Moving on

257K 5K 723
                                    

Dianne's POV

Ngayon alam ko na ang salitang move on, pero walang nakakaalam kung paano gawin 'to, some says it takes time, while other says, hayaan na lang na panahon ang makalimot.

Ngayon paano ako magsisimula sa apat na sulok ng kwarto ko, there's Chichay, sleeping, isa sa mga nagpapaala sakin kay Art, here's the ring that symbolize his love, and here's my heart that beats only for him.

Ang hirap mag isip ng paraan para maka move on, walang may gusto ng sakit na ganito, sakit sa puso, literal. Gusto ko ng bumalik sa dating ako, yung walang paki alam sa mga tao sa paligid ko.

Kanina ng makita ko yung pamilya ni Veronica, pain cover my heart, siya masaya, may asawa, may anak. May sarili ng pamilya.

Si Dale may asawa na, sooner magiging ama na, at magiging masaya na.

Ako ano? Ngayon ko narealize na sobrang layo na pala nila sakin, na ang layo na ng narating nila. Pero ako eto, back at one, still inlove sa taong hindi ko naman pwedeng angkinin, ngayon ko naintindihan yung sinasabi nilang pagsasayang ng oras.

Sobra ko bang sinayang yung oras ko kay Art, na hindi naman kayang suklian yung pagmamahal ko. Hanggang kelan ba itong pagtulo ng luha ko? Ang pagkirot ng puso ko? Yung awa sa sarili ko? Did I deserve all this pain? Nagmahal lang naman ako ah ..

Ganito ba kasakit ang iwanan ? Marami din bang katulad ko ang umiyak ng ibreak ng boyfriend nila? Gaano katagal sila umiyak? Nalampasan kaya nila? Kinaya ba nila?

Kasi ako parang walang katapusan yung luha ko, parang habang tumitibok yung puso ko, si Art lang ang tinitibok nya. Akala ko sapat na yung mga taon na binigay ko. Akala ko worth it lahat yun. Hindi pala .. masakit pala ang magmahal.

Napatulala na lang ako sa labas ng bintana ng unit ko, dark sky, with the blink of stars, and a light from the busy street.

Kelan kaya ako matatapos kakaiyak?

Morning came and I did my usual habbit, pero ng hapon ay di ko na ginustong umuwi, wala na yung dating excitement sa hapon, yun bang makikita ko si Art, susunduin nya ako, haharutin ko sya, guguluhin hanggang sa huli it'll turn as our best and sweetest moment.

Yung simpleng magkasama lang kami, kakain, magtatawanan, holding hands, yun lang lumilipas na ang araw namin, we're such a happy couple back then.

Sana pala hindi nalang naging lalaki si Art, na sana bakla na lang sya, na kahit ganon sya, akin lang sya, wala akong kaagaw, wala akong kahati, walang taong magmamahal sa kanya kundi ako lang, na kahit hindi nya ako minahal ok lang basta sakin lang sya, na masaya na kong makitang naiinis ko sya, na malapit lang sya sakin, nayayakap, nahaharot, lahat nagagawa ko, walang humahadlang, walang limitasyon, walang hangganan.

Ngayon wala na. Hindi na nga sya sakin, hindi ko pa sya malapitan. Na bawat tingin ko sa kanya, ay ang sakit ng pagkawala nya.

"Miss Dianneara mauuna na po ako.." paalam ng secretary ko.

Puno ng luha na tumango ako. Saka ko lang narealize na basa ang mukha ko ng makita ko ang basa na mga papeles sa table ko.

Sinimulan kong linisin ang table ko. Saka ako nakatanggap ng text mula kay Hellga.

Wanna come?

May sinabi syang isang bar, mas pinili kong pumunta sa kanila. I need to unwind. Sakay ng kotse ko ay pumunta ako sa kanila. Sa labas pa lang ng bar ay nakita ko na sila.

"What happened to you?" bungad ni Hellga sakin.

Di na kasi ako nag abalang mag ayos.

"I'm fine." sagot ko sakanila.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon