Mind Pieces: A Compilation Of...

By ObraMarca

556 75 4

This is the compilation of my One Shots stories that I originally wrote and posted on my Rp/writer account on... More

CONTENT
ENTRY I
ENTRY II
ENTRY III
ENTRY IV
ENTRY V
ENTRY VI
ENTRY VII
ENTRY VIII
ENTRY X
ENTRY XI
ENTRY XII
ENTRY XIII
ENTRY XIV
ENTRY XV
Entry XVI
Entry XVII
Entry XVIII
Entry XIX
Entry XX

ENTRY IX

96 14 4
By ObraMarca

• • •
'A Bottle's Confession'


Lalabas na sana ako para tulungan ang mga kaklase ko na naglilinis sa labas ng room namin ng biglang may humarang sa daraanan ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakakunot noong tanong sa 'kin ni Adrian.

"Pakialam mo?" Sagot ko at umirap sa kanya. Tinabig ko sya at nagma-martsang naglakad palabas. Tsk, panigurado mambi-bwisit na naman 'to.

"Nagtatanong lang naman, sungit neto," sabi nya at sumunod sa 'kin.

"Kung walang kwenta rin lang naman ang tanong mo huwag ka nang magtanong. Jusko Adrian, ang aga pa oh, kung makapag-tanong ka nang 'bakit ngayon ka lang' akala mo naman late na ako," inis na sabi ko sa kanya.

"Oo na, ang ikli lang ng tanong ko pero kung anu ano na ang sinabi mo," natatawang sabi nya at umalis.

Bwisit. Kung hindi ko lang talaga crush 'yung lalaking 'yon baka nasuntok ko na siya. Kaasar naman kasi, araw araw na lang nambi-bwisit siya.

"Hannah, 'yang mukha mo. Ang aga-aga naka-busangot, kaya tayo minamalas eh," Sabi ni Kim na kaklase ko.

"Tigilan mo 'ko Kim ah, baka ma-kurot kita," Asar na sabi ko.

"Bw-in-isit ka na naman ba?" Tanong niya sa 'kin saka tumawa .

"Hayaan mo na, nagpapa-pansin lang iyon sa 'yo" sabi ulit niya pero 'di ko na lang pinansin.

Lagi na niya---este nilang sinasabi sa 'kin na may crush si Adrian sa 'kin mula nang bwisitin niya ako nung 1st day of class namin, pero hindi ako naniniwala. Hindi ko naman kasi nararamdaman. Araw-araw ba naman kung mang-asar, maniniwala ka? 1st day palang nga, nang-asar na eh. Tsk.

Naalala ko noong 1st day ng klase namin. Ayaw ko pa noong pumasok dahil wala akong kilala. Transferee kasi ako. Alam mo 'yung feeling na 'yung mga kaklase mo nag-uusap tapos nasa pagitan ka pa nila, nakaka out of place lang diba?

Sa sobrang inis ko pinagta-tadyakan ko na lang 'yung upuan sa harap ko, idagdag mo pa 'tong p*nyet*ng (sorry sa bad word) nasa likod ko na kumakalabit ng kumakalabit sa 'kin. Huwag lang siyang magpapahuli dahil talagang malilintikan siya sa 'kin.

Tumingin ako sa likod ng may kumalabit na naman pero pagtingin ko sa likod may kanya-kanya na silang ginagawa. May tig-lilimang upuan sa bawat linya sa isang row. Pangalawa ako sa huling row naka-pwesto. Nasa huling row ang kumakalabit sa 'kin, tinignan ko sila isa-isa. Hindi ko na pinansin 'yung nasa magkabilang dulo dahil hindi naman nila ako maaabot. Tumingin ako do'n sa babaeng nasa kanan, nagsusulat lang siya pero kita kong nagpipigil ng tawa, yung lalaking ka-linya ng upuan ko ay naka-ub-ob lang sa desk niya, yung huli naman ay nagpipigil ng tawa na nakatingin sakin, umiwas lang siya nang tingin ng tumingin ako sa kanya.

Kaasar, sino ba kasi yon?

"Sino 'yon?" Tanong ko do'n sa babaeng nakatingin sakin kanina. Tinuro naman niya 'yung lalaking naka-uob sa desk.

Hinintay kong iangat nya 'yung ulo niya. Pagkalipas lang ng ilang segundo, sumilip siya habang nakayuko pa rin at tumingin sa 'kin. Nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay biglang nanlaki ang mata niya at namula ang taenga. Pagkatapos, umayos siya ng upo at kunyaring tinambol ang kamay sa desk niya at umaktong walang alam, napairap na lang ako.

"Yiie. Adrian, crush mo siya 'no?" Sabi nung babaeng nagturo sa kanya, hindi ko na sila pinansin.

Nakakainis, ba't ang gwapo niya? 'di ko tuloy nagantihan.

