DATE POSTED: November 09, 2011
Secretly Married is now published in print
Summit Media, PopFiction | English
Available in bookstores and newsstands nationwide
287 pages come with a free bookmark
195php
Chapter 73
"Bilis na kuya! Ang tagal naman eh!!" sigaw ni Jhone sa taga-linis.
"Shh. Wag kang highblood." Suway ni Harley habang hinahawakan ang balikat ng tagalinis ng ospital. "Are you sure of this? Alam mo ba talaga?"
Tumango na lamang ang lalaki. Para kasi siyang nasa hot seat sa mga oras na iyon. Hindi niya naman sinasadyang makita at mapagtanto ang mga nakita niya habang naglilinis. Di rin kasi siya sigurado. At kani-kanina rin, hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mga ito. Di niya na nga rin alam kung ano ang nagtulak sa kanya para magsalita.
"Naglilinis lang naman po ako dito... dito po sa tapat..." kinakabahan ang tagalinis. Para siyang umaamin sa sa isang kasalanan. "tapos umalis siya..." turo niya kay Jhone.
"Nung nag-CR ako??? Anong nangyari pagtapos nun?? Mag-isa lang siya nun eh!! Naglilinis ka lang diyan nun???"
"Teka... hwag kang magalit Jhone." Awat ni manang.
"Eh kasi naman! Si kuya alam naman pala niya eh! Sows!! Muntik ng mapahamak si Fibboy dahil sayo kuya!"
"Tumahimik ka muna Jhone!" sigaw ni Harley. "Di niya naman kasalanan eh, di naman siya ang nagpalabas kay Isabelle dito eh..."
"Sorry..."
"Kuya?" page-encourage ni Harley na ituloy ang kwento.
"Ahm..." lumunok muna ang taga-linis "...pumunta po yung pasyente, lumabas... pumunta dun sa kwarto ni Miss Elisa..."
Hinihinitay nilang matapos ang sasabihin ng lalaki.
"Pumasok siya doon? Alam niya na agaad na naka-confine din si Elisa?" nagtatakang tanong ni Harley.
"Hindi ko po alam. Nagtaka nga rin po ako nung una, Umalis na lang kasi siya, naglakad na lang palayo... hanggang sa bumaba na. Di ko naman alam na umalis at lumabas na pala siya. Siguro hindi napansin sa baba dahil naka-jacket naman."
"Eh ano yun? Yun lang yun? Pumasok lang siya doon?" di makatiis si Jhone na di magtanong.
"Hind po siya pumasok, sumilip lang siya. Tapos dumating kayo, tapos lumabas si Kent Fuentabella sa kwarto ni Elisa."
Tska lang narealize ni Jhone. Paglabas niya nga pala ng bakanteng kwarto ni Phoebe, nakita niya si Kent na lumabas sa kwarto ni Elisa...
"Sumilip lang siya?!?! Sumilip lang siya???!!! Ha kuya???"
"Opo..." muling nagbigay ng nahihiyang pagtango ang tagalinis. Kaya sa tingin ko po ina---.
"NAKITA NI PHOEBE SI KENT SA KWARTO NI ELISA!!" inunahan na ni Jhone sa pagsasalita ang tagalinis. Nagkamot siya ng ulo na parang mababaliw na. "HINDI NIYA KASI ALAM NA SI ELISA ANG BLOOD DONOR NIYA!!! ANO BA YAN!! KAHIT MAGANDA NA YUNG GINAWA NI ELISA, NAKASAMA PA RIN!"
"Oy hwag kang ganyan." Suway ni manang.
"Kasi naman si Kent pumasok pa doon! Kainis!! Sa tingin ko alam ko na ang naiisip ni Phoebe! HALA!!! Kawawa naman ang friendship ko!!! Ang tanga kasi ni Kent, ano nga naman kasi ang ginagawa niya doon??"
"Nagpapasalamat... I'm sure..." mahinang sagot ni Harley.
"Ehh??"
"I know, he's so frustrated about everything..." paliwanag ni Harley. "nawala yung baby, tapos, di pa siya pwedeng maging donor dahil hindi compatible yung blood nila ni Isabelle."
"Pero kahit na!! Di pa rin sapat yun! Dugo lang yung binigay ni Elisa, tapos buhay nawala. Tsska hindi naman yun yung point ko. Nakakaasar lang bakit nagstay pa siya sa kwarto ni Elisa?"
