RICAFORD ACADEMY

By Ayumi_Mayumi

406 52 6

~RICAFORD ACADEMY is a School where magic does really exist. It is where all the incredible and amazing thing... More

Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1: Raine
CHAPTER 2: Man in cloak
CHAPTER 4: Encounter
CHAPTER 5: He who dare!
CHAPTER 6: Triggered
CHAPTER 7: Sunny
CHAPTER 8: Beginning
CHAPTER 9: SPAO?
CHAPTER 10: INTRODUCTION (P1)

CHAPTER 3: Deal

43 4 0
By Ayumi_Mayumi

Raine 's Pov

Nandito pa rin ako ngayon sa loob ng sasakyan ko at nagmamaneho, binabalak ko sanang pumunta sa Underground Arena. Let just say gusto ko lang ng may mapagpapraktisan dahil matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakasapak ng mukha ng mga unggoy. "Matagal? Kagabi lang nakipagbugbugan ka ah? Hahahha" sabi niya sa isipan ko.

"Wala akong pake, bakit ba nangangati kamao ko!" sagot ko naman at narinig ko siyang tumawa habang nawawala ang tinig niya sa isipan ko. Sana makarami ako ngayon dahil ibubuhos ko talaga sa mga panget nilang pagmumukha ang pagkairita ko sa mga taong sumira ng magandang araw ko. Mabilis Kong pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa Arena at wala pang ilang minuto ay nakarating na ako.

Ipinark ko agad yung sasakyan ko sa Parking lot ng UA pero bago ako bumaba sa sasakyan ko ay inilagay ko muna ang maskara ko para walang makakilala sa akin sa loob na mga tao, mahirap na. Naglalakad ako sa Secret Passage papunta ng Arena na exclusive lang para sa mga VIP member ng grupo ng mga tao na nagpapatakbo sa Underground Arena at isa ako don. Madilim ang daanan dahil sa tunnel nga ito at wala namang butas kaya di makapasok ang liwanag kahit medyo may araw pa sa labas, ang tangin medyo maliwanag lang ay yung papasom at yung medyo gitna dahil sa may maliit na ilaw sa pader.

Ang UA kase o mas kilala sa tawag na Underground Arena ay isang lugar kung saan nangyayare ang mga illegal na bagay na hindi dapat malaman ng kapulisan tulad nalang ng gang fight, patayan, karera, droga at kung ano ano pa. At literal ito na nasa ilalim ng lupa pero ang nilalakaran ko ay isang mahabang tunnel na kasya lang ang isang kotse papunta naman sa elevator pababa ng mismong Arena. Habang naglalakad pa rin ako sa medyo gitna ng tunnel na may kakaonting liwanag ay narinig ko naman ang tawag niya sa aking isipan.

"Raine?"

'hmmm?' sagot ko sa kanya habang pinakikiramdaman ang paligid ko. 

"May paparating!!"

'I know! You dont need to mention it! Ang ingay mo nasisira yung focus ko.' Pagkasabing pagkasabi ko nun ay may naramdaman akong paparating sa direksyon ko. Tss...

Agad kong sinalo ng kanang kamay ko ang dagger na papalapit at muntik nang tumama sa akin at sabay tinignan ko yung nakasulat na pangalan sa hawakan ng dagger.

D.G?

Tsk...never heard that group before but whatever. Ibinato ko sa harapan ko yung dagger na hawak ko at kasabay ng pagtama nito sa lupa ay biglang lumabas ang limang lalaki na mula sa madilim na parte ng tunnel. Napatingin naman ako sa kanila at binigyan sila ng malamig na titig tss hindi ako natutuwa sa sorpresang gusto nila dahil kung hindi ko naiwasan ang dagger na yun malamang kanina pa ko nakasalampak sa sahig at nangingisay dahil sa lason na nandoon akala ba nila hindi ko mapapansin yon.

"Look Who's here?!! " sabi nung nasa gitna na parang leader nila sabay ngisi sa akin.

"The Famous Legendary Gangster of the Underground Arena..."sarcastic na sabi naman nung lalaking nagyoyosi at sumandal sa pader kaya napatingin ako sa kanya ng matalim kaya tumingin din siya sa akin sabay ngumisi kaya mas lalo akong nabw*set. Hayyy nakoo raine hindi kaba talaga lulubayan ng mga panira ng araw' bulong ko sa isipan ko sabay tingin ng diretso sa kanila.

"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila na parang bored na bored at humakbang paabante sabay lagay ng kaliwang kamay ko sa bulsa ng paldang suot ko matapos kong isampay sa balikat ko ang blazer ko. "Fight" sabi nung lalaki sa kanan katabi nung leader nila habang ngumingisi ngisi pa na akala mo baliw.

Tss.... okay na din may mapapagpraktisan na ko at malalabasan ng sama ng loob. Mukhang masaya to pero gusto kong makita ang mga mukha nila nakamaskara din kasi sila tulad ko siguro mga mahahalagang tao din ito dito sa UA.

"Psh.... okay Game." Sabi ko sabay hablot ng kanang kamay ko sa blazer na nakasabit sa kaliwang balikat ko at tapon sa kung saan. Sana naman masisiyahan ako sa laban nato itinapon ko pa yung balzer ko para sa kanila tapos mamaya hindi naman pala sila magagaling sayang yun kung sakali.

"But before that..." sabi nung parang playboy na katabi nung nagyoyosi bale ang pwesto kase nila sa harap ko is yung leader pinaka gitna tas sa kaliwa niya yung playboy tas katabi nun sa si yosi guy na nakasandal sa pader then yung nasa kanan naman nung leader nila e yung nagsabi kanina na fight daw tapos may katabi din yun sa kanan niya na isa pa gets? Well kung di niyo nakuha nevermind nalang bahala kayo.

"We Have a Deal..." sabi nila nang sabay sabay well except for the two guy. The leader and The Yosi Guy.

'Tss childish....' sabi ko sa isipan ko at narinig ko naman siyang sumagot "Sinabi mo pa hmmp..." Kaya napangisi nalang ako sa isipan ko.

"What Deal?" tanong ko sa kanila. Masyado pang pinatatagal p*tcha naman tong mga to laban kung laban pinapatagal pa kaurat (kaasar) naman.

"If you lose, you'll need to show your Face to us." Sabi ni yosi guy sabay buga ng usok ng sigarilyo niya at tingin sa akin ng diretso na sinagot ko naman ng isang ngisi sabay sabing "Tss...That is only If." Akala ba nila ganon ganon lang akong kalaban, Ha! Will I be called Legendary Gangster for nothing?

"Psh Yabang" sabi nung Leader nila na nakatayo nang diretso at nakapamulsa kaya napatingin din ako sa kanya. " At ano naman ang makukuha ko sa 'oh so called fight' na to?" Tanong ko sabay emphasize para asarin sila at lalo na obvious namang ako ang makikinabang dahil sila ang mapagbubuntungan ng inis ko.

"The same way, ipapakita rin namin ang mukha namin kapag natalo mo kami." Yosi Guy

"eh ano namang pakielam ko sa mukha niyo?" sabi ko habang tinitignan kunwari ang bagong nail polish ko at bored kong inilipat ang paningin ulit sa kanila sabay taas ng kanang kilay ko.

"Tss okay We'll give our new cars." Leader nila na tuluyang nakuha ang atensyon ko kaya napangisi ako. "What!!!" sabi nung panlimang Guy na nasa tabi ni fight boy sa kanan nung leader nila. Pinandilatan naman siya ng mata ng leader nila kaya wala siyang nagawa kundi ngumiti ng pilit sabay sabing "Sabi ko nga sa kanya na yun pag natalo niya tayo. "sabay simangot ulit. Bipolar?

"Ano Deal?" Sabi nung playboy guy sa kaliwa ng leader nila sabay akbay sa leader nila at tumingin na din sa akin ng diretso habang ngumingisi. "Deal" sabi ko naman sabay hawak sa batok at pinatunog ang leeg ko.

"Dun tayo sa Arena" sabi ni 'fight' Guy kanina na si guy 1 na ang tawag ko para di nakakalito samantalang si playboy guy naman ay guy 2 at yung katabi ni guy 1 sa kanan ay si guy 3 habang leader at yosi guy naman yung tawag ko dun sa dalawa. "angas raine a may pet name kana sa kanila hahahaha" asar niya sa loob ng isipan ko na binalewala ko nalang at nagpokus nalang sa mga kalaban ko na nasa harapan ko.

"Dito na" sabi ni Yosi Guy sabay tapon niya nung Yosi niya atsaka tinapakan ito at tumayo ng tuwid kasabay nung apat niya ding kasamahan na naghanda ng sumugod papunta sa akin na nagpangisi lalo sakin. "That's right it's okay that we will be fighting here, so no one will know that a woman like me can beat your group." I said before I smirk to them that makes them really mad.

"Raine?"

'Oh?'

"May nararamdaman akong Key ng isang Soul Eater."

'Oo ako rin at malapit lang yun dito.'

"What are we going to do? Let's go"

'Wait! Hindi pa pwede'

"At bakit?"

'I still have an opponent remember?'

"Ayy oo nga noh paano yan?" sabi niya sa isipan ko. Napatingin naman ako sa mga tao sa harapan ko. Hindi pwedeng gumawa ng padalos dalos na aksyon lalo na't hindi nila pwedeng malaman ang kung anong kaya kong gawin. Tss mahirap na.

perooo....

Someone's POV 

"WOOOOO"

"ANG GAGALING NIYO TALAGA!!! AHHHH"

"AND THE WINNER IS NO OTHER THAN D.G!!! THE FAMOUS GROUP IN UA!!" sigaw ng Emcee na hinawakan pa yung kamay ni king at itinaas habang wala namang paki yung isa na hinila din agad yung kamay at tinignan ng masama yung emcee na tumawa nalang ng pilit.

