Sa halip na sagutin ni Jenna si Caleb, ay tanong din ang ibinato niya dito. "Anong nangyari sayo?"
"I'm asking you, what are you doing here?"
Sumalakay ang kirot sa puso ni Jenna pero hindi siya nagpahalata. " Gusto lang kitang kumustahin, mahigit isang linggo ka ng hindi nagpaparamdam. Kapag tini-text o tinatawagan kita, hindi ka naman sumasagot."
Ibinalik ni Caleb ang atensiyon sa mga papales sa harap nito. "I'm okay, busy lang ako." Malamig parin na sagot nito.
"I see, kaya pala ni tawag wala?" Hindi mapigilang maging mapanuya ang tono ni Jenna.
Caleb's forehead knotted, "pati ba naman pagtawag sayo parte ng obligasyon ko?"
May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ni Jenna sa narinig mula kay Caleb.
Noong huli silang nagkita ay may dala pa itong bulalaklak at may manliligaw pa itong nalalaman.
Mapait na natawa si Jenna, "I'm sorry kung ganun ang labas ng sinabi ko sayo, nag-aalala lang ako." Hindi niya napigilang magtaas ng boses. "D*mn Caleb ano bang nagyayari? Naguguluhan ako sa inaasta mo!"
"I'm confused too," mahinang pahayag nito.
"Confused? Saan?" Naguguluhang tanong ni Jenna. Hindi lang masakit sa ulo, pati sa puso.
Caleb didn't utter any words.
Mariing napakuyom ng kamao si Jenna, "Tang*na,Caleb, pinaglalaruan mo ba ako? The last time I saw you, sabi mo manliligaw ka! And now you're acting cold, tell me what is happening?"
"Do you kill?" Mahina ngunit mariin na tanong ni Caleb.
Nanlaki ang mga matang napatingin si Jenna sa lalake.
"Gaano kapanganib ang ng pamilya niyo??
Hindi agad nakakibo si Jenna. So that was it? Kaya ito nagkakaganun dahil nalaman nito ang trabahong mayroon sila?
"D*mn, Jenna, I need to know!" Para siyang nabingi sa lakas ng boses ni Caleb. "Answer me!"
Matalim ang matang tinignan ni Jenna si Caleb, "Yes, I kill," pinigil ni Jenna ang luhang nais tumulo sa mga mata niya. She smiled bitterly, "Gaano ka delikado? Kinukuha ang serbisyo namin para protektahan ang matataas na tao. Nagiging espiya kami ng gobyerno sa mga sindikato. Bawat misyong pinapasok namin hindi namin alam kung makakalabas pa kami ng buhay. What else do you want to know mayor?"
Namayani ang katahimikan sa opisina ni Caleb dahil sa ilang segundong nanatili itong tahimik. Tila nag-iisip, tinitimbang kung anong sasabihin.
"I don't know how will I deal with a woman like you, Jenna. I love you, but hearing those words? I'm not sure anymore. Give me time to sort my feelings."
Bawat katagang sinasambit ni Caleb ay tila patalim na tumatarak sa kanyang dibdib.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinatatag ang sarili. "No need mayor, tanggap ko na hanggang dito nalang."
Kinagat ni Jenna ang kanyang labi para pigilan ang paggaralgal ng boses. Tumalikod siya at inihakbang ang mga paa palayo dito.
Halos pangapusan siya ng hininga ng makarating sa kanyang sasakyan. Kinagat niya ang kamay para pigilin ang malakas na hagulgol na nais kumuwala sa kanyang mga bibig. Kasabay ng nanlalabong paningin dahil sa sunod-sunod na patak ng kanyang luha ay ang malabong pag-asang mahalin siya ni Caleb dahil sa trabahong mayroon sila.
***
Nataranta si Karl at manong Randy sa labas dahil sa pagkabasag ng gamit sa loob ng opisina ng alkalde.
Pagpasok nila ay naabutan nila itong parang basang sisiw na nakaupo sa gilid habang dumudugo ang kamay nito. Wala silang lakas ng loob para tanungin kung anong nangyari dito.
Hindi alintana ni Caleb ang dugong umaagos sa kanyang kamay. He let pride and fear rule over him again. What now? Jenna is gone.
"Caleb ang tanga mo, go, run after her!"
Kaya ba niyang mawala si Jenna?
Hindi pa niya nasasagot ang sariling katanungan ay tumakbo palabas na siya office niya at hinabol si Jenna.
Hindi niya inalintana ang nagtatakang tingin ng mga empleyado sa kanya.
Caleb eyes roamed around the parking lot. Nagkaroon siya ng pag-asa ng makitang hindi pa nakakaalis ang sasakyan nito.
Tumakbo siya palapit sa sasakyan ni Jenna at kinalampag ang bintana ng sasakyan ng dalaga. "Jenna, open the door please!"
