ZBS#9: Blue grasshopper's Les...

Da iamyourlovelywriter

2.5M 52.9K 2.7K

Paalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Altro

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven (SPG)
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Extra#1: Letter from MasterH to Blue grasshopper
Extra#2: Everything is almost complete... almost...

Chapter Nine

67.5K 1.4K 139
Da iamyourlovelywriter

Chapter Nine

"SEVEN-THIRTY SIX." Pupungas-pungas na bumangon siya at saka itinali ang buhok na nagkalat sa kanyang mukha. Pagtingin niya sa kanyang tabi ay wala na ang mga ito, tanghali na siyang nagising which is very rare. Sa normal na mga araw ay alas cinco pa lang ng umaga ay gising na siya, she must be really tired and stress-out. Napatingin siya sa kabilang bahay, nakabukas ang bintana niya kaya kitang-kita mula doon ang nakasaradong bintana ng kung sinumang nakatira doon.

Kagabi pag-uwi niya ay may nakita siyang mamahaling sasakyan sa labas ng bahay, nagtaas pa nga siya ng kilay dahil hindi normal na may ganoong klaseng sasakyan sa subdivision nila. Their place is not a high-end subdivision like the forbes or Beverly hills, wala sa kuko ng mga iyon maikukompara mo lang iyon sa isang simple, tahimik at maayos na barangay. Ang mga bahay depende sa design ay magkakadikit, iyong iba naman detached tulad ng sa kanya at sa katabing bahay mas malalaki iyon kompara sa magkakadikit at medyo may kamahalan din. Ang mga nakatira sa kanilang lugar ay ang sinasabi nilang common people with common job, iyong iba nasa abroad ang mga asawa na OFW, iyong iba naman ay seaman ang asawa o anak kaya umahon sa hirap, iyong iba ay nakapag-asawa ng foreigner, iyong iba binabayaran through pag-ibig ang bahay kagaya niya. Kaya nga kapag may nakikita kang nakaparada doon na katulad ng naturang sasakyan talaga namang magtataka ka. Kulang pa yata sa triple ang presyo ng unit doon sa presyo ng naturang sasakyan.

Dahan-dahan siyang tumayo at sumilip sa kabilang bahay, bukas ang bintana sa ibaba ibig sabihin ay may nakatira na talaga doon. May kapitbahay na talaga sila nacurious tuloy siya kung sinuman iyon. Pero mas curious siya kung bakit wala na ang mga kapatid niya sa kama nila ng ganoon kaagang oras kung wala namang pasok. Pumunta siya sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush, sinilip muna niya ang dalawang lalaking kapatid sa kabilang silid pero wala na ito doon.

"Norman, Aycie." Tawag niya.

"Ate nasa kusina po kami." nagtatakang pinuntahan niya ang mga ito.

"Bakit hindi niyo kami ginising-oh shit!" napamura siya ng wala sa oras ng makita kung sino ang kasama ng mga kapatid sa kusina. Mukhang nagulat ang mga ito sa nasabi niya, hindi sanay ang mga itong makarinig ng ganoon sa kanya.

"Good morning princess," nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay nagkaroon ng lunar eclipse sa umagang iyon, hindi solar kundi lunar eclipse dahil magugunaw na ang mundo. Hindi na siya nakapagsalita pa lalo pa at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ang paraan ng pagtitig nito na para bang hinuhubaran siya sa harap ng kanyang mga kapatid ang naging dahilan kung bakit nanginig ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Kung nagmamalfunction ang utak niya mas lalo naman ang puso niya.

The last time she saw this man she slapped him very hard, muling bumangon ang galit na naramdaman niya para sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kanya. Pustahan? Ano na naman kaya ang dahilan kung bakit ito nandoon sa bahay niya, ano na naman ang pinupusta nito at ano na naman kaya ang pustahan na iyon.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tinaasan agad niya ito ng kilay pero ang lalaki ni hindi man lang tumingin sa mga mata niya kundi sa dibdib niya. Saka lang niya napagtantong manipis ang suot niyang sando at wala siyang suot na bra kaya bakat na bakat ang dibdib niya. Agad niyang tinakpan ang sarili at agad na pumasok sa banyo, may bra siya doon kaya mabilis niya iyong naisuot.

