[Seven-Minute Semblance] MAST...

By HeadphonesAndLuck

316K 6.6K 7.3K

Uncovering once and for all who the real mastermind is. Book five and six of the Seven-Minute Semblance serie... More

Foreword
Chapter 1 - My Destiny Is Mine Alone.
Chapter 2 - Sic Infit
Chapter 3 - We Gave the Drama Queen the Best Birthday Party
Chapter 4 - Picking Up the Pieces
Chapter 6 - Mea Culpa
Chapter 7 - How Do We Stay This Way?
Chapter 8 - I Don't Need a Role to be a Friend
Chapter 9 - That's the Way Love Goes
Chapter 10 - Un-collaborative Journalism
Chapter 11 - Theatre of the Absurd
Chapter 12 - Of Course, It's My Fault This Time.
Chapter 13 - Ceteris Paribus
Chapter 14 - Unusual Semblance

Chapter 5 - Usual Semblance

7.7K 469 549
By HeadphonesAndLuck

Fraulein Snow.

23. April.
Sunday, 11:00 p.m.
372A High Street.

PAGKATAPOS NG PARTY ay nagsi-uwian na ang CC at si Ciel Brown. Si Luciano, Aodhan, at NJ ay nag-uusap pa rin sa garden. Kinakabahan ako sa haba ng usapan nila.

Pinauna ko nang matulog sina Edward at Nicholas dahil kitang-kita ko na ang pagod sa mata nila. Si Lae ay humiga na sa couch, at sa sahig katabi niya ay si Fenrir. Si Ruhmfried ang unang humilata sa kama ko kahit na ilang beses niyang sinabi na masyado itong matigas.

Si Joyeuse, naghuhugas ng pinggan habang ako ay nagliligpit ng buong kusina, dahil ang daming nasira nina Alice, Clarent, at Ruhmfried. Kung sino pang may birthday, siya pa ang tumutulong sa 'kin ngayon.

Pagkatapos kong maglampaso at maitapon ang huling uling sa sahig ay lumapit na ako kay Joyeuse para akuin ang paghuhugas.

"Ako na d'yan," 'ka ko. "Maghilamos at mag-ayos ka na para matulog."

"It's okay," sagot n'ya habang naka-focus sa mga hinuhugasan n'ya. "You're tired too."

"Nilalagnat ka ba?"

Ngumisi siya. "I said it's okay. Washing the dishes helps me think."

Sumandal ako sa counter. "Anong iniisip mo?"

"I'm not sure if I want to discuss it with you."

"Really, now? You don't wanna discuss things with me? You sure?"

Nakasimangot siyang lumingon sa 'kin. "I just told you I'm not sure."

"Yeah, and I respect that. Nagulat lang ako dahil ngayon ay alam kong naaalala mo na kung nakailang "I don't want any part in this" ako sa 'yo noong bata tayo," pang-aasar ko sa kanya. "Tanda mo ba kung anong sinasagot mo sa 'kin noon?"

He shook his head, but his eyes glinted. He knew.

"Kapag sinasabi kong layuan mo ako, naaalala mo kung anong ginagawa mo?"

He pursed his lips and started to suppress a giggle. I grinned and poked his cheek as I recalled every deed he made. "Ayan, sabi ko, 'wag mo akong sundan, tapos isang beses nauna ka pa sa bahay namin. Sabi ko, ayokong madamay, tapos bigla mo na lang idadaldal ang lahat ng plano mo."

I started poking his sides. "Sabi ko, gusto kong matulog, pero ikaw—napakabait—walang ginawa kun'di gisingin ako para pumunta sa kung saan-saan."

He laughed and swatted my hand away. He had this kind of smile that I haven't seen in years. It was so lighthearted, yet so mischievous. It was rare, but it was the smile I remembered the most.

"What the bloody hell are you saying, you were in on it." He blew soap foam at my face.

I grabbed his waist and lifted him away from the sink. "I wasn't, I was worried you'd die!"

He let himself be carried and laughed even more. "I wasn't gonna die, my plan was perfect!"

"You were, pero pasalamat ka sa 'kin dahil nakapagpigil ako." Ibinaba ko siya sa may kitchen island at saka siya niyakap. Hinayaan ko na basa ang kamay niya, matutuyo rin naman ang damit ko.

"I'm still washing the dishes, Fraulein Snow," he said, his voice muffled against my shoulder.

"I know." Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya, hinihintay na yumakap siya pabalik. "I'm just happy you remember me now."

"I wasn't the one who thought I was a hallucination."

"I'm sorrryyy, you were just too good to be true. And before you came, I used to daydream a lot about my mom getting cured one day. I daydreamed about a rich person visiting us, seeing us, and helping us. I daydreamed about my father coming home one day..."

I used to daydream about all the nice things I didn't have.

"And then one day, this same day, you walked into my life... and changed all that. Every hour I had spent with you, albeit stressful, felt like I was living my daydream of having a happy life."

He hugged me back tighter. "You're not going back to that kind of life anymore."

Futhark will die.

I flinched at the thought. I directed all my attention to Joyeuse.

The Mad Hatter's Plan. Futhark will die. The Mad Hatter's Plan.

"I love you," I told Joyeuse, just to hear myself being louder than all the voices in my head.

"I love you today, too."

"Will you love me tomorrow?"

"I'm not done loving you today." He pulled away and cupped my face, leaning closer.

"Happy birthday, Jule."

"Who's loving who tomorrow?" Biglang pumasok si Aodhan at nabitiwan ang hawak niyang baso ng beer. Kitang-kita kung paano nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng gulat na may halong awkwardness. "Oh, you two are... hugging each other."

Mas nagulat ako sa sinabi ni Aodhan kaysa ro'n sa nabasag na baso.

Nagtaas ng kilay si Joyeuse. "Why are you still here?" masungit niyang tanong. "Are you going to tell on mum? Are you going to force me to return back to Ireland?"

"No, no!" Tinaas ni Aodhan ang mga kamay niya. "I'm not here to do that. I'm here to show you that I support you."

"Oh," I said. "Thank you." Kumuha ako ng dustpan at lumuhod para iligpit ang kalat ni Aodhan.

"That's fiiine. Besides, knowing Jule, I know this is just a phase."

Natigilan ako.

"What do you mean, a phase?" Nagtanggal ng apron si Joyeuse at hinarap ang tatay niya.

Hindi nahahalata ni Aodhan na na-offend ang anak niya... at ako. Tatawa-tawa pa niyang dinagdag, "It's not because Futhark's a lad; your mum and I have no problem with that. You know Ireland. It's just that of the eight relationships you've had that we know of, the longest one was three days."

Nanginig ang kamay ko.

"Just don't hurt Futhark that much, he's a very good friend."

Nagpintig ang tainga ko. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—'yong kamay kong nagsusugat sa pinupulot kong bubog o 'yong naririnig ko. Hinayaan ko na lang ang lahat. Kung aakto akong walang naririnig, hindi siguro ako masasaktan.

Hinintay ko na lang na umalis si Aodhan at matapos maghugas ng pinggan si Joyeuse. Matutulog na lang din ako kaagad, maaga pa kami sa Coronado bukas para sa summer classes na sinasabi ni Zwei.

24. April.
Monday, 7:00 a.m.
Coronado University.

Maaga kaming pumila sa registrar para sa enrolment naming apat. Ilan kami sa maraming estudyanteng nagsa-summer classes.

Naiwan sa bahay si Ruhmfried, binilinan naming magbantay sa 372A kasama ni Fenrir. Si Norcross, inutusan ni Edward na magbantay kay Nicholas, at mag-ayos sa bahay dahil uuwi na raw doon si Tita Melissa. Si Aodhan, nagpahatid kay Zweihänder para dalhin si Kuya Rey sa mas maayos na clinic o ospital at doon magpagaling.

Pagkatapos ibigay ng registrar ang form sa 'min ay sama-sama naman kaming pumila sa cashier para magbayad ng tuition.

"Uunahan ko na kayo," sabi ni Edward sa 'min habang nakaupo kami sa queue, "hindi ko sagot ang tuition n'yo, ha. Lalo ka na, drama queen. May mga magulang ka. Kasama lang natin 'yong isa kahapon, dapat humingi ka ng baon mo."

"He did give me money, yeah." Nilabas ni Joyeuse ang wallet na nakilala kong kay Aodhan. "Technically. He left his wallet on the couch. I wonder what his credit limit is?"

"May naipon naman akong pang-down payment sa tuition ko, Ed," wika ko. "Ako na ang magbabayad ng akin."

"No, tanggap ko kung ako ang magbabayad ng tuition mo, Fu. Ang masakit sa damdamin ay 'tong dalawang napakalakas magpalibre."

"I will buy everyone lunch and dinner today," pagvo-volunteer ni Joyeuse. Palibhasa hindi sa kanya ang perang gagamitin.

"Ruhmfried gave me this." Nilabas ni Lae mula sa messenger bag niya ang isang tseke. "He said he's going to pay for my tuition."

Tinitigan naming tatlo nina Edward at Joyeuse ang tseke na may gintong logo ng pamilya nina Ruhmfried. Mga ilang segundo kaming napatunganga.

Kinuha ni Joyeuse ang tseke. "Allow me to fill this out for you, Niall, I know you don't have a pen." Tapos ay bumulong siya kay Edward, "How much is your tuition fee?"

"33k isang sem plus summer classes sa initiative," pabulong na sagot ni Ed.

"And yours, Futhark?"

"28k. Gawin mong 30k para pati allowance. No, kay Ruhmfried naman 'yan, gawin mo nang 50k."

"How much is your tuition fee, Laevateinn?"

"Twenty-five thousand," sagot ni Lae. Alam niyang kay Ruhmfried kukuhanin ni Joyeuse ang lahat ng tuition fee naming apat.

"25k?" nagtatakang tanong ni Edward. "Parang ang mura naman. Mahal ang Tourism dito ah? May ilang units kang hindi kukuhanin?"

Umiling si Lae. "I shifted courses."

"Whoa," sabay-sabay kaming lumingon kay Lae. "Ano nang course mo?"

"Criminology."

"Magpupulis si Lae!" natutuwang bigkas ni Edward.

"Kinausap mo na ba si Ma'am Marcial?" tanong ko naman.

Tumango siya. "She said I made the right choice."

"Yeah, this country needs more good apples," komento ni Joyeuse habang sinusulat sa tseke ang total ng tuition fees naming apat.

"I am a good apple."

"Maghahabol ka ba ng subjects?" tanong ni Edward. "Dalawang academic years ka ring Tourism."

Tumango ulit si Lae. "I have extra classes. I plan to attend all of them." Tumingin siya kay Joyeuse, dahil hindi nahalata ni Joyeuse ang pahaging niya tungkol sa hindi pag-attend nito sa kahit anong klase niya.

"Then it's really time we take this curriculum seriously."

"You guys weren't serious the first time?" I asked in a gasp.

"You know sumali lang ako dahil kasali ka. 50-50 pa dahil kasama si Joyeuse at nakakatakot si Lae."

"I don't even know whether or not I take something seriously," Joyeuse added. There's a tiny whisper in my ear, reminding me of what Aodhan said last night.

"Talaga ba, drama queen? Si Futhark, hindi mo sineseryoso?" And there's the tiny man in front of me, reminding me of my fear.

"Never." Joyeuse laughed and poked my cheek. I felt reassured. Then, he stood up and collected our papers from the registrar. "It's our turn now. Allow me to pay for all of us." He gave us all a cheeky smile before he talked to the cashier.

Edward scoffed and grinned. "I can't believe months ago, that attitude would be so infuriating. Now I just go: Ah yes, si Joyeuse. Ang ating resident scammer and drama queen."

I chuckled. "Really, hindi na detective?"

"Nope. Ako na ang bagong detective ngayon."

"Aww, ang dating hacker gusto nang maging detective ngayon."

"Kumusta 'yong assassin na gustong magpulis?"

"Ayon, nagmumukmok sa kwarto niya."

"Gago si Sir Lance ba 'yan? Nakita ko siya kahapon nasa labas ng kwarto niya."

"Oo, kinausap daw ni Zwei kaya kahit papa'no, gumaan pakiramdam niya. Sana magtuloy-tuloy na 'yon para maka-move on na siya."

"Ilang araw pa lang patay si Sir Arthur, pinagmu-move on mo na si Sir Dad? Grabe ka, Futhark. Paano kung si Joyeuse ang mapahamak, ilang araw kang iiyak? O pa'no kung ikaw ang napahamak, gusto mo bang isang linggo pa lang ang nakakalipas, may magsasabi na kay Joyeuse na mag-move on?"

"Paano kung manahimik ka na lang, Edward?" Napalakas ang boses ko at parang masungit pa ang labas dahil nag-flinch si Edward. Sumimangot siya at naglayo ng tingin.

Lumingon ako kay Lae para malaman kung sumobra ba ako o kung dapat akong mag-sorry. He simply established eye contact as he bit on his apple. Then he shrugged.

I sighed. "Sorry na, Ed." I patted his shoulder. "Kanina mo pa kasi ini-imply na maghihiwalay kami ni Joyeuse... Kinakatakutan ko 'yon. Sinabi pa ni Aodhan kahapon na phase lang ang lahat."

Bakit ako ang nagso-sorry, siya nga 'tong nang-away sa 'kin?

"I'm sorry too," nakangusong bulong ni Edward. "I can be insensitive sometimes. Hindi ko naman alam na kinatatakutan mo pala 'yan, kasi kapag nakikita ko kayo ni Joyeuse, pakiramdam ko kahit paghiwalayin kayo ng universe, babalik at babalik kayo sa isa't isa."

"Thank you for having that trust in our relationship."

"I mean... Hindi ka nga maalala ni Joyeuse dahil sa amnesia niya pero ikaw pa rin ang pinili niya. That's kind of sweet if you asked me."

