BDOD #62

15.6K 467 91
                                    

"Hoy buksan mo kaya 'tong pinto!" sigaw ni Vice mula sa labas ng kwarto nilang mag-asawa. Kauuwi lamang niya mula sa taping ng GGV at laking pagtataka niya nang pagdating ay bigla na lamang siyg sinalubong ng mga lumilipad na damit niya. "Mommy, ano bang problema? Pag-usapan naman natin 'to. Wala naman kasi akong natatandaan na ginagawa kong mali."

"Ang panget mo! Umalis ka na. Iwanan mo na 'ko." sigaw pabalik ni Karylle. Lalo namang napakunot ang noo ni Vice dahil hindi niya maintindihan ang dahilan ng asawa.

"Pinapalayas mo 'ko sa sarili kong bahay dahil lang sa napapangitan ka sa 'kin? Ana Karylle, wala namang personalan!" nangingiting pang-aasar ni Vice habang patuloy parin sa pagkatok sa pintuan ng kwarto nila. "Papasukin mo na 'ko, mommy please! Tinanggal mo pa 'yung mga damit ko sa closet. Nakakaloka ka!"

"Umalis ka na, tutal mukhang mas gusto mo namang magsuot nalang ng Tangga!" sigaw pa ulit ni Karylle.

"So 'yung suot ko pala kanina sa taping ang issue natin dito? Karylle, it's work." this time ay nagturn na sa pagiging serious si Vice. "Mommy, papasukin mo naman na ako please. Pagod na 'ko from taping oh. Gusto ko ng magpahinga,"

Hindi agad nakakuha ng sagot si Vice mula sa asawa. Tinatamad itong yumuko upang maabot ang dalawang maleta kung saan nakabalunbon lahat ng damit niya. Naiiling nalang siya at natatawa at the same time dahil naccute-an siya sa inaasta ng asawa. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at sumalubong ang nakakunot noong asawa.

"Sorry na. Sa susunod hindi ko na susundin 'yung utos nila na mag-tangga ako. I'm sorry," paglalambing ni Vice na nagmadaling ipinasok sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Pagkatapos noon ay nilapitan na niya ang asawa at hinalikan ito sa ulo. "Kumain ka na ba?"

"Oo." tipid na sagot ni Karylle sabay talikod at upo sa gilid ng kama. Naroon parin ang pagkaka-kunot ng noo at pagka-haba ng nguso nito.

"Pinapahirapan ka nanaman ba ni, baby?" nakangiting tanong ni Vice as he kneeled in front of Karylle. Hinawakan nito ang tummy ng asawa at marahang hinagod. "Anak, wag mo namang pahirapan si Mommy. Si Daddy ang nasesermonan eh,"

"Ayaw niya ng naka-tangga ka," naka-pout parin na sabi ni Karylle. Tuluyan ng natawa si Vice na umangat ng kaunti upang mahalikan sa labi ang asawa. "Wag mo 'kong tinatawanan, Jose Marie kung gusto mong lumaki 'tong anak mo sa puder mo!"

"Ito naman! Nagbibiro lang eh," agad na pananahimik ni Vice.

Tatlong buwan na simula nang malaman ng dalawa na nagdadalang-tao si Karylle. Noong panahon na nalaman ni Vice na buntis ang asawa ay hindi ito agad nakapagsalita sa sobrang tuwa at wala ng ibang nagawa kundi ang tumalon na lamang ng tumalon habang umiiyak. Ibang-iba ang tuwang naramdaman ni Vice noong mga panahon na iyon dahil hindi naman niya inakala na madagdagan pa ang anak nila ni Karylle.

Nang malaman na madadagdagan na ang bilang ng pamilya nila, minabuti ni Vice na pauwiin na muna ang ina mula sa Los Angeles upang may makasama si Karylle habang nasa trabaho siya, na hindi naman tinanggihan ng matanda. He also commanded his spouse na magpahinga muna from sa Showtime. Aside from that, tinanggihan narin muna niya ang ilang mga offers ng management dahil gusto niyang maglaan ng mas mahaba-habang oras para sa mag-ina. Isa na roon ang Free Concert for LGBT members na gaganapin sa Davao. Ito ang isa sa mga issue na kinahaharap ngayon ni Vice dahil samu't-saring komento ang kaniyang natatanggap sa social media.

Wala pang nakakaalam na buntis si Karylle aside from their families at mga kaibigan sa Showtime. Gusto kasi ni Vice na tahimik lamang ang buhay ni Karylle habang nagbubuntis ito. He doesn't want her to get stressed dahil lang sa mga posible niyang mabasa kung saan-saan. Purong excitement at tuwa lamang ang nararamdaman ni Vice. Kung kaya nga lamang niyang pabilisin ang ikot ng oras ay gagawin na niya makasa lang ang bagong baby nila.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon