylle dahil hindi niya lubos maisip kung sino ba ang taong pwedeng pagselosan ni Vice.

"Ha? Kanino?"

"Masiyado ka ng napapalapit kay Vhong," Vice's face remained plain. Hindi mo ito makikitaan ng kahit anong emosyon. "Alam mong ayokong nakakaramdam ng selos,"

"Daddy, wala naman kaming ginagawang mali. We're just close."

"Not as close as you were nung hindi pa tayo kasal," mabilisang pagsagot nito. Karylle's shoulders fell. Hindi niya alam kung ano ba ang patutunguhan ng pag-uusap nila. "Kasal ka na, Karylle. Learn to stay away from those things na alam mong makakasakit sa 'kin,"

"Yun na nga, Vice. Kasal na tayo. Bakit hindi mo 'ko pagkatiwalaan?" Vice looked at her sternly na ikinatakot naman ni Karylle. "Matagal na kaming magkaibigan ni Vhong,"

"Karylle, kitang-kita ng mata ko kung paano ka halikan ni Vhong sa leeg," inis na sabi nito dahilan para manlaki ang mata ng asawa. "At tama bang i-backhug ka niya sa harap ko mismo? Konting respeto naman sa asawa mo,"

-.-.-.-.-

Flashback

"Hahaha! Vhong, mahal kita pero ang baho ng hininga mo! Lumayo ka nga sa 'kin,"

Mariing napapikit si Vice nang marinig iyon mula sa asawa. He was ourside her dressing room, with his daughter dahil katatapos lang ng online-chika-chat nila with Darla Sauler. Hindi niya alam kung bakita sa dinami-dami ng pwedeng maramdaman ay selos pa ang hindi niya napigilan. He's been friend with Vhong for six years at ngayon niya lang ito naramdaman.

Bilang may tiwala naman sa asawa at sa kaibigan ay hindi nalang pinansin ni Vice ang selos at dire-diretsong pumasok sa dressing room without knocking. Kapwa napalingon sa kanila sila Karylle at Vhong na naghaharutan. Klang quickly ran towards her mom at niyakap ito sa bewang.

"Napanood ka namin ni Ninong Vhong mo," Karylle said sabay himas sa ulo ng anak. "Very good ka dun, anak."

"Am I pwetty dun po sa camewa?"

"You're always pretty naman e," sagot nito. "Pogi din si Daddy kanina,"

Sa narinig ay hindi naiwasang mapangiti at kiligin ni Vice habang inaayos nito ang gamit ng mag-ina. Si Vhong naman ay piniling lumabas nalang para magkaroon ng time ang pamilya. Vice was about to ask Karylle kung bakit nagpunta doon si Vhong ngunit naunahan siya ng hiya. Hiya na baka malaman ni Karylle na nagseselos siya sa ganoon kaliit na bagay.

"Tara na mommy? Para makapagpahinga ka na rin," aya ni Vice na agad din namang sinunod ni Karylle.

Habang dumadaan ang araw ay nawawala na sa sistema ng mag-asawa ang issue sa pagkakaroon pa ng isang anak. Karylle was happy na pinipilit ni Vice intindihin ang sitwasyon ngunit lingid sa kaalaman niya ay mas pinoproblema ngayon ng asawa ang unti-unting paglalapit nila ni Vhong. Hindi naiiwasan na sa araw-araw nilang magkakasama ay natitipuhan ni Vhong na asar-asarin si Karylle dahilan para umusbong ang lumalalang selos sa katawan ni Vice.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon