Lost Academy

Bởi Blabbersalert

13.2M 377K 60.8K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... Xem Thêm

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #15
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #28
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
In the Forest with Rave
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #89
Lost Academy #90
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

Lost Academy #83.1

61.2K 2.2K 449
Bởi Blabbersalert

Chapter 83.1: Sanity Second Half

"Wala. Okay bye." Tumakbo ako papalayo kay Rave para maiwasan na ang comprontasyon. Mahirap na baka isipin non ay baliw ako. Hapo-hapong napahinto ako ng makasigurado akong di na ako matanaw ni Rave. Buti nalang talaga hindi na siya sumunod.

Naglakad na ako sa direksyon patungong South Wing ng mapansing wala na doon ang mga estudyante na dati-rati ay nakikita ko pang pakalat kalat dito sa mga oras na ganito. "Hapon na ah." nagtataka man ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom ko. Titingnan ko muna kung naroon pa ba siila Kayle ngunit sa pagsilip ko wala ni isang tao ang naroroon. O-okay, ang weird. Saan kaya sila ngayon?

"Oh Asper." sabi ng boses mula sa likuran ko.

"Nikki." tawag ko sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo dito? Di ka ba magte-train?" tanong niya.

"Train for what?" takang tanong ko sa kanya.

"Duh. Malapit na ang show off, busy ang lahat para doon." sabi niya.

"Binago ang schedule ng training?" takang tanong ko. She then looked at me like I have grown two heads.

"Ikaw nga ang nagmungkahi non diba? Lumapit ka kay Sir Laurence para mas pahabain pa ang oras ng training natin. Ano bang nakain mo?" tanong niya. Napatanga naman ako.

"I did?" wala sa sariling tanong ko. Nangunot naman ngayon ang noo niya.

"Seryoso Asper. Anong nangyari sa'yo ngayong araw? Nagiging makakalimutin ka na ata." natatawang sabi niya. "Tara, hinihintay na yata tayo nila." aya pa niya. Nagpadala nalang din ako ng hilahin niya ang kamay ko patungo sa isang training hall. Nagtaka naman ako ng lagpasan namin yung unang training hall.

"Bakit tayo lumagpas?" tanong ko.

"Talaga Asper?" Di makapaniwalang sabi niya. "Nakalimutan mo na ang nangyari dyan?" sabi niya. "Di na maitsura ang lugar na yan, hinihintay pa ang utos ng Headmaster para ayusin yan." Bigla namang pumasok sa isip ko ang isang alaala. Si Feur, inatake ako ni Feur kagabi and then...

"Si Clynn, si Rave pati si Razor, si Krema at yung isa pang babae. Si Keis at...at..." natatarantang sabi ko habang nakatingin ako kay Nikki. "Kagabi Nikki may nangyari!"

"H-hey. Wag mo kong pagtripan ng ganyan." Naguguluhang sabi niya. "Magkakasama tayo kagabi nila Kayle. may sakit ka ba?" sabay lagay niya ng isang kamay nya sa noo ko. Nagpalingo-lingo naman ako.

"Hindi...hindi. May nangyari talagang masama kagabi ina-" pinutol naman niya ang sasabihin ko.

"Seriously Asper. Baka kailangan mo ng magpahinga, kagabi magkakakasama tayo buong magdamag. Walang anumang nangyari, nakabantay don si Clynn pati si Keisler, ewan ko nga ba sa dalawang yun. Ayaw magsabi kung anong meron pati si Krema nilalabag na rin ang rules ng dorm natin. Mga isang linggo na silang ganon walang imik pero laging umaaligid kung di man sila yung gwapong boyfriend mo naman ang nandiyan.... blah blah.." hindi ko na maintindihan pa ang sinabi niya sa huli dahil mas nakakuha ng atensyon ko yung sinabi niyang buong gabi kaming magkakakasama at laging nakabantay sila Clynn at Keisler. Ano bang nangyayari? At teka nga sinong gwapong boyfriend ko daw?

"Nikki, ilang araw na nga lang ba bago ang show off?" tanong ko.

