ZBS#9: Blue grasshopper's Les...

By iamyourlovelywriter

2.5M 52.9K 2.7K

Paalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven (SPG)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Extra#1: Letter from MasterH to Blue grasshopper
Extra#2: Everything is almost complete... almost...

Chapter Six

65.4K 1.4K 98
By iamyourlovelywriter

Chapter Six


Kahit anong gawin niyang kiskis sa leeg niya na may pulang marka ay hindi pa rin mawala, ramdam pa rin niya ang kakaibang kilabot na dala ng labi nito sa kanya, and his tongue. Napakagat siya ng labi nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa ginawang iyon ng lalaki. How can a mere janitor affect her this way it's too much for her to handle.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagpahinga, hindi siya lumabas sa kanyang silid dahil natatakot siyang makasalubong na naman ang walang kwentang lalaking iyon. Natatakot siyang baka ano na naman ang gawin nito sa kanya at hindi niya magawang labanan dahil aminin man niya o hindi ay gusto din niya.

Sa pang-apat na araw ay hindi siya lumabas sa kanyang silid, nag-enjoy na lamang siya sa pagtulog. Sa totoo lang gusto na niyang umuwi at umalis sa lugar na iyon ayaw na niyang makagawa ng masama. Nakagawian na rin niyang mag-order sa room service.

"Wait!" sigaw niya ng marinig niya ang bell sa room niya, that's the room service dahil katatawag lang ng mga ito sa kanya. She opened the door--.

"Room service miss." Nag-isang linya ang mga labi niya habang nakatingin kay Xancho na may dala ng cart. "Napagalitan na ako ng boss ko nakita kasi niya ang ginawa ko sa iyo kailangan kong humingi ng tawad para hindi ako mawalan ng trabaho." Bumalik na ito sa dating uniform nito and his nerd look.

"Ibalik mo na iyan hindi pala ako gutom."

"No! Kumain ka please." Natatarantang pigil nito sa kanya. "I will be good I promise basta kumain ka lang don't risk your health because of me."

"Hindi talaga ako gutom-."

"I am sorry." He uttered. "Pasensya na sa nagawa ko." Napatingin ito sa kanyang leeg. "Sana mapatawad mo ako." Sincere na hingi nito ng tawad sa kanya. Napailing lang siya at isasara sana ang pinto.

"Go away, Xancho."

Isinara niya ang pintuan pero hindi naman siya umalis sa likod pakiramdam kasi niya ay naging masyado siyang harsh. May narinig siyang maliliit na katok sa kabilang pinto kasabay ng pagkatok din nito sa puso niya.

"Gusto mo bang gumawa ng taong niyebe?" at sa halip na magdrama ay hindi niya napigilan ang sarili niyang matawa sa tanong nito sa kabilang pinto. Naitranslate nito ang 'Do you wanna build a snowman' ng Frozen. Binuksan niya ang pintuan at saka tiningnan ng masama ang lalaki na nakangiti sa kanya, he had this apologetic smile on his face making him look boyish and innocent as hell. "Foods?"

"Ipasok mo iyan dito." At linuwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Kung sinuman ang mga magulang ng lalaking ito they surely made it sure na gagawa sila ng anak na sobrang iresistable. Hindi yata niya magawang magalit dito ng matagal-siya pa na mahilig magkimkim ng sama ng loob.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Nope."

"Ganoon? Mukhang kailangan kong gamitin ang aking special force bukas susunduin kita ng maaga."

"Para?"

"Ipapasyal kita, mamamasyal tayo."

"Ayoko."

"Sa dagat, sa dagat kita dadalhin. May Bangka si boss mabait naman siya pwede nating hiramin iyon."

"May trabaho ka."

"Pwede naman akong umabsent gusto kong makabawi sa ginawa ko sa iyo."

"No need-."

"Please Nica, please?" he begs.

"Stop this."

