Hum and Yan

275K 5K 1.2K
                                    

Dianne's POV

Ang lamig ng hangin, pero ang init ng ulo ko. Paano naman nakatapat sakin sila Art at Sweetheart magkatabi samantalang ako eto nganga! Sarap ingudngod sa apoy ni Sweetheart kainis!

"Let's drink!" sigaw ng kung sinong poncio pilato na kasama namin, halo halo na kasi kami dito.

Kukuha na sana ako ng sarili kong bote when out of nowhere ay tumabi sakin si Baby A. He held my hands and put it on our back.

HHAB .. holding hands at back. In short tagu taguan.

Asar na tiningnan ko sya. "Problema mo?" tanong ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" kalmadong tanong nya.

"Siguro dahil jan sa apoy sa harap ko." sarkastikong sagot ko.

Umiiling lang naman syang tumingin sakin. Inirapan ko naman sya. Pero hindi nya talaga ako nilubayan ng tingin. Alam nyo yung tingin na may kasamang ngiti na pa mysterious effect? Yun yun eh .. sobrang nakakailang.

"Don't look at me like that .." tinampal ko yung pisngi nya para mapatingin sa ibang direksyon.

"Looking at you like what?" tanong nya in husky voice.

Nagkatinginan naman kami like there's no other people.

"Ok guys! Partner games tayo!" napalingon kami ng sumigaw yung isang babae.

"Kayo ba ang partner?" tanong ng isang babae samin. 

I don't want to answer her 'no dahil masasaktan ako, but she's looking at us like waiting for an answer.

"Uhm .. no we're not." at dahan dahan nya kong binitawan.

You know the feeling na binitawan ka nya at unti unting lumayo.

Ouch! Sakit lang nun. Gusto kong magwala sa sakit.

At bago pa ako magwala ay tumalikod na ako at pumasok sa loob ng Hotel. Naiiyak ako sa sakit pero wala namang luha na gustong kumawala sa mata ko. kainis lang.

"Humbertooooo!!!" sigaw ko ng makita ko si Hubert na papasok ng hotel. Naka shades pa sya at may backpack.

"Ay hindi. Kaluluwa lang ako!" sakay nya agad.

"Namiss kita Humberto!" sigaw ko pa.

"Lelang mo. Saka wag mo nga ko matawag na Humberto. Gwapo gwapo ng pangalan ko eh!" saway nya sakin.

"Yun nga eh. Sana pangalan ka na lang!" natatawang sabi ko sinamaan naman nya ako ng tingin. "Peace! Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala napadaan lang aalis na din ako!" tumuloy kami sa reception area at inayos nya yung tutuluyan nya.

"Kyaaaaah! Magkatabi tayo ng room! So invited ka din pala dito Humberto!" pumapalakpak na sabi ko.

"Ayaw mo?"

"Teka bakit ang hard mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Am I?" tanong din nya sakin. Napatango naman ako bilang sagot at sumabay lang sa paglakad nya.

Pumasok kami sa elevator.

"I heared your situation Dianne. Bakit naging ganon?" napapikit ako at napasandal sa wall.

"I don't know." naiiling naman nya akong tiningnan.

"Hindi naman talaga ako pupunta dito kung hindi dahil sayo, nung nalaman kong wala na kayo ni Art sobra akong nag aalala sayo. But I guess ok ka naman. " napatingin ako sa kanya. Then I smile.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now