LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Paige

3.1K 112 26
By freespiritdamsel


**

"HELLO ma?"

"ANAK NAMAN! KE AGA AGA BINUBOLABOG MO 'KO!" Nailayo ko ang cellphone ko ng kaunti dahil sa lakas ng boses niya. Nakalimutan ko namang madaling araw ngayon sa kanila.

"Sorry, sorry, I just have to ask you something."

"On the scale of 1-10, gaano ka importante? Umayos ka ng sagot dahil matutuk-tukan kita!"

Kung alam mo lang, Ma. "10." Sagot ko agad. Alam mo na.

Rinig ko pa ang hinga niya ng malalim. "Ano ba yun?"

"Nakita ko ka-kambal ni Prim."

"Naka shabu ka ba?" —Inexpect ko na naman to'ng itanong niya sakin, e. Kahit na all this time, parang siya naman ang naka shabu.

"Alam mo, ako dapat ang nagta-tanong sayo niyan."

"Heh. Geh, tulog na 'ko. Bwisit kang bata ka."

"The fuck, Ma? Seryoso nga ako!"

"Wehhhhhh"

"Ma, I swear. Ka-kambal 'yon ni Prim. Nakausap ko pa nga."

Nanahimik siya ng ilang segundo bago muna magsalita ulit. "Seryoso ka talaga? Hindi ba wala na mang ka-kambal si Prim?"

"That's why I called you. Wala bang sinabi si Tita Pia about it?" Lumilinga-linga ako sa paligid ko. Nasa labas na'ko ng musuem at hindi parin ako nakaka move on sa nakita ko kanina. Parang si Prim na hindi. Parang maniniwala ako na hindi rin.

"Kung alam ko, sasabihin ko sayo para ma-aware ka no."

Napatahimik ako. Hinga-hinga din. Sino pa bang pwede ko'ng tawagan? "Ano daw name niya, Nak? Nakausap mo talaga?"

"Paige, Ma. And yes, nakausap ko talaga."

"Oh. Baka naman tinatago lang yan nina Pia. How are you?"

Anong how are you? Kumusta pakiramdam ko? Ma, muntik na ko'ng mawala sa bait. "Ayos. Ayos lang."

"Alam kong umasa ka ng mga 5minutes."

"Y-yeah."

"Alam naman nating lahat na posible yung may kapatid siya, diba? Kasi nakita talaga natin katawan ni Prim. Kung di mo man siya tinignan nung burol well ako, nak. Kitang-kita ko'ng siya 'yon. Na siya talaga 'yon."

"Yeah. I know, I know." Tumatango-tango ako na para bang nakikita niya 'ko. "If I were there, I will give you a hug." Sabi niya sakin. Napangiti ako. Yes, Mom. "Kasi alam kong hanggang ngayon nasasaktan ka parin. And it's painful to see someone that looks exactly like her."

"I'm already fine, Ma. Thanks."

"Utot mo, Nak."

"Tss, ewan ko sayo." Sumandal ak sa isang poste dito at pinagmamasdan ang mga taong nagsisidaanan dito. "Geh, alis na ko."

"Mag ingat ka diyan, ah. Naku naku, baka naman magta-tanga tanga ka diyan, ha. Sinasabi ko sayo! Pag ikaw na budol-budol! Naku! O kaya makidnap ka diyan, naku talagang bata ka! Wala akong pera pang ransom!"

"Daming sinabi."

"What! I'm just being realistic!"

"Ma, walang budol-budol dito."

"Malay mo nagmigrate na sila! Kaloka ka!"

"Geh na, nakulangan ka pa yata sa tulog."

"I know right."

"Good night."

"Good afternoon."

Pagkapatay ko ng tawag, tinry ko namang tawagan si Vivian.

"Hmm... hello?" And again, nakalimutan ko na namang madaling araw sakanila ngayon.

"Viv?"

"Mavis? What's up?"

"I just want to ask you if may.. may nasabi ba si Prim na ka-kambal niya?"

After a moment of silence, nagsalita na rin siya.

"So you met Paige."

"Uhm, its, uhm, yes. Earlier."

"Sorry di ko nasabi."

Bumaba ang dalawa ko'ng balikat na may dinadalang pag-asa. Na parang meron talagang siya. Na posibleng buhay pala siya. Pero wala. Bestfriend niya na 'to, wala talaga. Wag nalang pilitin pa.

"So totoo nga."

"Yup. Depends on you kung maniniwala ka. But that's the truth. Nakatira siya diyan for years already. With his Lolo actually. Wala kasing kasama Lolo niya kaya sakanilang dalawa ni Prim, siya ang kinuha."

"Why her?"

"Nasabi sakin ni Prim dati na ayaw na ayaw sakanya ng Lolo niya dahil sa ugali niya. And he adores Paige because of her pleasant attitude."

I wonder how painful it is for Prim. Yung pati Lolo niya ayaw sakanya. For sure, masakit rin.

"I see. May pinakita siyang picture nilang dalawa."

"May pinakita ring pic samin si Prim dati. Hindi naman sila gaano ka close."

"Hindi ba? But Paige told me na may naku-kwento si Prim dati."

"Ay di ko na alam. Basta ang alam ko di sila gaano ka close. Hindi masyado."

Oh. "Pasensya na sa abala, Vivian."

"No, ayos lang. Hindi ko naman kasi akalain din na mapupunta kang Netherlands. At sa totoo lang, nawala na sa isip ko. It's been 8 years. Damn that girl." Normal lang yung tono ng boses niya noong nagsasalita siya. Noong sinasabi niya na 'yong it's been 8 years.... dahan-dahan na yung pagsasalita niya at may lungkot ang boses niya.

"I feel you, Vivian."

"Namiss ko na kasi 'yon. Kahit bitchy siya, she's a true friend."

"It's okay, It's okay." Sabi ko ng naririnig ko na ang mga mahihinang hikbi niya. "Sorry, Mav. Naalala ko lang kasi yung mga panahong buhay pa siya. And it's 3am for fuck's sake."

"Kaya dapat matulog ka na. Baka mamaya dalawin ka pa."

"Ikaw sana." Natatawa niyang sabi.

"How I wish, Vivian."

Natulog na siya at ako naman, heto, naglakad-lakad na naman. Trying to take pictures of everything na makita ko. No matter how little or big, how ugly it is for other's eyes or how beautiful that thing gets. Sinusubokan ko'ng bigyan ng kwento ang bawat makita ko. From the lampposts, the streets, the clouds, the houses, the stores. The people passing by. Lahat 'yon. And I'd be lying if I say that I'm not doing this because of the thoughts I have inside of my head.

I put my camera down and stared at the people passing by. At the different persons walking in a busy street of Amsterdam.

Pinagmasdan ko sila.

Yung iba magkahawak-kamay. Yung iba magka-away. Yung iba mag-isa. Yung iba palinga-linga. Yung iba masaya. Yung iba makikita mong may sakit na dinadala.

Magkakaiba lahat. Lahat ng tao dito may iba't-ibang problema at sayang pinagdadaanan.

At eto ako ngayon, nakatayo. Tumatakbong nakatayo mula sa sakit ng nakaraang naranasan ko. Habang nakatingin sa mga taong andito, naaalala ko na naman siya. Nakikita ko na naman siya kahit lagi naman. Sa isip ko nalang lagi. Sa puso ko nalang lagi.

Bakit ganon? Hanggang ngayon, na sayo parin ako. Hawak mo parin ang puso ko? Kailan mo ba bibitawan 'to? Napayuko ako at umiyak. Umiyak na para bang walang taong nakatingin, walang taong dumadaan. Kasi ang alam ko lang? Ang opinyong bibigyan ko ng pansin ay sayo lang.

Inangat ko ang tingin ko sa langit.

Mahal na mahal kita. Sobra. Wala na tayong oras pero hintayin mo ko. Wala ka na dito kaya diyan ay pupunta ako.

Naramdaman ko nalang ang butil na pumapatak sakin.

Uulan.

At noong umulan na, naglakad na ko papunta sa isang coffee shop na may silong. Hindi naman sobrang lakas kaya ayos lang na andito ako sa labas.

Nakatingin lang ako sa ulan na patuloy na bumubuhos habang akoy nakatayo. Habang nagiisip kung kailangan ko pa bang lumayo. Kasi kahit saan ako pumunta? Nakakulong parin ako sayo.

Hanggang sa nakuha ng isang babaeng tumatakbo ang atensyon ko. Tumatakbo siya papunta dito. Papunta kung asan ako.

Paige.

"PUNYETANG BUHAY NAMAN TO OH!"

Hindi nga 'to ang Prim ko. Maingay masyado. Hindi kagaya ng Prim ko na chill lang.

