Pretending with the Snob (Pyx...

By swaegmonster

142K 5.8K 2.2K

(Completed) Even in her wildest dreams, Alisson never thought na mangyayari sa kanya ang nangyayari lamang sa... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
15.1
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
20.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
28.3
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Alisson Moretta
Self-Publishing!

Chapter 19

2.7K 123 48
By swaegmonster


Chapter 19 - Jalousie Again?


Tinakbo namin ni Orange ang papuntang classroom dahil bigla na lang bumuhos ang ulan. Malayo pa kami sa building namin! At parehas pa kaming walang dalang payong!

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami. Hinuhubad niya lang naman ang coat niya, leaving only his white dress shirt na nag-uumpisa na ring mabasa. Hmmm. Pabakat na ang muscles at abs niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" sarkastikong sabi niya, lumapit pa lalo sa'kin at sinaklob sa'ming dalawa ang coat niya.

Kaunti na lang masasapak ko na 'to, eh! Itutulak ko sana siya palayo, may blazer naman ako, kaya kong sakloban ang sarili ko pero nakarating na kami sa building. Hindi ako gaanong nabasa, pero si Orange parang naligo ang kalahati ng katawan, basang-basa ang likod niya, hanggang sa dibdib at braso. Bakat na bakat na ang mas-kels! Gawd, his broad chest and back, isama pa ang biceps! Wow, ulam!

At mukhang hindi lang ang mga mata ko ang nagpi-piyesta sa wet look ni Orange, dahil nakatingin rin sa kanya ang halos lahat ng estudyante sa building! Mapababae o binabae, lahat talaga! Aba't, mga taong 'to, kung makatingin akala mo isa sa Seven Wonders of the World si Orange!

"Wala ka bang extra shirt? Basang-basa ka na." Gusto kong hubarin ang blazer ko para itakip sa katawan niya. Baka malusaw na lang siya bigla sa mga tingin sa kanya!

Bumuntong hininga siya. "Nasa locker sa Pyxie."

"Ite-text ko si Miles." Wala pa ang kotse ni Miles kanina sa Pyxie Point, papasok pa lang 'yon sigurado. Matapos kong ma-send ang text, hinatak ko agad si Orange papasok ng lift. Tinginan sa kanya ang mga estudyante pero wala siyang pakialam. My idea kaya siyang pinagpi-piyestahan na siya?

Nag-text si Miles na papunta na raw siya. Pagharap ko kay Orange, he is unbuttoning his wet dress shirt!

"Hoy, Orange! Ano na naman 'yan?! Bakit ka naghuhubad?!"

"Because I'm fucking wet."

"Hindi ka pwedeng maghubad!"

Ngumisi siya bigla, "Why? Maiilang ka?"

"Hindi! Bawal maghubad sa school ano ka ba!" Hindi pwedeng pati ang hubad niyang katawan ay makita ng iba! Hindi pwede!

"Says who?" nakangisi pa rin siya. "Nilalamig na 'ko."

"Yakapin na lang kita!"

"Moretta, what the fuck?"

"'Wag ka muna kasing maghubad, papunta naman na si Miles. Gusto mo sa'yo muna 'tong blazer ko?"

"No way."

Bumukas ang pinto ng lift, inayos ko muna ang dress shirt niya para walang gaanong bumakat na muscles, sinuot ang mga tinggal niyang butones, bago siya hinatak palabas. Nasa unahan niya ako para maharangan ng katawan ko ang katawan niya.

"Ano bang problema mo?"

"I'm trying to protect you, okay?" bulong ko.

"Protect me?" tanong niya na parang insulto ang sinabi ko.

"Well, your body actually." Tinuro ko ang damit niya, "Hindi nila pwedeng makita ang nagtatago d'yan sa ilalim ng dress shirt mo."

Tumaas ang kilay niya, "And why? What if I want to show them?"

"Hindi pwede! Hindi ako papayag!"

"Bakit?"

"Kasi akin lang 'yan!" Na-realize ko rin agad sinabi ko. Stupid, Alisson. Stupid! Pilit akong tumawa ng malakas. "Joke! Eh kasi ano... ano ba... Basta!"

Nasa tapat na kami ng room, bigla niya kong inunahan at humarang sa pinto. "Bakit nga?"

