Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Ten: Creepy Feeling

116K 1.7K 128
By aLexisse_rOse

Chapter Nine: Creepy Feeling

<Trisha POV>

Katulad ng inaasahan ko, lahat ng mga naroon ay nasa akin ang atensyon. Hindi dahil sa ngayon lamang nila ulit ako nakita sa lugar na iyon, kundi dahil sa minamaneho kong kotse. Lahat ng madaanan ko ay napapa-wow at napapasunod ng tingin. Marahil sa buong buhay nila ay ngayon pa lamang sila nakakita ng isang latest model at mamahaling sports car. Thanks to that Monreal guy. Kung hindi dahil sa kotse niya na nakalimutan na niyang kunin sa talyer ko ay wala ako ngayon doon. Habang hindi ko pa naaayos ang kondisyon ni Black Knight, pansamantala ko munang gagamitin si Alfa Romeo. And besides hindi naman malalaman ng may-ari na ginamit ko ito.

Nang bumaba ako ng kotse ay mabilis akong nilapitan ni Roger. "Wooaahh!" At sumipol pa ito na tila nakakita ng sexy na babae. Pero syempre sa sports car siya nakatingin. "Nice car, Trish! Bigatin ka na ngayon!" Hinimas pa nito ang hood ng sasakyan habang kumikislap ang mga mata.

"This is not mine. Hiniram ko lang ito."

Nag-angat siya ng mukha at nagdududa na tumingin sa akin. "Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang magpapahiram sayo ng ganitong kagarang sasakyan para lang ipangkarera mo sa kalsada?"

Ngumisi lang ako bilang sagot sa kanya. "So, sino nga pala ang makakalaban ko, Roger?"

"I'm glad to see you again, Trish!" 

When I turned around disbelief was written in my eyes. Si Simon. Nag-e-exist pa pala ang lalaking ito!

"New car?" Aniya nang lumingon sa dala kong kotse. "Where is Black Knight?"

"Siya ba ang makakalaban ko?" Baling ko kay Roger at hindi ito pinansin. "How much is the bet?"

"Name your price." Si Simon ang sumagot.

Hindi na ako nag-isip. "Two hundred thousand."

Nanlaki ang mga mata ng mga naroon. Pati na rin si Roger. 

"Call." Sang-ayon ni Simon.

"Game." Umikot na ako sa kabila para sumakay ng kotse nang pigilan niya ako. 

"If I win, I want you!" Bulong niya sa akin na nagpatayo ng balahibo ko.

"You're dreaming! Pera ang pustahan natin dito at hindi ako."

"I'll make it half a million." Ngumisi siya. "What do you think?"

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera kanina pa siya nakatikim sa akin ng suntok. "Roger, isakay mo na nga ito ng kotse niya nang makapag-umpisa na tayo!" Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at saka mabilis na sumakay ng kotse.

Pagkaraan ng ilang sandali ay humaharurot na sa bilis ang aming mga sasakyan. Nag-uunahan kung sino ang makakarating sa finish line. Tiwala ako na kaya kong manalo. Di hamak na mas bago naman ang Alfa Romeo ko kaysa sa Ferrari niya na 2008 model. Gayunpaman ay hindi ko magawang makalayo sa kanya ng tuluyan. Palagi siyang nakasunod sa akin. At may pagkakataon na nauungusan pa niya ako. 

Nang sa wakas ay tuluyan akong nakaungos sa kanya. Lalo ko pang diinan ang accelerator at pinaharurot iyon ng buod ng bilis. Halos hindi ko na nga matanaw sa likuran ko ang kotse ni Simon. Konti na lang at malapit na ako sa finish line. Ngunit ganon na lang ang pagkagulat ko nang bigla na lang sumulpot ang Ferrari mula sa kabilang kalsada. At kung hindi ko nakabig agad ang manibela, malamang ay nabangga na niya ako. Pero nahagip pa rin ng kotse nito ang hulihang bahagi ng Alfa Romeo. Dahilan para ma-out of control ako at nagpaikot-ikot sa kalsada. At namalayan ko na lang na sumampa sa center island ang sinasakyan ko.

Whew! Akala ko katapusan ko na! Thank god! Nanlulumo na napasubsob ako sa manibela. Ngunit nang maalala ko si Simon ay mabilis akong nag-angat ng tingin at hinanap siya sa paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang Ferrari niya na nakabaliktad sa gitna ng kalsada at nagpupumilit siyang lumabas doon mula sa bintana. Mabilis akong bumaba ng kotse at sinugod siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang kuwelyo ng suot niyang polo at hinila palabas. "Gago ka! Balak mo ba akong patayin?"

Ngumisi siya sa akin sa kabila ng duguan niyang bibig. "I-I promised Jessica... t-to get back at you." 

Kumunot ang noo ko. 

"G-gusto niyang mangyari rin sayo ang ginawa mo sa kanya."

Gusto ko sanang alalahanin kung sino ang tinutukoy niya. Pero nang marinig ko ang tunog ng sirena ng police mobile ay mabilis akong bumalik sa sasakyan ko at pinahaharurot iyon palayo. Mahirap na at baka mahuli pa ako ng mga pulis. Siguradong malaking gulo iyon lalo na sa pamilya ko. Iniwanan ko si Simon. Bahala na siya sa buhay niya. Kasalanan naman niya. Ngunit malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit gusto niyang maghiganti.

"Trisha! Trisha! Huy!"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tinig ni Jianne. Putcha! Alas siyete pa lang ng umaga. Halos tatlong oras pa lang ako nakakatulog.

"Patricia Mae!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa makipot na sofa na iyon nang marinig ko ang boses ni Daddy. Nung una akala ko na baka nanaginip lang ako. Ngunit nang makita ko sila ni Mommy na nasa harapan ko mismo ay napatuwid ako ng tayo. Anong ginagawa nila rito?

"Trisha..." Nilapitan ako ni Mommy at niyapos ako. "How are you, dear? Okay ka lang ba rito?" At hinagod niya ng tingin ang buong opisina kung saan isang linggo ko naging tirahan.

Matipid akong ngumiti. "I'm doing fine, Mom."

"Anak, umuwi ka na sa bahay." Bahagya niyang inayos ang nakasabog at magulo kong buhok. "Please.. umuwi ka na sa atin."

"Mom..." Gusto ko sanang sabihin sa kanila na ayoko pang umuwi. Pero naunahan na ako ni Daddy.

"Mas gugustuhin mo pang tumira sa maliit na kuwarto na ito kaysa umuwi sa sarili mong bahay. Talaga bang nananadya ka?"

"Patrick!" Awat ni Mommy.

I blew out a long sigh. "Dad, ayokong makipagtalo sa inyo."

"Then, umuwi ka na! At wala na tayong pag-uusapan pa." Tumalikod na siya at humakbang patungo sa pintuan.

"I want to live on my own, Dad." Lakas-loob na sabi ko. "Just let me be."

Napahinto siya at mabilis na lumingon sa akin. "I won't let you do the things that you want without my consent. I'am still your father. At sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka sa bahay ngayon. Kung hindi-"

"Kung hindi ano, Dad?" Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang determinasyon sa mukha niya.

"Akala mo ba na hindi ko alam na pagmamay-ari ninyong dalawa ni Jianne ang talyer na ito."

Nagkatinginan kaming magpinsan. 

"Alam kong alam mo kung ano ang kaya kong gawin."

Naikuyom ko ang palad ko. "Don't do this to me, Dad."

"Hindi mo naman siguro gugustuhin na mawalan ng trabaho ang mga tauhan mo rito." Si Daddy ulit.

"Trish..." Nang lumingon ako kay Jianne ay nakita ko ang takot sa mukha niya. Pareho namin alam na kayang-kaya ni Daddy na ipasara ang talyer.

Kung ako lang kaya kong lumaban. Pero hindi ko kayang mandamay ng ibang tao. Ayokong madamay sila rito. "Fine!" I concede. He left me no other choice. "Uuwi na ako."

"I just want to remind you, young lady..." Nag-angat ako ng mukha nang muling magsalita si Daddy. "Once na umuwi ka ng bahay, lahat ng gusto ko ay susundin mo. No more buts."

Halos mapaiyak ako sa sobrang frustration. This is bulls%t! Obviously my father is blackmailing me! But then again, do I have any choice?

Madilim ang mukha na lumabas ako ng pintuan at dumiretso sa nakaparada kong motosiklo. 

<Jared POV>

Kanina pa ako nakatambay sa harapan ng mansyon ng mga Alejo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung tutuloy pa ako o uuwi na lamang. I really hate to do this. But I don't have a choice. Binigyan ako ng ultimatum ni Mama. Susunugin niya raw ang mga collection kong sports car kapag hindi ko raw sinunod ang gusto niya. Duda ako na kaya niyang gawin iyon. Pero nakialam si Erpat. Pati ang posisyon ko sa kumpanya ay nanganganib na mawala rin sa akin. 

Haist! Ang hirap talagang magpalaki ng magulang.