"Pero Elisa became the little hope in that situation. At yun lang naman yung time na pumasok si Kent sa kwartong yun, I suppose. It's just that, things happened, at the wrong time."
Napatitig na lang si Jhone kay Harley. Di na nila napansin na nakaupo pa rin ang tagalinis sa tabi nila.
"You know what? You are so... calm and... composed... Palagi..."
Ngumiti si Harley.
"Tsk... No... Pag kasi observer ka lang, mas madaling maging calm. We better tell them about this... fast."
"Thank you.."
"Thank you kuya... Sorry hindi ako... *ehem* calm kanina..."
Naglakad na sila.
"Salamat hijo... ha??" si manang na lang ang naiwang nagpasalamat sa taga-linis. "Pasensya ka na sa kanila... sa amin."
**
"Pasensya ka na Pare... Ako yung naiwan dito, di ko man lang nababantayan yung dalawa ng maayos..." nahihiya si James sa kumpadre. Namomoroblema rin sila para sa mga anak nila.
"Hindi... Wag na tayong magsisihan..." sabi ni Fred sabay inom ng alak. Wala silang balak maglasing. Pero bilang mga ama ng batang mag-asawa, nakikisama sila sa problemang kinahaharap ng mga ito. Kahit hindi nila totoong alam ang buong pangyayari.
"Salamat... Kamusta si Phoebe?" nagaalangang tanong ni James sa kumpadre. Di niya rin kasi matimbang kung anong nararamdaman nito ngayon. Pareparehas kasi silang naiipit sa mga pangyayari.
"She cried herself to sleep." Seryosong sagot nito "She kept on insisting na magdivorce na... na ayaw na niya daw... that.. Kent... cheated on her... she said... but I could not really understand... If I could just take all my daughter's pain. Ginawa ko na... Masyado nang mahirap yung pinagdadaanan niya."
"HINDI! IF SHE COULD JUST –" tumaas na ang boses ni James para ipagtanggol si Kent, pero nalala niyang ang tatay mismo ni Phoebe ang tumawag at nagpapunta sa hotel kung saan naka-check-in ang mga ito. "Ahm.. Buti naman, pinapunta mo si Kent kay... Phoebe..."
"I wanted to give them time..." bumuntong hininga ang tatay ni Phoebe. "Gusto ko nang magpahinga muna si Phoebe... Pero... She cried his name, while sleeping... for so many times."
Napahinto sa paginom si James.
"... so I guess she's just mad...Galit lang siya tska nasaktan... Sinasabi niya lang yun... pero sa pagtulog naman--"
Biglang nag-ring ang telepono ni Fred.
*riiiiingggggggg*
Tinignan niya kung sinong tumatawag.
"Jhone?"
**
"Who let you in??" pilit na tinatatagan ni Phoebe ang boses niya. Eto na naman siya. Naiipit sa sitwasyon.
"Let's talk! Mag-uusap tayo..."
"Get out!!" pagmamatigas niya. Pero ang totoo, natatakot kasi siya.
"Bakit ka ba ganyan??!! Makinig ka muna!!"
Di siya sumagot. Hindi niya na kasi alam. Ayaw niyang malaman, kung totoo talaga ang mga nakita niya sa ospital. Ayaw niyang makumpirma. Kasi masasaktan lalo siya. Tinatago niya ng galit lahat ng sakit. At ayaw niya na rin namang magsinungaling ito. Kung totoo ang nakita niya, at magsisinungaling si Kent, ayaw rin niyang makinig.
"Please... Mahal ko..."
"Hwag na... Tama na---"
"MAKINIG KA MUNA!! AFTER YOU LISTEN TO ME, PWEDE MO NA AKONG PAALISIN! LAHAT PWEDE MO NANG GAWIN! PERO PLEASE... JUST LISTEN..." nagtaas na ng boses si Kent.
Kahit papaano ay nagulat din si Phoebe. Pero hindi niya ipinahalata. Inisip niya na lang na papalabasin niya na lang lahat sa kabilang tenga ang lahat. At pagkatapos nun, siya na ang bahala.
"Okay..." sa huli ay sagot niya.
Parang nakahinga naman ng maluwag si Kent sa pagpayag niya.
"But after this, if I want divorce... you'll agree..."
"BUT! Phoebe naman!"