"Norman," malamig na tawag niya sa pangalan ng kapatid niya, mabilis itong natigil sa pagkain ng mga pagkain na siguradong hindi sa kanila galing dahil mukhang mamahalin.

"A-ate?"

"Bakit kayo nagpapasok ng hindi niyo kakilala sa loob ng bahay natin?" pagalit na tanong niya.

"Kasi ate-."

"Monica, come on. Umagang-umaga ay nagagalit ka na relax lang." tumayo ito at lumapit sa kanya kaya napilitan siyang umatras at maglakad palayo sa mga kapatid niyang kumakain pa rin ng mga pagkain na dala nito. Nang malayo na siya sa mga ito at ilang metro ang distansya nito sa kanya ay agad niya itong pinaulanan ng mga tanong.

"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me nagkataon lang because I will never believe you and what the hell are you trying to do bribing my younger siblings with foods and everything? Sino? Ano? Magkano?"

"Teyka lang mahina ang kalaban, teacher ka nga hindi ka nauubusan ng tanong eh." She just crossed her arms over her chest and eyed him intently.

"Stop looking at my breast." Sita pa niya.

"Pinapakita mo-."

"Gusto mong idemanda kita ng trespassing? Mas kilala ako ng mga tao dito kung idedemanda kita mas kakampihan nila ako." Banta niya nagtaas lang ito ng dalawang kamay na parang sumusuko sa kanya. He just chuckled at her and pretend like her anger and coldness doesn't matter. Nagulat nalang siya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila at mabilis na dumampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Napaatras siya dahil sa ginawa nito pero napasubo na siya dahil wala na siyang maaatrasan pa dahil sa likod na ng sofa ang natamaan ng katawan niya. Muntik na siyang matumba pero maagap ang braso nitong nakapalibot sa katawan niya, he took the advantage of her surprised look and insert his tongue inside her mouth. Her tongue pushed him away pero iba yata ang pinagkahulugan nito sa kanyang ginawa dahil akala nito ay gumaganti siya kaya mas lalong lumalim ang halik nito sa kanya. She can't push him either dahil nasa pagitan ng kanilang katawan ang mga palad niya at sobrang higpit ng hawak nito sa kanya. His left arm around her waist and his right arm holding the back of her head.

She was enjoying the moment actually, it has been months, weeks and days since she was kissed this way by him and there are times when she woke up in the middle of the night holding her breath, clutching her chest and wiping her sweats dahil pakiramdam niya ay naaalala niya ang mga nangyari sa yate nito. His kisses, his touches and his hot body pressing her on the bed. "Hala, may kissing scene."

She heard Yoona's surprised voice kaya nagising siya kahit papaano sa kabaliwan niya, she pushed him lightly dahil hindi naman niya magawang ipush talaga ito ng ganoon nalang dahil sa hawak nito. Pero maya-maya ay lumuwang din ang yakap nito sa kanya at binitiwan ang kanyang mga labi. She maintained her pokered face while she looks at her younger siblings na nakakita sa ganoong eksena sa sala.

"Ate, boyfriend mo nga si kuya Xancho. Ang galing naman approve na approve kami." Narinig niyang komento ni Norman sa kanya, itatama sana niya ang sinabi nito pero binalingan siya ni Xancho at bumulong.

"Say yes princess, ayaw mo sigurong isipin nila na okay lang na makipaghalikan sa taong hindi nila boyfriend o girlfriend." She glared at him, may ngisi sa mga labi nito sigurado siyang planado ang lahat ng ginawa nito. He trapped her using a kiss and her siblings. "Tumango ka." At wala siyang nagawa kundi tumango.

"May boyfriend na finally si ate namin, yes, ipagkakalat ko ito sa mga kapitbahay natin." Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga kapatid niya at hindi na niya napigilan at ng wala na mga ito ay tinulak niya ng malakas si Xancho at sasampalin sana ng napigilan nito ang kamay niya at mabilis siyang itinulak sa sofa at pumatong sa kanya. Mas lalong naging alanganin ang posisyon niya lalo pa at nasa ibabaw ng kanang dibdib niya ang palad nito.

