the PREMONITION

By vonjopastor

32.7K 811 199

Anong gagawin mo kung sa hindi malaman na dahilan ay bigla kang magkaroon ng kakaibang abilidad? Abilidad na... More

Author's Note
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 1

4.4K 91 47
By vonjopastor

                                            CHAPTER 1

          Ako si Vonjo, isang 3rd year college student. Mahilig ako sa mga kwento ng katatakutan, pero hindi ko inaasahan na mapagkakalooban ako ng kakaibang abilidad. Abilidad na babago sa takbo ng aking normal na buhay.

     Habang nakatambay ako sa quadrangle ng aming paaralan, nadatnan ako ng dalawa kong kaibigan. Si Arvine at Angelito, nagtataka sila kung bakit ako nakatulala.

(October 11, 2011)

        " Hello! .... HOY Vonjo!!" Bungad sa akin ni Arvine na tila pinagtatawanan ako.

        "oh.... Kayo pala, bakit?"  Tanong ko.

        "Anong bakit? Kanina ka pa tulala. Simula nung 1st subject hanggang uwian tulala ka!... Sigurado wala kang natutuhan sa lahat ng lesson natin kanina."  Nag-aalalang sambit naman ni Angelito. Pero agad ko naman silang binasagan. "Ako pa... syempre wala akong naintindihan, malalim nga kasi yung iniisip ko! para namang may naintindihan kayong dalawa, nakita ko kayo na nag kwe-kwentuhan lang habang may klase."

        "Napansin mo pala kami. Haha.. Buti hindi kami nahuli ni Ma'am" Biro pa ni Angelito.

        "Ano ba kasi yang iniisip mo Vonjo? At naapektuhan ka ng sobra." Pagbabalik ni Arvine sa nauna naming topic.

       Mabilis na sumeryoso ang aking mukha at sinimulan ko na itong ikwento sa kanila.  "Hindi ko nga maintindihan, pero nung nagising ako kaninang madaling araw.. Mga 3am yun... kakaiba ang pakiramdam ko, kinabahan ako ng sobra." 

        "Baka naman minumulto ka pre.. AWoooo... haha! Ano ka bata? Natatakot ka pare?" Pagkontra kaagad sa akin ni Angelito.

        Tinulak ko siya ng mahina dahil natawa ako sa reaksyon ng kanyang mukha. " Baliw! iba kasi yung kaba ko, nagising lang naman ako nung oras na iyon dahil nanginip ako." Natatawang sagot ko sa kanya.

        " For sure nakakatakot ang napanaginipan mo. Anong nangyari?"  Muling tanong ni Arvine.

        Ngayon lang nangyari sa akin ang bangungot na iyon, kaya kinakabahan akong ikinuwento ito sa kanila. "Malinaw na malinaw at hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon kung ano ang napanaginipan ko." 

        " Weird nga yan... Normally kasi mabilis makalimutan ang panaginip habang lumilipas ang oras." Dugtong pa ni Angelito.

        "Tama ka, pero ito kakaiba. After Class ang time sa panaginip ko, magkakasama tayong tatlo na lumabas ng campus.... Tapos may isang babae sa tapat natin, masasagasaan sya ng humaharurot na sasakyan. Patay yung babae sa sobrang lakas ng pagkakabunggo. Tapos may nakita akong pin na ang design ay" Next"  Mas lalong tumindi ang kilabot ko ng sabihin ko sa kanila ito.

        Pero ang kaninang seryosong nakikinig sa akin ang kumontra  ngayon. "Oh Come on Vonjo, masyado mong tinatakot ang sarili mo. Nightmare lang iyan." Paglilinaw ni Arvine.

        Ngumisi din si Angelito na nagpapakita na hindi siya naniniwala. Umakbay siya sa akin at nag-aya. "Tara na nga umuwi na tayo."

     Siguro nga ay tinatakot ko lang ang sarili ko. Siguro nga ay panaginip lang iyon na malabong manyari. Lumabas na kaming tatlo sa school para umuwi nang biglang tumigil si Angelito dahil sa kanyang napansin. "Oooopppss... teka lang mga pre... Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" 

        "Wow... Ang sexy.... Ang ganda naman ng babaeng nasa harap natin." Nananabik na tugon ni Arvine.

     Palibhasa ay mahilig  mag "Chick Hunting" ang grupo namin, kaya hindi ko masisisi ang dalawang ito kung bakit sila napapatigil kapag may magandang babae.

        "Tara na... wala ako sa mood ngayon para mag hunt ng magagandang babae."  Pag-aya ko sa kanila dahil apektado padin ako ng aking panaginip.

        "Wait lang pare,,, ayan na... patawid na sya." Excited na pagpigil sa akin ni Angelito habang sinusundan nila ng tingin ang tumatawid na babae.

