CHAPTER 3: Deal

43 4 0
                                    

Raine 's Pov

Nandito pa rin ako ngayon sa loob ng sasakyan ko at nagmamaneho, binabalak ko sanang pumunta sa Underground Arena. Let just say gusto ko lang ng may mapagpapraktisan dahil matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakasapak ng mukha ng mga unggoy. "Matagal? Kagabi lang nakipagbugbugan ka ah? Hahahha" sabi niya sa isipan ko.

"Wala akong pake, bakit ba nangangati kamao ko!" sagot ko naman at narinig ko siyang tumawa habang nawawala ang tinig niya sa isipan ko. Sana makarami ako ngayon dahil ibubuhos ko talaga sa mga panget nilang pagmumukha ang pagkairita ko sa mga taong sumira ng magandang araw ko. Mabilis Kong pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa Arena at wala pang ilang minuto ay nakarating na ako.

Ipinark ko agad yung sasakyan ko sa Parking lot ng UA pero bago ako bumaba sa sasakyan ko ay inilagay ko muna ang maskara ko para walang makakilala sa akin sa loob na mga tao, mahirap na. Naglalakad ako sa Secret Passage papunta ng Arena na exclusive lang para sa mga VIP member ng grupo ng mga tao na nagpapatakbo sa Underground Arena at isa ako don. Madilim ang daanan dahil sa tunnel nga ito at wala namang butas kaya di makapasok ang liwanag kahit medyo may araw pa sa labas, ang tangin medyo maliwanag lang ay yung papasom at yung medyo gitna dahil sa may maliit na ilaw sa pader.

Ang UA kase o mas kilala sa tawag na Underground Arena ay isang lugar kung saan nangyayare ang mga illegal na bagay na hindi dapat malaman ng kapulisan tulad nalang ng gang fight, patayan, karera, droga at kung ano ano pa. At literal ito na nasa ilalim ng lupa pero ang nilalakaran ko ay isang mahabang tunnel na kasya lang ang isang kotse papunta naman sa elevator pababa ng mismong Arena. Habang naglalakad pa rin ako sa medyo gitna ng tunnel na may kakaonting liwanag ay narinig ko naman ang tawag niya sa aking isipan.

"Raine?"

'hmmm?' sagot ko sa kanya habang pinakikiramdaman ang paligid ko. 

"May paparating!!"

'I know! You dont need to mention it! Ang ingay mo nasisira yung focus ko.' Pagkasabing pagkasabi ko nun ay may naramdaman akong paparating sa direksyon ko. Tss...

Agad kong sinalo ng kanang kamay ko ang dagger na papalapit at muntik nang tumama sa akin at sabay tinignan ko yung nakasulat na pangalan sa hawakan ng dagger.

D.G?

Tsk...never heard that group before but whatever. Ibinato ko sa harapan ko yung dagger na hawak ko at kasabay ng pagtama nito sa lupa ay biglang lumabas ang limang lalaki na mula sa madilim na parte ng tunnel. Napatingin naman ako sa kanila at binigyan sila ng malamig na titig tss hindi ako natutuwa sa sorpresang gusto nila dahil kung hindi ko naiwasan ang dagger na yun malamang kanina pa ko nakasalampak sa sahig at nangingisay dahil sa lason na nandoon akala ba nila hindi ko mapapansin yon.

"Look Who's here?!! " sabi nung nasa gitna na parang leader nila sabay ngisi sa akin.

"The Famous Legendary Gangster of the Underground Arena..."sarcastic na sabi naman nung lalaking nagyoyosi at sumandal sa pader kaya napatingin ako sa kanya ng matalim kaya tumingin din siya sa akin sabay ngumisi kaya mas lalo akong nabw*set. Hayyy nakoo raine hindi kaba talaga lulubayan ng mga panira ng araw' bulong ko sa isipan ko sabay tingin ng diretso sa kanila.

"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila na parang bored na bored at humakbang paabante sabay lagay ng kaliwang kamay ko sa bulsa ng paldang suot ko matapos kong isampay sa balikat ko ang blazer ko. "Fight" sabi nung lalaki sa kanan katabi nung leader nila habang ngumingisi ngisi pa na akala mo baliw.

Tss.... okay na din may mapapagpraktisan na ko at malalabasan ng sama ng loob. Mukhang masaya to pero gusto kong makita ang mga mukha nila nakamaskara din kasi sila tulad ko siguro mga mahahalagang tao din ito dito sa UA.

RICAFORD ACADEMY Where stories live. Discover now