"Mukha ka yatang nagulat sweetheart." Napakagat siya ng labi ng gumalaw ang mga palad nito sa ibabaw ng dibdib niya at ang traydor niyang katawan agad na nagreact sa hawak nito kaya mas lalo itong napangisi. "Kung wala tayo dito ngayon ipapakita ko sa iyo kung gaano kita namiss."

"Xancho. Francis. Sebastian." May diin ang bawat pagsabi niya sa pangalan nito. "What the hell are you doing? And why are you here?" itinigil nito ang ginagawa at saka sinuportahan ang sarili sa pamamagitan ng mga siko nito sa magkabilang panig ng katawan niya.

"Hinanap kita ang hirap mo palang hanapin, hindi ko alam na sobrang dami palang may pangalang Monica F. Garcia na nabubuhay sa mundo. Iba pa ang pangalan na ginamit mo sa resort-."

"You are not answering my question."

"Huwag kang high blood princess gusto mong kantahan kita ng Let it go?"--- "Fine! I missed you so much." And still no reaction from her. "I want to apologize alam kong hindi maganda ang ginawa ko, hindi ko dapat tinanggap ang villa, dapat sinabi ko kay Bud na hindi na ako interesado dahil mas interesado ako sa iyo. I was wrong, I am very sorry at sincere ako dahil kaya kong tanggapin ang lahat ng ipaparusa mo sa akin princess. Hindi ko pa rin binabawi ang sinabi kong gusto kitang i-date."

She glared at him. "Para ano? Para kapag nagsawa ka ay itatapon mo nalang ako? Hindi ako basura Xancho at mas wala akong panahon na makipaglaro sa iyo dahil abala akong tao may apat na bata akong pinapaaral, pinapakain at palalakihin. Noong sinabi kong wala akong balak magsettle down sila ang dahilan." Tumitig ito sa kanya alam niyang aalis din naman ito kapag narinig ang sinabi niya.

Pero sa halip na umalis ay hinimas lang ng hinlalaki nito ang pisngi niya. "Apat sila Monica at isa ka lang. Hatiin natin o mas tamang sabihin ko na, ako na ang bahala sa kanila, sa pangangailangan nila, sa pagpapaaral sa kanila bilang kapalit ikaw naman ang bahala sa akin."

Kumunot ang noo nito sa sinabi nito. "I am serious Xancho."

"I am dead serious too." Sumeryoso ang mukha nito. "Seryoso ako Monica, hindi kita hahanapin para lang sa wala. Hinanap kita dahil gusto kong harapin ang responsibilidad ko sa iyo."

"I am no one's responsibility!" she hissed.

"I know but I want to marry you." Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. "Marry me princess, please marry me, ako na ang bahala sa iyo at sa mga kapatid mo—natin. Just be with me, have my name and marry me."




HALOS mabali ang leeg ng mga kasamahan niya sa trabaho habang nakatingin sa magarang sasakyan na nasa loob ng school primeses nila. Ilang beses na niyang tinanggihan ang alok ni Xancho na ihatid siya at ang mga kapatid niya pero hindi ito nagpapigil. Nakuha na nito ang loob ng mga kapatid niya pero hindi siya, tinanggihan nito ang hinihingi nitong kasal. Baliw talaga ang lalaking iyon, ano ang pumasok sa isip nito at gusto nitong magpakasal sa kanya? Dahil sa nangyari sa kanila? Kung ang mga lalaki ay katulad nito dapat sana ay wala ng nagpapakamatay na babae sa mundo, wala ng nagsusuicide, at wala ng mga single moms. Ayaw niyang isipin na gusto siya nitong pakasalan dahil sa mahal siya nito that would be nonsense—base sa reaksyon nito noong magkita silang muli alam niya kung ano, gusto lang yata itong maka-score sa kanya.

"Ang gara ng sasakyan." Bulong ni Regina ang kasamahan niyang co-teacher sa ibang department na tulad niya ay muntik ng malate kaya nandoon sila sa back area at hinihintay na matapos ang flag ceremony. "Sino iyan?"

"Hindi ko kilala."

"Nakita kitang bumaba diyan kanina kasama si Aycie, sino iyan?"