"I'll listen...pero..."
"OKAY OKAY!" sa sobrang pagkadesperado, pumayag na rin si Kent. "Just listen, at kung hindi ka maniniwala... kung hindi mo ako maiintindihan, kung wala kang mararamdaman... I'll agree..." masakit sa loob na sagot ni Kent.
"Okay..."
"Pero, I'll make you believe..."
"Believe what?!"
Nagugulat si Kent sa inaakto ng asawa.
"Na mahal kita..." nagsisimula na naman maging emosyonal si Kent, pero pinipigil niya. Dahil marami pa siyang gustong sabihin.
Di nagsalita si Phoebe... Umpisa pa lang tinatamaan na kasi siya. At hinayaan niya na lang magsalita si Kent.
"You've known me, all your life. We've known each other since we're kids."
Gusto niyang sumagot. Pero umupo na lang siya sa sofa. Inilagay niya ang dalawang kamay sa tuhod. Di dapat siya magpakita ng kahinaan.
"Alam mo ba kung bakit wala akong kaibigan?? Wala nga akong bestfriend eh..." pagtutuloy ni Kent.
Pinipilit niyang palampasin sa tenga niya lahat nng sinasabi nito, pero hindi niya maisara ang pandinig. Walang magawa si Phoebe, hindi niya lang basta naririnig. Unti-unti niyang naiintidihan. Hindi kasi ito ang ineexpect niya. Ang alam niya, magpupumilit na magpaliwanag si Kent tungkol sa mga nangyari.
"... Ikaw, you have Jhone... You know the feeling of having a bestfriend."
"So ano ngayon?" muntik na siyang pumiyok ng muli siyang nagsalita. Mabuti na lang naitago niya.
"Ako... I only have you..." umiiyak na si Kent.
Di siya makatingin. Para kasing nasasaktan din siya. Parang nakikihati siya sa nakikita niyang sakit.
"Maybe I have loved you since I laid my eyes on you, hindi ko lang narealize agad. Sinusungitan kita kasi... you are so special. Masarap kang asarin. Kasi nagre-react ka lagi eh, tska... wala naman na akong ibang makakausap, na makakatagal sa kin.."
Namumuo na ang laway sa lalamunan ni Phoebe. Pumikit na lang sya. Gusto niya kasing manumbat, pero
hindi niya magawa sa oras na iyon.
"Ikaw lang gusto kong kaibigan... Ikaw lang gusto kong kasama... I have nothing else in this world
Phoebe. Ganito ako... Pinilit ko lang na umayos ang itsura ko... Kasi... Inaasar mo ako dati eh... Kasi ayaw kong maging payatot na lang lagi sa paningin mo..."
"Bakit ba yan ang sinasabi mo??"
"Bata pa lang... Nasa isip ko, makakasama kita forever, magaasaran lang... wala na akong naisip na iba noon... Pero ngayon, Phoebe, you're my bestfriend, and my wife... hwag mo naman akong iwan... please..."
"You're so selfish Kent!!" nagsalita siya. "You want me to stay in your life, pero ikaw, sino ang mga nasa buhay mo?? Sige! Lahat ng sinisigaw mo sa sementeryo... Considering totoo yun! Bakit ka nakikipaghalikan nung lasing ka?!? So If you're drunk you'll kiss the first woman you'll see???"
"Ikaw lang... It's the biggest mistake that I have ever done... But trust me... I never wanted to kiss Elisa.
"Talaga??? Hindi mo gusto??!?!" sigaw ni Phoebe na punong-puno ng sarcasm.
"For Christ sake! Phoebe you're wearing my surname at hindi ko hahayaang tanggalin mo yun!! Hwag ka nang magmatigas... Mahal na mahal kita... Please naman..."
Lumuhod si Kent sa harap niya habang nakaupo siya sa silya. Hinawakan ang kamay niya. Pilit niyang iniiwasan ito at ang mga mata nito.
"Look at me, right into my eyes... At sabihin mo lahat ng galit mo, lahat-lahat... na gusto mo nang makipaghiwalay, at hindi mo na ako mahal, Pag nagawa mo yun..." bumuntong hininga si Kent then I'll agree sa divorce."
Nagulat siya sa mga ginagawa ni Kent. Umiiyak pa rin ito pero mariin ang pagkakasabi.
"Phoebe... don't you love me anymore?"
*later*