"Like you know what qualifies as sweet?" pang-aasar ni Lae.

"I read books, I know what sweet behavior is."

"Planning your wedding even before you confess to Macey is edging to creepy. It's only cute because you're 5-foot-four."

"Ikaw Lae, 'wag kang magpapahuli sa 'kin kapag may nagugustuhan ka dahil hindi kita bubuhayin sa hiya."

Tinulak lang ni Lae gamit ang paa niya ang upuan ni Edward. Ang layo ng inabot niya, kaya tuloy napilitan si Edward na buhatin 'yong silya at bumalik sa pwesto namin. Sumakto naman na katatapos lang magbayad ni Joyeuse.

"They said the chancellor wants to talk to us," sabi niya.

Nanlaki ang mata ni Edward. "Bawal bang pagsamahin sa isang check ang tuition nating tatlo? Nalaman ba niyang dinadaya natin si Ruhmfried? Baka naman peke ang binigay ni—"

Tinakpan ni Joyeuse ang overthinking na bibig ni Edward. "It's not that, you bloody idiot. It's about the initiative."

Tinanggal ni Edward ang kamay ni Joyeuse mula sa bibig niya at nagtanong pa, "Ika-cancel na ba nila ang initiative dahil mukhang pumalpak tayo?" Kinunutan lang siya ng noo ni Joyeuse at tinaasan ng kilay.

Si Lae ang bumuhat sa kaniya bago pa man siya makapag-isip ng kahit anong negatibo. Tapos ay binitbit na namin siya kasama namin papunta sa office ni Ma'am Marcial. Habang naglalakad naman ay binigay sa 'kin ni Joyeuse ang resibo at ang reg form namin. 

Pagdating sa tapat ng office ng chancellor, akala ko ay tumigil na si Edward sa overthinking niya, pero hindi pa pala siya nagpapaawat.

"Okay, let's get our stories straight," wika niya. "We weren't the ones who blew up Ae's mansion."

"Because we weren't," sabay naming bigkas ni Joyeuse.

"I love your acting, very convincing."

"Hindi nga tayo ang nagpasabog n'on, Ed, hindi Vors, hindi rin daw kayo nina Ruhmfried."

"Nice one, Futhark. You're committed to your role."

"Someone shut him up before I do." Pinatunog ni Lae ang kamao niya. Kaagad kong hinila at tinago si Edward sa likuran ko.

"Gago, hindi na ako mag-o-overthink, I swear!"

Binuksan ni Joyeuse ang pinto pagkatapos niyang malumanay na kumatok. "I'll take it from here. Don't do anything stupid."

Tumango kami at pumasok sa loob. Naabutan namin si Ma'am Marcial na naghihintay sa table niya. Naalala ko tuloy noong una kaming pumasok sa opisinang ito para pumirma sa kontrata. Ang dami nang nangyari simula noon, pero masaya akong kasama ko pa rin ang tatlong 'to.

Isa lang ang hindi. Si Sir Lance. Kung noon ay kasama namin siya sa pagpirma ng kontrata, ngayon ay parang galit pa siya sa 'ming apat dahil sa nangyari sa asawa niya.

"Please take a seat," masaya at nakangiting wika ni Ma'am Marcial. Umalis siya sa table niya at pinatay ang mga TV sa pader para samahan kami sa conference table. Wala siyang inihain na kontrata ngayon.

Sinipa ni Edward ang sapatos ko. Sumipa ako pabalik dahil naiinis na ako at hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Aksidente kong nasipa ang kay Joyeuse na nasa harapan ko, at sinipa naman niya ako sa tuhod.

"Bakit n'yo po kami pinatawag, Ma'am?" tanong ko habang palihim na hinahaplos ang tuhod ko.

"I want to talk to you before your summer classes." Huminga muna nang malalim si Ma'am Marcial. Tapos ay bigla siyang nagtaas ng boses. "PLEASE BE NORMAL."

Napaatras kaming apat.

"Just this semester, this summer, please be normal," pagpapatuloy niya. Tahimik at takot kaming nakinig. "Don't run around campus solving cases, DON'T dig up cases, don't fight your professors, DON'T throw professors to jail—"

"Tell your professors to be better criminals so we don't catch them."

Sinamaan naming lahat ng tingin si Joyeuse. As usual, hindi siya tinablan ng hiya.

"Attend your classes like normal students, sweethearts, we have a lot riding on this curriculum." Ma'am Marcial rapped the table with her fingers. "Other schools already contacted me about the curriculum, and I told them that Coronado University would be waiting for the results before we publicize everything."

Edward sheepishly raised his hand. "Ma'am, paano po kapag nadamay lang kami? Halimbawa, si Joyeuse talaga target pero nagkataon lang na nadamay kami kasi magkasama kami sa klase?"

