After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 13: Fire vs Ice
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 15: The Other Side
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 30: Suppressed Emotions
Chapter 32: Caught in Between
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 37: Stranded
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 31: The Decree

21.8K 285 41
By wonderwall23

Kathryn’s face was scrunched against the soft linen of Daniel’s shirt. Kaya naman amoy na amoy nya ang sweet pero alluring manly scent nito. Ang toned arms nito ay secured around her small frame, at hawak hawak sya nito. Habang ang mga kamay nya ay nakahawak sa leeg nito. 

Medyo naaksidente kasi sya sa may sapa noong pauwi na sila at natwist ang ankle nya kaya’t hirap syang maglakad pabalik sa kotse. Dahilan para buhatin sya ni Daniel pabalik sa kotse at ngayon, paakyat sa kwarto nya. 

Madilim ang kwarto nang pumasok sila at hindi kayang buksan ni Daniel ang ilaw dahil sa hawak nya si Kathryn. Pinabayaan na lamang nyang bukas ang pinto at pumasok na. Dahan dahan nyang ibinaba sa kama ang dalaga at saka binuksan ang ilaw. 

“Dyan ka lang. Babalik ako.” Sabi nya kay Kathryn na halatang antok na antok na. 

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik sya nang may dalang medicine kit. Umupo si Daniel sa paanan ng kama at inilabas ang mga bandages. 

Hindi naman mapigilan ni Kathryn ang maghikab. 

“Alam mo, sabi sa kin na ang hot chocolate has the same effect on people gaya ng sa coffee. At inubos mo ang isang thermos pero parang hindi ka man lang affected. I’m impressed.” Asar ni Daniel. 

Kathryn just chuckled. Nakatulog na ata ang utak nya bago pa man makatulog ang buong katawan nya kaya din a sya makapagisip ng isasagot sa kausap. 

Pinapanood nya kung paano nilalagyan ni Daniel ng bandage ang paa nya. Inilagay nito ang paa nya sa ibabaw ng hita at dahan dahang nilagyan ng dressing. Ingat na ingat ang binata at para bang porcelain ang hawak nito. 

Remarkable kung paanong napaka-tender ni Daniel despite the coolness, authority and masculinity na pinapakita nito madalas. 

Nang matapos si Daniel ay sobra na talaga ang antok ni Kathryn at tuluyan na itong napapikit. Inayos ng binata ang comforter at unan para mas comfortable ang tulog niya. 

Tinitigan nya ang mukha ni Kathryn bago yumuko at hinalikan ang noo nito. 

“Good night, Kath.” Bulong nya bago tuluyang lumabas ng pinto. 

__________

Inis na inis na bumaling si Kathryn sa kaliwa nya nang makarinig nang maingay na tunog. Kahit nakapikit pa ay pilit nyang inabot ang snooze button ng alarm clock nya at matutulog pa sana sya. Kaso lamang ay nasilaw na sya sa sikat ng araw na pumasok sa bintana nya. 

Dahil sumuko na sya sa pagtulog uli ay iminulat nya na ang mata nya at nakitang nyang tirik na ang araw. 

And then she remembered it. 

Parang nararamdaman pa nya ang lips ni Daniel sa noo nya. 

Pero… 

*Panaginip lang ba yun?* Tanong nya sa sarili nya. 

Pero nang inisip nya uli, ang Daniel sa panaginip nya ay ibang iba sa Daniel na nakilala nya.

Sobrang bait naman ata ng Daniel sa panaginip nya. Umiling na lang sya at sinubukang ayusin ang gumugulo sa utak nya. 

Naupo sya sa kama at nagrereminisce ng mga nangyari kagabi. Masaya sya na successful ang launch at dumating ang mga kaibigan at malalapit sa kanya. Maging si Diego ay naroroon. 

*Diego!* 

Naalala nya bigla ang sabi nitong magpapadala ng something sa bahay ni Julia M dahil dun ang alam nitong tinutuluyan nya. 

“Oh shit! I have to go!” Sigaw nya at nagmamadaling aalis sana ng kama. 

Pagtapak ng paa nya sa sahig ay nakaramdam sya ng sakit. Nang tingnan nya ito ay nakabandage ang right foot nya. 

May biglang kumatok sa pintuan kaya nawala ang iniisip ni Kathryn. 

“Pasok.” Sigaw nya dito. 