"I wouldn't stop, isang beses lang. Isang beses lang tapos kapag hindi mo pa ako napatawad hindi na kita guguluhin pa." she looks at him seriously, he is pretty damn serious about it.

"Fine, tomorrow." And a sincere smile appears on his lips, really, ito na talaga ang nakakapagpabago sa mood niya. For a complete stranger he is rather too good to be true, to be too familiar.



"NICA." He played her name through his tongue over and over again. He visits Bud's villa as he was called by his friend for some companionship. "Nica."

"You really love the name, Baste."

"Hmn?"

"I said you really love the name."

"Why?"

"Mukhang lahat ng babaeng nakakakuha ng interest mo may Nica sa pangalan nila." Kumunot ang noo niya habang kausap ang kaibigan. "We can actually stop the game if you wanted to, no more bets and you can stop pretending that you are a mere janitor dahil hindi ka naman seryoso doon. Makita lang kitang nakasuot ng janitor's uniform ay sapat na sa akin." Bud smile wickedly.

"It's okay." Wala sa sariling sagot niya. "That's the only way I can do to have her."

"You can be Xancho tell her the real you that would be easier for you to get her." May point si Bud but something is telling her that Nica wouldn't even mind. "Mas madaling mahulog ang mga babae sa lalaking katulad natin, gwapo at mayaman. We are every woman's fantasy dude by telling them we are interested they will automatically jump into our arms while we are pretending we really care." Sumang-ayon naman siya sa sinabi nito, most of the instances are like that. Kahit hindi na sabihin na mayaman sila basta gwapo at nagpapanggap silang mabait na tupa ay nakukuha agad nila ang gusto nila.

"I will do that." Remembering Bud's words about the name something came up, he remembered something making him curse loudly. "Nica... four years ago?"

"Yup, the one telling you about that Zalpha Bri Sorority."

He cursed again. "Damn!" he tried to connect the resemblance. He remembered that woman wearing her belly dancing costume and a mask. The mask never fell from her face kahit na iutos ng doctor and the doctor seems to respect her decision that time dahil sanay na sa mga pakulo ng members ng yatch club. Hanggang sa malasing siya at makatulog, when he woke up she was no longer beside him. He was disappointed at that time kaya nasabi niya sa mga kaibigan niya ang usapan nila ng babae. And he mentioned about a certain sorority and the wish.

Si Nica ba noon at si Nica ngayon ay magkatulad? They have a striking resemblance though, their built, their height, the color tone, the hair, the nose and the lips-isn't it? Could it be? Pero kung ganoon nga baka nakilala na rin siya nito she just pretended not since hindi naman siya nakasuot ng mascara at that time. But he didn't see any recognition from her eyes doon siya sigurado.

"If she is what you think she was Xancho, she is a gem. She is a star." Bud jests.

Damn hell!




Napansin niyang kanina pa siya tinititigan ni Xancho paglabas na paglabas niya sa suite niya ay iyon agad ang napansin niya. Halos hindi na siya nito linulubayan ng tingin at nakakapagtakang wala siyang marinig na anuman mula dito. Parang kakaiba ito ngayon.

"Problema mo?"

He just keep looking at her making her uneasy. "Have we met before?"

"Not that I know." At kakaiba din ito ngayon kahit na sabihin na para namang walang nagbago dito hindi niya ipagkakaila na mas naging authoritative ito. Mas naging boss-feel ito keysa kahapon. Five days na silang magkakilala pero para bang kay tagal na nilang nagkasama and is it even possible for her to feel that way or to anyone. "Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Heaven."

"Gusto mong mamatay?"

"Not that heaven princess, mas trip ko iyong heaven na walang namamatay." And winks at her. "Kundi nasasarapan lang."

"Kapag hindi mo tinigilan iyang mga pasaring mong ganyan Xancho one of these days you will find yourself trapped in a very unconvential way. Baka mapikot ka ng wala sa oras."