Nagitla si Jenna dahil may kumalampag sa kanyang bintana.
"Jenna please, I need to talk to you!" Sigaw ni Caleb sa labas.
Pinunasan ni Jenna ang kanyang mga luha. "Enough Caleb, ayoko na! Durog na durog na ako!" Ganting sigaw niy dito, she started her engine.
Papaandarin na sana niya ito ng mapansin ang maliit na pulang ilaw sa noo nito. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na binuksan ang kanyang pinto umibis. Inipon niya lahat ng kalmang nanatitira sa kanyang katinuan at hindi nagpahalata. Humarang siya sa binata.
"Fine, pumasok sa ka sa loob."
Ng hindi kumilos is Caleb ay hinila niya ito at mabilis na itinulak papasok sa passenger seat. Umikot siya patungong driver's seat at agad na pinaandar ang sasakyan.
"Jenna I'm----"
Napamura si Jenna ng mapansin ang mga balang dumadaplis sa kanyang sasakyan. Hiniwakan niya ang ulo ni Caleb at itinulak payuko habang kinakabig ang sasakyan.
"F*ck, anong nangyayari?" Gulat na usal ni Caleb.
"Hindi mo ba nakikita? Binabaril tayo." Mahinanong hayag ni Jenna habang mahigpit ang hawak sa manibela. Inapakan niya ang silinyador.
"Ano? Bakit?"
"Malalaman natin mamaya. Tawagan mo si manong Randy, sabihin mo you're with me" Kung kanina ay umiiyak siya dahil sa mayor na to, ngayon naman ay napuno ng takot ang kanyang puso para sa kaligtasan nito.
Bakit ba hindi ko nalang siya hinayaang ma-head shot? Tutal lagi naman niya akong sinasaktan.
Bw*sit kasing puso, hindi matiis ang mayor na to.
She opened her phone and turned on her tracker at ay iki-nonnect niya sa emergency call para marinig ng kapatid ang mga pinsan.
"Guys, someone is after my car." Napatingin siya sa kanyang kanyang side mirror. "And it's raining bullets!" Buti nalang at bullet proof ang kanyang sasakyan.
"Storm," Boses ng kanyang kuya Quen. "Got your location, I'm coming."
"Jena are you okay? I'm sorry I can't be there, ayaw akong payagan ni Dwayne." Halata ang inis sa boses ni Ap.
"Sweetheart, you're pregnant, ako nalang ang pupunta." Sabat ni Dwayne.
"Sis, I'm heading to your location." Thor.
"I'm 2 kilometers away behind the car na humahabol sa inyo. According to my GPS there is an intersection 3 kilometers ahead. Let's meet there, at turuan natin ng leksyon ang mga gunggong na yan!" Zeus
They all agreed.
Tahimik namang nakikinig sa kanilang usapan si Caleb. Hindi mabasa ni Jenna, kung anong iniisip nito.
Napatili siya sa gulat ng bigla silang banggain ng sasakyang humahabol sa kanila. Napataas ang kanyang kilay. "Woah, mabilis din ang mga gungong!"
"Okay ka lang?" Tanong ni Jenna kay Caleb ng mabawi niya ang kontrol manibela.
Nanlalaki ang matang nakatingin lang sa kanya ang alkalde. Maybe he was shocked.
Babanggain sana ulit sila, Mabuti nalang at maagap niyang naiiwas. Napatingin siya sa tracker, malapit na sa lokasyon niya ang mga pulang bilog. Ibig sabihin ay parating na ang kanyang kuya, mga pinsang si Quen at Zeus maging nag bayaw niyang si Dwayne.
Napangisi si Jenna, oras na para magpasikat sa sasakyang humahabol sa kanila.
Nagpreno siya ng kaunti para makatapat sa humahabol sa kanila. Kinabig niya ang manibela at binangga din ito.
Hindi napaghandaan ng driver kaya nawalan ito ng control at sumadsad ito sa gilid.
Inihinto ni Jenna ang kanyang sasakyan at kinuha sa compartment ang baril.
"Stay here," sabi niya kay Caleb.
Binuksan niya ang driver's seat, lalabas na sana siya ng pigilan siya ni Caleb sa mga braso. Umiling ito, he was telling her, not to go out.
Malungkot na ngumiti si Jenna at marahang tinapik ang kamay ni Caleb sa braso niya. "This is my job, I can kill, kaya kong pumatay para protektahan ang mga taong mahal ko. Stay here, hindi ako papayag na masaktan ka nila." Hinawakan niya ang pisngi ni Caleb at hinaplos. "Now you know what I'm capable of." Lumayo siya kay Caleb para isara ang kanyang sasakyan.
"Mananagot ang mga taong gustong manakit kay Caleb." Ikinasa niya ang baril at humakbak palapit sa sasakyang nakasadsad.