"Baka nakita mo lang kaming dumaan." Mabuti nalang at sanay na ang mga ito sa kanya at sa mga cold demeanors niya kaya hindi na nagkomento pa ang kausap niya. Lumapit naman ito sa ibang kasama nila at narinig na naman niya itong nagtanong kung may nakakita ba sa kanyang bumaba sa naturang kotse. Nagkibit-balikat nalang siya at ng matapos na ang ceremony ay nagsimula ng pumasok ang mga bata sa kani-kanilang classroom. Susunod na sana siya ng mapansin na wala ang mga gamit niya--.

"Good morning." Nakangiting bati ng bestfriend niyang si Martin ng malapitan siya. "You are almost late." Si Martin ang masasabi niyang kilalang-kilala siya dahil classmates sila noong college sila although hindi magkatulad ang major nila. "Sino iyong may-ari ng mamahaling kotse?" nguso nito sa kotse ni Xancho. Kailan ba iyan aalis?

"Hindi ko alam." Inakbayan siya ni Martin and she suddenly feel so uncomfortable pero dahil sanay na itong nakaakbay sa kanya kaya hindi niya magawang itulak ito palayo.

"Sir Martin!" lumapit sa kanila ang isang newly-hired teacher na si Ms. Bettina, Filipino ang major nito pero palagi itong nakalapit kay Martin at lahat sila ay alam na may gusto nga ito sa kaibigan niya. There are even times na nahuhuli niya itong nakatingin ng masama sa kanya. "Good morning." Sweet na bati nito sa bestfriend at siya naman ay halos masuka sa sweetness nito. Bumaba ang braso ni Martin mula sa balikat niya papunta sa beywang niya making her more uncomfortable again.

"Good morning Betty--."

"Princess." Napatingin siya kay Xancho na lumapit sa kanya. "Naiwan mo sa sasakyan." Bitbit nito ang bag at ang mga folders at lesson plan niya. Sa kabila naman ay nakahawak sa braso ni Martin. Xancho smiled sweetly at her but when he looks at her bestfriend ay kulang nalang ay sibatin nito iyon ng tingin. "Sir, I suggest you to stop touching my girlfriend that way. I don't appreciate it and it's making me jealous." Sa lakas ng boses ni Xancho ay pakiramdam niya ay gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya. They became an instant center of attraction, iyong mga bata ay nahinto at napapatingin kay Xancho na para bang nakakita ng anghel. Iyong ibang co-teacher naman nila kahit na nasa itaas na floor na ng building ay kulang nalang ay dumungaw at tumalon.

"And who are you?" hinila siya ni Xancho palapit sa kanya at ipinulupot sa beywang niya ang braso nito at sinagot ang tanong ni Martin.

"Xancho Francis Sebastian, Monica's boyfriend and soon-to-be fiancé." Mukhang nagulat ang mga ito sa narinig mula dito. Maging siya ay nagulat din kahit na hindi halata sa mukha nito. Kapag nakausap na niya ito ng sarilinan ay malilintikan ito sa kanya.

"Sebastian?" napakunot ng noo si Martin. "XFS of Marine Research and Development Incorporated? The owner?"

"Yes." Mas lalong namangha ang mga ito napatingin siya kay Xancho, it has been two months since she left Bohol with an aching anger towards the guy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito napapatawad since nagkikimkim siya ng sama ng loob, hindi pa siya nakakaganti dito.

Inalis niya ang braso ni Xancho sa beywang niya at kinuha ang kanyang bag at ang kanyang mga naiwang galit. Si Martin naman ay nawalan ng imik, alam niyang hindi magandang manggamit ng tao kapag gustong gumanti pero ewan ba niya for the first time she felt like she wants to do it for revenge malay lang niya kung effective ba o hindi basta gusto lang niyang inisin si Xancho.

Hinawakan niya ang braso ni Martin which she usually does dahil nga sanay na siya sa kaibigan niya, he is still her bestfriend.