"Kung ikaw ang pipikot sa akin, why not?"

"I am not joking."

"Neither I am."

"Seryoso ako." Pero hindi naman ito sumagot na kaya nainis siya. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong may tanong siya pero hindi naman siya sinasagot, ayaw niya ng surprise gusto lang niyang malaman ang lahat-lahat. Kaya habang naglalakad sila at nagtatangka itong lumapit sa kanya ay umiiwas siya.

"May nagawa ba akong masama kaya ka umiiwas sa akin?" nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. "Nica-." Mabilis itong nakahabol sa kanya at ipinihit siyang paharap dito. "Nica."

"I heard my name once."

"Nica." Napalunok siya ng biglang lumapit ang lalaki sa kanya, with her cold façade and poker face alam niyang sinuman ang makakakita sa kanila ay iisipin na wala siyang pakialam but not inside her system when everything seems so chaotic. He is slowly dipping hid to hers, her heartbeat is faster than a speeding bullet at that time halos hindi na siya makahinga. Hindi rin siya makagalaw and he is about to kiss her and she wanted it too-pareho silang natigilan ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya.

Wala sa sariling kinuha niya ang kanyang phone at sinagot. "Hello?" napakurap nalang siya ng marinig ang boses ng kapatid sa cellphone. "Norman?" she excused herself kaya hindi nito nakita ang ekspresyon sa mukha ni Xancho ng magbanggit siya ng ibang pangalan ng lalaki.

After the call ay lumapit sa kanya si Xancho, his hands were on his pockets. Doon lang din niya naalala kung ano ang nangyari kanina bago tumawag ang kapatid niya. Kaya mas lalo siyang umiwas dito. "Nica." Xancho called her name frustration is evident on his tone. "Ano na naman ngayon? May ginawa na naman akong masama?"

You almost kissed me, idiot! She wanted to scream it on his face but stopped herself and remained cold and distant.

"Wala kang ginawang masama."

"Is it about that kiss?"

"Walang halikan na nangyari." Mabilis na sagot niya.

"Wala dahil may tumawag sa iyo, sino iyon? boyfriend mo?"

"Kung boyfriend ko man iyon wala kang pake."

Tumingin ito sa kamay niya. "You don't have any rings at kung single ka hindi ka magbabakasyong mag-isa or maybe kahihiwalay niyo po ng boyfriend mo?"



"Sabagay wala akong pakialam kung single o hindi ang mga nakakasama kong babae, don't tell me you are here for a summer fling?" patuloy niya habang nakatitig lang siya sa mukha nito pero maisip lang niyang hindi na single ang babaeng ito ay nagpupuyos na sa inis ang dibdib niya. At ng marinig niyang may iba itong binanggit na pangalan kung hindi lang niya napigilan ang sarili malamang ay kinuha na niya ang cellphone nito at itinapon iyon kung saan.

"Nandito ako para magbakasyon at hindi katulad ng nasa isip mo." Umirap ito sa kanya, he is really enjoying it when she does that. "At kapatid ko ang tumawag sa akin."

Masama ba kung sasabihin niyang masaya siya sa narinig niya? Kapatid nito ang Norman na iyon?

Hinayaan muna niya itong manahimik, that's her prize for being a good girl and remain single until now. Hindi naman siya sigurado man's instinct siguro ang tawag sa bagay na iyon. Dinala niya ito sa yate niya.

"Is this the boat your boss owns?" gulat na tanong nito.

"This is mine and I don't have a boss because I am the boss." He told her the truth, tumingin lang ito sa kanya and he is waiting for any recognition from her but she is really good at hiding whatever she feels.

"Kaya pala."

"You knew?" mukhang siya ang nagulat sa komento nito.

"I don't know and I don't really want to know pero impossible din kasing maging janitor ka lang. I don't know your reasons for pretending that you are one."

"I lost a bet it was my punishment." Tumango lang ito and he is waiting for her to make her move to tell her that she was sorry for all the coldness he got from her but he got none.

