After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 13: Fire vs Ice
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 15: The Other Side
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 31: The Decree
Chapter 32: Caught in Between
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 37: Stranded
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 30: Suppressed Emotions

22.2K 292 22
By wonderwall23

“Sabihin mo nga uli sa kin bakit ko to ginagawa?” Inis na sabi ni Kathryn habang dahang dahang naglalakad sa mabatong daanan. 

Si Daniel naman ay ilang hakbang na ang layo sa kanya at parang effortless sa kanya na maglakad doon kahit mabato.

Napansin din ni Kathryn na medyo binabagalan talaga ni Daniel na maglakad para makahabol sya dito. 

“Dahil we need to get to the promised land.” Nangaasar na sagot ni Daniel. 

“Hay nako. Anong bang meron yang lugar na yan at ‘promised’ sya?” 

“Makikita mo rin. Be patient.” 

Kathryn grunted to herself. Hindi sya outdoor girl. At ngayon lang nya nalaman na isang outdoor guy pala si Daniel. Kung alam lang nyang ito ang definition ng binata ng ‘stroll’ ay sana nagpaiwan na lang sya sa kotse. 

Matapos maglakad sa maraming puno at bato, ay nakarating sila sa isang maliit na sapa. Dun lang nalaman ni Kathryn kung bakit waterproof ang shoes na binigay sa kanya at si Daniel naman ay naka Khaki shorts. 

Dahan dahang naglakad si Daniel pababa sa sapa. Hanggang kalahati ng binti nya ang lalim nito. Humarap sya kay Kathryn para ioffer ang kamay nya dahil alam nyang madulas ang mga bato sa ilalim. 

“No thanks. Kaya ko to.” Masungit na pagtanggi ni Kathryn. Hindi nya pinansin ang kamay ni Daniel at bumaba na sya sa tubig. 

“Okay. Sabi mo eh.” Sabi ni Daniel at patuloy nang naglakad. 

Hinayaan na lamang ni Daniel si Kathryn pero hindi pa rin sya panatag na nasa medyo malayo ito sa kanya dahil alam nyang madulas ang dadaanan nilang sapa. Lalo na’t alam din nyang hindi naman sanay sa ganitong bagay ang dalaga. 

“Nga pala, mag-ingat ka sa mga water snakes ha.” Sigaw ni Daniel pero patuloy pa rin sa paglalakad. 

Nanigas si Kathryn sa kinatatayuan. 

“Anong sabi mo? Water snakes?!” 

“Oo.” 

“May water snakes dito?” 

“Siguro. Kasasabi ko lang diba?” Kibit balikat na sagot ni Daniel. 

Pinipigilan ni Daniel ang sariling lingunin ang reaction ni Kathryn sa sinabi nya. Pero alam nahuhulaan na nya ang reaction nito. 

*5…4..3..2…* 

Biglang may malakas na splash ng tubig na papalapit ang narinig ni Daniel. Hanggang may biglang humawak ng mahigpit sa braso nya.

He had to fight the triumphant smirk sa lips nya sa nangyari. 

“Akala ko ba kaya mo?” Asar nya kay Kathryn. 

“Kaya ko, until sinabi mo yung tungkol sa snakes. And dapat kanina mo pa yang sinabi sa kin!” 

Natawa na lang si Daniel. 

Sa totoo lang, di naman talaga sya sure kung may snakes doon, pero what the heck? Gumana naman diba? 

He had her right beside him. She can berate him all she wants, pero wala ng makakabura ng mga ngiti sa labi ni nya ngayon.

 __________ 

Mga  10 minuto ang nakalipas ay narating rin nila ang paanan ng isang burol. 

“We’re here!” Deklara ni Daniel nang makaakyat sya sa tuktok ng burol. 

Tinulungan nyang makaakyat si Kathryn at pumwesto sila sa isang parte ng burol kung saan may malaking bato. 

“Wow!” Sigaw ni Kathryn nang makita ang paligid. 

