Blood Lust

By PseudoCouplet

393 26 1

I'm living a normal life in my 18 years of existence, together with my younger brother Park Volantis Cole in... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 9

18 1 0
By PseudoCouplet

          WANDA SCARLET WAYNE

Kanina ko pa nahahalata si Elly, parang may kakaiba kasi sa kanya this past few days, lagi syang excited umuwi at hindi na sya nakikipag hang out samin ni Rebecca, tulad ngayon tapos na ang practice namin  para sa nalalapit naming graduation sa monday nextweek at nagmamadali nanaman syang umuwi,

" Elly sama ka samin ni Wanda sa bagong bukas na Ice Cream parlor malapit lang naman dyan sa may plaza? Alam kong favorite mo ang ice cream, at isa pa I heard na masarap daw yung cookie dough flavor ice cream nila diba favorite mo yon "

" Uhmm may gagawin pa kasi kami ni momma eh, sorry girls next time nalang " see two days na syang ganan, nagsimula yon nung start na ng practice namin for graduation, pag aayain namin syang kumain or manood ng sine, laging excuse nya na may gagawin pa daw sila ni tita Jenna.

Nagkatinginan nalang kami ni Rebecca habang pinagmamasdan si Elly na umalis,

" Mukhang tayo na namang dalawa Rebecca ang magkasama "

" Yeah right, ano kayang problema nyang si Elly pwede naman nyang sabihin sa atin dahil bestfriends nya tayo, nakakatampo na yung mga kinikilos niya "

May point naman si Rebecca, bestfriends nga naman nya kami, pero hindi pa naman namin alam kung ano nga bang pinagdadaanan ni Elly kaya mas okay kung wag muna namin syang husgahan.

" Intindihin nalang natin, baga importante yung inaasikaso nya at personal matters na ayaw nyang ipaalam sa iba "

" Siguro nga, sige dyan kana Wanda next time nalang tayo lumabas at mag hang out pag kumpleto na tayong tatlo, good bye na see you next day "

" Uhmm okay, andyan na din naman yung sundo ko see you next day ingat ka "

Inintay ko munang makasakay ng kotse nya si Rebecca bago ako pumunta sa sundo ko, lagi nalang akong may taga sundo pamula elementary ako pero okay lang naman saakin kahit medyo may limit yung pag gala ko kasama sina Elly at Rebecca, kasi ka close ko naman si butler Alfred, matagal na syang naninilbihan sa aming pamilya at isa din syang Warlock mula sa Lunar Coven, kahit matanda na sya at isang butler kasali sya sa limang council members at loyal servant ng pamilya Wayne.

" Young lady, kaylangan na po nating umalis dahil nag patawag nanaman ng Coven meeting ang lolo mo, papunta nadin doon ang parent's mo young lady "

" Oh Alfred skip the formalities, diba po sabi ko sainyo Wanda nalang tutal ang tagal na po namin kayong butler and parang second father ko na din po kayo "

" Diba din po Lady Wanda, na gusto kong tawagin kayo ng Lady dahil I'm a loyal servant of house Wayne at mas magandang pakinggan sa isang magandang dalagang katulad nyo "

" Nambola pa po kayo hahaha, pero salamat po dahil your family is our most trusted ally sa buong Coven and also for serving our family with loyalty "

Pagkatapos ng pag uusap namin ni butler Alfred, naging tahimik na muli yung kotse, nakinig na lang ako ng music para kahit papaano ay malibang ako.

Habang papunta kami sa mansyon ni lolo ay napadaan kami sa Cole Manor, bigla ko nalang naalala yung mga sinabi ni lolo, Vampire ang buong family nina Elly at nalaman din namin na isa silang Royal Vampires na pinoprotektahan ang mga kauri nila na kayang kontrolin ang pagka uhaw sa dugo laban sa mga Vampire Hunters na nakarating na dito sa Refugebrooke.

Mababait naman palang mga Vampires ang pamilya nina Elly at si tita Jenna ang namamalakad sa mga bampirang nasasakupan ng Cole family, himingi sya ng tulong kay lolo dahil napag alaman namin na isang grupo pala ng mga Reaper Vampires ang mga pumapatay ng basta basta at malaking problema ito ng mga normal Vampires dahil nanganganib ang kanilang buhay kung malalaman ng mga taga Refugebrooke ang tungkol sa mga bampira

at ang dahilan kung bakit namin sya tinulungan ay dahil sa oras na madiskubre ang mga bampira dito sa Refugebrooke, maaaring kami namang mga Witche's at Warlocks ang madiskubre dahil maiisip ng mga tao na kung mayroon mga bampira, hindi malayong meron ding mga mangkukulam at ayaw naming maulit ang nangyari sa mga ancestors namin na namatay at sinunog ng buhay noon sa Salem Witch trials.

" Lady Wayne nandito na po tayo, kaylangan na nating sumakay sa carriage "

Pinagbuksan ako ni butler Alfred ng pinto at tinungo ang kalesa sa may tapat ng gate ng Wayne manor, pagkatapos ng meeting na ito tiyak na kasunod noon ang aking training kay lolo sa mga mahihirap na spells.

Nakababa na kami dito sa harapan ng mansyon at agad tinungo ang Grand library, pagkapasok ko doon bumungad saakin ang mga miyembro ng coven at limang council members kasama na si lolo, ako nalang pala ang hinihintay dito nakakahiya naman.

Umupo ako sa may tabi ni mom at for sure sesermonan ako nyan dahil late ako, ayaw kasi nyang may nalalate masyadong time conscious.

" Ano ka ba naman Wanda sa lahat ng pagkakataon ngayon ka pa talaga nalate, napaka importante ng meeting na ito! " pabulong at mataray na pagkakasabi ni mom.

Hindi na lang ako umimik dahil alam kong hahaba pa ang usapan namin, lagi naman kasi syang ganan gusto nya siya lang lagi ang tama.

" Good Afternoon everyone "

"Good afternoon Grand Maester " Grand Maester ang tawag sa isang leader ng coven kaya yan ang tawag ng lahat ng members ng coven.

" Dahil nga na sabi ko na sa inyo ang koneksyon ng mga Cole sa mga Vampires, we have a visitor and she want to propose a deal with us "

Agad nang napuno ng mumunting bulungan sa loob nitong library, I wonder kung sino yung bisita na sinasabi ni lolo.

" You may now come in Ms. Jenna Cole, present yourself " Agad akong napalingon sa pintuan kung saan galing si tita Jenna, dire diretso syang lumakad hanggang makarating sya sa harapan naming mga members.

" Good afternoon everyone, I'am Jenna Cole and the eldest member of the Cole family, I will be straight forward, gusto ko sa inyong makipagtulungan para mapanatili ang pagiging transparent ng ating existence dito sa Refugebrooke, nakapasok na dito sa ating town ang mga Vampire Hunters at ang mga Siphons at pareho nating alam na silang dalawa ang mga mahigpit nating mga kalaban kaya nais kong magtulungan tayo not only for the safety of our people but also for the safety of our town where we find our peace for how many years and I think this is the right time to fight! This is the right time to do what should have be done in the past, and that is not to be coward but to stand up in our own common enemies! "

Namangha ako sa mga sinabi ni tita Jenna, madalas kasi pag nagpupunta kami kina Elly lagi syang Jolly at masayahin at ang sweet pa nya palagi dun sa magkapatid, pero ngayon it's like I'm seeing a very different person, napaka seryoso nya at makikita mo ang determinasyon at superiority na taglay ng isang leader.

" Pero Ms. jenna, matagal nang wala ang mga Siphons at kahit may matira man hindi na nila makakayang lumaban sa amin dahil sa mahina nilang kakayahang mag perform ng mga spell, so sabihin mo saamin kung bakit namin kaylangan makipag tulungan sa isang bampira na katulad mo kung wala namang magiging benefit ang buong Lunar Coven? "

May punto ang isang council member, matagal nang wala ang mga Siphons, sila yung mga magic wielders na may kakayahang humigop ng magic sa iba dahil wala silang permanenteng magic, at para sa aming mga Witche's na nagtataglay ng isang Pure magic paglabag sa law of nature ang paghigop ng magic sa ibang source kaya lahat ng Siphons ay isa isang pinatay ng ibat ibang coven sa buong mundo, sila din ang dahilan kung bakit halos naubos lahat ng Witche's sa Pilipinas.

" At paano kayo nakakasiguro na wala na ang mga Siphons? I have recieved a very crucial information few days ago, one of my scout told me that a certain Dofhnir coven has been found dead, nakita sila sa gitna ng kakahuyan na wala nang buhay at butot balat na ang mga itsura nila, it's like all of their magic has been sucked up "

Pinakita ni tita Jenna yung mga pictures ng mga bangkay, at nangilabot ako sa aking nakita parang lahat ng taong nasa picture ay nagmukang mummy, na tuyo ang buong katawan nila, and I cannot  deny na ganitong ganito ang gawain ng mga Siphons, hindi ako makapaniwala na nakaya nilang pumatay ng isang buong coven at malapit lang dito sa Refugebrooke ang pinangyarihan ng insidente I can't believe this masyado nang naging pabaya ang mga coven of Witche's and Warlocks at hindi man lang namin namalayan na bumalik na pala ang mga Siphons, now they're reborn to continue their bitter vendetta against us.

" Imposible! Paanong magagawa ng mga Siphons na pumatay ng isang buong coven! "

" Matagal ng wala ang mga Siphons, baka mali lang tayo ng hinala "

" Pero paano kung totoo nga ang sinasabi ni Ms. Cole tungkol sa muling pagbalik nila, hindi natin ito maaring ipag sa walang bahala "

Sunod sunod ang mga naging reaksyon ng tatlong council members maliban kina lolo at butler Alfred na tahimik lamang at mukhang alam na iyon ang magiging reaksyon ng tatlo nilang kasamahan.

" Aminin man natin o hindi, alam natin sa ating mga sarili na may mga nakaligtas na ibang Siphons at muli silang nagbabalik sa atin para gumanti, nung oras na sinabi saakin ni Ms. Cole ang impormasyon na iyon ay agad akong nagpadala ako ng ating sariling scouts para makasigurado ngunit kaninang umaga lang may dumating na isang malaking package at ang laman nito ay ang natuyong katawan ng scout na ipinadala ko sa lugar kung saan namatay ang buong miyembro ng Dhofnir coven, masyado tayong nagpabaya at hindi na natin napansin ang mga pagkilos ng ating kalaban "

" Sang ayon ako kay Grand Maester, kaylangan talaga nating makipagtulungan sa mga bampira para sa kapakanan ng ating coven "

Agad namang sumang ayon ang lahat ng council members, at napagkasunduan na magtutulungan ang mga Vampires na nasasakupan ng Cole family at Lunar Coven.

Umalis na lahat ng iba naming kasamahan pero pinaiwan ako dito ni lolo, dahil gusto daw akong makausap ni tita Jenna, nakita ko sya na nakaharap sa may malaking bintana at pinagmamasdan ang labas ng mansyon.

" Tita gusto nyo daw po akong makausap? "

Lumingon sa akin si tita Jenna at saka ngumiti, bumalik na ulit sya sa pagiging jolly nya.

" Ahhh! wanda kanina pa kita gustong kausapin pero alam mo naman dapat seryoso ako sa meeting kanina, namiss kita ang tagal mo nang hindi nakakapunta sa bahay " sabi ni tita habang nakayakap sa akin, hehehe hyper na ulit sya parang bata.

" Nako tita mas namiss ko kayo, sige some time bibisita kami  ulit ni Rebecca, ano nga po pala yung pag uusapan natin? "

" Ah about that, tutal may kasunduan ang coven nyo at ang mga Vampire na nasasakupan ng pamilya namin, gusto ko lang bantayan mo si Eleanor sa bawat oras, alam na nya na isa syang bampira pero nagsasanay palang syang gamitin ang mga abilities nya, may banta na sa buhay naming pamilya kaya please Wanda protect my niece, do it for me "

" Yes tita, I will protect Elly at all cost, for you and specially for my bestfriend "

Continue Reading

You'll Also Like

1M 77.6K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...
200K 5.8K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
2M 69.5K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...