Seducing my Gay Boyfriend (PU...

By justchin

21.7M 362K 87.5K

Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in... More

Prologue
Art, Art, Art ..
Miss Dianneara
XO
MHL peg
Arturo's POV
Beach or Bitch?
Let's just be Friends
EMO
Always be my Baby
Humberto
Badminton
Where to go?
Movie Marathon
Ulan
Dianne is sick
Who's back?
Humberto is Back!
Arte
Bed Sin
Mahal kita, Tanga!
Bye Dianne, Hello Wife.
Engaged?!
Pampanga
The Hari
shocks
Isang taon
Last day
Magkabilang Mundo
Visitors
Ang Pagbabalik
The Mistress
Sweetheart
Bitch Day
Hum and Yan
Quezon City
Nasa'yo na ang lahat
Out
Moving on
Face to Face
Last
THE WEDDiNG
Flashing Back
Cruisin
Home sweet Home
The other side
Apple and Milk
AD Room
Maria Ayesha Divina
Ending
Epilogue
Kaechosan
Special Chapter

French kiss

464K 7.1K 1.4K
By justchin

[ para sa'yo :)) ]

Dianne's POV

Mahal na mahal kita,
higit pa sa iniisip mo ..

Eh ano ba?! Sa na LSS na ako sa kanta ni Baby A eh. Sobrang sarap pala ng buhay kapag mahal ka na ng mahal mo. Yung mga tambak kong trabaho sa office nagagawan ko lang ngitian, ang pagdakdak ni Daddy sa mga late kong reports nalulusutan ko pa. Nakaka good vibes kasi ang Baby A ko eh. Ang sweet sweet nya grabe. Yung tipong di mo na kailangan ng sugar pag magkasama kaming dalawa.

"Ma'am line two po. Si Sir Art." mabilis pa sa alas kwatrong inangat ko ang phone pagkarinig ko sa sinabi ng secretary ko.

"Hi Baby A!" masiglang bungad ko.

"Hello Baby D, how's your day?" tanong nya sa akin.

"Fine. ikaw ?" napapa lip bit na lang ako sa kilig. Boses palang nya kinikilig na ako.

"Good. Hindi pala kita masusundo ngayon. May emergency meeting kasi kami."

"Ok lang Baby A." sagot ko sa kanya.

"I'm gonna hang up na. Nagmamadali kasi talaga kami eh. Sorry Baby D ahh."

"Ano ka ba. Ok lang yun Baby A. Basta always thunk of me ah?" lambing ko sa kanya.

"You don't need to say that. Ikaw lang laman ng isip ko ok?"

"Ok!" nakangiting sabi ko. Nagmamadali talaga sya kaya after nyang mag good bye ay binaba nya na.

Nagsimula na din akong maglinis ng mga kalat sa table ko. Bukas ko na ulit itutuloy ang mga gawain ko, tinamad na ako.

Kinuha ko lang ang bag ko at ang urgent report na kailangan ni Dad. Tapos lumabas na din ako.

"Miss Dianneara, yung report po na kailangan sa finance office natapos nyo na po ba?" tanong ng secretary ko paglabas ko.

"Sabihin mo bukas na lang." tumalikod na ako at naglakad.

"Pero urgent po yun at-" hindi nya na tinuloy dahil di ko na din naman sya pinansin. Nagtuloy ako hanggang Office ni Dad.

"Hi Daddy!" bungad ko kay Dad at humalik sa pisngi nya. "Here's the paper you need." nilapag ko yung mga papeles sa mesa nya at ngumiti.

"Very good. " binuklat nya yun at binasa. " What about the reports for Finance Department?" tanong nya sakin.

"Yeah. Shoot. I forgot." tumayo ako at nagpaalam na. "Tomorrow na lang Dad. Ciao!"

"Dianne .." tinawag nya ako pero hindi ako lumingon.

"Promise. Tomorrow." sabi ko pa.

"Dianneara." matigas na tawag nya sakin.

"What Dad? I told you, tomorrow." naiinis na lumingon.ako sa kanya.

"Your being inefficient to your work, napapabayaan mo na ang trabaho mo, your the Company Secretary, lahat ng department sakop mo, at responsibilidad mo, Dianne, your change of attitude is affecting the entire company. What's happening to you?" taning nya sakin.

I just rolled my eyes."Dad, can't you understand? May boyfriend na ako, I need to give my hundred percent attention to him, you know this is what I want. Kaya kailangan alagaan ko kung anong meron ako. I love Art. At hindi ko po pababayaan ang trabaho ko."

"If you say so, do all the pending reports for tomorrow board meeting. That's all." binalik nya ang tingin nya sa mga papeles sa harapan nya.

Tumalikod na lang ako at naglakad palabas. Pero agad din akong huminto at parang nakonsensya, inefficient . Ganoon na ba ko sa trabaho ko? Masyado ko ng napababayaan. Agad akong tumalikod at tinungo ang office ko, naabutan ko pa ang secretary kong nag aayos na.

"Miss Dianneara may nakalimutan po kayo?" di ko sya pinansin at pumasok na ko sa loob. Kinuha ko lahat ng kumpol ng papeles sa ibabaw ng table ko at lumabas agad. Di ko alintana ang bigat ng mga papel na yun at ang pagtawag ng secretary ko sakin. Nagtuloy ako sa car park at pinaandar ang sasakyan ko.

Hindi ako dumiretso sa bahay instead sa office ni Baby A ako pumunta. I know, busy sya at hindi nya ko masusundo, so i made a way para kahit paano magkita pa din kami. Wala gaanong tao sa hallway ng office, naalala ko may meeting nga pala sila. Hindi na ako tumuloy sa office nya, naupo ako sa lobby at dun naghintay. Wala pa kong thirty minutes nakaupo ay nakita ko ng naglabasan.ang mga tao sa convention room nila, tumayo ako at hinanap agad si Baby A.

Lumakad ako papunta sa kumpol ng mga taong lumalabas, gusto kong salubungin ng bonggang bongga si Baby A. Pero agad din akong napahinto ng makita ko si Hubert na lumabas, aatras sana ako at magtatago,pero agad din nya akong nakita at tiningnan. Pag itong taong to pa naman ang nakikita ko nagbabalik sa isip ko yung mga kapestehan na ginawa nya samin ni Baby A, sarap lang itapon sa ilog pasig at iparape sa mga bakla eh.

Tinaasan ko sya ng kilay ng naglakad sya palapit sa akin, nag cross arms pa ako.

"What?" mataray na tanong ko ng huminto sya sa harap ko. Marahan lang nya akong nginitian.

"Dianne, how are you?" pangangamusta nya sakin.

"Fine." pormal na sagot ko at ginala ang paningin ko sa paligid baka makita kami ni Baby A at magselos yun.

"Dianne.."

"Don't touch me .." umiwas ako sa paghawak nya sa braso ko.

"Why?" gusto kong maguilty bigla ng nakita ko yung sakit sa mata nya. Baka isipan nyang super bad ko.

"Engaged na ako." ok! Anong connect sa paghawak nya sakin? Kahit ako natatawa din sa sagot ko. Bilang pruweba ay tinaas ko yung kaliwang kamay ko at pinakita sa kanya ang silver ring na binigay ni Baby A sakin.

"What?" takang tanong nya. Before pa ako makasagot ay, may nauna ng sumagot sa tanong nya.

"She's right. We're engaged." enebe. Ang aking boyfie slash fiancee slash soon-to-be-husband slash prince charming slash knight in shining armour ay andito na sa tabi ko. Nakahawak ang kanang kamay nya sa bewang ko.

Nang tiningnan ko si Hubert, ni hindi nya magawang magsalita pati tuloy ako naghihintay sa sagot nya.

"Di pwede yan Art. You know that." napkunot noo ako sa sinabi ni Hubert, nakatingin sya kay Art ng sabihin yun.

"Why?" tanong ko at tiningnan silang dalawa. Baka naman totoong may relasyon talaga silang dalawa?

"Si Dianne ang ka-arrange marriage ko." sagot ni Baby A.

"What?!" masyadong oa ang sagot ni Hubert kaya may mangilan ngilan na taong napalingon sa aming tatlo.

"You've heared it right. Si Dianne yung babaeng matagal ko ng tinatakasan, sya din yung babaeng sinabihan kong di ko mamahalin, yung babaeng akala ko sisira sa buhay ko, pero di ko alam, sya din yung taong bubuo sa buhay ko." gusto kong maiyak habang naglilitanya si Art sa tabi, di ko maiwasan na hindi sya tignan, naisip ko nga ano kayang feeling na naglalandian sa harap mo yung dalawang taong kinaiinisan mo at mahal mo, siguro sa isip ni Hubert, kinakatay at mini murder nya na kami ni Baby A, pero wala akong pakialam, leshe kinikilig ako sa sinasabi ni Baby A, tipong di ko maalis yung tingin ko sa kanya. Enebe .. ako? Binuo sya. Di naman.