Hindi ko mabasa ang expression niya. Ang galing niya talagang magtago ng emotion. Pero sa tono niya, alam kong naaaliw siya.

"Eh kasi..." ano bang dapat kong isagot! Bakit ko ba sinabi 'yon?! "Kasi nga... kasi... kasi nga girlfriend mo ako 'di ba? Sino bang matinong girlfriend ang may gusto na makita ng iba ang katawan ng boyfriend niya? Akin lang 'yan, okay? Akin lang." ngumiti ako ng pilya at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Huwag kang masyadong kiligin."

Hinawakan ko ang basa niyang dibdib at tinulak para pareho kaming makapasok sa loob.

Ha! Saved!

Dala naman ni Miles ang dress shirt ni Orange pagdating niya. Tuluyang hinubad ni Orange ang basang damit niya para makapagpalit. Wala pa namang gaanong tao sa room, iilan pa lang kami dito at ang iba ay abalang sa phones nila.

Mabilis lang na lumipas ang maghapon, hindi ako gaanong makapag-concentrate dahil kay Orange. Mukha siyang anghel na bumaba sa langit, pagka-gwapo gwapo! Naka-dress shirt lang kasi siya, hindi niya masuot ang coat dahil hanggang ngayon basa pa. Naka-hanger ito sa rack sa likod namin at wala na yatang pag-asang matuyo dahil sobrang lamig dito sa room.

Ang tanging naalala ko lang sa maghapong lumipas ay English, panibagong reporting na naman kasi. Halos lahat yata ng subjects namin may report. By pair lang ulit, pinasulat ni Ma'am Lopez ang mga pangalan namin sa isang papel, kung sino ang magkasunod na mabubunot niya, iyon ang pair.

"Samantha Lee." Unang-una pa si Sam! "Your pair will be... Yvo Sullivan."

Nganga kaming lahat.

Yvo is our second best next to Sam! Nagsama pa ang dalawang brainy! Maraming nagreklamo sa mga kaklase ko, powerhouse daw kasi. Pero hindi sila pinakinggan ni Ma'am Lopez.

Nakailang tawag na, pero hindi pa nababanggit ang pangalan naming tatlo nila Orange.

Then finally, "Miles Devane and... Alisson Moretta."

You know that look you give to your friend at a time like this? Gano'n ang naging tinginan namin ni Miles sabay high five.

"Tyler Smith and... Jiesel Rodriguez."

Natutop na lang ni Jiesel ang bibig niya, hindi ko alam kung dahil sa kilig o sa takot. Wala namang nagbago sa expression ni Orange, as usual mukhang galit na naman sa mundo.

Matapos ang pairings, binigay sa'min ni Ma'am Lopez ang mga topic namin. And it's about Greek Mythology, which is my favorite part in literature. Narinig ni Sam ang excitement ko, and she tells me na Norse naman pala ang favorite niya.

Madali lang ang topic na napunta sa'min ni Miles, si Endymion. Kayang-kaya naming dalawa 'yon.

Odyssey naman ang ibinigay kila Sam at Yvo, napakahaba noon, pero sigurado naman na kering-keri nila kahit silang dalawa. Iba ang level nila pagdating sa katalinuhan, eh. Kaya rin siguro hindi na sila pinaghiwalay ni Ma'am Lopez.

Pygmalion at Galatea naman kila Orange at Jiesel. I love that story, hindi kasi gaanong tragic ang story nila, unlike Orpheus and Eurydice. Kahit pa sa tingin ko hindi deserve ni Pygmalion si Galatea. Yes he was the one who sculpted and made her, but still.

Pinagtabi-tabi ni Ma'am ang mga magkakapareha, pag-usapan na raw namin ang gagawing presentation. Kaya si Miles ang umupo sa pwesto ni Orange, sa pwesto naman ni Miles naupo si Yvo. Nahiwalay sa'min si Orange, na tumabi kay Jiesel sa kabilang dulo ng classroom.

"Orange, behave. 'Wag gaanong magsusungit, okay?" bilin ko sa kanya bago siya lumipat kanina.

And as usual, he just "tch."

