Next Time I Fall In Love (Soo...

aLexisse_rOse द्वारा

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... अधिक

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Six: Her Black Knight

127K 1.8K 45
aLexisse_rOse द्वारा

Chapter Five: Her Black Knight

<Trisha POV>

"Cous, mukhang masyo-short tayo. Pagkatapos ang dami pa nating dapat bayaran." Hindi maipinta nag pagmumukha ni Jianne habang nakaharap sa samut-saring mga papeles na nasa ibabaw ng mesa.

"I know." Nanatili pa rin akong nakapangalumbaba habang nag-iisip ng solusyon sa kinakaharap naming problema. Kumikita naman kahit papaano ang talyer. Pero sadyang marami pa kaming mga bayarin na tila hindi maubos-ubos.

Ang totoo ay halos hindi pa namin nababawi na magpinsan ang pinuhanan namin para maitayo ang talyer na iyon dalawang buwan na ang nakakaraan. Doon namin inilaan ang lahat ng mga naipon naming dalawa. At lingid sa aming mga pamilya ang tungkol sa bagay na ito. Kaya nga hindi namin magawang lumapit sa kanila. Ang buong akala kasi nila ay pagmamay-ari ang shop ng isang kaibigan at tumatambay lamang kami roon. 

"Sabi ko naman sa'yo pakialaman na natin ang Alfa Romeo ni pogi. Kapag naayos natin ang front bumper ng kotse niya siguradong babayaran niya tayo ng malaki."

Tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa kasi niya iyon ginigiit sa akin. "I said no! Pareho nating alam na hindi natin kayang gawin iyon. Si Chester lang ang eksperto sa bumper repair."

"Pero wala siya rito ngayon. At hindi natin alam kung nasaang lupalop na ang lalaking iyon!"

"That's my point. Wala siya rito. Dapat lang na hindi natin pakialam ang kotseng iyon. Hindi mo ba naisip na kapag nagkamali tayo ay baka tayo pa ang magbayad? Alam mo ba kung magkano ang presyo ng sports car na iyon?"

Napanguso si Jianne. "Close naman kayo ni pogi, di ba?"

"Hindi kami close." Siya lang naman ang feeling close. Kung makaasta naman ang lalaking iyon ay parang matagal na kaming magkakilala. To think, na hindi naging maganda ang una naming pagkikita. Tumayo ako at dinampot ang cellphone ko sa mesa at hinagis iyon kay Jianne.

"Tawagan mo si Roger. Alamin mo kung may schedule mamaya. At kung mayroon, tell him to count me in."

Nanlaki ang mga mata ng pinsan. "Don't tell me?"

"I will race again... and take the risk." Ang tinutukoy ko ay ang pakikipagkarera sa kalsada, or better known as drag racing. Kailangan ko nang makipagsapalaran at sumugal. Iyon na lang ang natitira kong option. For the sake of my shop and employees, I'll do this once again.

"Dating gawi?"

Tumango ako at ngumisi. "Dating gawi!"  Matagal-tagal na rin nang huli akong nakipag-drag race. And the last time I did, muntikan pa akong maaksidente. Pero naniniwala pa rin ako sa kakayahan ko. No one can still beat me. 

Dumiretso ako pagkatapos sa likurang bahagi ng shop at huminto mismo sa tapat ng isang malaking bagay na may takip ng malapad na tolda. Buong puwersa kong hinila iyon at tumambad sa harapan ko ang isang 2005 black Audi na parang bagong-bago pa. At ilang sandali pa ay sakay na ako nito at pinaharurot iyon sa kalsada.

"Oh come on! Not now Black Knight! Huwag mong gawin sa akin ito!"

Ngunit wala na akong nagawa nang tuluyang sumuko ang makina ng kotse ko. Nanlulumo na sinubsob ko ang ulo sa manibela. Bakit ngayon pa? 

Pabalik na sana ako ng shop nang bigla na lang iyon huminto. Hindi ko naisip ang posibilidad na ma-stucked up ang kotse ko dahil sa tagal ng panahon na hindi ko ito nagamit. At isa pa may kalumaan na rin si Black Knight. Kung hindi ko nga lang ito naalalagaan, malamang ay matagal na itong sumuko. 

Waaahhh! Paano na ang drag race ko mamayang gabi? Dito pa naman nakasalalay ang kinabukasan ng shop ko.

Mabilis kong dinukot ang cp ko sa bulsa nang tumunog iyon. Tumatawag si Mark.

"Bakit?" Bungad ko sa kabilang linya. Hindi na uso sa akin ang paghe-hello.

"Puntahan mo ako dito sa ospital. Ngayon na!" Sabi naman niya.

"Bakit?"

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil nawala na siya sa kabilang linya. Buraot naman ang lalaking ito!

Tinawagan ko na lang si Jianne na magpadala ng towing truck para makuha si Black Knight. I'm giving up! Wala na talaga akong pag-asa na makasali sa race mamaya. Nagdesisyon akong bumaba ng sasakyan. Doon na lamang ako maghihintay. I was busy toying my rubbershoes on the floor nang makarinig akong busina ng sasakyan. Akala ko pa nung una ay baka yung truck na hinihintay ko. Pero isang kulay asul na BMW ang pumarada sa unahan ni Black Knight. At ilang sandali ay bumaba ang sakay nito.

"Patte!"

Siya na naman! Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob ng sasakyan.

"What happened? Need a help?" Tanong ni Jared nang tuluyang makalapit sa akin. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng pagkainis nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya.

"Tumirik ang sasakyan ko." Ang sabi ko na lang.

"Kotse mo ito? Really? May kotse ka pala?" 

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. Naka-sense ako ng kayabangan.

"Not bad!" Narinig ko pang sabi niya pagkatapos hagurin ng tingin ang kabuuan ng kotse ko. Pagkatapos ay may dinukot siya sa bulsa niya at inabot iyon sa akin. "Here!"

Lighter? "Anong gagawin ko rito?" I asked stupidly.

"Sunugin mo na ang kotse mo. Luma na masyado. Kailangan mo ng palitan." At sinabayan pa niya ng pagtawa.

Sa isang iglap ay biglang nag-init ang ulo. "Hindi ka rin mayabang noh? Kung yung Bmw mo kaya ang sunugin ko?"

"I'm just kidding, Patte." He raised his hands while still laughing. "Gusto lang kitang pangitiin."

Tinignan ko siya ng masama. Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti niya.

"Take a ride with me. Ihahatid na kita sa talyer." 

"No, thanks!" Mabilis kong sagot. Tuluyan nang umakyat ang topak sa utak ko.

"Come on, Patte! Promise hindi na kita bibiruin. Hindi ko naman alam na madali ka palang mapikon."

Isang-isa na lang at talagang makakatikim na siya sa akin.

Ngunit hindi na ako nakapalag nang basta na lang niya akong hilahin sa sasakyan niya.

Wala sana akong balak kausapin si Jared. Pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Hindi ba nangangawit ang bibig ng lalaking ito?

"Nakakabilib ka naman, Patte. Imagine, from being a housemaid to a car mechanic, buti naisisingit mo pa ang pag-aaral mo?"

Awtomatikong umangat ang kilay ko. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko, malamang ay bumulanghit na ako ng tawa. Oh my! Buong buhay ko ay ngayon lang ako napagkamalan na isang katulong, mekaniko at working student in one. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisi. Sa tuwing makikita niya ako ay lagi na lang akong madungis. Kahit naman nakasuot ako ng signature clothes ay hindi naman niya iyon mapapansin.

"Bakit hindi ka na umimik dyan?" 

"I stopped in college."

Kumunot ang kanyang noo. "Why? You don't have a money to support your study?

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko na kaya ako huminto sa pag-aaral ay dahil hindi ko gusto ang business course na pinakuha sa akin ni Daddy?

"Work for me?"

"Ha?"

"I said work for me. And in exhange I will support your study."

Hindi ko inaasahan na marinig iyon mula sa kanya. "Seryoso ka? At saka bakit mo naman ako tutulungan?"

"Mukha ba akong nagbibiro? I'm serious. Gusto ko lang tumulong sa mga kapuspalad na katulad mo."

Naisip kong sakyan ang tripping niya. "Kung sakaling tanggapin ko ang offer mo, ano naman ang magiging trabaho ko sa'yo?"

"Ahm..." Ilang sandali siyang nag-isip. "Be my bodyguard. Marunong ka naman ng self defense di ba? O kaya kahit maging personal driver ko na lang, kung okay lang sayo?"

"Meaning, parang alalay mo, ganon ba?"

"Personal driver hindi alalay."

Not bad! Mahilig naman ako sa mga kakaibang experince. Sigurado ako na mayroon siyang koleksyon ng mga sports car. At pangarap kong makapagmaneho ng ibat-ibang mamahaling sasakyan.

"What now, Patte?" Hinihintay pala niya ang sagot ko.

"No, thanks! Kaya ko pa naman buhayin ang sarili ko." Wala akong balak na magpa-alila sa kanya. Hindi ko ma-imagine na araw-araw ko siyang makakasama at titiisin ang kayabangan niya. Wala pa naman akong tolerance sa mga tulad niya.

"Pero-"

"Pakibaba mo na lang ako sa tabi." Nasa tapat na pala kami ng ospital. Pababa na ako ng sasakyan nang pigilan niya ako.

"If you change your mind, just let me know."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tuluyan akong bumaba.

"You're welcome!" Narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makalayo.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" Bungad ko nang pumasok ng opisina "May kailangan ka ba?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Mark nang makita ako. 

"Sit!" 

Ha?

"Sit down!"

Nanatili pa rin akong nakatayo.

"I said sit down!"

"Heto na nga po at uupo na!" Imbes na makipagtalo ay sinunod ko na lang ang utos niya. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa akin ay nagiging masungit siya.

"Show me your arm."

Napatanga ako sa kanya. Paano niya nalaman na may sugat ako sa braso?

"Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sasabihin ko?" Iyon na naman ang masungit niyang tinig. Ngunit imbes na kanang braso ang ipakita ko sa kanya ay ang kaliwa ang binigay ko.

"Nang-iinis ka ba talaga?" At binatukan niya ako sa aking pagkamangha.

Nasapo ko ang nasaktan kong bumbunan. Masakit iyon. "Mark naman!"

"You used to call me Kuya. Pero ngayon Mark na lang. Alalahanin mo mas matanda pa rin ako sayo." Wala na akong nagawa nang abutin niya ang kaliwang braso ko.

"Ikaw kaya ang nagsabi na huwag na kitang tatawaging kuya." Mahinang bulong ko.

"You are really not afraid of danger, aren't you?" Bahagya akong napasinghap nang basta na lang niya buhusan ng alcohol ang sugat ko. Halos umangat ang puwet ko sa sobrang hapdi. Pero syempre hindi ako nagpahalata sa kanya. "Anong tingin mo sa sarili mo, superhero? Hindi mo ba naisip na pwede mong ikapahamak ang ginawa mo?"

"Bakit? Ano ba ang ginawa ko?"

"Hindi ko na kailangang hulaan kung saan mo nakuha itong sugat mo. Kung ako sa Daddy mo ipapatapon ko ang motorbike mo nang sa ganon ay hindi ka na naaksidente."

Hay... Hanggang kailan ba siya magiging masungit sa akin?

Hindi naman siya ganito sa akin dati. Siya lang yata ang kilala ko na nakangiti pa rin kahit naiinis. Sa pagkakatanda ko ay naging commercial model pa siya ng isang sikat na toothpaste sa TV. Wagas naman kasing makangiti ang lalaking ito. Bilib din ako sa pagiging mahinahon niya. Siya ang tipo na dinadaan sa mapayapang paraan ang lahat. 

Pero dahil sa isang insidente ay bigla na lamang nagbago ang pakikitungo ni Mark sa akin. Kung sabagay hindi ko naman siya masisisi. Dahil alam kong may kasalanan din ako kung bakit nangyari iyon. Gayunpaman kahit nagbago siya ay naroon pa rin ang malasakit niya sa akin. At kahit papaano ay masaya na rin ako dahil alam kong nariyan pa rin siya.

"Aray!" 

"Nakikinig ka ba sa akin, Trisha?" Sinadya niyang diinan ang sugat ko para makuha ang atensyon ko.

"O-oo naman." Sabay iwas ng tingin. Kahit hindi na siya ngumingiti sa akin ay parang walang nagbago. Ang guwapo pa rin niya.

At aminado ako na may special siyang lugar dito sa buhay ko.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
65.9K 7.6K 67
Are you willing to be patient enough for the one you truly love?
Muli: Book 1 (To Be Published) Elle E. द्वारा

किशोर उपन्यास

190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
362K 11.8K 33
A Rom-Com story that you shouldn't miss! ^_^