"Paanong nangyari yun?" ay nako, agaw eksena naman tong si Hubert napaka bitter kasi, epal lang? Kainis.

"Tanong mo kay Destiny baka sakaling sagutin ka. Tss .. Tara na nga Baby A .." tumalikod na akp hawak yung braso ni Baby A kaso ang loko di nagpatinag, pagharap ko nagtititigan pa silang dalawa.

"Anong gusto nyo i plaster ko na yang mga mata nyo sa isa't isa?" inis na sabi ko.Agad naman lumingon si Baby A sakin at hinila na ako palabas sa building.

Habang naglalakad kami papunta sa parking ni Baby A ay lingon sya sakin ng lingon.

"What a face." huminto sya at hinarap ako sakanya.

"What?" kunot pa din ang noo ko.

"Hey.." ini-strech nya yung noo ko gamit ang hintuturo nya at hinlalaki.

"You and Hubert." sabay irap ko sa kanya.

"What about us?" nakangiti pa nyang tanong.

Tiningnan ko lang sya at inirapan, naiinis ako. basta!

"Ouch ." nabigla ako ng pinitik nya yung noo ko.

"Di ko gusto yang iniisip mo." sabay lakad.

"Naman! Eh ano bang iniisip ko?" humabol ako sa kanya habang naglalakad sya.

"Me and Hubert has no relation.ok?"

"Eh bakit ba kasi ganoon kayo.magtitigan?" hinawakan ko ang laylayan ng long sleeve shirt nya para lumingon sakin. Saktong nasa sasakyan nya na kami ng huminto sya at harapin ako.

"He's getting on my nerves." bakas ang inis sa salita nya.

"Bakit feeling mo ba mapapatay mo sya sa titig mo or mapipilayan mo sya? Edi sana binigwasan mo or sinapak mo." sabi ko sa kanya at nagcross arms sa harap nya.

Nagulat ako ng marinig kong tumawa sya. Tumingin ako sa kanya ng masama, like 'what's funny. Akalain mong sunagot nga.

"You. Your so pretty." nakangiti pa nyang sabi at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"I know." i rolled my eyes.

"Alam mo yung joke?" natatawang sabi nya.

"Ugggghh .." inis kong inalis yung kamay nya sa pisngi ko. Kainis! Lakas mang trip! Tatalikod na sana ako sa kanya ng iharap nya ulit ako.

He give me a smack kiss in my lips and smile.

"Galit pa?" eh bakit ang sexy ng boses nya? Bakit ang hot ng titig nya? At bakit ako kinikilig sa ginawa nya. Hello smack lang yun, ano ba! What more kung i french kiss nya pa ko with matching lip bite? err?

"Yes." kunwari galit. Kunwari lang naman. Try natin malay mo mag upgrade sa french kiss eh.

Halos mapa sigaw ako ng maramdaman ko yung swabe nyang hininga sa ilong ko. Coz he kissed mo on the tip of my nose.

"Hmm?" parang gusto ko din mapa ungol sa lapit ng mukha ni Baby A. Jusko ramdam ko sila Abses sa mga kamay ko. Gusto ko ng sumuko pero alang-alang sa french kiss titiisin ko. Marahan akong umiling na ikinangiti nya naman.

Dahan dahan nyang tinapat ang bibig nya sa tenga ko and he lick it, napapikit ako sa ginawa nya, at naramdaman kong marahan nya tong kinagat, lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan at wala na kong ginawa kundi tumili. Grabe i can't take it anymore.

"Aaaaahhhhhh ..." hawak ang magkabilang pisngi ko ay napalayo ako sa kanya habang tumitili.

"Ma'am may problema ba?" narinig kong tanong ng lalaki sa likod ko. Napahinto naman agad ako sa pagtili.

"No Manong. We're just fine here." sagot ni Baby A. Nakatingin sya likod ko at kausap yung Guard. "May nakita lang syang ipis."

"Sigurado kayo Ma'am?" lumingon ako kay Manong at napatango na lang.

Muling nabuhay ang kilig ko ng makita ko si Baby A, nakasandal sa kotse nya, at nakapa mulsa, he's playfully smiling at me.

"Baby A taympers muna!" nakahawak ako sa puso ko, baka malaglag kasi eh, at nag peace sign ako sa kanya.

"Dianne, get in." natatawang binuksan nya yung pinto ng kotse nya.

"Baby A dala ko pala yung kotse ko." naalala ko yung mga papers na kailangan kong tapusin. "Wait lang."

Art's POV

"Dianne may problema ba?" nilingon nya lang ako at umiling. Tapos binalik nya yung tingin nya sa labas ng kotse.