Role-play ang napagkasunduan namin ni Miles na gagawin, nagpatulong kami kay Yvo na gumanap bilang Zeus dahil matagal pa naman ang presentation nila. Mauuna kasing mag-present ang mga may maikling topic at isa kami ni Miles doon. Syempre bilang kapalit, tutulungan din namin sila ni Sam sa presentation nila.

Nag-volunteer si Miles na siya na raw ang magsusulat ng script, pumayag naman ako dahil mukhang forte niya ang mga ganito. Habang abala si Miles sa pagsusulat, hinanap ng mga mata ko si Orange. Napaka-seryoso niya! Siya lang ang nagsasalita sa kanila ni Jiesel na mukhang takot na takot sa kanya.

Napailing na lang ako. Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura niyang 'yon?

Maya-maya lang, nilibot ni Orange ang paningin niya. Siguradong naramdaman niya na may nakatitig sa kanya. Oras na magtama ang paningin namin, sinenyasan ko siyang ngumiti at mag-relax.

Lalo lang sumama ang mukha niya.

Wala ng pag-asa.

Si Miles naman, engrossed sa ginagawa niya. I offer him help, pero kaya niya na daw. Binalik ko ang tingin ko kay Orang at napangiti agad ako. He looks relaxed now, a bit. Wala na ang kunot sa noo, hindi na siya mukhang bubuga ng apoy. Nawala na rin ang takot sa expression ni Jiesel, nagsasalita na siya paminsan-minsan at titig na titig na kay Orange.

Hindi lang 'yon, nangingiti pa!

Aba! Bakit may pag-ngiti? Nag-jo-joke ba si Orange? Pati ba sa iba, nagjo-joke na siya? Sinabihan ko lang na mag-relax at ngumiti, nasobrahan naman yata.

"Ali, are you listening?" pukaw sa'kin ni Miles.

Pilit kong inalis ang tingin sa dalawa, "Oo naman."

"What's with the glare? Sino ang sinasamaan mo ng tingin?"

"W-wala. Iniisip ko lang 'yong costumes natin."

"Nahahawa ka na yata kay Tyler." He chuckles before clearing his throat, "So ano, payag ka ba?"

Gusto kong itanong kung saan, pero mabibisto niya ako. Pilit akong ngumiti. "Oo?"

"Great! It will only be on the cheek. Walang malisya, just for our presentation."

"Teka, ano?"

"You're gonna kiss me on the cheek. It's the highlight of our role-play. You know the part where 'Each night, Endymion was kissed to sleep by Selene'." He mocks a glare, "You're not listening, are you Ali?"

"Sorry, medyo distracted lang."

"Saan naman?"

"Wala—"

"Doon ba sa dalawa?" Nginuso niya si Orange at Jiesel.

"Hindi, ah! Bakit naman ako madi-distract sa kanila?" Pinaikot ko pa ang mga mata ko.

Kunwari siyang nag-isip, "Bakit nga ba?"

"Pabasa na nga lang ako ng script." Inabot niya sa'kin ang papel na pinagsulatan niya. "Hey, this is actually good." And his handwriting is not bad either.

Smugly, he smiles. "I know."

Natawa na lang ako.

Bumalik na ang halos lahat sa kani-kanilang upuan, pero 'yong dalawa hindi pa rin tapos mag-usap. Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit ang tagal? Pygmalion at Galatea lang 'yon! Maikli lang! Gusto pa ba nilang lagyan ng twist? At bakit biglang naging sobrang lapit ni Jiesel sa kanya? Talagang tinabi niya ang upuan niya sa table ni Orange! Kung makatitig pa, parang gusto yatang lusawin si Sungit, eh!

"Ali! Bakit mo nilulukot ang script natin?"

Napatingin na lang ako sa mga kamay ko. "Gawd! Sorry! So sorry! Hindi ko sinasadya! Ire-rewrite ko na lang!"

"Chill, Ali! It's okay, draft lang naman 'yan."

Binalik ko sa kanya ang script dahil baka masira ko pa ng tuluyan. Pinaghirapan niya pa naman 'yon. "Sorry talaga, Miles."

"May problema ba?" Miles asks, concerned.

I shake my head and smile, "There's none, just spaced out a bit. Washroom lang ako."

