CHAPTER 2: Man in cloak

57 9 1
                                    

Raine's Pov

"Bw*setttt talaga!!" mahinang bulong ko sa sarili ko habang naiinis akong naglalakad papunta sa classroom ko kasi late na ako ng dahil sa nangyari kanina. Badtrip talaga kung sino man yung unggoy na yun na bumangga sa akin, dahil sa kanya p*tcha nagpulot pa ko ng mga papel na nagkalat sa daanan na nilipad ng hangin kanina pati ang headphone na suot ko ay tumalsik pa at nasira dahil sa lakas ng pagkakabanggaa. At ang tarantado nga naman hindi manlang lumingon at tumulong nak nang impakto talaga anggaling manira ng araw nung tarantado nayun.

"Chill ka lang raine hahahaha highblood ka masyado eh." Rinig ko sa isipan ko. Binaliwala ko nalang ito at huminga ng malalim para mawala ang init ng ulo ko. Nakarinig ako ng mahinang tunog galing sa loob ng nadaanan kong room sa kanan ko at napatingin ako dito, nakita ko naman ang isang maliit na aso na nakatingin sa akin, tila kinikilatis kung sino ako. Nakipagtitigan naman ako dito kaya tumitig din ito at hindi ko alam kung ilang minuto ako na nakatayo sa harap ng room na iyon basta napakurap lang ako noong tumakbo paalis yung aso kaya napatingin nalang ako ulit dito. 'hmm....

"Raine? May I remind you na may klase kapa?" sabi niya kaya napahampas nalang ako sa noo ko ng maalala yon. 'oo nga pala sabay madali sa paglalakad.

Nasa tapat na ako ng Classroom ko ng maisipan kong sipain ang pinto dahil sa kabadtripan ko. Nagulat naman ang lahat ng taong nasa loob dahil sa ginawa ko pero nagdire-diretso lang ako papunta sa pinakadulong upuan na nakita kong bakante. Pake ko ba sa kanila baka gusto nilang sunugin ko silang lahat, kanina pa ko wala sa mood kaya baka samain sila sakin.

Padabog akong umupo sabay humalukipkip at tumingin sa bintana sa kanan ko na kita ang buong field at kaharap ang isa pang building na sa pagkakaalam ko ay Education Students ang nagooccupy.

Bigla naman akong may narinig na tumikhim sa harapan kaya napabaling sa harapan ang paningin ko at nakitang nasa akin pala ang lahat ng atensyon ng mga tao dito sa classroom. Napatingin naman ako sa kalbong professor namin na base sa paningin ko ay malaki ang galit sa akin dahil sa nanlilisik nitong tingin sa direksyon ko. Ehh? Problema neto?

"I am done checking the attendance of the whole class and there's only one name left so I bet you're Ms. Yu? Am I right?" sabi ni kalbo. Hmm wait let me give him a name tutal hindi ko naman siya kilala sabay hawak ko kuno sa aking baba na kunware ay nagiisip habang hindi ko naman binibigyang atensyon ang sinabi niya. "How about saitama raine? Haha total he looks like Buddha naman eh kase he's bald HAHAHA." Sabi niya mula sa isipan ko napagisip ko naman na pwede rin.

"hmm yeah?" I said giving him a bored look. Tss.... napangiti ako ng onti dahil sa nagging itsura niya It's so funny to talk with this old man, he's really pissed off now. Hahahaha i laugh in my mind...

He makes face to me before he starts the class again and i feel so bored now. Iniyuko ko ang ulo sa lamesa dahil nakaramdam ako na gusto kong matulog pero pagkayuko ko ay may naramdaman akong mga mata na tingin ko'y diretsong nakatingin sa akin. I scan the whole class if someone is looking at me but nothing, so I tried to look outside and there I saw him directly looking at me. Nagtama ang mga mata namin at bigla siyang ngumisi bago tumalikod at naglakad papunta sa tagong parte ng University at unti-unting naglaho sa dilim na animo'y parang bula na naglaho sa kawalan. Hindi ko alam kung anong nagyari at napatulala ako sa kanya pero base sa likod niya parang siya rin yung bumangga sa akin kanina. 'Tss Makita lang kita masasapak talaga kita' sabi ko sa isipan ko habang nakatulala sa pwesto niya kanina.

"MS. YU !!!!!!!" I was taken back with my senses when i heard his call p*tek tong SAITAMA na to talaga. Tss pake ko sayo bulong ko sa isipan ko pero di ko na sinabi baka lalong mangitim tong isang to. Tumingin ako sa kanya at nakita kung gaano kapula ang kanyang mukha at kung paano umusok ang dalawang butas ng ilong niya dahil sa galit? Hmm maybe, as if I care.

RICAFORD ACADEMY Where stories live. Discover now