"I am not his fiancé tinanggihan ko siya." Sabi niya kay Martin, ewan niya pero may nabasa siyang relief sa mga mata nito ng sabihin niya ang bagay na iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoo ba ang nakita niya o guni-guni lang niya. Bumaling siya kay Xancho na ng mga oras na iyon ay masama ang tingin na ibinigay sa braso ng pobreng kaibigan niya. "Thanks for the ride kahit na hindi na kailangan, I need to go now." Hinatak niya ang braso ng hawak niya at pinigilan ang sariling mapangisi.




NAGPUPUYOS ang galit niya sa galit dahil sa nakita niya kanina, that man, how dare him touches his Monica. Ayaw man nitong tanggapin ang kasal na inaalok niya ay hindi siya papayag na hindi ito mapasakanya. Sa kanya lang si Monica at gagawin niya ang lahat mapaalis lang sa buhay ng babae ang lalaking iyon. Dapat hindi niya inakbayan ng ganoon si Monica at hindi dapat nito hinawakan—ipapakain niya ito sa buwaya o kaya naman sa mga piranha na alaga niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Marami siyang alaga doon, he will let him taste a slow and painful death. What's the name of that guy? Marvin? Martin? He can't even remember his name at hindi hamak na mas gwapo siya keysa sa taong iyon.

"Excuse me." Untag ng babaeng co-teacher ng dalawa na kumatok sa pintuan ng sasakyan niya. "Ikaw ang boyfriend ni Monica hindi ba?"

"Yes." Mabilis na sagot niya kahit hindi pa alam ni Monica na boyfriend na siya nito basta siya sigurado na siyang girlfriend na rin niya ang dalaga, soon-to-be fiancé na nga at ina ng magiging anak niya. "Bakit?"

"Ang sungit mo naman."

"Ikaw ba si Monica?"

"Ah, no?"

"You are not worth of my time-." He started his car's engine.

"Girlfriend ako ni Martin." Sumulyap siya dito at mas lalo siyang nagalit sa narinig niya, girlfriend ito ng isdang hitong iyon tapos hahawak pa kay Nica? "Pero hindi pa niya alam na girlfriend niya ako secret lang muna iyon dahil halata naman na may gusto siya kay Monica." Hindi niya gusto ang babaeng ito she obviously has a big dislike for his lady. "Kaya tutulungan kita, ako lang ang pwede mong galamay dito. I will make sure na hindi malalapitan ni Martin si Monica pero siguraduhin mong hindi na rin lalapitan ni Monica si Martin."

Monica... Martin... hindi bagay ang pangalan ng dalawa kahit na parehong nagsisimula sa letter M. Mas bagay ang M sa X.

"I don't need your help alam kong hindi magugustuhan ni Monica iyang boyfriend mo."

"Paano ka nakakasigurado? Magkaibigan sila and they are bestfriends at classmates din sila dati." He snorted.

"I am confident."

"Hindi-."

"I am Xancho Francis Sebastian, miss. Kapag sinabi kong akin si Monica ay akin lang siya, someone taught me to own someone we like. I am owning her with or without her knowledge and no one not even her damn bestfriend can take her away from me because she is mine and mine alone."

He stated as a matter of fact remembering his kuya Jair's words when his sister left.

And now he is using it for his woman, for Monica, for his little grasshopper and for his star. He can do it alone without anyone's help, not even this woman's help because again he is XANCHO FRANCIS SEBASTIAN.




"SINO iyon?" agad na usisa ni Martin ng makita siya nitong papalabas sa classroom niya, papunta pa lang siya sa faculty room para kunin ang bag niya. Kailangan kasi niyang lumabas para magwithdraw dahil magbabayad pa siya ng kuryente at tubig.

"SInong sino?"

"Si Sebastian."

"His name is Xancho." Hindi niya gusto ang tono ng boses nito.

"Boyfriend mo talaga?" hindi niya sinagot ang tanong nito. "Kailan mo siya nakilala? Paano kayo nagkakilala at paanong naging kayo?" he interrogated.

"I am fine thank you." Inis na sagot niya sa mga tanong nito kahit na walang sense iyon.

"You are not answering my question."

"Kailangan pa ba? Kung boyfriend ko man siya o hindi akin nalang iyon." Kumunot na ng husto ang noo nito. "Masyado ka yatang interesado? Ayaw mo pa noon hindi ba matagal mo ng sinasabi na dapat ay magkaboyfriend na ako at kung boyfriend ko man siya dapat maging masaya ka."

"I don't like him for you."

"At bakit?"

"Dahil masyado siyang mayaman para sa iyo at hindi kayo bagay." Tumaas ang boses nito habang kausap siya and that's the first time she heard him yell. "Mahirap ka lang Monica huwag kang mangarap ng masyadong mataas sa iyo baka kapag nakuha na niya ang gusto niya ay iwanan ka rin niya tulad ng iba."

Nakuha na nga niya ako pero hinanap niya ako.

"Ano ang tingin mo sa akin Martin ambisyosa?" malamig na tanong niya dito na naging dahilan kung bakit ito natigilan. "And now you are thinking that I am a gold digger? Isang bangaw na gustong umangat kaya tatayo sa likod ng kalabaw." She stated. "Among all people ikaw ang mas nakakakilala sa akin dahil matagal na tayong magkakilala pero hindi ko akalain na ikaw pala ang kauna-unahang taong manghuhusga sa akin ng ganoon. Nagkamali yata ako ng pagkakilala sa iyo." Disappointed na usal niya. Kinuha niya ang kanyang bag at mabilis na nagpunta sa harap ng office para mag-log out through biometrics.

"Monica, you misunderstood."

"Wala akong namisunderstood narinig ko na ang gusto mong sabihin." She threw him an icy glare and she leave immediately. Nakalabas na siya ng gate at dahil nagpupuyos siya sa galit kaya hindi niya napansin ang isang rumaragasang sasakyan na kulang nalang ay sagasaan siya. Gahibla nalang ang layo ng sasakyan na iyon sa kanyang katawan and if she moved closer sigurado siyang masasagasaan siya. Nanginginig ang katawan niya, ang mga daliri niya at muntik na siyang matumba dahil sa hilo ng may humawak sa kanya.

"Princess? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Xancho sa kanya at ng marinig niya ang boses nito ay bumalik siya sa reyalidad. "I saw it! Hindi ko nakita ang plate number-." Mahigpit siyang yumakap dito sa lapit nila ay alam niyang dinig na dinig nito ang malakas na tibok ng puso niya kaya gumanti ito ng yakap sa kanya. "Natakot ka ba?" she nodded in silence. "You scared me, that scared me damn it!" he hissed and pressed his face on the crook of her neck.

Ang ikli ng buhay, muntikan na siya doon pero parang nagflash sa kanyang isip ang lahat ng bagay.

"Monica." Bulong nito. "I don't want to waste my time sobrang iksi ng buhay at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, be my girlfriend at kapag okay na ang lahat yayayain kita uling magpakasal. Don't say no please-."

"O-okay." Halos hindi na niya marinig ang boses niya, sobrang ikli ng buhay para sayangin. Tiningnan siya nito na para bang hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya, his eyes were twinkling with joy and his lips were stretched in too much joy.

"Really?"

Tumango siya. "Tama ka naman life is too short, hindi natin alam kung hanggang kalian lang ang buhay. Muntik na akong mamatay kanina -." She shuddered upon the thought. "I almost died, I can't believe it. Gahibla nalang ang layo niya sa akin and I almost freakin'die." Bulalas niya at muntik ng mapaiyak sa takot—mali, dahil naiiyak na siya takot. Tears were rolling down from her eyes to her cheeks, nakita tuloy nito ang paghikbi niya dahil sa takot. "Paano kung namatay ako? Ang mga kapatid ko, sino na ang mag-aalaga sa kanila? God!"

Sobrang panginginig na ang nararamdaman niya kaya hindi siya nito binitiwan, thanks to him.



"AIZEN." Malamig na kausap niya sa dating boyfriend ng ate niya na naging kaibigan na rin niya sa tagal ng panahon.

"Xancho, so, girlfriend mo na?" he gritted his teeth.

"Yes."

"I knew it! Effective ang plano-."

"Damn you! Ang sabi ko takutin mo lang pero muntik mo na siyang masagasaan alam mo ba kung gaano siya katakot? She is crying for God sake!" minura niya si Aizen sa cellphone dahil hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang takot at ang panginginig sa katawan ni Monica ng lapitan niya ito kanina. Tumawa naman ang kausap niya.