***end of flashback***

Pagkatapos no'n lagi na niya akong binubwisit, ginagaya niya lagi kung anong ginagawa ko. Naging close ko na rin lahat ng kaklase ko kabilang siya. Kapag ginagaya niya yung ginagawa ko, kahit na pinipilit kong mainis hindi ko kaya. Nakakatawa kasi yung hitsura nya, parang baliw na ewan, minsan nga kapag hindi ko mapigilang kiligin. Nasasabunutan ko sya.

"Aba, Hannah? Nababaliw ka na ata? Bakit mo nginingitian iyang lupa?" Natauhan ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko, nakita ko si Adrian na nagtatakang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa paligid, nagtaka ako ng wala na 'yung mga kasama kong naglilinis.

"Asan sila Kim?" Tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya na ipinagtaka ko.

Problema neto?

"Saan ba nagpunta 'yang utak mo ha? nawawala ata? pfft, kanina pa tayo pinapapasok sa loob. Nando'n na rin sina Kim. Sige, maiwan na kita rito, hanapin mo muna 'yung utak mo," Sabi nya saka tumawa. Papasok na siya ng bigla ko siyang pingutin. Bwisit na lalaking 'to. Kinakausap ko ng maayos pero kung anu anong pinagsasa-sabi.

"A-arayy Hannah! masakit---ouch! Araay, s-sorry n---araay! Biro lang naman eh!" Daing nya nang lalo kong piningot ang taenga nya.

"Huwag mo kasi akong pinaglolo-loko, isa na lang talaga. Tatanggalin ko na iyang tenga mo," gigil kong sabi.

"Ang sadista mo talaga, pasalamat ka gusto kita," bulong niya bago pa ako makapasok sa room. Yung una lang ang narinig ko dahil masyado nang mahina yung huli nyang sinabi.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, sabi ko pasok na tayo," Sabi nya at pumasok na sa loob. Pumasok na rin ako. Hindi naman 'yon ang sinabi nya, e.

***fastforward***

Nakaupo lang ako sa desk ko at naka-halumbaba. May ginagawa kasi si sir kaya wala kaming ginagawa--ahm gets niyo ba?basta 'yun na 'yon.

"Sige, pwede niyong gawin lahat ng gusto niyo basta 'wag kayong maingay," Sabi sa 'min ni sir. Impit na napasigaw ng mga kaklase ko sa saya.

Nice, kaya favorite teacher ko siya eh.

"Hannah, Tara dito... Spin the battle tayo," Tawag sa 'kin ni Faye kaya lumapit ako sa kanila, nasa may likuran kami ng room namin.

"Hoy, Adrian! Punta ka dito, Spin the battle tayo!" Aya ni Steph.

Uh-oh, mukhang may binabalak ang mga 'to ah!

Alam nina Faye, Marj at Steph na gusto ko si Adrian. Best friend ko sila, sila lang din ang nakakaalam tungkol do'n. Noon ngang sinabi ko sa kanila, hindi sila kaagad naniwala. Impossible daw kasi ang sungit ko sa kanya tapos lagi ko pang sinasabunutan.

Lumapit naman si Adrian at tumabi kina Karl at Josh na kasama rin namin sa laro. Inumpisahan na rin nila ang pagpapaikot ng bote, unang tumapat kay Kim tapos si Joan then si Marj. Nang tumapat na kay Adrian tumingin sa 'kin sina Steph at ngumiti ng nakakaloko.

Sabi na may binabalak sila eh!

"Truth or Dare?"

"Truth na lang," Sabi nya.

"Sino ang crush mo sa mga kasama nating naglalaro ngayon?" Tanong ni Faye.

Napamura ako sa isip ko nang nakita kong tumingin siya sa 'kin. Umiwas na lang ako nang tingin at kunyaring tumingin sa Sir namin na nasa harapan. Sana paupuin na niya kami, maingay na rin kasi 'yung mga kaklase namin. Nang mapaharap ako sa kanila, nagtaka ako ng tinuturo ako ni Faye.

"Bakit?" Mataray na tanong ko sa kanila. Nang mapatingin ako kay Adrian ay umiwas siya ng tingin, namumula yung tenga niya.

"Siya?" Tanong ni Faye kay Adrian na ikinakunot ng noo ko.

Anong siya?

"Si Hannah ang gusto mo?" Kinikilig na tanong ni Faye. T-teka, ano raw?! Tumingin kaming lahat kay Adrian habang hinihintay ang sagot nya.

Tumingin naman siya sa 'min--- ayy teka, s-sa 'kin? Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

Oh shit! Hannah, pigilan mo iyang kilig mo!

"Oo, si Hannah ang gusto ko," sabi niya na naging dahilan ng pagtili ng malakas nina Faye. Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

"Class, quiet! Sinabi nang huwag kayong maingay 'di ba? bumalik na kayo sa pwesto niyo!" sabi ni Sir kaya nagmadali akong pumunta sa pwesto ko.

Para makatakas ako sa posibleng mga tanong nina Faye. Pagkaupo ko, kaagad akong umuob sa desk. Para na rin hindi nila makita 'tong pamumula nang pisngi ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Crush din nya ako?

°°°°°°°°°°°

Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
40.8K 2.8K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
1.1M 60.5K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
3.7M 85.6K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...