"I know you're smart enough to avoid trouble. You're smart enough to create one, aren't you?"

Edward got so awkward, his mouth spoke on its own. "Hindi po kami ang nagpasabog sa mansion ni Ae."

Si Joyeuse naman ang nagtaas ng kamay, at ibinalik ito sa pagkakahalukipkip habang nagsasalita siya. "Yeah, Dr. Lo, you see... Criminal organisations tend to follow us."

"Avoid them or make them go away."

"Oh like bloody hell we'll make them go away."

"Without picking a fight, dear."

"You ask too much of us."

"I'm not asking too much. Is it that hard to be normal?"

"Laevateinn roams around the school with a massive wolf. Edward turned your theater hall into a holographic studio. Futhark talks to plants. So yes, madam, it is hard for them to be normal."

Sinipa ko nang malakas sa binti si Joyeuse. Napaatras siya at napayuko sa lamesa. "Ako po ang bahala sa kanila Ma'am," sabi ko at ngumiti.

"I'll leave everything to you then, Futhark." Tumayo si Ma'am Marcial. Tumayo rin kami, dahil nasanay kami na kapag nakatayo ang superior sa 'yo, dapat ka ring tumayo. "You may start your orientation with Ms. Aragon today. She's waiting for you at Northumbria's library."

Joyeuse raised his hand. We all glared at him, but somehow, he really managed to push through. "Do we get our own room this time?"

Ma'am Marcial forced a smile. "When you go through two weeks without causing trouble, I might give you a small lecture room."

Whoa. That actually sounds good.

"Might?" Joyeuse raised an eyebrow. Of course, nothing's ever good enough for him. "I want this on writing. Change the "might" to "will" and—"

"Pupuntahan na po namin si Ms. Aragon, thank you po, Ma'am Marcial!" Tinapos ko na ang usapan at hinila palabas ng room si Joyeuse. Sumunod kaagad sa 'min sina Edward at Lae at nagmamadali kaming pumunta sa library.

Nagkumpulan ulit kami sa labas ng library bago pumasok. Group huddle, kumbaga. Kailangan ko silang kausapin.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sinabi ni Ma'am Marcial?" bulong ko sa kanila.

"Magpapaka-normal na kami!" sabi ni Edward. Tumango rin si Lae.

Pinitsarahan ko si Joyeuse. "Ikaw! Ang lakas ng loob mong sagot-sagutin si Ma'am Marcial! Nasaan na ang hiya mo sa katawan?"

"I was trying to score us a neat lecture room, Futhark!"

"No, you're being an asshole. Hindi deserve ni Ma'am Marcial ang masagot nang ganon."

"I was just—"

"AAAHHH!" sigaw sa kanya ni Edward dahil sa inis. Si Lae ay nakaamba nang mananakal.

"Kapag hindi ka nagpakatino, hindi kita ititimpla ng kape."

Umirap siya. "I will be normal."

Nilagay ko ang kamay ko sa harapan nila. "Pinky swear. We'll be normal."

Isinabit nilang tatlo ang hinliliit nila sa hinliliit ko. Si Lae na parang hindi natutuwa sa kakornihan namin, nakasimangot na sumali.

"Ang hindi magpaka-normal, maglalaba ng mga damit ni Norcross."

"Deal."

We sealed the pinky swear and faced the library's glass door. At sumakto naman na ang una naming nakita ay ang unang hadlang sa pangako naming pagpapakanormal: si Ces Parisi na nakaupo sa loob at nakikipagkwentuhan sa mga HRM students.

Rinig na rinig ko ang pagpipigil ni Edward sa sarili niya. Si Joyeuse ay nakataas ang kilay, pero mas nag-focus sa paghahanap kay Ate Cass. Si Lae ay biglang nawala. Hindi namin napansin kung lumabas ba siya sa library o sumuot kung saan.

"SMS, here!" tawag ni Ate Cass mula sa pinakamalayong table sa library. Nasutsutan siya ng librarian kaya napatakip siya ng mukha niya. Kumunot-noo naman ako dahil hindi ko inaasahang ganito niya ipresenta ang sarili niya sa school.

Maganda si Ate Cassandra, hindi maikakaila. Kahit na ang suot niya ay simpleng puting polo lang at slacks. Nakapuyod ang wavy niyang buhok at nakalaglag na ang ilang hibla nito. Hindi humaharang sa mukha niya kaya't malinis pa rin siyang tingnan.

No wonder na nagustuhan siya ni Joyeuse noon.

Lumingon ako kay Joyeuse. Ngingiti-ngiti siya kaya si Ces na lang ang tinitigan at hinusgahan ko.