Kaninang bumalik sya dala yung mga paperworks nya, napansin kong tumahimik na sya, nagaalala tuloy ako sa kanya, hinawakan ko yung kamay nya at marahang pinisil yun. Lumingon naman sya sakin at ngumiti.

"C'mon, tell me what's your problem." sabi ko ng mag red light at nakahinto kami.

"Baby A ayokong umuwi sa bahay .." agad na nagtaka ako sa sinagot nya, may usapan kaming weekends lang sya pwede sa condo ko, weekdays ngayon kaya alam nyang di pwde. "Please .." alam kong may problema sya.

"Not until you tell me what's your problem."

"Mamaya na lang pwede?" her eyes begging me. Kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod.

Dumaan kami sa isang restau at doon na nagdinner, ng makarating kami sa condo ko ay agad syang naupo. Pinatong ko sa side table yung mga paperworks nya.

"Ako ng mauunang magshower Baby A." paalam.nya sakin. Marahan lang akong tumango. Tumayo na sya at pumasok sa kwarto.

Kita ko sa mata nyang may gumugulo sa isip nya. At gusto kong malaman yun.

I count ten minutes bago pumasok sa kwarto. Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama, tulala lang sya kaya lalo akong nagalala.

"Hey,you alright?"tinabihan ko sya at inakbayan.

Tumango lang sya sakin."Sige na. Magshower kana."

Mamaya ko na lang sya pipilitin magsalita, pumasok na lang ako sa cr at nag shower. Nang lumabas ako ay nakita kong nakasubsob na sya sa study table, kaharap ang laptop nya at ang tambak na papeles.

Hinayaan ko na muna sya at nag ayos sa sarili ko. Naupo ako sa gilid ng kama malapit sa kanya at pinagmasdan sya. Looks like she can't concentrate on what she's doing. Tumayo ako at hinawakan sya sa balikat, giniya ko syang tumayo at pinaupo sa gilid ng kama.

"Now tell me." tiningnan ko sya sa mata pero hindi sya nakatingin sakin. Napabuntong hininga lang sya.Naghintay ako sa sagot nya.

"Baby A nagbago na ba ako?" finally, nagsalita sya at tinanong ako.

"Why?" gusto kong malaman muna kung bakit nya natanong yun.

"I'm being inefficient on my work, that's what Dad told me." hindi sya tumintingin habang sinasabi nya yan.

"Bakit nya naman nasabi yun?" tanong ko pa.

"Kasi minsan nalelate na yung ibang reports ko." napangiti ako sa sagot nya. She looks like a child na nakagawa ng kasalanan.

"Eh bakit mo naman ginagawa yun?" nang mapatingin sya sakin ay nalaman ko na agad ang sagot kahit di nya pa sinasabi.

"Kasi boyfriend na kita. Kasi mahal kita. Ayaw kong magkulang ng oras sayo, baka ipagpalit mo ko." hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya or malungkot sa sinagot nya.

"Wala naman talagang taong nagbabago, nasabi mo lang na nagbabago sya dahil hindi na sya nabubuhay sa paraang gusto mo." nagumiti ako kay Dianne at hinawakan ang kamay nya. "Same as you, siguro nakikita na ng Dad mong nag iba na ang working style mo, at hindi nya na to nagugustuhan,siguro nga nagbago ka na, in his eyes. But, Dianne no, hindi ka nagbago, nagmamahal ka lang ng todo." hinampas nya ko sa braso sa sinabi ko. "Cheer up, ikaw pa din si Dianne, ang babaeng mahal na mahal ko. Yo just need to prove na kaya mong ibalance ang trabaho at love life mo." i pinch her chin.

"Thank you Baby A." niyakap nya ko kaya naman biglang uminit ang kwarto. Space.. i need space.

"Alam mo, i can help you do your paperworks." tumayo ako at hinugot yung upuan sa dresser ko at lumapit sa study table. Wooh .. kelangan kong mag control. Bakit naman kasi Dyosa pa ang girlfriend ko, madikit lang sa akin nagliliyab at nagniningas na yung pakiramdam ko. Weird.

Di pa ako nag iinit sa upuan ko ng maramdaman kong pumulupot yung kamay ni Dianne sa leeg ko, bakit ba ang hilig mangyakap ng babaeng to at bakit ang hirap magpigil ng temptation?

"Baby A you know what? Di ka lang boyfriend ko, ikaw din ang teacher, engineer, architect, doctor, at higit sa lahat Santa Claus ng buhay ko. " naramdaman ko yung mainit nyang hininga sa pisngi ko. Mahina naman akong napatawa.

