CHAPTER 10: INTRODUCTION (P1)

9 1 0
                                    

Raine's POV

Napairap nalang ako dahil sa mga taong kasama ko ngayon dito sa hallway. 'Andaming papansin' mahinang bulong ko sa sarili ko sabay talikod ko para makapaglakad na ako paalis total wala na namang mga taong natira ngayon dito sa labas ng auditorium maliban sa aming lima.

"Teka at saan ka naman pupunta sa tingin mo nyan raine?" pigil na tanong sa akin ni lena sabay hawak pa sa siko ko na agad kong tinanggal saka siya nilingon habang nakataas ang kilay. "Malamang aalis na, hindi niyo ba napapansin na tayo nalang ang nandito? Unless gusto niyong tumambay dito tss." Sabi ko sabay talikod ulit at naglakad na ng tuluyan para makaalis na don. 'Sunny? P*ta uso magparamdam no?' pagalit kong bulong sa isipan ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumasagot sa isipan ko. Humanda ka talaga sunny!!

"Ayy attitudeee atihhh mo gurllll hahahaha" rinig kong sabi ni el sa likuran ko kaya agad akong napalingon at binigyan siya ng isang tingin na magpapatahimik sa kanya. Agad naman siyang napaiwas at sabay punta sa likuran ni lena. Tss duwag naman pala.

"Teka mayroon pa tayong second orientation mamayang alauna ng tanghali at alasdyes palang, ililibot ka nalang muna namin sa academy at pagkatapos magtanghalian tayo sa caferia." Pigil sa akin ulit ni lena sabay lakad sa gilid ko na sinundan din nung tatlo. "Tss. Mabuti naman may naisuggest kang maganda." Sabi ko sa kanya na inirapan niya lang.

Habang naglalakad kami palabas ng building na yon, ipinapaliwanag ni lena ang buong detalye ng bawat building at lugar dito sa loob ng academy.

"Ang loob ng academy ay nahahati sa apat na parte, ang pinaka gitna kung saan mo makikita ang napakalawak na open-field kung saan nagaganap ang labanan at pageensayo ng mga estudyante dito. Mayroon din namang close-field kung saan pwedeng magensayo ang mga estudyante kung gusto nila ng privacy and it can be found on the building that we're from a while ago. That building is called as Main because it composed of 4 floors. The 1st floor is the Auditorium, the 2nd floor is the training room, the 3rd is the office of the professor and also their room and lastly is the 4th floor which is the office of the Academy's headmaster." Mahabang paliwanag niya bago kami umupo dito sa open-field na sinasabi niya.

Nasa likurang bahagi namin ang sinasabi niyang Main building at sa harap ay isa pang building na maraming makikitang mga estudyanteng lumalabas probably it's a dorm. Sa kanan at kaliwa ko naman ay mayroon ding building. "That building that you see in front is our dormitory where it composed of 10th floors, have 15 rooms per floor and 2 person per room. If you're thinking that it is just one then try to look for its back, it is actually a four building in total because per building it has bridge to connect them." seryosong paliwanag nung lalaki kanina na nakatingin sa building na tinutukoy niya sabay lingon sa akin na agad kong pinagtaasan ng kilay. Tss sino ba to? Kanina pa sabat ng sabat di naman kausap. Napatawa naman siya sabay iling na lalo kong pinagtaasan ng kilay. "I'm Mj. Mark Joshua Madrigal hahahahah." sabi nito ng nakatawa.

"Tss pake ko? Tinatanong ko ba?" sabi ko sabay irap. Mas bagay sa kanya ang tawaging pampam masyadong papansin eh sabi ko sa isipan ko at nakita ko naman siyang natawa na ng tuluyan. Nagtataka naman kaming tinignan nung tatlo.

"O teka-teka baka magkapikunan pa kayo diyan" awat naman ni malambot na el. "Mabuti pa ituloy mo na ang pag papaliwanag sa kanya lena para makakain na tayo. Pinapatagal niyo masyado nakoooo nakooo." Sabay irap at kuha nung compact mirror niya at naglagay ng liptint sa labi niyang masyado ng mapula. Tss

"So yeah Mj is right. The dorminories are actually a 4 building and 2 persons per room and that explains why we have two beds sa room kanina bago us pumunta sa auditorium. It was my room and currently I don't have room mate so later we can talk to the headmaster that you can be my room mate. So yeah continuation, the building that you see in our right is called the east building where students in the lower class are occupying. Lower class that classify into two which is the Class B and Class C. Class C for all the students na hindi pa marunong gumamit ng power and ability nila or kahit yung mga estudyante na hindi pa natutuklasan na they have power and ability. Class B are the students that already know and control their power but don't know yet their ability or maybe they don't have one." Mahabang paliwanag niya sabay tingin naman sa kaliwa at medyo napalunok pa bago simulan ang pagiexplain niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RICAFORD ACADEMY Where stories live. Discover now