"Two days to go kaya nga puspusan ang pagte-training nila eh. Kaya tara na nga." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. April fools ba ngayon? Pinagtitripan nga ata ako ng mga tao ngayon. Hindi ko na namalayan na hinila na pala ako ni Nikki papasok sa ikalawang training hall. Wala ako sa sariling napatingin sa paligid. Puspusan nga ang pagsasanay nila. Ano bang nangyayari sa mundo?!

"Asper!" tawag atensyon ni Ashely sa akin. "San ka ba galing? Don't tell me nakipagkita ka kay Ley!" sabi niya na nagti-twinkle pa ang mga mata. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ah." I lied.

"Wag mo kong lokohin. Kung wala ka dito sigurado kasama mo sya. Ha!" sabi niya na animo'y genius na sya.

"Hindi nga." I lied again.

"Ashley, pabayaan mo na nga si Asper." sabi ni Kayle na huminto na pala sa pagpapalaho ng mga bagay bagay.

"Hindi kasi marunong magsinungaling eh." reklamo ni Ashley. Napatawa naman si Nikki.

"Saan ka galing Asper?" tanong ng isang malamig na boses sa di kalayuan. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

"Dyan lang." sagot ko kay Clynn. Mukhang mas nagiging seryoso na ang isang to ah.

"Sa susunod magsabi ka sa kahit isa man saamin kung saan ako pupunta." sabi niya. Nagsalubong naman agad ang kilay ko.

"At bakit ko naman gagawin yun?" mataray na sabi ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin na salubong din ang kilay.

"Matutong kang makining kung ayaw mong mapahamak!" bulyaw niya. Natigilan naman kami sa sinabi niya. Ngayon lang kasi namin narinig na sumigaw ng ganoon si Clynn. Anong nangyari sa kanya? Dahil ba ito sa nangyari sa pagitan nila ni Razor? Sa pagkakaalala ko nagtago sya sa yelo niya ng panahong iyon. Wala syang ginawa kundi pabayaan akong masakal ng kadena ni Razor.

"Sino ka ba para pakinggan ko?" balik singhal ko sa kanya.

"Isang taong alam kung ano ang pinasok mo!" sabi niya sabay lumabas sa training hall. Halos malaglag naman ang panga ko sa turan niya.

"What was that?!" Di makapaniwalang tanong ko. Umiiling naman sila sa sinabi ko na para bang may alam silang hindi ko alam.

"Hala lagot ka." sabi ni Nikki saka iniwan na ako at nagtungo sa pwesto niya para magtraining.

"Asper talaga." umiiling na sabi ni Kayle at pati sya ay tinalikuran din ako.

"Tsk tsk tsk. Patay tayo dyan ginalit mo ang yelo." palatak ni Ashley.

"What?" di makapaniwalang sabi ko.

"Okay lang yan." sabi naman ni Ella. Ngunit ang hindi ko pinakaaasahan ay nang lumapit sa akin si Krema at sinenyasan niya akong lumabas. Hindi ko man alam kung ano ang gusto niyang sabihin ay sumunod nalang din ako sa kanya. Paglabas naman namin ay wala na doon si Clynn.

"Asper." panimula niya ng medyo makadistansya na kami mula sa loob.

"Bakit?" takang tanong ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang tensyon sa paligid.

"Nakita kitang nawala." seryosong sabi niya. "Nung gabing inatake ka ni Feur nakita ko kung pano ka nasunog at naglaho kayong dalawa ni Hollows." Nangunot naman ang noo ko. Wala akong naaalalang ganon ang naalala ko lang ay sinakal ako ni Razor sumunod non ay wala na akong maalala. Natrauma siguro ako sa nangyari.

"Wala akong pagkakataon na tanungin ka nito pero nung makita ka naming mahimbing na natutulog sa dorm mo ng sumunod na araw na wala man lang kahit anong galos sa katawan ay naguluhan kami. Hindi namin alam kung pano nangyari iyon. Pano nga ba? Have you been lying to me? May ability ka ba talaga Asper o wala?" tanong niya. Natutulog sa dorm ko ng sumunod na araw? What the hell is going on? Kagabi lang yun nangyari! Kagabi lang ako inatake ni Feur and for the record nagising nalang din ako sa lawa kasama ni Ley at yun lang ang tanging naaalala ko ngayong araw na ito.

"What are you saying?" takang tanong ko sa kanya.

"Asper. We saw you die in that flames. Sinunog ka ng nilalang na pinakawalan ko pati na rin si Hollows. Bigla kayong naglaho and the next thing we know, natutulog ka lang pala sa dorm. This is confusing. Asper anong nangyayari sa'yo?" tanong niya. Nilalang na pinakawalan niya? I'm not getting any of this. "Nag-usap kami nila Clynn and Keisler to keep this from you but I can't. Who would expect me to keep my mouth shut from this? Wala. My bibig ako kaya sa tingin ko dapat mong malaman 'to. I am not fond with those secret bullshit. I have had enough of those. Isa pa, iniipit din ako ng Council dito, anong akala nila sa akin... blah...blah.." sermon niya. Minsan naiisip ko na pareha talaga sila ni Nikki. Natigilan ako ng may magsink in sa akin sa sinabi niya.

"You what?! Anong kinalaman mo sa Council?!" gulat na tanong ko. Natigilan naman sya.

"Oh shit! Nasobrahan ata ako." alanganing sabi niya na ngayo'y nagkakamot na ng ulo. "Aiiiiiiiish. Arg!" frustrated na sabi niya. "Bibig mo Krema!" singhal niya sa sarili niya sabay harap sa akin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Okay okay. Sorry! Inutusan lang ako na gumawa ng assignment sa lower class." explain niya.

"I'm betting na yang assignment na sinasabi mo ay walang kinalaman sa pagsagot sa libro o papel, Anong ginagawa mo dito sa lower class Presto?!" singhal ko sa kanya habang unti unting umaatras. Baka pinapasundan ako ng Council sa kanya. A pang of pain hit me, I felt betrayed.

"No. Hey! I'm sorry di ko sinasadya, nagtataka din ako sa nangyayari dito but believe wala kang kinalaman sa assignment na binigay sa akin." paninigurado niya. "That asshole Jared, made me do this." mahinang sabi niya na narinig ko naman. Nagpanting naman ang tenga ko.

"Kilala mo si Jared?" tanong ko.

"Oo- Wait. Kilala mo sya?" gulat din nyang sabi. Napatango-tango naman ako sa sinabi niya

"Kung ganon kilala mo rin si Theron?" tanong ko.

"Pano mo sila nakilala? Parte ka ba ng Council? Tell me, anong kinalaman mo dito?" sunod sunod na tanong niya.

"Nakilala ko lang sila." sabi ko.

"That bastards." sabi niya pa.

"Alam mo ang Forbidden zone? Si Euria?" sunod sunod ko ring tanong.

"Sino?" takang tanong.

"Wala." agad kong bawi mahirap na. "Wala ka ba talagang gagawin sa akin?" tanong ko. Baka katulad sya ni Feur.

"God Asper, No. Never. Wala akong balak sa'yo, I'm came here clean." depensa niya. "Ikaw? Anong ginawa mo sa Council para pag-initan ka?" Maybe the Council have their limits. Nakahinga ako ng maluwag at napatikom naman ako sa bibig ko. I couldn't say anything. He won't understand.

"Hindi ko alam." tanggi ko nalamang. "A-ano nga pala yung itatanong mo?" pag-iiba ko.

"That. Better if you see for yourself." saka niya ako hinila patungong katabing training hall. He then pushed the huge door aside. Nagulat ako sa bumungad sa akin.

"It's a wreck Asper. Lahat ng nakikita mo dito ay resulta ng nangyari nung isang linggo." I whipped my head in his direction. Hindi ako makapaniwala. Pinto na nga lang ata ang matino sa nakikita ko. Ang dating malaking bintana ay nawala pati ang dingding nito. Bakit hindi pa nila inanaayos 'to? Last week ba kamo? Impossible.

"Sabi ng headmaster nung gabing yun. Hindi pwede galawin ang kung ano mang nasira bilang bahagi ng imbestigasyon." sabi niya as if he had read my mind. "One week had passed Asper. Under probation ngayon si Clynn dahil sa ginawa niya matapos kayong mawala. He almost suck the life out of Razor and Feur that night." pagpapatuloy niya pa.

"We saw you die Asper. I don't understand how the hell did you wake up the next morning as if none of it happened." What the hell is he talking? I died? Bigla nalang akong nangilabot sa nalaman. Unti-unti naman akong napaatras.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Krema. Hindi ko alam. Wala ako maalalang ganyan kagabi-" hindi natuloy ang sasabihin ko ng sumingit sya.

"Kagabi? Anong kagabi? That was freaking last week Asper. Last week!" sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"You're joking." di makapaniwalang sabi ko.

"Do you think I am?" seryosong sabi niya. I never saw Presto acted this way before. "There's no way a person without special ability can't die after turning into ashes Asper. What are you?"

"Baka may trick sa nangyari." depensa ko.

"Akala ko rin, nagteleport kayo ni Rave. I thought na baka may kung anong nagligtas sa inyo. But that was a living fire Asper. It is clear na nasunog kayo. Nawala man kayo sa isang iglap but here..." sabay turo niya sa isang pwesto roon na may abo. "I am sure you both burned your life out here." sabi niya.

"Presto, Sorry pero hindi ako naniniwala." pilit kong pagtanggi. Mataman naman niya akong tinitigan.

"Asper. There's something in you that I cannot figure out." saad niya. I was taken a back by that. "Alam mo kung anong ibig sabihin nito? Mag-ingat ka Asper, mukhang hindi maganda itong napasok mo. It is bad, very bad." Who would've thought the ever easy-go-lucky and out-going Presto Estrella would say such thing.

"I'm sorry." saka ako tumakbo papalabas ng training hall. Nakasalubong ko pa si Clynn.

"Rij." tawag niya pero hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa pagtakbo. Kung may tao mang makakaintindi sa akin ngayon ay si Rave na 'yon. Baka alam niya ang nangyayari.

Mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon ng North Wing. Alam ko kung saan sya makikita. I have been there once with his friends. Sa kwarto ng fatal error. Nang makarating na ako sa may kanto ng North wing, agad akong napahinto only to find Rave having a staring contest with a... dog? At sisipain niya ito!

[LEY/RAVE]

This is weird. Everything else is weird.

"Ley. How many times do we have to tell you na dalawang araw na nga lang yung show off ng lower class and special class? Nagbabalak nga kaming pumunta doon eh." sabi ni Azure na ngayo'y kandong kandong niya yung pink na pusa.

"Nandadamay ka pa eh." sabat naman ni Arzen. Azure then rolled her eyes heavenwards.

"Naplano na natin 'to diba?" pagtataray ni Azure.

"So? Ayoko ng gulo ah." sabi ni Arzen.

"Fine. Maiwan ka kami nalang ni Zap ang sasama."

"Oi, wala akong sinabi sabi ko ayoko ng gulo." bawi ni Arzen.

"Guys stop okay?" awat ni Zap. "Ley, why are you so adamant about it?" This is ridiculous. Pano nangyari yun? Natulog akong isang linggo pa ang natitira, nagising ako na dalawang araw nalang pala bago ang show off nila? Ano yun?!

"Is this a prank?" tanong ko.

"Ho-hoy! Kailan ka pa namin niloko? Baka nga hindi na ako nakakaupo dito ngayon." sabi ni Arzen.

"What is wrong with you Ley? Nilalagnat ka ba?" tanong ni Azure.

"Napalitan mo na ba ang kalendaryo mo sa kwarto mo?" sabi naman ni Zap. Pinukulan ko nalang sila ng masamang tingin pero nagsitawanan pa rin sila.

"This is new. Hindi mo na ba namamalayan ang araw kakasunod mo sa bearer mo?" nangunot naman ang noo ko sa turan ni Azure. "Yes, Ley we knew. How you spend every waking hours looking out for your bearer." pang-iinis niya pa. The hell.

"Iba pala talaga ang tama mo Hollows!" gatong ni Arzen.

"Shut up." inis kong sabi. Naghagikgikan naman sila.

"Lalo pan ngayon, lately parang nakabuntot ka na ah. Kung dati nasa malayo ka lang ngayon umasenso ka na pare, nasa tabi ka na niya lagi!" saka humagalpak ng tawa si Arzen. Napakunot ang noo ko sa narinig. Lagi akong nasa tabi ni Asper? WTF.

"Ano na nga palang nangyari sa inyo?" nakangising tanong ni Zap.

"Since when did I start getting close to Asper?" tanong ko.

"Ikaw ah." sabi ni Arzen, siniko naman siya ni Azure.

"Since a week ago? I think." sagot naman ni Zap.

"What happened Ley? You decided to man up?" nakangising sabi ni Arzen. "What?" reklamo niya ng muli syang sikuhin ni Azure.

"Boys." bulong nito bago ako binalingan. "May balita ka na ba kay Razor?" tanong niya. Agad naman nagsalubong ang kilay ko sa tinanong niya. That bastard, kamuntik ko ng makalimutan ang ginawa niya. He almost killed Asper.

"Nag-away nanaman ba kayo?" tanong ni Zap.

"No, it's more than that." sabi ko.

"Bakit? Ano ba ang issue niyo ngayon?" tanong ni Azure.

"I'll kill him." matigas na saad ko saka ako tumayo at aalis na sana ng mmabilis pumagitna si Arzen sa amin ng pintuan.

"Whoa woh. Chill man." pigil niya. "Chill."

"Ano ba kasing nangyari sa inyo? I heard simula nung aksidente sa lower class nagkaganyan na kayo." sabi ni Zap.

"That bastard has to pay." sabi ko nalang.

"Why?" tanong ni Azure. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Aba Hollows, wag mo kong madaan daan sa ganyan kasi hindi yan uubra. Ngayon, sasabihin mo ba sa amin o kami pa ang hahanap ng paraan para malaman namin ang nangyari?" banta niya. Tsk.

"Girls." mahinang bulong ko. Almost remind me of someone.

"Ano?" giit niya.

"He almost killed Asper." sabi ko. Napasinghap naman siya sa tinuran ko.

"Seryoso?" tanong ni Arzen. Tiningnan ko naman sya ng 'are-you-kidding-me?' look. "Okay okay but man, hindi ka na mabubuhay niyan kapag nagkataong nadale niya si Asper."

"Sa tingin mo hindi ko alam?" sarkastikong sabi ko.

"Buti nalang hindi ako pikonin kundi matagal na kitang nabigwasan pare." natatawang sabi ni Arzen. Napailing naman ang dalawa.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Zap.

"Pupuntahan ko sya at papatayin. Simple." sabi ko.

"Hindi mo yan magagawa and besides alam kong matalino ka." sabi ni Zap.

"It is not your thing Ley." sabi ni Azure.

"Alalahanin mo yung nasa taas. That's suicide." sabi naman ni Arzen. I mentally snorted. I can't go against the Coucil. Not yet.

"I know. " I then shoved Arzen aside nang makalabas na ako ay agad na may sumalubong sa aking maliit na nilalang, isang aso? Sinong nagpakawala ng alaga nilang aso dito? Mabalahibo sya at kulay puti, may pagkaorange ang kanto ng katawan nito at may halong gray ang ibang parte ng mukha niya. Kakaiba but who cares.

Lalagpasan ko sana ang aso kaso hinarangan niya ang direksyon ko, nang iiwas ako ay doon naman sya pumunta sa bagong direksyon na tatahakin ko sana.

"Anong problema mo?!" inis na tanong ko. Tinahulan niya lang ako at nagpaikot ikot na para bang hinahabol niya ang buntot niya. Walanghiya naman oh!