Ilang segundo lamang ay pumasok si Manang Fe na dala dala ay isang tray ng pagkain. 

“Good morning, Miss Kath. Dala ko ho ang breakfast nyo.”

Nilapag nito ang pagkain sa side table at tiningnan ang paa ni Kathryn.

“Kung ako sayo, hija, hindi ako masyadong gagalaw.” 

“Bakit po?” 

Imbes na sagutin ang tanong nya ay may iniabot sa kanyang isang pirasong papel ang matanda. 

“Gusto ni Sir Daniel na basahin mo iyan.”   

Kinuha ni Kathryn ang papel at binuksan ito. Agad nyang narecognize ang handwriting ni Daniel. 

___________ 

Kath, 

Written below will be the rules in my house for as long as may bandage ka sa paa.

1.       Meals will be served in bed.*
2.       Hindi ka pwedeng umakyat o bumaba sa   hagdan nang walang assistance from Manang Fe, ibang kasambahay or ako. **
3.       Use the intercom to call for assistance.
4.       Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay for any reason. ** 

If you violate these, you will be subjected to a corresponding penalty. Kapag nalaman kong nagbreak ka ng rules, I WILL KISS YOU. *** 

Yes, tama ka ng basa. A violation to any of my regulations entitles you to a kiss – a big wet one on the lips. 

Kaya kung ayaw mo ng lips ko sa lips mo, just follow the rules. Alam mo namang I have my ways of knowing things. 

Have a good day. 

DJ 

* Negotiable. As long as you are to be assisted to the kitchen/dining area.
** Non-negotiable
*** Definitely non-negotiable. 

__________ 

Nabigla si Kathryn sa nabasa. 

“Niloloko ba ko nito?” Bulong nya sa sarili at binasa nya ito ng paulit ulit. 

*I will kiss you* Paulit ulit na sabi ng tinig sa utak nya. 

Agad nyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Daniel. 

His phone was off. 

*Great!* 

“May alam ka ba dito, Manang Fe?” Tanong nya sa matanda. 

“Hindi ko binasa ang sulat nya, pero mukhang may kinalaman ito sa strict orders na ibinigay nya sa aming lahat kaninang umaga.” Sabi nito.  

This was no joke. Alam ni Kathryn na totoo lahat ng sinabi ni Daniel. He was binder her under his control again. And the worst part is nitthreat sya nito with a KISS! 

*Have a nice day my ass!* 

“Pero isa tong malaking kalokohan! Sprained lang ako hindi naman amputated. Anong gagawin ko? Magkulong dito hanggang mabaliw ako?” Inis  na inis na sabi niya. 

Napahiga na lamang sya sa kama sa sobrang inis. 

“Sorry Manang Fe. It’s just that, seriously sinong matinong tao ang gagawa nito?” 

“Isang tao may malasakit sayo.” Nakangiting sagot ng matanda. 

Napatingin si Kathryn sa kanya. 

“Alam kong may care si Sir DJ sayo. At alam kong alam mo din iyon.” 

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Kathryn at yumuko. 

“Alam ko ho.” 

“Mabuti ang intension nya, Miss Kath. Siguro kailangan mo talagang magpahinga sa trabaho mo ngayon lalo kung wala ka naming importantent gagawin.” 

Biglang lumaki ang mata ni Kathryn sa panic. Naalala nyang meron  syang napakaimportanteng kailangang gawin. 

“Pero meron!” Tumalon uli sya para maupo sa kama. “Kailangan ko hong pumunta sa bahay nila Julia M. Tumawag kasi sya sa kin sabi nya urgent.” 

Hindi nya gustong magsinungaling sa matanda pero kailangan nyang gawin iyon.

“Bakit may problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Manang Fe. 

Naguilty si Kathryn sa worried na reaction nito. Pero kailangan nya itong gawin. 

“Hindi nya sinabi. Pero kailangan kong pumunta doon. Manang, kailangan ko ho ng tulong nyo. Please?” 

__________ 

Author’s Note: Ayos ba ang mga batas ni Daniel Padilla? Comments!  

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.1K 163 28
Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believ...
1.4M 24.8K 61
L-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.
2.7M 67.9K 65
Hindi dahil naibigay mo na ang lahat ay wala ng kulang. Minsan mas dama pa rin ang isang kulang sa ilang libong meron ka. Ang tanong? Kaya mo bang b...