Kung saan sila nakatayo ay may isang napakagandang view ng mga bundok sa paligid, at may dagat naman sa ibaba nito. Ang liwanag ng buwan at bituin ay nagrereflect sa dagat kaya napakaganda nitong tingnan. 

Tahimik din sa paligid at tanging huni lamang ng mga ibon at galaw ng dahon dahil sa hangin ang maririnig. Such a refreshing place na puno ng tranquility. Isang bagay na matagal nang di nararanasan ni Kathryn dahil madalas sya sa city. Ngayon nya narealize na ang lahat ng paglalakad na ginawa nya ay worth it. 

“Pano mo nahanap ang lugar na to?” Tanong nya kay Daniel habang namamangha pa rin sya sa paligid. 

“Sasabihin ko sayo kung uupo ka sa tabi ko.” 

Nilingon nya ito at nakitang kumportableng nakaupo si Daniel sa isang picnic blanket at nakasandal sa malaking bato. Naka-barefoot din ito habang tinatapik ang bakanteng puwesto sa tabi ng kinauupusan bilang senyales na maupo sya roon. 

Naglakad naman sya papunta doon at tinanggal ang sapatos nya. Naupo sya sa tabi ni Daniel at agad namang nilagay ng binata ang suit jacket nito sa balikat nya. 

“Thanks.” Saglit silang nagkatitigan ni Daniel matapos noon pero agad ding iniwas ni Kathryn ang tingin. 

“So anong kwento tungkol dito?” Tanong nya uli sa binata. 

Narinig nyang huminga ng malalim si Daniel. 

“Siguro mga 3 months ago na nung nagkaroon ako ng sobrang frustrating na araw sa trabaho. I was so exhausted. Lahat ata ng overtime took a toll on me. Kaya naisipan kong umalis sa opisina for an hour at nagdrive lang ako kung san san hanggang I was feeling a little adventurous and naisipan kong magtrek. At ayun nga nakita ko ang spot na ito. There’s something very relaxing in this environment. Nagpupunta ako dito tuwing malungkot ako or pagod. Ito ang place of refuge ko away from the hype of civilization.” Kwento ni Daniel. 

Sumandal si Kathryn sa bato at tumingin kay Daniel na nakatingin sa horizon. 

“Ano bang nangyari sayo? Sa naalala ko, isa kang party-goer. Nasa iba ibang bars every night. And now, nagkukulong ka sa loob ng opisina mo buong araw. Parang it’s a different you. It’s hard to believe that you changed that much overnight.” Sa wakas ay naitanong na rin ni  Kathryn ang matagal ng bumabagabag sa kanya. 

Hindi agad sumagot si Daniel. 

*You.*  Gusto sana nyang isagot sa dalaga. 

Simula kasi ng umalis si Kathryn, ay isinubsob na ni Daniel ang sarili sa trabaho. Siguro ito ang paraan nya para idistract ang sarili nya. At para na rin makalimutan nya ang fact na he let someone so special slip away through his fingers. 

Somehow, tuwing makakapagspend sya ng time kasama si Kathryn ay nagbabago ang papanaw nya sa buhay. Yung mga bagay na dati ay ginagawa nya kagaya ng pambababae, paginom, parties, lahat ng iyon ay parang mababaw na kaligayahan na lamang. At lahat ng iyon ay dahil kay Kathryn. Pero syempre hindi iyon alam ng dalaga, at marahil ay mas mabuti nang hindi nya malaman. 

“Narealize ko lang na meron akong responsibilities bilang isang Padilla na hindi ko pwedeng itake for granted.” Simpleng sagot lamang ni Daniel. 

“Wow. The playboy is all grown up. So isa ka na bang playman ngayon?” Asar nya dito. 

“Parang mas gusto ko yung conscientious stud, pero kung san ka masaya eh di yun na.”

Natawa si Kathryn sa sagot niya. 

“Dinadala mo dito lahat ng girlfriends mo?” 