Ano kayang ginagawa ng March Hare sa Coronado? Nandito ba siya dahil sa utos ni NJ? Parang wala namang nabanggit kaninang umaga si NJ tungkol sa March Hare o kay Ces. Nandito kaya siya dahil may ibang binabalak ang Wonderland?

Pero nangako kami kay Ma'am Marcial na magpapaka-normal kami ngayon at lalayo kami sa gulo, kaya kung anumang pinunta rito ni Ces, dapat lang na hindi namin 'yon pansinin.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Joyeuse at Edward. Bahagya rin kaming tumango sa isa't isa. Hindi namin papansinin si Ces Parisi at iiwas kami sa gulo. Kung may problema man, itatanong na lang namin kay NJ mamaya.

Naupo kami sa table kasama ni Ate Cassandra. Sa kanan ni Ate Cassandra umupo si Joyeuse (lagi talaga siyang sa kanan ng mga tao umuupo), at si Edward ay tumabi sa kanya. Umupo ako sa kaliwa ni Ate Cass para mapapanood ko silang dalawa.

"Where's Laevateinn?" tanong ni Ate Cass habang nagbubuklat ng mga files sa isang folder.

"Umiiwas po sa gulo," sagot ni Edward.

Kumunot-noo si Ate Cass. "Good for him, I guess?" Nagtakip siya sa gilid ng folder at tumuon sa lamesa. Hininaan niya ang boses niya no'ng nagtanong siya, "Did you notice Caesar Parisi over there? A few tables behind me."

Nagkatinginan ulit kaming tatlo.

"Nope," sabay-sabay naming pagde-deny.

"He's there," tuloy pa ni Ate Cass. "Kasama ng mga HRM students. I think he enrolled here."

"HRM pa talaga?!" matinis at ipit na sigaw ni Edward. Tinakpan niya ang bibig niya pagkatapos. Naiintindihan ko ang gulat at galit. May posibilidad kasi na magkatagpo ang landas ni Ces at Macey.

"After our classes, you boys want to investigate that?" alok ni Ate Cass.

Tiningnan ko nang masama sina Joyeuse at Edward. Tinaasan lang ako ng kilay ni Joyeuse. Si Edward, kitang-kita sa pagkakakulot ng mukha ang pagpipigil sa sarili. Pinanlakihan ko ng mata si Joyeuse.

Makaramdam ka.

Ibinaba niya sa ilalim ng lamesa ang mga kamay niyang kanina'y naka-krus at saka siya sumagot, "We're not interested." I was so proud of him. "Whatever we had with Wonderland and the March Hare, we already settled that. He's probably here to finally put his Italian cooking skills to good use."

Napakurap si Ate Cass. "Wow, Jule, that's so mature of you."

Sumingit si Edward. "Yes, yes, we're matured. Now what's the lesson for today?"

"There are no lessons today." Inayos ni Ate Cass ang folders sa harapan niya. "I'm just here to let you know what classes you have with me. Basically, lahat ng mga naiwan n'yong subjects last year. Martial Arts, Criminology, and Philosophy."

"All three of them?" tanong ni Joyeuse.

"Yes, kasi tatapusin na lang naman natin. Para kapag natapos n'yo na, we'll move on to your second term's syllabus. I know all of you are fast learners so we can finish everything in two months."

"Two months na hindi kami manggugulo, we can do that."

"Ano 'yon, Edward?"

"Nothing."

"Great. Willing ba kayong pag-usapan ang mga naiwan n'yong lessons sa Philosophy with Sir Arthur?"

Napansin ulit naming tatlo ang table nina Ces. Bigla kasi silang tumahimik noong may lumapit na professor sa kanila. Tapos ang sama pa ng tingin ni Ces doon sa professor. Si Sir Arnold, palaging nakangiti sa mga estudyante niya, pero bihira ang nakakapasa sa klase niya.

"Yes, yes po," sagot ko kay Ate Cass. Nakatalikod siya kaya hindi niya napapansin ang mga nakikita namin.

Naglabas ng libro si Ate Cass, pero naagaw na nang tuluyan nina Ces ang atensyon naming tatlo. Lahat kami ay patagong nakatitig sa kumpulan nila sa kabilang table. Natapos ang pakikipagbiruan ni Sir Arnold sa mga estudyante at tinapik niya ang balikat noong isang katabing babae ni Ces para magpaalam.

"Tapos na kayo sa Metaphysics?"

"Yeah...?" distracted na tugon ni Edward.

Umayos ng upo si Joyeuse at ipinatong ang kanyang mga siko sa lamesa. "Hey, Casey, are you free after this?"

Parang biglang bumigat ang dibdib ko.

"She's not, at may lakad tayo mamaya," I accidentally blurted out.

"Oh, we have?"

"Yeah, mamimili tayo ng bagong pinggan at mga gamit sa kusina dahil nagbasag kahapon si Zwei."

"I thought you're bringing Edward for that?"

"Kapag ang pinili namin ay 'yong ayaw mo ang texture, shape, at kulay, 'wag kang magrereklamo, ha."

Bumusangot ang mukha ni Joyeuse. Tumawa si Ate Cass at sinabi sa 'kin, "Just go for the plain porcelain plates. Or any neutral shapes and colors. Jule doesn't like "noisy" designs."

I know that, I wanted to say. I know Jule enough and longer than you.

"Kumusta pala 'yung nasaksak sa 'yo, Futhark?" she asked. "Huling kita ko sa inyo, nagkakagulo kayo."

"I'm fine," I answered curtly. "Inaayos na lang namin ang documents na kailangan namin para itapon sa kulungan si Papa at ang mga alipores niya."

"Casey can help us with the casefiles," Joyeuse suggested. "It would be easier with her around."

"May trabaho si Ate Cass, hindi natin siya kailangang guluhin."

"No, this is an important case, I can help you," Ate Cass said. "Henrik is a threat to our country. Hindi ako ang may hawak ng kaso niya, pero kung may maitutulong ako at kung nasa inyo ang sagot, I have to help you."

I clenched my jaw. You really want in, huh?

"'Yan ba ang dahilan kung bakit mo tinatanong kung libre ako mamaya, Jule?"

"Well that, and other things..."

Naglayo ako ng tingin dahil baka mairapan ko pa silang dalawa. Si Ces na lang ang pinanood ko. Ang seryoso pa rin ng usapan nila ng mga kaklase niyang HRM. Hindi aakalaing miyembro ng Wonderland si Ces dahil kung makapakinig siya at makasagot sa mga sinasabi sa kanya—kahit hindi ko naririnig ang usapan—parang ang tagal-tagal na nilang magkakaibigan.

Pagkatapos ay nakita kong palihim na nag-abot ng patalim si Ces sa katabi niyang babae.

Ginamit niyang panakot sa 'kin ang kutsilyong 'yon. Hindi 'yon kutsilyong ginagamit para sa cooking classes. Bakit niya...?

Lumingon ako kay Edward, pero nakatutok na siya sa librong nilapag ni Ate Cass sa table. Siya ang mahilig mag-overthink sa 'min, bakit hindi niya pinapanood si Ces? Dahil ba susuntukin siya kanina ni Lae at sinabi niyang hindi na siya mag-o-overthink?

Kailangan naming aksyunan ang presensya ni Ces dito, pero ang sabi ni Ma'am Marcial ay lumayo sa gulo.

... Pero hindi naman siguro ibig sabihin n'on ay hayaan na lang kapag may nakikita kaming mali, 'di ba?

Pero paano kung pang-self-defense lang ang binigay niyang kutsilyo? At paano niya naipuslit ang kutsilyong 'yon mula sa guard?

Hahayaan ko na lang muna si Ces. Mamayang pag-uwi ko na lang itatanong kay NJ ang lahat.

••• MASTERMINDSFORHIRE •••

NAII-STRESS AKO KAY RUHMFRIED. Pag-uwi ko (may lakad pa raw 'yong tatlo kaya nauna na ako) ngayong hapon sa 372A High Street ay naabutan ko siyang may kinakausap na mga delivery man. Isang truck ang nakaparada sa harap ng bahay.

"Ano 'to?!" sigaw ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa 'kin. "I find your appliances cheap and easy to break."

"It's not easy to break! Nagbatuhan lang kayo kaya nasira!"

Umirap siya sa 'kin at tinapos ang pinipirmahan niya. "Whatever." Binalik niya sa delivery man ang papel at pinapasok sa loob ang mga may bitbit na boxes ng appliances. "Why are you alone, anyway?" tanong niya.

"Si Lae, umaga pa lang hindi na namin kasama. Si Edward may pupuntahan daw kasama ni Macey." Kunot-noo akong sumunod sa kanila sa loob ng bahay. Napakaraming pinamili ni Ruhmfried!

"And William?"

"He said he's going to investigate shit with Cassandra." Inisa-isa ko ang mga pinamili ni Ruhmfried. Hindi ko magawang usisaing mabuti dahil nasisilaw na ako sa presyo pa lang.

"Not you, I see." He shrugged. "He's gonna break up with you anyway, better start moving on earlier." He then instructed people where to put each box.

I wanted to strangle him but there's a lot of witnesses. Plus he was just echoing what everyone has been saying.

I looked down and asked him, "Do you really think we won't last long?"

He quirked an eyebrow and stopped in his tracks. With a grin and an uncertain look on his face, he asked back, "What, you believe me now?"

"It's what everyone's been saying."

"I was being an asshole to you, Fraulein Snow." He tucked his hair behind his ear and used his sword to tear open a box. "Everyone in Mt. Sposa thought you'd die alone in a ditch but here you are. Thriving. Being an eyesore."

"Are you saying it doesn't matter what people think, it's up to me whether William and I break up?"

"I'm saying you're like a bad grass. No matter how many times people try to get rid of you, you always come back. If ever William breaks up with you, just annoy him into dating you again."

I slowly nodded. "You're not against us?"

He gave me a judgmental stare. "I was a prince and the people I was supposed to protect slaughtered my family. You're worried about a week-long love affair. You think I have time to think about you and who you date?"

"Right, because you have more important things to think about."

He lifted a box. "Yeah, like... Which airfryer do you think is better? This one is digital, but this one is bigger and uses less wattage. I don't care about the electricity bill but Niall kept bugging me about conserving energy."

I shook my head and walked out, locking the gates behind the last delivery person. Then I went back inside, where I found Ruhmfried opening a box of plates. Golden plates.

"We saw the March Hare this morning," I told him, trying to ignore the glitter and the shine of his riches.

"I know." He opened another bigger box. It's a mahogany dish rack. "I was alerted that he enrolled at Coronado University. Edward Dace must be furious."

"He wasn't. He was nervous though."

"There's nothing to be nervous about."

Aside from the fact that you just made us target for thieves with all these fancy kitchenware?

He took the plates from their box and headed to the kitchen. I followed him. "When my men alerted me of Mr. Parisi's enrolment, I asked Mr. Germaine—the oldest one—about it and he said he asked Mr. Parisi to watch over his son, Nicholas."

"Then what is he doing at Coronado? Giving knives to girls?"

"Girls need knives too, you're worrying too much. And if he's in Coronado, he's probably trying to blend in. After all, it'll be weird if he just appeared one day."

"But Ces—"

Ruhmfried groaned and gave me an exasperated look. "Ces is what? Aren't you the one from Wonderland? Shouldn't you know why he's there?"

I scowled at him. "I don't even know why I'm talking to you."

"Why are you worried about him, anyway? Because his presence there is not a part of the Mad Hatter's Plan?" He paused, before a mischievous grin appeared on his face. "It's not, is it? That's why you're uneasy—because something's going against the plan and it's your job to make sure nothing changes."

My scowl worsened.

"Ohh, I can't wait to tell Niall and Edward Dace this."

I rolled my eyes and stormed out of the kitchen, heading upstairs to our room.

Of course, NJ and Nicholas wouldn't care if somebody went against the plan. They're safe. They're out of the game. Wala na silang aalalahanin pa.

Pero kaming may mga binder pa at may mga kailangan pang gawin, hindi kami mapapakali hangga't hindi natatapos ang plano.

Kung hindi ko man mapapaalis si Ces ay kailangan kong masigurong wala siyang gagawin na may kinalaman sa Wonderland.

At kung wala naman siyang gagawing may kinalaman sa Wonderland, kailangan kong masigurong hindi siya magdudulot ng gulo sa Coronado.

Naupo ako sa study table ni Joyeuse. Binaba ko ang bag ko at nilabas ang phone ko. Naka-tatlong missed calls si Joyeuse. Si Edward naman ay naka-ilan din.

Sakto na tumawag ulit si Joyeuse kaya nasagot ko kaagad.

"Hello, Jo?"

"Where were you?"

"Umuwi na ako, kanina pa! Bakit ba? Hindi ba nag-iimbestiga kayo ni Ate Cass?"

"We were waiting for you, you bloody idiot. We thought you're going to get us snacks for the trip."

"Wow, Jule. Canteen lang ba ang tingin mo sa 'kin?"

"Are you mad? You're using your mad tone."

May umagaw sa phone at narinig ko naman ang boses ni Ate Cass. "Hi, Futhark. Pwede ka bang pumunta ngayon sa Carnation Street?"

"Why, kailangan n'yo ng kape at tinapay?" Umirap ako.

"May isang HRM professor sa Coronado na pinagsasaksak sa sarili n'yang bahay. Papunta na raw dito sina Edward."

"I'm sorry for the attitude, papunta na po ako d'yan."

Ces, sinasabi ko sa 'yo. Kapag may kinalaman ka rito.

•••

Ciao, HeadphonesAndLuck here!

We're back to the simple times where all they had to do was solve petty crimes inside their campus. -excited dance-

So please leave a comment, don't forget to tickle that vote button, and see you next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.8K 200 43
The aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw...
1.6K 50 6
A general guide for Zodiac Predators Series.