LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Prim

2.7K 140 50
By freespiritdamsel



**

"PRIM?"

Nakatayo ako sa tapat niya. Habang siya, nakaupo at napahinto sa pagsusulat. Kita ko'ng napatingin siya sa sapatos ko'ng nasa harap niya.

At unti-unti, inangat niya ang ulo niya. Doon, nagtama ang mga mata namin.

Napa-awang ang bibig ko.

Kung sigurado akong mahal ko siya, mas sigurado akong siya 'to. Si Prim 'to.

Nakatali ang buhok niya, at may mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.

Agad niyang inilagay sa bag ang notebook na kanina'y sinusulatan niya at tumayo. Inayos ang damit at... tumingin sakin.

"Prim," Sabi ko ulit.

Hindi ako makapaniwala. Yung babaeng akala ko ay wala na, yung babaeng laman ng isip at puso ko walong taon na, andito na. Nakatayo sa harap ko.

"I knew it." And then she smiled.

Sh-t. 'Yang ngiti mo'ng 'yan, miss na miss ko na.

Yayakapin ko na sana siya ng magsalita siya ulit. "I knew it."

Napahinto ako at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Anong I knew it ba pinagsasabi niya? I knew it na buhay siya?

"H-ha?"

Yung bawat pag galaw niya, bawat pag ngiti't pagtingin niya, napapansin ko talaga. Grabe. Ilang years... inakala ko'ng wala na siya pero heto, andito siya, grabe.

"I knew it na you will think na it was Prim?"

Alam niyo yung moment sa math class na kahit na malinaw naman yung pagkasabi hindi mo parin maintindihan? Parang nangyari ulit ngayon. Parang ito ulit 'yon. Hindi ko man lang naintindihan yung sinabi niya sakin.

Nakatunganga lang ako sa harap niya ng magsalita ulit siya. "Hoy!"

"A-anong... anong ibig sabihin—"

"I'm Paige. Kambal ni Prim."

Paige? Kambal? Naglolokohan ba tayo dito? "Prim, 'wag mo ko'ng lokohin." Mas lumapit ako sakanya kaya medyo nanlaki ang mga mata niya.

"I'm not lying. I'm Paige nga—"

"Ikaw si Prim."

"Ay? Ba't ang tigas ng ulo mo? Si Paige nga ako. Si Paige. Kambal ni Prim."

Bakit ba kailangan niyang magsinungaling? Bakit ba kailangan niyang magpanggap na siya si Paige? Walang Paige!

"Wala siyang kambal."

Nirolyohan niya ko ng mata at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang. "Oh well, papel, meron. And she's standing infront of you." Sabay crossed arms.

Bakit ang lakas ng loob niya?

"Wala siyang sinasabi—"

"Hindi mo siya kilala."

"Kilala ko siya."

"Kung kilala mo siya, bakit di mo alam kung bakit siya nagpakamatay?" She challenged me. Napakunot ang noo ko. "Dahil sa pamilya niya."

"Tss, see? Hindi mo nga alam. Kaya pwede?"

"Eh bakit wala siyang sinasabi na may kapatid pala siya?" Kasi hindi talaga eh. Siya talaga to! Walang kapatid si Prim! Tapos tangina, namatay lang, may kambal na?

"Aba malay ko! Tara, puntahan natin." Sinamaan ko siya ng tingin ng hawakan niya ang braso ko at talagang aalis na siya. Nang-aasar ba 'to?

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "Prim—"

"Hindi. Nga. Ako. Si. Prim. San banda dun ang di mo maintindihan?" Medyo naiis-stress na siyang magexplain.

Pero napaisip rin ako bigla. Hindi naman ganto umarte si Prim, e. Hindi siya ganito magsalita. At tinignan ko siya from head to toe.... hindi nga ganito. Hindi siya 'to.

"Sige nga, bigyan mo ko ng pruweba." Panghahamon ko pa sakanya. Pag ito may naipakita, iisipin ko'ng, oo, may kapatid nga siya.

"Tss, small thing!"

"Anong small thing?"

"Maliit na bagay!" Tapos ay, may kinuha siya sa bag niya. "Oh, oh, oh!" Sabi niya habang may hawak-hawak na picture. Ipinaharap niya na 'yon sakin.

"Ayan, ha."