Nakatingin lang ako sakanya habang naka-kunot noo. Siya naman, inis na inaayos ang sarili niya dahil nabasa siya. "Hay sh-t, sh-t, sh-t." Sabi niya pa. "Ughhh!" Tinanggal niya ang pagkatali ng buhok niya. Ginugulo niya ito dahil basa na. Nakatingin lang ako sakanya ng mapansin niyang katabi ko siya at pareho kaming nakasilong dito.

"A-ay..." Sabi niya at nanlaki pa ang mata. "Dito ka rin pala. Ha-ha."

Hindi ako nagsalita at umiwas na ng tingin. Lumakas ang ulan at sabay kaming pumasok sa coffee shop dahil nababasa na kami. Umupo kami sa nagiisang bakanteng lamesa dito na may dalawang upoan. Sakto samin.

Magkaharap kaming dalawa at walang nag-uusap. Nakalagay lang ang dalawa ko'ng kamay sa bulsa ng jacket ko habang siya naman, nakalagay ang dalawang kamay sa mesa at nakatingin sa ibang direksyon. Umorder muna ako ng kape para sakin—at sakanya nalang rin. Inilapag ko 'yon at ngumiti siya't nagpasalamat. Tumango lang ako. Kinuha ko ang cellphone at nagpakabusy nalang.

"Hey"

"Hmm?" Sabi ko sabay angat ng ulo ko para makita siya. Nakatingin na siya sakin. "Naniniwala ka bang ako si Paige?"

Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ko at umayos ng upo para makausap siya. "Konti."

"Konti lang? Nubayan. The picture's not enough?"

"Malay ko ba kung ikaw talaga si Prim and before, before anything else, namatay na si Paige."

"Eh. Okay won't force you to believe me." Tapos ay ngumiti siya ng tipid.

Hindi na'ko nagsalita at noong kukunin ko na naman sana ang cellphone ko ay nagsalita na naman siya. "So tell me about you and my sister."

"Ayoko," Baka maiyak pa ko. Tsaka ayoko. Dahil ayoko lang.

"Geh na please. I knew few things lang. Konti lang. 'Cause we're not that close."

Tsk. "Ayoko nga."

"Puhleaseeee"

"Sabing ayoko."

"Pretty please?"

"Alam mo, ang kulit mo."

Ngumiti siya ng malapad. "I knowwww hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil tumawa pa siya. Kaasar. Kung si Prim talaga gagawa sakin nito hindi ako maaasar. Kahit nga gulo-gulohin niya buhok ko na dati ay ayoko, ayos lang. Kahit pag tripan niya ako lagi, ayos lang. Kahit na pagtawanan niya pa ko! Ayos lang! Kahit na pasayawin niya ko ng careless whisper na God knows na sobrang kahihiyan para sakin ay gagawin ko as long as she's happy. O di kaya pakantahin niya 'ko hanggang sa mamaos ako. Sobrang ayos lang.

Si Prim kasi 'yon.

"I'm sorry." Nabalik ako sa pagtingin sakanya ng magsalita siya. "Sorry kung nakulitan ka. I was just trying to..."

"It's okay."

"I miss my sister."

"I miss her too."

Ngumiti siya ng malungkot, na parang naaawa na nasasaktan din—tulad ko. "When Mom called and told us na she's dead. The only thing that I felt was regret."

"So am I." Sabi ko. Nakatingin siya sa ibang direksyon habang sinasabi 'yon.

"Kasi di man lang kami nagkasama masyado. Wala man lang ako noong kailangan niya ko. It's just so heartbreaking. Tuwing nakikita ko sarili ko sa salamin...." she paused. "Naaalala ko siya at nasasaktan ako."

"I feel the same way. I regret not being there when she needed me the most." I said, stopping my tears from falling.

"Okay... stop na nga. Haha." Sabay tawa niya. "Tama na. Tama na." Tapos pinapaypayan niya ang mata niya habang nakatingin sa taas. Para siyang timang kaya napatawa ako.

"Okay, that's enough." Sabi niya at kumalma na. "Ano pa ngang pangalan mo? Mav?" I was about to say yes ng magsalita siya ulit.

"Mavaho? Mavango? Hahahaha!" Tapos tawang-tawa siya. "Maventa? Ma... Mavuhay? HAHAHAHA!" Pinagtinginan kami ng ibang tao dahil lumakas yung tawa niya. Sinipa ko tuloy sa ilalim ng lamesa. Lakas ng trip. Tawang-tawa. "Ang corny mo." I said while looking at her with disgust.