"I am a car racer Xancho I have control, full control. Huwag ka ng magreklamo."

    Gusto niya itong suntukinpero hindi niya magawa dahil tinulungan siya nito sa plano niya. Alam niyang mali pero siya ang klase ng taong ayaw ng naghihintay lalo na kung abot kamay na rin lang naman niya. At saka marami siyang kalaban, oras at si Hexel Marie Domingo. Sa dalawang buwan na hinanap niya si Monica ay pinapahanap din niya ang babaeng iyon. He found out something, kaya pala pamilyar sa kanya ang babaeng iyon dahil konektado ito sa isang taong malapit sa pamilya nila... sobrang lapit.


Kaya lang ang imbestigador na binayaran niya wala ni anumang dokumentong naipakita sa kanya na nagpapatunay na nag-eexist ang babaeng iyon, no records, not even school records. Kahit birth certificate, passport at kung anu-ano pa. nakipagtulungan na rin siya sa dating asawa nito, he asked for their marriage certificate, iba ang pangalan na nakalagay sa marriage certificate.

Hollier Kaia Brandt- Libiran.

And still, no matter how much he tried.

No records found... may isa lang... a vivid copy of a death certificate dated six years ago.

Hexel Marie Domingo-Libiran ... Hollier Kaia Brandt- Libiran.

Both of them, don't exist.



<3 <3 <3

a/n: Hola bebes, finally end na ng brigada eskwela today and guess what, akala ko mainit lang talaga last night pero talaga lang palang may lagnat ako at pagising ko kaninang umaga parang may natrap na ball of hotness sa loob ng katawan ko and I need to wake up and defy gravity dahil end nga ng brigada tapos nag- segregate pa ng mga enrollment forms para sa mga new sets of students naming for 2016-2017. Akalain niyo iyon, nagstart ako sa service July 2, 2013 and malapit ng magjuly 2, 2016. Magtatlong taon na akong guro!

Pero hindi iyon eh, alam niyo iyong struggle dahil sa 63 students mo last year akala mo maliligtas ka pero mali pala dahil mas naging worst ngayon. Last year 22 sections lang ang grade 7 namin at tig-64-65 ang students per rooms, ngayon 23 sections na ang grade 7 at nag66-68 students na kami ang saya lang hindi ba magiging sardinas na naman ang peg namin ngayon. Good luck nalang talaga! Kung pwede lang talagang tumanggi ng students ay ginawa na namin, we lack classrooms dahil hindi pa tapos ang mga bagong patayo and since nagstart na ang grade 11 kaya marami kaming classrooms na kailangang gamitin for them.

Pero bahala na, whatever will be will be nalang siguro sa June 13, basta ako nag-eenjoy akong magbasa sa #BisayaTextSerye ni Gobeeh, Andrew Lucas Bahaghari at ni Luwag aka Dugong, lumot, wallbreaker, seahorse. Hahaha, iyong mga bisaya diyan makakaintindi pasensya sa mga hindi po bisaya. Infairness, that's the first bisaya story na nagustuhan ko ang lakas kasi ng katok ng girl, basta basahin niyo nalang.

STATUS UPDATE: Will sleep early because I am really sick.

PPS: Sunday bukas—wala lang , just informing.

PPPS: Salamat sa Bianos Pizza na one ride from our school, nagustuhan ko ang pizza niyo kahit na hindi pwedeng magdala ng shake from the outside world dahil may corkage na 50 pesos.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

1.2M 12.8K 14
Warning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18
Libra (COMPLETE) Da Aly

Storie d'amore

35.8K 862 25
ZODIAC SIGN SERIES MATURE CONTENT (R-16) Ranali Carolina A Libra. She's the good definition of a person with boring lifestyle. No fun life style, no...
2.3M 47K 20
"Fall for him, let him catch you even if that means it will break you apart." "Hate me, love me I don't care all I want is the child you are carrying...
160K 3.9K 57
Isang babaeng isip bata,makulit at hindi mo aakalaing siya ay 18 years old na. Lumaki siya sa marangyang pamilya ngunit namatay ang ina nito kaya ang...