Binagalan ko ang lakad ng tumapat ako kila Orange. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil ang ingay ng mga kaklase ko! Tsk! Itong si Orange naman, hindi man lang ako napansin! Nakalabas na ko't lahat, pero hindi man lang ako tiningnan. Masyadong busy sa kausap! Bwisit!

Gigil kong binasa ang mukha ko pagdating ko sa washroom.

Pagbalik ko ng classroom, hindi ko na sila tinapunan ng tingin. Lalo lang akong mabu-bwisit.


~*~


Tahimik lang ako sa biyahe namin pauwi. Sa labas lang din ako ng bintana nakatingin, ine-enjoy ang view. I can see Orange in my peripheral, stealing glances.

"Anong problema mo? Bakit tahimik ka?" tanong niya, hindi nakatiis dahil kanina pa 'ko walang imik.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Hungry?"

Umiling ako.

"What then?"

"Wala."

"Meron. What is it, Moretta?"

"Wala nga. Nabu-bwisit lang ako sa pagmumukha mo."

"What? Why?"

"Sobrang gwapo mo kasi. Sarap mong ipakain sa sharks."

He sighs, as if surrendering. "What did I do this time?"

"Wala, naiinis lang ako sa'yo. Bakit kasi sobrang gwapo mo?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Hindi ko sinungitan si Jiesel, gaya ng sabi mong gawin ko."

Exactly! Tsk, bakit kasi masyado kang masunurin? I don't say it out loud, lelang niya.

"Is it the time of the month?"

"What time of the month?" and then I get it. "It's not. Kayong mga lalaki, palagi iyan ang dahilan n'yo kapag nagsusungit kaming babae. Ang siste ba kami pa ang may kasalanan kung bakit kami nagsusungit? Hindi ba pwedeng may ginawa muna kayo kaya kami nagsusungit?"

His teeth grit, "That's why I'm asking you, kung ano bang nagawa ko?"

"Sobrang gwapo mo nga kasi! Iyon ang kinaiinis ko!"

"Para kang naglilihi." He mutters under his breath.

"Hindi mo pa nga ako inaakan, lihi ka d'yan."

"Moretta, your mouth!"

"Nanahimik kasi ako, and dami-dami mong sinasabi!"

"Yeah, tumahimik ka na lang ulit."

I make a face. "Nye-nye."

"Tch."

Tahimik lang kami hanggang makarating sa bahay. I don't thank him dahil nabu-bwisit pa rin ako.


The next day nang sunduin niya ako, gano'n pa rin. Wala pa rin kaming kibuan. Hindi pa rin ako nagsasalita, at gano'n din siya. Ako lang naman palagi ang dumadakdak, nakikinig lang si Orange palagi at tahimik na nanghuhusga.

Matapos niyang iparada si Baby sa Pyxie, bumaba agad ko at inunahan siyang maglakad para hindi ko makita ang mukha niya. Hindi niya rin ako sinundan, dahil paglingon ko nandoon pa rin siya, nakasandal sa kotse niya at nakatanaw sa'kin, expressionless.

Hihintayin niya panigurado si Miles.

"You two had a fight?" narinig ko pang tanong ni Noah na kalalabas lang ng magarang sasakyan.

Hindi ko narinig ang sagot ni Orange dahil masyado na 'kong malayo sa kanila.

Pagpasok ko ng classroom, Sam's there. Mukhang kararating lang din.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya.

I shrug.

"Nakakapanibago, hindi mo kasamang pumasok ng room si Rango."

Natawa ako. It's her nickname for Orange. Rango is short for Orang(e)utan. Obviously, it's an insult. Hindi kasi talaga magkasundo si Orange at Sam, if not for Miles baka nagpatayan na ang dalawa. Well, not literally. But considering their personalities, they might.

Halos lahat naman yata kaaway ni Orange, pagka-sungit sungit kasi!

"Magaling kasing mam-bwisit si Rango, eh." sabi ko.

May thirty minutes pa bago mag-umpisa ang class. Kaysa tumunganga, nagpaturo na lang ulit ako sa kanya ng Algebra. Nag-improve talaga ang scores ko simula nang turuan niya kami. Umabot din sa passing rate ang score naming tatlong kamote noong nakaraang test! And it's all thanks to her!

And speaking of which, dumating na ang dalawa pang kamote.

