Chapter 9
Glydel's Pov
Hindi ako makatulog. (_._) Kanina pa ako nakatingin sa kisame, walang ginagawa, tumititig lang. Ginulo ko ang buhok ko at tumayo mula sa kama. Pumunta ako sa cabinet ko at nakita ko ang ginawang badge ng mga ka gang mates ko.
Sa sobrang normal ng buhay ko ngayon, ang hirap isipin na minsan akong nagkaroon ng gang. Hindi kami 'yung gang na nakikipag-away. Gusto lang nilang tawaging gang dahil maangas raw pakinggan at ako ang ginawa nilang leader. I can fight better than them but not as good as the real gangsters. Matitino at maayos kami.
Nakaka-miss rin pala, ang sabi nila dadalawin nila ako. The thing is, hindi ko sila kilala. It may sound weird pero may codenames kami. Hindi ko nakita ang mga mukha nila, the new recruits of Lee Pranton. Tatlo sila kung tama ang pagkakatanda ko. Anyways, past is past. That's two years ago. Hindi na ako si "Gee Gangsta".
Biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita kong may message mula sa uknown number. "Goodnight, pandak. Kekok kekok kekok." Agad kong naalala 'yung tanong niya sa akin kanina. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog!
"Bakit niya ba tinatanong kung gusto ko siya? Halata namang hindi! Lagi niya akong iniinis..." Pero habang nagsasalita ako, naalala ko 'yung mga panahong tinutulungan niya ako kahit medyo nakakainis ang paraan niya ng pagtulong.
KINABUKASAN, dumiretso ako sa canteen dahil maagang umalis 'yung lola ko at walang nahandang almusal. Bumili ako ng sandwich at juice at umupo sa usual table namin. Nakaka-tatlong kagat palang ako ng may tumabi sa akin.
"Goodmorning, Glyds! Bakit kumakain ka rito? Ang aga mo yatang mag-recess? Hahaha!" Nakangiti niyang tanong habang inaayos niya ang buhok niya.
"Walang almusal sa bahay kaya dito nalang ako kumain. Ikaw, bakit ang aga mo ata ngayong araw?"
"Naramdaman kong maaga kang papasok---kidding! Parang susuntukin mo ako sa mukhang 'yan. May basketball practice ulit kami," Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay rito.
"Chocolate? Mahilig ka sa chocolate, Gab?" Gulat kong tanong habang kinakain ang sandwich na binili ko.
"Hindi, bigay lang ng nakasalubong kong babae sa hallway. Naisipan kong sa'yo ko nalang ibigay tutal babae ka naman." Nag-thumbs up siya at tumawa.
Kapag babae ba mahilig kaagad sa chocolate? Umiling ako at nagpatuloy nalang kumain. Sinamahan ako ni Gabriel hanggang sa matapos ako. Nauna na akong pumuntang room at nagulat ako ng makita kong naka-upo si Nathan sa seat niya.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa maka-upo ako sa upuan ko. Naalala ko 'yung nangyari kahapon kaya umusog ako ng kaunti palayo sakanya. Napansin niya atang nakatingin ako sakanya dahil lumingon din siya sa akin.
"Bakit? Anong tinitingin-tingin mo?"
"W-Wala! Masama bang tumingin?" tinaasan ko siya ng kilay. Huh! Akala mo ikaw lang nagtaas ng kilay.
Tumitig lang sya ng ilang segundo bago niya inalis ang tingin sa akin at nagsimulang mag-sulat sa notebook niya. Hindi naman sa chismosa ako pero gusto kong tignan kung ano ba 'yung lagi niyang sinusulatan.
"Itanong mo na, kanina ka pa tingin ng tingin diyan." Sinarado niya agad ito at humarap sa akin.
"Wala ka bang basketball practice ngayon? Nandun si Gabriel ngayon eh, nakausap ko siya kanina." Kanina ko pa talaga gusto 'yung itanong.
"Tinatamad akong maglaro. Mas gusto ko pang umupo dito at kausapin ka." Namula ako sa sinabi niya at agad niya akong binigyan ng smirk niya, "Masarap kang asarin eh,"
"Ha ha ha," sarcastic kong pag-tawa na ikinangiti niya. Napatitig ako sa ngiti niya dahil ito katulad ng iba niyang ngiti na nakaka-asar, nakaka-inis at kasuklam-suklam.
"Ano nanaman?" naka-kunot noong tanong niya.
"Wala wala! Goodmorning sir!" Agad kong bati sa kakarating lang na teacher namin.
Tae, bakit ba ako namumula? >__> Pagkatapos ng klase, tinawag ako ni sir para tulungan siyang buhatin yung mga libro namin. Ang kapal ng physics book namin at nasa twenty pa ata ang natirang libro. Kaya ko ba 'tong buhatin?
Susubukan ko na sanang buhatin ng may magsalita sa gilid ko,
"Tabi, ako na. Masira mo pa 'yung mga libro namin." Binuhat ni Nathan ng walang kahirap-hirap ang mga libro at naglakad paalis.
"Teka, anong gagawin ko?"
"Oh," Bumalik siya at nilapag ang dalawang libro, nilakihan ko siya ng mata at nginitian lang niya ako. Minove niya ang ulo niya sa direksyon ng pinto. Nag-roll eyes ako sakanya at binuksan ang pinto para sakanya.
"Thank you, Glydel." Nginitian niya ulit ako.
Nagulat ako sa pagsabi niya ng pangalan ko at sa pagsasalamat niya. Pati na rin sa ngiting binigay niya sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at napailing ako. Nakita kong nakangiti sila sa akin at yung iba nakangiting nakaaasar.
Tinulungan niya nanaman ako. Nagpasalamat na ba ako kahit isang beses?