The Pristine

De thesuchness

2.6M 56.7K 8.1K

. Mais

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Dalawampu't Walo

34.6K 665 58
De thesuchness

Madalas ang pagpunta ni Ram sa aking apartment. Lalo na tuwing gabi. Ayaw kong isipin niyang trabaho na niyang review-hin ako ngunit hindi ko mapigilang hindi tumalon sa tuwa kapag naririnig ko na ang busina ng kaniyang kotse sa harapan ng aking gate.

Natigil ang lahat na 'yon nang pumatak na ang petsa para sa aking remedial.


"Mukhang madali yata ang pa-exam ko, Miss Cajucom," bati sa akin ni Mr. De Guzman.

"Naku, hindi po..." Ngumisi ako sa makakapal nitong reading glasses.

Alam na alam ko ang aking sinasagot. Sure akong ipapasa ko na ito sa matataas na marka. Gustong-gusto ko ang pala-isipang ibabalita ko kay Ram na mataas nga ang magiging score ko dahil iyon ang mga pinagpuyatan namin.


Huwag ko na lang kayang ipasa ulit para may remedial ulit ako, nang sagayon, rereview-hin ulit ako ni Ram! 

Napahinto ako sa pagsusulat Gusto kong sapakin ang sarili. Saan naman nanggaling iyon?


Pagkatapos ko sa exams ay dumiretso na ako kung nasaan sila Jaime. Hawak niya ang tickets ng buong block para sa sem ender party.

"Ito ang iyo, Chrissy. Bakit nga ba dalawa 'yan?" Si Lucy ang nag-abot ng dalawang ticket sa akin. Maliit lamang na parisukat iyon.

"Bakit ba?" Napakamot ako sa ulo. Hindi ko rin alam kung bakit dalawa.

"Wala lang naman. Mamaya, thirdwheel nanaman ako," punong-puno ng kyuryusidad ang boses ni Lucy. "Si Jerard 'yan, ano?"

"Hindi," kunot-noo kong iling.

"Ha? E, panay ang text sa akin ni Jerard kung kamusta ka na raw. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi kayo magkasama," aniya.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Mas pinaliwanag pa ni Lucy ang set up nila ni Jerard. Hinahabol pa rin ako noong tao kaya ganoon na rin lang ang assumptions ni Lucy.


Nasabuyan ako ng asido roon. Gano'n yata kalaki ang posibilidad sa'min ni Jerard na magbalikan muli. Pero, tinatapos ko na, pinuputol ko pa. At hindi ako nag-iisa sa proseso. Mayroong nagtutulak sa akin upang mas kalimutan ko pa si Jerard.


Nagtungo ako sa kay Jaime para iwasan si Lucy. Nilabas nito kaagad ang Mac Book ng buong ingat.

"Kita mo? Okay na! Galing ni Bonnie," aniya at walang palyang nag-on ito.


Mabilis akong nagpasalamat. Bago pa man magbago ang isip ko ay pikit-mata kong inabot ang halos sampung libo na pikit-mata ko ring kinuha sa aking mga cards. Wala na akong choice. Ibabalik ko rin iyon kapag maluwag na ako, iyon ang pangako sa sarili.

Mabilis akong nakauwi sa apartment. Ingat na ingat ako sa laptop na nakalagay sa bag. Gusto kong ibigay na ito kay Ram ngunit mamayang gabi na lang. Baka kung ano pa ang isipin noon.


Hindi ko maiwasang isiping hinahabol pa rin ako ni Jerard. Ganoon naman iyon kahit dati pa. Wala siya sa harap ko, wala siya sa tabi ko. Nasa likod ko siya. Naghihintay lang. Kung kailan kami magbabati, kailan huhupa ang galit ko at ngayon, naghihintay sa pagbabalik ko.

Humiling ako na sana ay huwag siyang sayangin ni Clarisse. Sana ay huwag niya akong tularan.


Dumaan ang ilang araw sa university at sa bistro. Wala si Ram ng dalawang araw dahil may aasikasuhin sa Maynila. Kapansin-pansin ang aking pagkawala sa sarili maging sa school at bistro. Sa simpleng impormasyon mula kay Jerard ay nagigiba akong muli.


Nang dumating ang petsa para sa sem ender party ay sinubukan kong ibalik ang sarili. Nagsuot ako ng puting sleeveless at ripped jeans. Gamit ko ang aking lumang chucks. 

Nagkukumahog kong dinampot ang bag nang marinig ang busina ng kotse sa labas.

Nagla-lock pa lang ako ng gate ay dinig ko ang mga yabag ni Ram. Hinarap ko ito na prenteng nakasandal sa kaniyang kotse. Casual na itim na T-shirt ang kaniyang suot at faded jeans. Naka chucks din ito.

"Anong tawag d'yan sa suot mo, Chrissy?" Nakataas na kilay niyang sabi. Sumingkit ang kaniyang mga mata habang pinadadapo iyon sa exposed kong mga balat.

Para akong sinisilaban sa kaniyang mga tingin. Pinilig ko ang aking ulo.

"Top at jeans?" Inirapan ko ito at umambang sasakay ng kotse. Dahan-dahang umiling si Ram sa akin, sa bawat pag-iling ay nababasa ko ang kaniyang iritasyon.

"I don't like it. Masyadong maraming balat ang pinapakita. Wear any shirt with sleeves." Punong-puno ng awtoridad ang kaniyang boses. 

  Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko at kinagat ang labi. Ayos naman!  

"Hindi naman ikaw ang nagsusuot kaya tumahimik na lang, Ram. Hindi naman pangit, ah! Saka mas grabe pa 'yung iba mamaya ro'n kapag nakita mo," paliwanag ko. 

Tsk, hindi naman ito spaghetti strap. Mas makapal iyon doon at magmumukha pa nga akong demure mamaya! Kalalandi kaya ng mga girls doon!

"Its irritating me, damn it! Can you just change?" Humigpit ang kaniyang panga at pinasadahan muli ang aking mga braso at clavicle. Pati ang kapirasong mga hita ko sa butas ng ripped jeans ay walang kawala!

Sinipat ko itong mabuti. Nananatiling tahimik ang galit niyang mga mata ngunit umusbong na rin ang iritasyon sa akin. Inirapan ko ito at pumasok na ng kotse. 

Dinig na dinig ko ang pagmumura dito sa tapat ng aking bintana. Nang siya'y pumasok nang padabog ay halos mabingi ako. Umaalon ang tensyon sa kaniyang nag-aapoy na katawan ngunit napangiti ako.

Ako ang panalo!


Pinakatitigan ako nito ng tingin tuwing ihihinto sa traffic. Namumuti ang kaniyang kamao sa steering wheel. Mas nagiging depina ang muscles niya sa braso kaya napapatingin ako roon.

Binigla nito ang manibela at gas pedal kaya naman halos magpalit kami ng pwesto ng windshield. Napasigaw kaagad ako rito dahil hindi ako naka seat-belt!

"Tsk! Pwede ba, Ram? Ang OA mo! Ugh!" Hinampas ko ang kaniyang braso ngunit ako pa yata ang nasaktan. Inirapan ko ito at bumaling na lamang sa aking bintana.

Nagpupuyos ako sa galit ngunit ang kaniyang mahihina at malulutong na pagmumura sa byahe ay nilulusaw iyon. Pinapalitan ng init sa kaniyang mga salita ang init ng aking katawan. Gumapang iyon sa balat hanggang sa kaibuturan ko.

Itinabi ni Ram ang kotse sa gilid. Ikinabit niya ang seatbelt sa akin at bumulong ng sorry. Kunot pa rin ang noo nito nang muling nagmaneho.

Nawala nang tuluyan ang aking inis kay Ram dahil napunta iyon sa aking sarili. Nakakainis dahil ang bilis kong bumigay kapag siya na ang pinag-uusapan. Alam na alam niya kung paanong bumawi sa simpleng mga aksyon lamang. 

Isa pa, isang ngiti lamang siguro o 'di kaya'y mag lift siya sa aking harapan ay kaniyang-kaniya na ulit ako. 

Napamura ako sa aking isip. Ano iyon, Chrissy? Huh? Damn! Kung anu-ano na lang talagang pumapasok sa aking lintik na isip!

"Uhmm, galit ka? Ram?" Dinungaw ko si Ram na sobrang focused sa kalsada. 

"Yes, so shut that pretty little mouth of yours."

Nababanat ang labi ko sa isang side lang. Napanguso ulit ako. Kunot na kunot ang noo ni Ram at hindi ako sinusulyapan. Gusto kong ngumisi sa kaniyang pagtatampo tungkol sa aking suot.