"Grabe siya oh! Mav... Mavini... Mavongga? What the hell!!!! Hahahahahaha!" Naka-kunot ang noo ko pero natatawa ako sakanya. Oo na mukha na akong engot.

"Yiheee, ta-tawa na 'yan. Hahaha. Mavaho."

"Tsss," sabi ko at umiwas ng tingin. Pero nanatiling nakangiti. Mukhang tanga lang.

"Hahaha, last na 'yon, sarreh."

"Buti naman."

"Pero seriously na nga, Mav?"

"Yes, Mavis." Ngumiti siya. Tapos natawa ulit.

"Hahahaha!"

"Huh?"

Pinilit niyang kumalma at nag straight body pa habang nakalagay ang dalawang kamay sa mesa. "Mavisang gamot." Lumubo ang cheeks niya dahil pinigilan niyang tumawa. Napailing-iling nalang ako habang nakangiti. Baliw.

"I'm so corny." Buti naman inamin niya.
Hindi na 'ko sumagot.

"Let's have dinner together?" Pagaaya niya. Napahinto ako sa sinabi niya. What, is she serious? "Wag kang feeler ah? Haha. My boyfwend ako. It's just that, I want to convince you na she's not me. Hindi naman sa defensive... ayoko lang isipin mong nagpapanggap ako." Inexplain niya sakin ng dahan-dahan. Tapos ay, ngumiti siya.

"Or if you want we can take my boyfriend too? Baka sabihin mo gawa-gawa ko lang, err." And then she rolled her eyes. Naalala ko tuloy si Prim... ko.

"Sure," Di ko lang alam san ko nakuha 'yon. Lumabas nalang bigla sa bibig ko.

"Great! Wait, I'll just call him." Sinenyasan niya akong mag wait at kinuha ang cellphone niya. Ni loudspeaker pa. Talagang kinukumbinsi niya 'ko. Haha

"Hello, Hon?" Nakangiti pa siya habang nagsasalita.

Si Paige 'yan, Mav. Wag kang mainis. Kung si Prim 'yan, doon ka magalit. Doon ka magwala.

Si Paige 'yan.

Si Paige 'yan.

Kalma, tol.

"Hi, Honey. Where are you?" Sagot at tanong ng nasa kabilang linya.

"Andito sa Teaslaz. Let's have dinner with Prim's ex boyfriend."

Ex-boyfriend? Kailangan ko na bang gamitin ang line ni Coco?

"Sure, where?"

"Zasty's?"

"Okay, I'll be there at 6:30."

"Okay, Hon. We'll be there, too."

"Let's talk later ah? On how you met? Haha. I'm still fixing these papers, eh."

"Sure, bye, love you."

"Love you, too, Honey."

Tumingin siya sakin, still smiling. "He's Tristan. Hindi pa kami married. Boyfriend pa lang." Sunod-sunod na sabi niya.

"Talaga? Walang may pake." Sinamaan niya ko ng tingin.

"Ang mean mo, you know."

"Lol"

"Paano ka kaya nagustohan ng kapatid ko, I wonder."

Hindi ako sumagot. Umiwas nalang ako ng tingin. Narinig kong bumulong siya ng 'singit' or sungit? Whatever.

Malapit ng mag 6:30 kaya naman we decided na umalis na. Naglakad lang kami since malapit lang naman daw. Pagdating namin doon, we have to wait for her boyfriend for 10 minutes. Galing daw kasing work. Pero, umorder na kaming dalawa. "Thank you." Sabi niya sa waiter. "Nag-order na 'ko for Tristan." Sabi niya sakin at ngumiti. Tumango lang ako. Nakacross ang arms ko na para ding niyayakap ang sarili ko.

Dumating na si Tristan. Nakipag-shake hands siya sakin. "Tristan, Bro."

"Mav" sabi ko. Hinalikan niya si Paige sa cheeks at tumabi na.

"So...."

**

Hindi parin ako nakaka get over sa drafts kong nawala. Geh

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
116K 3.4K 42
Do really opposites attracts?? Tignan natin sa istoryang ito × Book 2: 'Complicated Love' is already posted × [Warning: Some part of this story is st...
1.6K 139 46
Continuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny rea...
17.3K 953 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...