*SscCrReEEeeEEeEeEEeeeaAAaAaaaacCchhHhhhhh*

*BLAM!*

        "oh.... Fuck!"  Sigaw ni Arvine. HAlos hindi kami makagalaw sa pwesto namin ng masaksihan namin ang  isang kalunos-lunos na aksidente.

        "May NASaGASAAN!! " Sigaw ng vendor sa kanto.

        "May NASAGASAAN!... Humingi kayo ng tulong! Bilis!" Sigaw naman ng mga estudyanteng hindi mapakali sa kanilang nakita.

          Ang pangyayaring ito..... Parang ito ang napanaginipan ko..... Mali! Ito talaga ang napanaginipan ko!

        "Shit! Nasagasaan yung babae.. Anong gagawin natin?."  Ang kaninang nananabik na si Angelito, ngayon ay nababalot na ng takot.

    May gumulong papunta sa pwesto namin, at mukhang galing ito sa babaeng nasagasaan.

        "Vonjo, may pin..... At ang nakasulat ay.... NEXT!"  Sambit ni Arvine ng damputin niya ito.

(October 12, 2011)

     Kahapon ako lang ang nakatulala, pero ngayon tulala na kaming tatlo sa quadrangle.

        "HOY! kayong tatlo! Bakit tulala kayo dyan huh? batak siguro kayo sa bawal na gamot noh?" Biro sa amin ng isa pa naming tropa na si Princess. Agad namang nabasag ang katahimikan namin nung umupo siya malapit sa amin.

        "Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari doon sa babae na nasagasaan kahapon." Nakatulalang banggit ni Angelito

        " Sinabi mo pa, sa harapan ba naman natin nangyari." Tulala ding sabi ni Arvine.

        "Nakita ko din iyon. NAkakakilabot nga eh, tapos tinakbuhan pa sya nung nakabangga sa kanya." Dagdag ni Princess na nakita din pala ang nagyari.

        "Ito ang nakakakilabot Princess, bago mangyari ang aksidente na iyon. Naikwento na sa amin ni Vonjo na mangyayari iyon." Pagbubunyag ni Arvine na agad sinundan ni Angelito. "Nung una pinagtatawanan pa namin si Vonjo, pero after namin makita iyon, naniniwala na kami." 

    Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo na at sa akin pa nagpakita ang pangitain na iyon. "Dapat hindi ko nalang napanaginipan iyon, para hindi ako kinakabahan ngayon." 

        "You mean.... May Premonition Ability ka?" Tanong ni Princess na akala mo ay namamangha pa sa nangyari.

        "Anong Premonition?"  Sabay-sabay pa kaming tatlo na naitanong ito kay Princess.

        Ngumiti at nagpaliwanag sa amin si Princess. "Ito ang abilidad na makita ang future sa pamamagitan ng panaginip... Astig! Kung meron kang ganyan na abilidad, pwede mong matulungan ang iba at mabigyan sila ng babala." 

     What the? Seryoso ba si Princess sa sinasabi niya? MAtulungan? Mabigyan ng babala? Ayoko ng ganong obligasyon!   "Mukhang mahirap iyan, ayokong i-entertain ang ability na ito. Baka kung ano pa ang mangyari."  Pagtanggi ko sa mungkahi niya.

        "So Ganyan yung sa palabas na Final Destination.... alam nyo ba iyon?" Sabi naman ni Arvine.

        "Pero diba base sa story, kapag nakaligtas ka sa design ng pagkamatay mo, babalikan ka parin at hindi ka titigilan ni kamatayan?..... Naku Vonjo huwag mo akong mapapanaginipan Please..." Hindi ko malaman kung nagtri-trip ba itong si Angelito o seryoso siya sa sinasabi niya.

        "ANo ba kayo??... ang totoo lang doon ay yung premonition. Pero yung babalikan para mamatay ka ulit after mong makaligtas, dagdag na lang iyon para magkaroon ng thrill ang story." Paliwanag naman ni Princess.  At para bang nakahinga na nang maluwag si Arvine.  "Aaahh ... Kung ganon, pag nakaligtas, safe na talaga." 

        "Yhup!" 

        "Kahit na anong sabihin nyo ay ayoko pa rin." Buo na ang aking desisyon. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko gagamitin ang ability na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

136K 5.9K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
15.1K 480 39
Bridge Series 1 I used to be just like you... then she came. The girl who looks exactly like me. She drag me to her messy world where I'm forced to i...
344K 820 3
UNDER HEAVY EDITING!!! Copyright © 2013 by ZhaneyFiel Disclaimer: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced. Al...
70.8K 3.3K 24
Book Two of Loving You For No Reason. Warning⚠: Ganun parin madaming typos at grammar errors. At jeje parin. Basahin nyo po 'to bago magsimula.