"Bati na tayo..." Dinungaw ko itong muli. Pinatong ko ang aking palad sa kaniyang kamay na nakapirmis sa automatic. Kinagat ko ang labi nang manigas iyon sa gulat. 

Mahinang napamura si Ram. Ang init ng kaniyang kamay ay lumipat kaagad sa akin, at mukhang naglalakbay sa buo kong katawan. Pinasadahan nitong muli ang aking suot pagkatapos ay tiningnan ang aking mukha.

"Wala akong kasalanan kung anong mapapala ng kukursunada sayo ngayong gabi," mahina ngunit buong awtoridad niyang deklara.

Hindi na ako sumagot dahil nalulunod ako sa kaniyang mariing mga salita, sa kaniyang mga mata at sa kaniyang presensiya. Nakakalunod ito lalo pa't ayaw ko ring umahon.


Papasok pa lamang sa university ay hirap na. Nakapaloob ang sem ender sa itinanghal na festival. Inaabangan iyon ng lahat kaya naman pati ang hindi tiga school namin ay nakadalo. Punong-puno ng ilaw ang ilang daang ektarya ng aming university. Nakita ko ang mga neon bracelets sa mga taong naglalakad. Gusto ko rin! 

"Pasensiya ka na. Ang daming tao, baka ayaw mo sa ganito," sabi ko kaagad. Nahihiya ako dahil baka inaabala ko pa ito.


Nang makarating sa open field ay dumadagundong na kaagad ang bass ng naglalakihang speakers. Hile-hilera ang malalaking lanterns at floats sa isang side habang nasa gitna naman ang truck ng sound system at stage. 

"Its okay. I used to party too during my college years," kibit-balikat ni Ram.

Ang isiping nagpa-party si Ram noong siya'y nag-aaral pa ay nakakatuwa. Mas pinabata ko ng kaunti si Ram sa aking isip. Ngunit, gwapo pa rin. Ang katawan ay built pa rin. 

Huhulaan ko na, na may flying colors ito nang magtapos. Paraan pa lang ng pagsasalita niya ay alam kong hindi lang basta edukadong tao si Ram. Matalino ito at passionate kapag ginugusto niya. Siguro ay sikat na rin siya noon dahil siya ay isang hot at matalinong senior student!

Nabaliw akong muli sa iniisip. Get a grip, Chrissy!


Naninibago ako sa open field. Hamak na mas maraming tao ngayon. Parang dinamitan ang university ng isang makulay na damit dahil punong-puno ng christmas lights. Kitang-kita ang mga bituin sa langit, ngunit ngayon ay pinagbigyan kami ng langit. Ang university ang nagniningning sa gabing ito.

Pinarada na ni Ram ang kotse sa madaling makalabas. Nang patayin nito ang makina ay bumaba kaagad ako ng kotse at hinila ito palabas.

"Dito kami naglasing ni Lucy noon..." Minuwestra ko kaagad ang oval. Humalakhak ako nang irapan ako nito. Ayaw ko ring alalahanin pa ang aking kahihiyan!


"Gwapo naman niyan! Boyfriend mo?" anang malanding tiga-hati ng ticket nang tumungo na kami ni Ram doon.

"Uhmm, hindi pa." Inirapan ko ito at lumusot sa barikada. Mabilis kong hinila si Ram sa loob.

Mayroong malaking bilog na gawa ng tao at napunta kami sa gitna. Kinulong ako kaagad ni Ram sa kaniyang bisig upang huwag mabangga sa mga tao. Naiinis ako dahil kanina pa siya pinagtitinginan!

Nang tingalain ko ito ay nakangisi na siya kaagad. Para akong nalulusaw dahil doon.

"Hindi pa, hmm?" Humawak ito sa aking bewang at dinungaw ang tenga ko.

Namula ang pisngi ko. Ramdam ko ang elektrisidad sa ere nang ginamit niya ang mababang boses. Hirap kong tinulak palayo ang kaniyang matigas na dibdib.

Nang kinulong niya akong muli gamit ang kaniyang katawan ay hirap na akong huminga. Nalanghap ko nanaman ang mamahalin niyang pabango. Hiyang-hiya akong itinago ang aking mukha sa kaniyang braso.

"Let me do the moves, Chrissy. You're hella shocking me again..." Namumungay ang kaniyang mga mata, para bang lasing sa aking sinabi.

Mas lalo ko lamang binaon ang mukha sa kaniyang braso. Hinawakan nito ang aking leeg upang ilipat sa kaniyang dibdib. Mainit iyon at malapad. Mas nawala na ako sa sarili. Mas bumilis ang tibok ng aking puso habang pinakikinggan ang kaniya na steady.


Akala ko ay ang university ang pinagbigyan ng langit kumislap sa pagkakataong ito. Nagkakamali ako dahil may kasama akong kanina pa nagnanakaw ng yakap at halik sa akin. Kaunting kiliti at lambing lang pala ay kikislap na ang kaniyang mga mata.

At siya ang pinaka mainit, ang pinaka asul na bituing aking nakilala sa tanan ng aking buhay.


"Good evening to everyone! Happy Lantern Festival!" bati ng DJ sa crowd at doon nagsimula ang dumadagundong na music. 

Tumira ang mga lazer at nag-dim ang mga ilaw. Kasabay ng tugtog ay ang mga umaatikabong fireworks.


Ang wild ng mga tao sa aking paligid. Tumatalon ako at nakikisabay sa hiyawan ngunit tuwing lilingon sa likod ay naka-amba palagi ang katawan ni Ram sa aking bilang panangga. Sa lakas ng kabog sa puso ko ay nadaig pa nito ang bass.

Naramdaman ko ulit ang adrenaline rush ng lakas ng musika ngunit mas malakas ngayong kasama ko si Ram. Hindi na ako nakatiis at pati ito ay sinama ko sa indayog ng aking mga galaw. Kumapit ako sa mataas nitong balikat at dinikit ang aking bewang sa kaniya.

"Oh shit, Chrissy...no... You're kidding me, right?" Humalakhak si Ram habang paulit-ulit na umiiling sa aking pagsayaw.


Ang makita siyang umaayaw at nahihiya sa isang bagay ay mas nagpapatindi ng marahas na pagtibok ng aking puso. Sa mga bagay na nalalaman ko ay mas tumitibay ang aking pundasyon patungo sa likod ng kaniyang mga pader.

Tumalon ako upang maabot ang tenga nitong namumula,"please? Ngayon lang!"

Napapangisi si Ram habang sinusundan ang aking katawan. Wala akong pakiealam sa nakakakita sa amin dahil pare-pareho kaming busy sa pananayaw at pag-eenjoy. 

Oh god, kailan na nga ba ulit ako nawalan ng iniisip? I felt so freaking free tonight! Parang ang sarap mabuhay sa pagkakataon lamang na ito kasama si Ram, sa ilalim ng gabi, at tugtugan.

Si Ram na nakahawak sa aking bewang ay naglalagay ng distansya. Nararamdaman ko ang kaniyang pagpipigil. Kumukunot ang noo nito tuwing maglalapit ang aming katawan. 

Humalakhak ako sa tenga nito at nilambutan ang katawan. Dinama ko ang pagsayaw ko ng patalikod kay Ram nang may sumayaw na lalaki sa aking harapan. 


Nag-angat ako ng tingin sa maputi nitong mukha pagkatapos ay hinagip ako nitong bigla. Napaawang ang aking bibig. Nawala ang aking kasiyahan at napalitan ng pamumutla.

"I thought I'd see you here, Chrissy! Ang sabi sa akin ni Jaime, bumili ka raw ng ticket so you're really coming. Kamusta ka na?" Kinagat ni Eamonn ang pang-ibabang labi.

Tumagilid ang labi ko sa glassy nitong mga mata. Ang kaniyang mukha ay pulang-pula dahil sa alak. Tumuloy ang kaniyang pananaw sa akin kaya naman tinulak ko ito paalis.

"A-Ayos lang ako, Eamonn..." alanganin kong sabi at dinungaw si Ram. 


Nagdilim kaagad ang kaniyang mukha nang sipatin ako. Tumungo na ito kaagad sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko ang tensyon nito. Tila ba isang galaw lang ni Eamonn ay gatilyo na sa kaniyang sistema. Napalunok ako sa tensyon sa ere.

"Oh? That's good to hear! You know I can't tolerate it if that ex of yours decides to hurt you again. Did he, Chrissy?" Umikot ang kaniyang kamay sa aking bewang at paibaba pa. Bago pa iyon dumampi doon ay biglaan na lamang humandusay sa na damo ng oval. 

Napatakip ako kaagad sa bibig sa nangyari. Nawalan ako ng dugo sa katawan dahil sa maaaring magawa ni Eamonn!

"Fuck! Ano bang problema mo? Sino ba itong gagong ito, Chrissy?" Hinawakan ni Eamonn ang dumudugong labi.


Nilingon ko kaagad si Ram na patungo na kay Eamonn. Wala ako sa huwisyo lalo na nang makita ko ang pagdidilim ng paningin ni Ram. Naninigas ang kaniyang kamao at panga nang damputin ang kwelyo ni Eamonn sa damo.

Shit! Hindi ko rin aasahan na gagawin ni Eamonn iyon! At damn, gulat na gulat ako na hindi ko kayang pigilan ang nagpupuyos na si Ram!

"Ikaw ang problema ko, gago!" Umamba na si Ram ng isa pang suntok ngunit mabilis akong kumilos. 


"Ram! Shit! Lasing 'yung tao. Kaibigan ko iyan, hayaan mo na," sabi ko kaagad at humawak sa braso nitong naninigas. Pakiramdam ko ay sasabog siya sa kahit anong segundo. Galit na galit siya, damn!

Luminga-linga ako sa paligid. Ang ibang taong malapit sa amin ay nakiki-usyoso na ngunit ang iba ay nakahimlay pa rin sa trance ng music. Putlang-putla na siguro ako dahil nabibigla sa nangyari. Nanginginig ang aking mga palad.

"E, mas gago ka pala, e! Kaibigan ko si Chrissy at nagsasayaw lang kami! " Tumayo si Eamonn at umamba na rin. Shit naman! Mas lalo kong hindi alam ang gagawin!

"'Tangina, hindi iyon pagsasayaw. Pambabastos ang tawag doon." Nilagay ako ni Ram sa kaniyang likod.

Mas lalong umikot ang aking sistema. Humahataw ang aking dibdib sa kaba.

"I'm not doing anything, dude! Chill ka lang! I just want to say sorry to her, damn it!" Nagwawala na si Eamonn at pilit na kinukuha ang braso ko.


Ngumisi lamang si Ram ngunit naroon ang tumitilansik niyang galit. Hindi rin alam kung anong mangyayari kung umabot ang mga kamay ni Eamonn sa gusto nitong puntahan. Hindi na siya sasantuhin pa ni Ram kapag nagkataon. 

Umiling kaagad ako kay Ram bago pa ito magsalita. Hinila ko na ito paalis kahit na naninigas pa rin ang kaniyang katawan sa galit. Pakiramdam ko ay gusto niyang suntukin si Eamonn hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Umuwi ka na, Eamonn. Magkasama kami. Saka na lang tayo mag-usap," sabi ko habang hinihila si Ram.

"What? Chrissy naman. You're not answering my texts. I...I just love you..." Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Eamonn.

Nakaramdam ako ng awa ngunit dumapo nanaman ang kamao ni Ram sa mukha nito! Bumagsak muli si Eamonn sa damuhan dahil sa lakas noon. Pumikit akong mariin at sinigawan na si Ram! Fuck!

"Let's go, Chrissy." Mabilis akong iginiya ni Ram paalis dahil na rin sa mga taong nakatingin.


Nagpaubaya ako sa mahigpit na hawak nito sa aking balikat ngunit mabigat ang aking pakiramdam. Nanginginig ako dahil sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang kalalabasan ng aming gabi.

Nagmumura si Ram nang pinutog ang kotse.

Binuksan nito ang pinto para sa akin. Naroon pa rin ang kumakawalang tensyon  sa kaniya. Sa takot na baka magkasalitaan pa kami ay pumasok na ako ng walang kibo. Umikot na rin ito patungong kabila.
















Continue lendo

Você também vai gostar

316K 12.5K 23
(Finished) Meghan Kortajarena is the current mayor of the Metro City - and she knows joining the politics would mean involvement with its dirty games...
203K 3.5K 43
She is Sue Zylan Chen, and be ready because she is going to seduce & tame the Woman Hater's heart. Will she succeed with her mission and make him fa...
4.4K 531 42
I let go of you And I lost you But you found me again You pursue me again You made me believe of second chances again You made me live again But our...
9.3K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...