"I am hungry pwede bang kumain muna ako? Kung saan mo man ako dadalhin mamaya make sure it is safe and-."

"Iiwanan mo ako dito?"

"Para kang takot na takot? Yate mo naman iyan walang multo diyan."

"May pagkain sa loob I asked my people to prepare it for today, hindi ba gusto kong makabawi?"

"Bakit hindi mo sinabi?" napangiti siya sa sinabi nito kaya agad niya itong dinala sa taas. He motioned to his people not to follow them, kaya niyang paandarin ang yate niya at saka gusto din niyang masolo si Nica. Gusto niyang malaman kung ang Nica na kilala niya noon ay ang Nica nga kilala niya ngayon.

"Ano ang ibig sabihin ni XFS?" Tanong nito marahil ay nabasa nito ang pangalan sa katawan ng yate niya.

"Xancho Francis Sebastian."

"Who is that?"

"My real name."

"Ah, akala ko kasi joke-joke din iyang pangalan na ibinigay mo. Mahilig kasing manloko ang mga mayayaman." Napatingin lang siya dito habang magana itong kumakain, iniisip tuloy niya na hindi okay para dito iyong sinabi niya at may galit ito sa kanya dahil nagpapanggap lang siyang janitor.

"You look rich yourself, heiress?"

Tumigil ito sa pagkain na tila ba nawalan ng gana, may kasalanan na naman siya. But he also needs to stop her from eating baka magkasakit na ito sa kabusugan, he doesn't mind if she bloated she will still look cute if that happened.

"Do I look one?" tumango siya ito naman ay napapailing nalang. "Baka magulat ka I am not a princess but a beggar with a lot of siblings."

"The beggar princess with siblings? Mas maniniwala akong marami kang kapatid pero hindi ako maniniwala na mahirap ka. Wala sa hitsura mo."

"Basehan na pala ang hitsura ngayon sa pagiging mayaman? Hindi ba pwedeng maalaga lang ako sa katawan?" tumawa siya sa sinabi nito. "Panganay ako, I have four more younger siblings." Inayos nito ang sarili interesado siyang malaman kung ano ang buhay nito. "Gusto kong magsnorkel."

"You can't swim."

"Yes, I can."

"Sasamahan kita." Sa haba ng araw nila ay hindi ito nagtanong kung ano ang tunay niyang trabaho, para bang sinasabi nitong wala siyang pakialam kung sinuman siya. Hindi nga ito takot umitim pero namumula lang ang balat nito.

Kahit na umitim ito sa init ng araw at sa tubig alat, nagsnorkelling sila at nag-island hopping still it suits her very well. Pati pisngi nito ay namumula na rin, she also had those sexy tan lines at kung alam lang nito kung ano ang nararamdaman niya kapag kasama niya ito malamang tatalilis ito ng takbo. "Nakikinig ka ba sa akin?"

"Huh?" napakurap siya. "Yeah, no boyfriend? Baka asawa?"

"I don't have plans." She leaned on her chair and cross her arms above her chest, his jaw suddenly dropped on the floor. Those breasts, damn her for seducing him! Pero saka na muna kasi mas nakuha ng sinabi nito ang kanyang interes.

"Wala kang balak mag-asawa? Why? Dahil ba hindi ka na virgin at wala ng tatanggap sa iyo?" she glared at him, she wasn't confirming or denying his accusation.

"I don't give a damn about that." Sagot lang nito. "Birhen man ako o hindi sa akin nalang iyon, does it really matter for boys? Sa tingin ko kasi mga babae nalang ang nagsesecure ng kanilang virginity, ang mga lalaki hindi ba isang sumpa sa inyo kung birhen pa rin kayo?" she asked.

"Well, that depends."

"And what makes women different from men in that aspect?" tumaas ang kilay nito kahit na kalmado lang itong nakikipag-usap sa kanya.

"None?"

"Good answer, let's just put it this way. The average number of men who sacred purity for their future woman is equal to or lesser than 0.000001 percent. And the average number of women who sacred purity for their future man is greater than 0.000001 percent. What is your analysis then? Show your answer and don't forget to write your conclusion and analyzation."

Sumakit yata ang ulo niya sa sinabi nito, bakit may number na? "Do you accept or reject the null hypothesis?"

"Accept?"

"Sure?"

"Yes."

"Kung datos ang pagbabasehan mo Xancho, kung malawak ang pag-uunawa mo sa mga bagay-bagay, masasabi mong i-accept ang null hypothesis."

"Why?" takang tanong niya dahil kung siya ang tatanungin talaga namang mas mababa pa sa ganoong bilang ang hindi nag-eengaged sa pre-marital sex.

"Don't be too confident Xancho." Tumingin ito sa kanya. "Sabi ko nga lawakan mo ang pag-iisip mo hindi ba? Sa panahon ngayon halos pantay na ang bilang ng babae at lalaking nag-eengaged sa pre-marital sex dahil sa maraming factors gaya ng media, mga nababasa nila and worst ang mga nakikita nila sa internet. Pero ang pinakadahilan nito ay walang maayos na gabay ng mga magulang, iyong walang suporta ang mga magulang sa mga anak nila. Dahil diyan naghahanap ng ibang paraan ang mga bata para mapansin sila at sa kasamaang palad minsan ay napupunta sila sa maling direksyon. Iyong hindi nasagip ng mga magulang dahil sa halip na intindihin at itama ang pagkakamali ng anak ayon napapariwara ang buhay, iyong mga naalagaan maswerte sila."

Tumitig ito sa kanya. "Ikaw ilang taon ka noong nawala ang virginity mo?" alam ba ng babaeng ito kung ano ang tinatanong nito?

"Thirteen?"

Tumango-tango ito sa sagot niya. "And how old are you now?"

"Twenty seven."

"Bakit sa murang edad ay isinuko mo na ang bataan?" their topic is kind a weird, hindi ito ang kadalasang usapan ng lalaki at babae sa mga ganitong pagkakataon. Ano ba ang trabaho ng babaeng ito guro? Malayo sa hitsura nito ang maging guro, she looks like a princess. "Dahil ba sa hindi ka naalagaan ng mga magulang mo?"

"My parents are the best parents in the world, they are not perfect but they raised me well and my sister. I lost it because I'm of the right age and my friends weren't too."

"Peer pressure... no wonder." Uminom ito ng juice.

"Isa ka ba sa mga babaeng nasa 0.000001 percent na inaaalagaan ang sarili para sa magiging asawa nila?"

She just glanced at him and then eyed the sea. "Gaya ng sinabi ko wala akong balak mag-asawa, I don't have plans dahil mas may importante pa akong dapat asikasuhin keysa diyan. And as for your question, I am an open-minded woman. Hindi ko sasabihin na conservative ako dahil baka kainin ko ang sinabi ko at ako pa ang mapahiya, hindi natin hawak ang kapalaran who knows baka madapa ako." Alam niyang may ibig sabihin ang salita nito.

"Paano kung makahanap ka ng lalaking mamahalin ka?"

She snorted and shook her head. "That's impossible."

"A hypothetical question."

"I will give you a hypothetical answer." Tumitig ito sa kanyang mga mata. "I am already twenty-five at nasa marrying age na rin ako, dapat sa mga oras na ganito ay napapraning na ako sa kahahanap ng lalaking makakasama ko. Most women, not all, are afraid to be alone and you know what I am not afraid to be alone. And besides man can never understand me."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What do you mean?"

"Wala, ang sinasabi ko lang impossibleng may kukuha sa akin na asawa."

"That's a crazy answer, bakit naman wala? Come on kahit hindi na sabihin you have the qualities, you are beautiful, you have the body and you are witty, masungit nga lang."