Nakita ko'ng may dalawang magkamukha sa picture. Si Prim nga.... tsaka si Paige. Mga bata pa sila at parehong nakangiti. "Oh, baka sabihin mo naman edited yan ah? Ngayon lang tayo nagkita!" Hinawakan ko 'yon at tinignan siya. Sh-t. Bakit kasi sobrang kamukha niya ang Prim ko?

Bumuntong hininga ko. Nadisappoint. Nalungkot. "Okay, sorry."

Kinuha niya ang picture na hawak ko. "Wala, ayos lang. Napaghandaan ko na 'tong day na 'to." Hindi na 'ko sumagot. Tinignan niya ko na parang naaawa siya sakin. Na parang malungkot rin siya.

"Don't worry, alam ko 'yong feeling. Nakwento ka pa naman sakin ni Prim." Sabay ngumiti siya ng malungkot.

"Talaga?"
Nakwento pala ako ni Prim? At the back of my mind, naisip ko, ano kaya mga sinasabi niya? Kinikilig kaya siya sakin pag nagku-kwento siya sa iba? Yung tipong masaya siya pag ako yung kinukwento niya sakanila...

"Oo, sabi niya pa nga, siya daw nakakuha ng virginity mo. Hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin. At parang namumula pa ko. Tangina, namumula ba talaga ang lalake? Ewan basta nahihiya ako na hindi ko alam.

"Uhm, oh, pano, una na 'ko?" Tinignan ko siya ng maigi. Tinitigan. Prim.... si Prim ang nakikita ko. Yung mukha lahat pareho.

Natural. Kambal niya, Mav.

"Pwede ka.... pwede ka bang mayakap?" Tanong ko sakanya.

Medyo napahinto siya pero napatango-tango rin naman kalaunan at ngumiti. Niyakap ko siya agad. Nang mahigpit. Kahit na hindi siya 'to. Kahit na yung katawan at mukha lang yung kapareho. Kahit na... kahit na.

"Mahal na mahal ko ka-kambal mo." Sabi ko habang yakap-yakap pa siya.

Niyakap niya ko pabalik. "Siya rin, mahal ka niya."

Ako? Mahal niya? Napabitaw ako sa yakap at tinignan siya. "Sabi niya?"

Napahinto siya at nagbilog pa yung mata niya. Bakit ba siya nagugulat? Konti nalang, iisipin ko'ng si Prim to na nagkukunwari lang! "Hindi mo alam?!"

"Ba't ka sumisigaw?"

"Ah, hindi, nagulat lang ako. Haha. Pero, seryoso, hindi niya ba sinabi sayo?"

At lahat ng pag-asa ko'ng si Prim 'to—nawala. Gumuho. Hindi talaga. Imposible pala.

"Hindi... mahal niya ba ako?"

"Oo nga. Tss. May sakit talaga yung babaeng 'yon. Ayaw niya pang aminin. Paka-oa."

Ang saya ko. Mahal niya ko. Tangina, mahal niya rin ako? Kaso, napayuko ako at nawala agad yung ngiti sa mga labi ko. "Kaso, wala na siya eh." Tapos tumingin ako sakanya. Kita ko yung lungkot din sa mga mata niya.

"Oo nga. Sayang. Hayaan mo, basta alam mo'ng, mahal ka niya."

"Thank you, Paige."

"No problem. Sorry ah? Umasa ka tuloy ng mga 5minutes." Sabay hagikhik niya. Baliw to. Magkaibang-magkaiba sila ni Prim.

"Sige, alis na 'ko, ah?" Inayos niya ang sarili niya at tinapik ang balikat ko. "Sige, ingat." Sabi ko at tinignan ang likod niyang naglalakad palayo sakin.

Naglalakad.

At hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis.


**

So here's the thing. Nagsulat ako ng almost 20 drafts for this story. Tapos pag gising ko nawala. Ang sakit diba. Haha. Kaya kung mapapansin niyo parang minadali ko tong chapter na to or whatever basta. Or lagi namang ganito hahaha. Tinamad lang ako mag sulat ulit. Ikaw kaya mawalan kung gaganahan ka pa.
Yun lang.

Geh.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 2.8K 40
Isang nerd noon na pinaglaruan at pinagpustahan ng minahal nya at ng mga kaibigan nito masyado syang nasaktan kaya nangibang bansa ito. Sa pagbabalik...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
12.9K 213 52
HELLO, SA GUSTONG TUMAWA, GO LANG. - Seeraienderella 2018 Amber Shen (2020) Ang pangongopya ay seryosong krimen. Amen.
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...