Hindi namin sila pinansin ni Sam, nagpatuloy lang kami sa pagbabasa.

"Good morning, Tyler! Good morning, Miles!" masayang bati ni Jiesel sa dalawa.

Aba't may pagbati pa si Ate Gurl ngayon!

Umagang-umaga, umiinit na naman tuloy ang dugo.

"Good morning, Jiesel." ganting bati ni Miles.

"Morning." Bati rin ni Orange.

ABA TALAGA. Humugot ako ng malalim-lalim na hininga dahil sa sobrang panggigil. Ako nga hindi niya pinapansin kapag sinasabihan ko siyang good morning! Pero kay Jiesel?!

"Alisson, you okay?" tanong sa'kin ni Sam.

"Okay lang." Pero gusto ko na talagang manakit.


"Ali, okay ka lang ba?" tanong naman sa'kin ni Miles noong lunch na.

"Okay lang." sagot ko ulit kahit gusto ko pa ring manakit.

Nagkamot siya ng batok, "Magbati na nga kayong dalawa."

Inirapan ko si Orange. "Hindi naman kami nag-away."

"Yeah, bigla mo lang akong sinungitan at hindi kinausap." sarkasitkong sabi niya.

Kahit ang Pyxis, nahalatang war kaming dalawa. They ask us what's wrong pero walang nagsasalita sa'min ni Orange. Dinamihan na lang nila ang order dahil baka daw gutom lang kami.

But lunch is over, I eat a lot, pabalik na nga kaming tatlo ng classroom and I'm still pissed.

Hindi ko na nga alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Dahil lang ba kay Jiesel? Dahil kung makangiti siya kay Orange? At itong Orange naman, hindi siya sinusungitan? Dahil lang do'n? Bakit naman kailangan kong ma-bwisit do'n? Maganda nga 'yon eh, dahil nakikipag-kaibigan siya sa iba.

Nagbuga ako ng hangin.

I should stop feeling like this.

Hinarap ko si Orange, about to open my mouth to talk pero may nakauna sa'kin.

"Tyler!" sigaw ng matinis na boses ni Jiesel.

Kahit ayoko, nag-init na naman ang dugo ko.

"Are you free? Pwede ba tayong mag-practice ngayon?" nagpa-pa-cute na tanong niya.

Geez, gusto kong magpa-ikot ng mata.

Tumingin sa'kin si Orange, probably asking for permission pero nanatili ang tingin ko sa daan.

"Saan ba?" tanong ni Orange.

"Sa likod lang ng building natin."

"Okay."

"Alisson?" tawag sa'kin ni Jiesel kaya nag-angat ako ng tingin. "Pahiram muna ng boyfriend mo, ah?"

Automatic na tumaas ang kilay ko, at buong taray na sumagot. "Paano kung ayoko?"

Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa sinabi ko.

Nagulat din ako sa sinabi ko kaya bumawi ako ng ngiti, "Joke! Go, mag-practice na kayo."

"Kasama naman namin sila Scarlet, siya ang gaganap na Aphrodite sa'min." paliwanag ni Jiesel ng makabawi.

Walang nagtanong. "Okay, basta ibalik mo siya ha?"

Pabebe siyang tumawa. "Oo naman."

Nakakailang hakbang na sila palayo ng magsalita ulit ako, "Tyler."

He stops immediately, "Yeah?"

Honestly akala ko susungitan niya ako. "Bumalik ka ha." I warn with a smile.

A corner of his lips lifted a little, "I'm not going anywhere."

At tuluyan silang umalis.

"Not going anywhere pero umalis pa rin. Tch." Bulong ko, na narinig pa rin ni Miles.

"'Tch?' First the glare, and now the 'tch'? You're becoming more and more like Tyler, Ali."

And when I look at him, kakaiba ang mga tingin niya. "What?"

Nakakaloko siyang ngumiti. "Ang cute n'yong dalawa."



* * *

Note: Friendly reminder to always check the multimedia ;)


Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
298K 20.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
153K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
366K 3.5K 42
She is Ana Rayven. Ang babaeng tila sadyang pinanganak na walang pakialam sa mundo. Paano ka nga ba magkakaroon ng pakialam kung ang lahat ay nasa iy...