Sa bandang huli ay nagdesisyon din akong tumuloy na lang. Bukod sa makakalibre ako ng tanghalian ay may pagkakataon pa ako na asarin si Patte. It's payback time!

Nang dumating ako ay si Mrs. Alejo ang magiliw na sumalubong sa akin. Nagtataka nga ako kung bakit tila tuwang-tuwa siya na makita ako. Kung sabagay hindi na dapat ako magtaka. Dahil kapag nagkataon magkakaroon siya ng manugang na ubod ng guwapo na tulad ko.

Iniwan muna ako sandali ni Mrs. Alejo. Ihahanda lang daw nito ang tanghalian. Pababa na rin daw ang asawa at anak nito. At habang naghihintay ay nagkaroon ako ng pagkakataon na magmasid sa paligid. Napagtuunan ko ng pansin ang mga pictures sa ibabaw ng grand piano. Karamihan ay puro larawan ng tatlong magkakapatid. Tama nga mga kaibigan, si Patte ang may pinakamagandang mukha sa kanila. Pero ewan ko ba, pakiwari ko ay may nakikita akong sungay sa ibabaw ng ulo niya kahit pa mukha siyang anghel sa litrarong iyon.

And speaking of her, heto na si Patte at bumababa ng hagdanan. Gusto kong bumulanghit ng tawa sa nakita kong itsura niya. Obyus na kababangon niya lang sa kama. Magulo ang buhok at gusut-gusot ang suot na oversized na t-shirt at short. Namamaga pa ang mga mata niya na lalo pang sumingkit. O baka naman nakapikit pa rin siya at nag-i-sleep walk lang pala.

"Morning!" Nagawa pa niyang bumati sa akin sabay hikab. 

"Dyuskong bata ka!" Biglang sumulpot ang isang matanda. "Bakit ka lumabas ng kuwarto mo na ganyang ang hitsura mo?" Pagkatapos ay humarap siya sa akin. "Pasensya na kayo sa kanya, Sir. Tulog pa yata ang batang ito."

"Nay, gising na po ako!" Sabi niya habang kinukos ang mga mata. "Bakit ka nga pala nandito, Monreal?" 

Lalong lumapad ang ngiti ko. "Just call me, Jared."

Muli lang naghikab si Patte.

"Nandito ako dahil gusto kitang makita. At habang tumatagal ay lalo kang gumaganda sa paningin ko." At inabot sa kanya ang binili kong bouquet ng mga bulaklak. "For you."

Muli lang ulit siyang naghikab.

"Patte!" Siniko siya ni Nanay Ising. "Kunin mo yung binibigay niya sa'yo."

Kinuha naman niya ang mga bulaklak para lamang ibigay sa matanda. "Nay, kayo ng bahala dyan! Kung gusto nyo gawin nyo na lang chopsuey iyan at ipakain nyo sa bisita natin." Tatalikod na sana siya nang dumating naman si Mrs. Alejo.

"Patricia!" Napasugod ito sa kinaroroonan ng anak. "Look at yourself! Bakit hindi ka man lang nag-ayos bago ka lumabas ng kuwarto mo? Nakakahiya sa bisita."

"Its okay, Mam! Maganda pa rin naman siya kahit bagong gising." Kung meron mang numero unong mambobola ay ako iyon. Ngumiti lang si Mrs. Alejo at nahihiyang pinagtabuyan nito ang anak pabalik sa kuwarto nito. At saka niya ako sinamahan patungo sa hapagkainan.

Masarap at na-enjoy ko ang mga pagkain. Natuwa pa nga si Mrs. Alejo sa mga komento ko dahil siya pala mismo ang nagluto ng mga iyon. Bagaman medyo tahimik Mr. Alejo ay kinakausap naman niya ako tungkol sa negosyo.

"Iho, try this buttered shrimp." Alok sa akin ni Mrs. Alejo.

Umiling ako. "May allergy po ako sa shrimp."

"Pareho pala kayo ni Trisha! Allergic din siya sa shrimp."

Nang lumingon ako sa kaliwa ko ay nanatili pa ring tahimik si Patte habang kumakain. Ang weird nga ng kinakain niya. Ngayon lang ako nakakita ng sinigang na baboy na may partner na catsup.

Pagkatapos ng tanghalian ay binigyan kami ng pagkakataon ng mag-asawang Alejo na makapag-usap ng kanilang anak. Lihim akong napangiti. Pagkakataon ko na ito para asarin siya.

Where is she? Kanina lamang ay sinusundan ko si Patte. Pero bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa likurang bahagi ng mansyon. Muntikan pa nga akong mahulog sa isang malalim na hukay kung hindi ko iyon kaagad nakita. Ngunit nakaramdam ako ng kilabot nang libutin ko ng tingin ang buong paligid. Bakit ang daming krus na gawa sa kahoy ang nakatusok sa lupa? Tila isa iyong libingan dahil may mga nakasulat pang pangalan sa bawat krus na nakatusok sa lupa.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng kakaibang ingay at patungo iyon sa kinaroroonan ko. Mabilis akong napalingon. I almost jumped in surprise nang bigla na lamang sumulpot si Patte sa paningin ko. Oh god!

"What are you doing here?" Tanong niya. At sa kamay niya ay may hawak siyang malaking pala. Iyon marahil ang narinig kong kakaibang ingay dahil hila-hila niya iyon.

"S-sinusundan kita. Ikaw... anong ginagawa mo rito?"

"May iilibing ako." 

Napalunok ako sa sinabi niya sabay atras. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "I-ililibing? Sino naman ang ililibing mo?" Wala sa loob na napatingin ako sa malalim na hukay. 

Hindi kumibo si Patte. Inilapag niya ang hawak na pala at nilapitan ang isang malaking sako na ngayon ko lamang napansin. "Ililibing ko lang si Bruno." At hinila niya ang nasabing sako patungo sa hukay. 

"S-sino si B-bruno?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Siya yung nagbabantay doon sa dulong bahagi ng bakuran. Isang linggo lang akong nawala pagkatapos makikita ko na lang siya na patay na." May kalungkutan sa tinig niya habang pilit pa rin na hinihila ang mabigat na sako.

"Eh bakit dito mo lang siya ililibing? Di ba dapat sa-"

"Monreal, pwede mo ba akong tulungan?" Nag-angat siya ng mukha sa akin. "Tulungan mo akong maihulog sa hukay si Bruno."

"No way!" Mabilis kong sagot. "Ayoko. Ikaw na lang ang maglibing sa kanya. Huwag mo na akong idamay!" At humakbang ako palayo sa kanya.

"Tsk! Eh di huwag!" At pinilit pa rin niyang hilahin ang mabigat na sako hanggang sa mapunit iyon at lumitaw ang isang bahagi ng katawan ni Bruno na may makapal at kulay itim na balahibo.

"A-aso si Bruno?"

"Bakit ano ba sa tingin mo?"

Hehe.. napakamot na lang ako ng ulo. Akala ko kasi... Wooh! Nakahinga rin ako ng maluwag. Pasaway na isip, pinakaba ako ng todo.

"Ibig sabihin lahat ng nakalibing dito ay puro aso?"

Tumango si Patte habang tinatabunan ng lupa ang hukay. Lumapit ako at inagaw sa kanya ang pala.

"Akala ko ba ayaw mo akong tulungan?"

"Nagbago ang isip ko." 

Manong! Manong!

Sabay kaming napalingon ni Patte sa isang batang lalaki na nakasampa sa bakuran.

"Patulong naman po! Pakikuha po yung saranggola ko na sumabit sa puno." At mayroon siyang itinuro mula sa itaas.

Siniko ako ni Patte. "Kunin mo raw!"

Ako? Aakyat ng puno?

Dyahe naman kung tatanggi ako. Kaya kahit ayoko ay sinubukang umaakyat. Pero hindi pala madali. Halos hindi ko pa nga naiaangat ang sarili ko ay dumadausdos na ako pababa. Langya! Napasubo ako!

But to my surprised nang bigla na lang may sumalo sa mga puwet ko at itinulak iyon pataas. Waaah!

"Kumapit ka kasi at iangat mo ang sarili mo." Sabi ni Patte. Ngunit imbes na kumapit ako ay napabitiw tuloy ako at dumausdos pababa. Hindi ko man maamin pero doon sa parte na iyon naroon ang pinakamalakas kong kiliti.

"Anong nginingiti mo dyan? Tsk! Ako na nga lang."  Tinabig ako ni Patte at siya ang puwesto para umakyat. 

Lalo akong napangiti nang magsimula na siyang umaakyat. Hmm... nice butt! 

"Patte, kailangan mo ng tulong?" Willing akong itulak siya pataas.

Yumuko siya at tinignan ako ng masama. "Subukan mo lang, Monreal! Makakatikim ka talaga sa akin!"

"Sabi ko nga!"

Continue Reading

You'll Also Like

353K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
600K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...
42.4K 1.7K 46
Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her...
111K 2.1K 45
(BOOK 1) Si Azalea Elania Jules, bumalik sa Espanya buong bakasyon, dahil may business ang kanyang mga magulang. Pero may nakilala siyang lalaki na p...