"That's men's problem, they are only after for what they can see but they can never carry the baggage I hid in the shadow. My baggage is too heavy for a man to handle and I am pretty sure no can." Makahulugang wika nito na naging dahilan kung bakit mas nacurious siya sa babaeng kaharap niya.

Indeed, she isn't just a beautiful face and smart ass, she is something else.



HANGGANG ngayon ay lutaw pa rin siya sa dami ng nangyari sa kanya ng araw na iyon, hindi pa nila na-eexplore ang magagandang islands na pwede nilang mapuntahan dahil gabi na. Kung tutuusin ay kaya naman nilang puntahan pero mas naaaliw siyang kausap ang lalaking iyon. He is smart, kahit ayaw niyang aminin hindi lang ito puro yabang may maipagmamalaki din talaga ito. May hitsura at may utak, but she doubted it if she can trust him. Nagsinungaling ito sa pagsasabing isa itong janitor at mahirap ito tapos may kaya naman pala, hindi na siya sigurado kung ano ang tama at totoo sa sinasabi nito. Iniisip nalang niya na may sense itong kausap basta hindi tungkol sa sarili lang nito.

May narinig siyang kumatok, it's a soft knock. Naghintay siyang may magsalita sa kabilang panig pero wala siyang narinig. May kumatok uli kaya napilitan siyang tumayo upang buksan ang pintuan dahil sigurado siyang kung hindi customer service ang bumisita sa kanya ay si Xancho na naman ito. Naiinis na rin siya sa kanyang sarili dahil na-eexcite siya sa ideyang malamang si Xancho nga ang nasa kabilang panig ng pintuan. She fixed her face and prepared to be pokered face and then open the door.

Malakas siyang napasinghap ng hindi si Xancho ang nandoon at nakaharap sa kanya, nanlaki ang kanyang maliliit na mga mata kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi.



"Hexel?"



<3 <3 <3

a/n: Gulat kayo no? Sensya na babies hindi ko magalaw ang dalawang hands ko yesterday dahil masyado yatang naabuso sa pagpipinta ko sa silid ko. I had a room transformation and for the first time para akong nagpinta ng mas malaking canvas at kulay dito at kulay doon. Ang sakit ng braso ko plus pinilit kong bitbitin ang isang balde na may lamang tubig tapos tumunog ang mga buto sa kamay ko alam niyo iyong pakiramdam na sinusunog ang mga muscles mo na hindi mo maintindihan? Hindi pa ako nakatulog dahil sa sakit kaya nagbasa nalang ako ng 4th installment ng Wallflower series ni Lisa Kleypas. Last week nagpunta akong Ayala ang bought two books written by her, I have this special fascination for Historical romance. Aside from greenwriter, nagustuhan ko rin si Lisa. They have similarities in their writing techniques, both good and really nice. I bought Lilian and Evie's story (2nd and 3rd), hindi ko kasi makia ang kay Annabelle (1st) and kay Daisy (4th). Although nakapagread ako ng story ni Daisy last night thru online lang pero hindi ko madownload. Sa mga may malalaking heart diyan at kilala si Lisa Kleypas kung may soft copies kayo or link where I can download Annabelle's story with Simon Hunt, pahingi.

Thank you in advance babies.

STATUS UPDATE: Brigada babies kanina, na-istress ako.

PPS: Dahil kasali sa enrollment committee... grrrrrr... ayokong pumunta ng school but I

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 12.8K 14
Warning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18
2.6M 42K 17
TEASER "Kirra." Narinig niyang bulong ni Pierce sa teynga niya habang hinahalikan siya. She bit her lips as she tried to stop her tears...
160K 3.9K 57
Isang babaeng isip bata,makulit at hindi mo aakalaing siya ay 18 years old na. Lumaki siya sa marangyang pamilya ngunit namatay ang ina nito kaya ang...