"AHHH YOU'RE ALL THE BEST!!"

"D.G FOR THE WINNNNN"

"MAKE ME SCREAMMMM IN PLEASUREEE BEYBIIII AKIIII AHHH!!" ehh? Hahahaha tawa ko sa isipan ko sabay kindat sa mga babae sa bandang harapan ng stage.

"AKIIII!! REYKHAAA!! KELVINNN!! JOSEPHHH!! AND KINGGGG LANGGG MALALAKASSS!!" Singing chant nila ng mga pangalan namin.

Napatakip naman ako sa dalawang tenga ko sa sobrang ingay sa loob ng Arena dahil sa sigaw ng mga babae at binabae samahan mona din ng mga kalalakihan na nakikisigaw din. Katatapos lang namin mapabagsak ang grupo ng malalakas (kuno) na gangster na humamon sa amin kagabi sa CHOCO BAR at dahil mapipilit sila ayan bulagta tuloy silang lahat. Psh 'good for them Retards. Tumayo na ko ng diretso at pinagpagan ang damit ko dahil sa mga bakas ng alikabok haluan na din ng dugo galling sa mga nakalaban namin.

"P*ta anlalakas niyong maghamon ng away e wala naman pala kayong binatbat!! Pustahan tatlo palang kaming lumaban ha." Sabi ni Kelvin habang nakaupo don sa lalaking hawak niya sa kwelyo na nakabulagta saka inundayan ng isang suntok na nagpatulog don sabay tayo niya at nagpagpag na din ng damit. "Hahaha mga wala pala itong mga to rey e buti nalang di na kayo sumali." Sabi ko naman kay reykha na nakasandal lang sa pader sa baba ng stage ng arena habang ngumunguya ng lollipop at kay joseph na nakatingkayad na nakaupo sa tabi niya habang pumapalakpak at nakangiti na akala mo baliw.

"Ano nga pala ipinusta ng mga to dre?" tanong ni king kay rey habang bumababa ng stage. Nagsibaba na din kami ni kelvin at iniwan yung mga gunggong sa stage at lumapit kami sa kinaroroonan nila joseph, inabutan naman ako nito ng isang pack ng sigarilyo kaya inagaw ko kaagad at kumuha ng isa sabay pinaglaruan ko sa mga daliri ko habang kinakapa ko naman sa bulsa sa likod ng pants ko yung paborito kong lighter.

"They bet on their new sports cars and maybe tomorrow it will be on our house." Seryosong sabi ni Reykha na walang kangiti-ngiti at parang di alam ang salitang ngiti at saya sa Sistema niya kaya napatawa nalang ako sa isipan ko bago ko makapa ang lighter sa bulsa ko at sindi sa yosi sabay hithit ko dito at buga ng usok kay kelvin na napaubo naman sa bigla. "P*otek naman dre mukha ba kong smoking area sa iyo na sakin mo pa ibubuga yan." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya at umubo bago umalis sa harap ko at punta sa gilid ni joseph na biglang tumayo at inabutan siya ng juice na iniinom nito. "Isa kapa dude hindi ako bata na katulad mo kaya ilayo mo sakin yan." Pabirong sabi nito sabay tulak palayo nung juice na di naman pinansin ni joseph at humigop ulit sa pakete ng juice.

"So? Let's go? Kailangan pa natin hanapin yung pinapahanap satin ng headmaster" sabi ko sa kanila at tumalikod na para maglakad. Nagsisunuran naman sila sa akin kaya sabay sabay na kaming umalis doon sa arena at naglakad sa passage na tanging VIP lang ng Underground Arena ang pwedeng dumaan.

"Pwede ba tayong kumain sa labas? Tanghali pa naman e." napalingon naman ako ng bahagya sa likuran ko ng marinig ko ang sinabi ni joseph kay reyhka habang parang bata na nakakapit dito. Napangiti naman ako ng hindi siya pinansin ni reykha sabay baling sa harapan.

'Guys?' rinig kong tawag sa amin ni kelvin mula sa isipan namin sabay hinto sa paglalakad. His ability is telepath kaya naman kaya niya kaming kausapin sa isipan niya at iba pa yung power niya mismo. Napahinto naman kami sa medyo madilim na part ng passage at tumingin sa kanya.

'Can you see what I see hmm?' sabi niya sa isipan namin ng may nakalolokong ngiti at tumingin sa amin habang nakahawak sa baba niya at nagtaas baba ang kilay niya sabay tingin sa medyo maliwanag na part ng passage kaya napasunod kami ng tingin sa tinitingnan niya.

"Kungsiniswerte ka nga naman oh." Mahinang bulong ko sabay silay ng nakakalokongngisi sa labi ko. May nakapa naman akong dagger sa sapatos ko kaya walang anoano'y ibinato ko ito papunta sa babaeng naglalakad na nakamaskara ng gold.

Continue Reading

You'll Also Like

61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
21.4M 792K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
47.5K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...