“Hindi. Wala pa kong dinadalang kahit sino until now. Tingin ko kasi kailangan mo.” 

Nakita ni Kathryn ang honesty sa mata ni Daniel. Napangiti sya dito. Lalo na ng malaman nya na sya ang unang taong dinala nito sa place of refuge nya. It made her feel special. At nararamdaman na nyang nagwear off ang mental and physical exhaustion nya. 

“Ano ng gagawin natin ngayon?” Tanong ni Kathryn. 

“Maghihintay.” Tiningnan ni Daniel ang relos. “Konting oras na lang sunrise na. Kailangan lang natin magstay na gising.” 

Inilabas ni Daniel ang 2 silver thermos mula sa picnic basket.

 "Ano yan? Coffee?! Wala na bang nagbabantay sa caffeine intake mo? Yang butas sa tyan mo baka lumala. Ilang cups ba ng coffee naiinom mo sa isang araw?” Sunod sunod na tanong ni Kathryn. 

“Sakto lang para hindi mabutas uli tyan ko. At hindi to coffee. Alam ko namang magwawala ka pag nagdala ko ng isang thermos ng kape. It’s hot cocoa.” Inabot ni Daniel ang isang thermos sa kanya. 

“Mabuti naman.” 

“I appreciate the concern though.” 

Biglang nagblush si Kathryn. Hindi naman nya sinasadyang lumabas na she still cares pero hindi nya ito napigilan.

Old habits die hard. 

Tumawa sya ng bahagya para pagtakpan ang pamumula nya. 

“Eh I’m supposed to be your ‘girlfriend’ diba? Dapat Masaya ka kasi Im into my role.” 

“Oo naman. Masaya ko.” 

Namiss din naman ni Daniel na nandyan si Kathryn para imonitor ang coffee intake nya. Dati ay naiinis sya dito pag ginagawa yun, pero di nagtagal at he found it endearing. It showed how much she cares for him. At ngayong ginagawa nya ulit iyon, nafeel nyang parang bumabalik na ang dating Kathryn. And it gives him a comforting feeling. 

“Nagkwento na ko ng story ng life ko. Ikaw naman.” Sabi nya sa dalaga. 

“Anong story ang gusto mo?” 

“Pano mo nakilala si Diego Loyzaga?” Diretsong tanong nya dito. 

Kung kailan naman nakakarelax na si Kathryn ay nabring up na namanang topic na iyon. Pero at least medyo safe ang tanong ni Daniel. At alam nyang hindi sya papalusutin nito hanggat di nasasagot ang tanong nya. 

“Fine. Dahil mukhang curious ka talaga. Si Diego ay anak ni Tito Cesar Loyzaga. Business associate and kaibigan ng pamilya namin. Magkatrabaho mga magulang namin kaya kami nagkakakilala.” 

Napatigil si Daniel nang marinig ang pangalan. 

“Cesar Loyzaga?” 

“Oo. Kilala mo ba sya?” 

Napansin ni Kathryn na parang biglang naging uneasy si Daniel pero agad din itong naging okay. 

“Oo. Nameet ko sya once a long time ago.” Biglang naging seryoso ang tono nito. 

“Is Diego Loyzaga really just your boss?” Tanong muli ni Daniel. 

*Eto na naman tayo!* Sigaw ni Kathryn sa utak nya. 

“Bakit mo ba laging tinatanong yan?” Tanong nya pabalik. 

“Kasi lagi mong iniiwasan. Pero to be honest, sa tingin ko hindi mo lang sya boss. He cares about you, I can tell.” 

“Pano mo naman nasabi yan?” 

“He flew in all the way here from Canada. Hindi magaaksaya ng oras to go through all that trouble ang isang lalaki for just anybody.” 

“Im not just anybody. Family friend nya ko. And business nya ang Glitz. Kaya natural lang na icheck nya yun.” 

“Don’t pretend to be naïve, Kath. You know what I mean. Isa syang business man, and a very busy one gaya ng sabi mo. He’s running his own company pa. Kaya hindi madali para sa kanya na iwan na lang ang work just to share a special night with you. Double that kung workhalic pa sya. Pero andun pa rin sya. Ano pa bang ibig sabihin nun?” 

Natahimik si Kathryn. Si Diego pa din ang pinaguusapan nila diba? 

“Hindi ko alam. Pero hindi ba pareho lang kayo? Baka ikaw makasagot nyan?” 

Si Daniel naman ang natahimik. He was debating with himself dahil may reasons sya kung bakit nya ginawa yun. Pero ang reasons nya ay hindi naman siguro kagaya ng kay Diego, or pwede rin. At this point, he is trying to prove a point kaya kailangan nyang sagutin ang tanong ni Kathryn. 

“Fine. In my case, oo. I care about you.” 

Parang tumalon ang puso ni Kathryn sa narinig at the same time parang may bumara sa lalamunan nya. Sinubukan nyang idistract ang sarili at uminom ng cocoa. 

Hindi naman siguro iyon ang ibig sabihin ni Daniel. Hindi na nya kailangan ng dagdag pang complication sa buhay nya ngayon. 

Nakita ni Daniel kung pano nagging uncomfortable si Kathryn sa sinabi nya. Naramdaman nyang lumayo uli ang loob nito sa kanya at ayaw nyang mawala ang kung ano mang samahan ang meron na sila ngayon. Hindi naman nya habol ang pagmamahal nito. Pero ayaw nyang saktan uli ang dalaga. At lalong ayaw nyang saktan uli ang sarili nya. He hurts at her pain. Hindi nya na gustong pagdaan nilang muli iyon. Kahit pagkakaibigan lang ay ayos na sa kanya. 

Nagbuntong hininga si Daniel at tumingin sa mapayapang kapaligiran. 

“I mean, you’re my friend. At pinoprotektahan ko talaga ang mga taong may pakialam ko. Kaya ko nga tinatanong ang tungkol kay Diego. I have to make sure that his intentions are good.” 

Medyo nabunutan ng tinik si Kathryn sa narinig pero parang masakit din sa kanyang isiping kaibigan lang pala ang turing sa kanya nito. 

“Well, kaibigan din nya ko. That’s why he cares. You two feel exactly the same way. Kaya wag kang mag-alala.” Sabi ni Kathryn sabay ngiti sa binata. 

Tumango na lamang si Daniel. 

Ano pa ba ang sasabihin nya? 

Kung tama si Kathryn na pareho sila ng nararamdaman ni Diego eh di tama sya. Diego cares about Kathryn nang higit pa sa kaibigan. Yung tipong kahit impyerno ay susuungin nito para lamang maprotektahan ang dalaga. He must really care about her with his heart and soul. 

Alam iyon ni Daniel. 

Dahil sa ilalim ng lahat ng acts and pretentions, ay yun din ang nararamdaman nya. 

Nanatili na silang tahimik habang nagmumuni muni at hinihintay ang sunrise. 

“DJ?” 

“Hmm.” 

“Hindi pa ata ako nakakapag-thank you sayo sa pagpunta mo kagabi. And for the flowers. At sa pagdala mo sa akin dito. It means a lot to me. Thank you.” Sabi ni Kathryn sabay sandal ng ulo nya sa balikat ni Daniel. 

Napangiti ang binata. 

“No problem. Anything to please my beautiful girlfriend."

Napangiti si Kathryn and let out a chuckle. His beautiful girlfriend. 

Maganda sanang pakinggan, pero it was too late. 

They had their chance once. 

And that was long gone. 

__________

Author’s Note: I’m back! Feeling a bit better so I came up with something. Drama muna, saka na SPG. HAHAHAHA. Comments!  

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 24.8K 61
L-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
2.5M 3.1K 3
Yssabelle Dizon asks for 50 days to be with her ex-boyfriend, Kyle Joshua Cristobal. This man used to love her so much, but something bad happened be...