"Ano ba?!" iritadong sabi ko.

"Arf! Arf!" tahol nito at nagkipagtitigan sa akin gamit ang bilog at malalaki nitong mga mata. Ganon ah! Di mo ko madadaan dyan! Sisipain ko na sana sya ng may sumigaw.

"Rave! Animal abuse yan!" sigaw ng bagong dating. WTF

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad ng makatakbo na sya malapit sa amin. Sinamaan niya lang ako ng tingin sabay pulot sa aso.

"Hindi ka ba naaawa sa aso? Ang cute pa naman niya." sabi niya at inaalo alo na parang baby ang aso. I snorted.

"Magsama kayo." sabi ko at akmang tatalikod na sana ng tinawag niya ako.

"T-teka sandali lang." pigil niya. Napahinto naman ako, karga niya pa rin yung aso. Seriously? Tsk.

"Ano?" iritadong tanong ko.

"M-may dapat tayong pag-usapan." sabi niya.

"Tungkol saan?" sumeryoso naman ang mukha niya.

[ASPER]

"Rave. May kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung ano pero parang pinaglalaruan tayo. Two days nalang show off na, ang alam ko talaga may isang linggo pa ako. Hindi ko na alam ang nangyayari." sabi ko. "May kalendaryo ka ba?"

"No need. Nacheck ko na kanina at mukhang may nangyayari nga na hindi natin alam." sabi niya. Bigla nalang din akong may naalala. Ang alam ko natanong ko na 'to dati eh sa isang teacher.

"Rave, may isang tao ba na nakakamanipula ng oras?" bigla kong tanong. Agad naman napabaling ang ulo niya sa direksyon ko.

"Bakit mo naitanong?" tanong niya.

"W-wala. May pakiramdam lang ako na mahalaga ito." sabi ko. Tinitigan naman niya ako nga matiim.

"No. Kung ano man yang iniisip mo, you can't meet this person." sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"So meron nga. Kilala mo nga." sabi ko. Hindi naman niya ako sinagot.

"No Asper, I can't let you." sabi niya.

"Bakit? Ano bang meron? Baka makatulong sya sa atin." sabi ko pa.

"Hindi pwede." pagtanggi niya pa rin.

"Rave." tawag ko sa pangalan niya.

"I said no!" giit niya pa.

"Bakit ba?!" singhal ko.

"Masasaktan ka lang!" singhal niya rin pabalik sa akin. Natigilan naman ako.

"May alam ka bang hindi ko nalalaman?" tanong ko. Bigla naman akong kinabahan dahil sa pananahimik niya. "Rave, Ano? May dapat ba akong malaman?" pag-uulit ko.

"Ley, I think she needs to know." sabi ni Zap na nasa likuran niya na ngayon pati sila Azure at Arzen.

"Ano? Sabihin niyo sa akin." sabi ko na kinakabahan pa rin. "Ano na?"

"Ley-" naputol naman ang sasabihin ni Azure.

"No Azure. Ayoko." sabi ni Rave. "Kasi-" naputol naman ngayon ang sasabihin ni Rave ng manlaki ang mga mata niyang tumingin sa likuran ko ganon din sila Zap, Arzen at Azure ay napasinghap din.

"Oh shit./My God./What the-" samu't sari nilang reaksyon. Si Rave lang ang bukod tanging nanahimik.

"Bakit?" tanong ko agad at agad akong lumingon.

"kasi ako mismo ang magsasabi sa iyo." Maging ako man ay nagulat sa nakita. Para akong nabuhusan ng isang timba ng malamig na tubig ng makilala ko ang bagong dating. "Asper." tawag niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" di makapaniwalang tanong ko. "Kuya." mahina kong tawag sa kanya. Hell, this isn't happening!  

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
69.3K 3.1K 14
My name is Carmela Castro. I am an Elemental. At gaya ng mga kauri ko ay kailangan kong magaral sa isang pribado at hindi ordinaryong paaralan. Kung...
315K 20.4K 52
Nevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022
14.5K 1.6K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...