"You know what?"

"What?"

"Your my teacher coz you teach me how to love, your the enginner of my life coz your buliding a new me, your my architect, because your planning the best for me, your my doctor coz you heal all the negative feelings and make it possitive .." she kissed my cheeks.

"And lastly, your my Santa, coz you grant all my wish." she said that in a very low tone, like she's whispering in my ear.

Hinawakan nya pabaliktad ang pisngi ko at nagkatitigan kami. Just like Jane and Spiderman in the movie by himself, we kissed upside down, tasting the sweetness of her lips make me insane. This girl is simply amazing. I'm so lucky to have her.

Dianne's POV

"Good morning Mr.Belmonte."bati ko sa financial Manager namin na kakapasok lang.

"Good .. morning." naninibago siguro sila na maaga akong nandito.

Well ngayon na inspired na ako dahil kay BAby A kaya naman maaga akong pumasok at nagawa ko lahat ng reports ko for today's meeting. Keber ba kung may eyebags na akong nagmistulang maleta sa ilalim ng mata ko, eh sabi naman ni Baby A Ako naman daw ang pinakamagandang babae sa paningin nya, sasapakin ko magsabing bola lang yun!

Lumipas ang ilang minuto at nakaayos na ang table para sa meeting, hinihintay na lang namin si Dad para makapagsimula na. But thirty minutes passed eh wala pa din sya, naghihintay na ang board sa kanya, but no worries, sanay na ko sa ganito, alam na alam ko ang dapat kong gawin, so tumayo na ako at pumunta sa harap. I start to catch their attention.

"Good morning everyone, i guess my father got a trouble again." I chuck and clear my throat. "So today's meeting will tackle about the finance department report for this year. The annual report should compiled by each month but I guess the manager forgot about it." I look at the Mr. Belmonte's side. "Care to explain Mr. Belmonte?" Tiningnan nya ako at tumayo sya. Nagsimulang magbuklat ng mga papeles sa harap nya at saka tumingin.

"The reports for the annual budget are .." Nagbuklat pa sya ng ibang mga papel sa harap nya.

"Enough of that Mr. Belmonte." Ako na ang nagpaliwanag sa mga board of memebers ng mga annual reports dahil sa hindi na makapag explain ng maayos si Mr. Belmonte. Hindi dahil ninakaw nya ang budget kundi dahil dala na din ng katandaan nya, nakakalimutan nya na ang mga bagay bagay na dapat ay idiscuss nya sa amin. Kahit nasa harapan nya na ang mga papers.

In the middle of our discussion nakita kong pumsok si Daddy but he didn't interrupt my speech. He just standing cross arms at the back of the board members, at the side of his lips smiled at me, alam kong nakuha ko na ulit ang tiwala ni Dad.

"So any question?" Tanong ko sa mga members after kong magpaliwanag.

Nagbulungan muna sila bago ako hinarap.

"We are all convinced to your report Miss Aragon. Job well done." Napangiti na lang ako sa sinagot nila at isa isa na silang nag alisan.

Lumapit si Dad sakin at ngumiti.

"Congrats." Niyakap nya ako so yumakap din ako sa kanya.

Sabay kaming naglakad sa hallway.

"Dad mag li leave ako for next week. Remember the invitation of Art's Grandma for their reunion?"

"Of course, you already granted. I can't believe it. Mag aasawa ka na din."

"Well believe it Dad." I kiss him on the cheeks when we're sepated our ways.

Bago makarating sa office ko ay nilabas ko na yung phone ko at dinial ang number ng aking mahal na boyfriend.

"Baby A succes!" Bungad ko sa kanya kahit di pa sya nakakasagot, narinig kong tumawa sya sa kabilang linya.

"See i told you. That's my Baby!"

"Thank you Baby A for helping me."

"Don't mind that. It's nothing."

Saktong nakarating ako sa office ko at naupo sa swivel chair ko.

"I love you .."

"I love you more .."

Napangiti ako dahil ang inaasahan kong sagot nya ay normal na 'i love you too' pero higit pa dun ang binalik nya. Tumataginting na 'i love you more' daw, hindi talaga pumapalya si Baby Ana pakiligin ako!

---

Di ako magsasawang mag thankyou sa inyo. Salamat po. Sa friday ulit XD

Continue Reading

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
73.2K 2.2K 13
I am Sunny Esguerra, 18 and depressed. He is Levi Mitchell Hope, a living doll. And yes, in love kami sa isa't isa. Ang kailangan na lang naming gawi...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
26.5M 620K 47
Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady...