Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Five: Red Sports Car

134K 1.8K 82
By aLexisse_rOse

Chapter Five: Red Sports Car

 

 

 

JARED

                "I love her. I'm hoping that I never recover. 'Cause she's good for me. And it would really make me happy. To never let her slip away..."

                Feel na feel ko ang pagkanta habang sinasabayan ang paborito kong kanta sa stereo. Wala man sa tono, at least kahit papaano ay may matitira pang talent sa katawan ko. Konting practice pa siguro at maa-achieve ko rin ang boses na pinapangarap ko.

                "I really only met her 'bout a week ago. But it doesn't seem to matter to my heart, I know that I love her. I'm hoping-" Nagulat ako ng bigla na lang kumidlat ng ubod ng lakas sa kalangitan. Nasapo ko tuloy ang dibdib.

                Kahit ang kalangitan ay nagrereklamo sa napakaganda kong boses. Natahimik tuloy ako habang pasulyap-sulyap sa kalangitan na bahagyang nagdidilim. Kanina lamang ay maaraw pa. Kumanta lang ako ay parang uulanin pa yata. Nangingiti na napailing na lang ako at hininaan ang volume ng stereo. Bakit ba walang maka-appreciate ng nag-iisang talent na mayroon ako?

                Nagsalubong ang mga kilay ko nang mag-register ang pangalan ni Mama sa screen ng cellphone ko.

                "Ma, napatawag kayo?"

                "Where are you Jayjay?"

                I rolled my eyes. Siya lang naman ang bukod tanging tumatawag sa akin ng ganon. Bakit Jayjay? It came from my whole name Jared James. Dati balewala lang sa akin kung tawagin niya ako sa ganitong pangalan. Pero ngayon malaki na ako, hindi ko maiwasan hindi maasiwa. Lalo na kung may ibang tao na makakarinig.

                "I'm on my way home, Ma."

                "Good! Just get home right away and prepare yourself for a date."

                "A date? With whom?" Kailan pa natutong makialam si Mama sa ganitong mga bagay?

                "Yes. A dinner date with Pamela."

                "Pero, Ma?"

                "Don't worry. Everyting is set. I already have a place and reservation. Just call Pamela and inform her," iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya.

                Honesty, I don't like her idea. Ang ayoko sa lahat ay iyon pinangungunahan ako. Lalo na sa mga personal na bagay. If they really want me to spend some time with Pamela, I can do it on my own. They don't need to set this up for me.

                Sa isang iglap ay nagbago ang mood ko. Nagbago rin ang isip ko kung uuwi pa ako ng bahay. Kung ito talaga ang gustong mangyari ng mga magulang ay pagbibigyan ko sila. Just this one. At pagkatapos nito ay hindi na muling mauulit. I once swallowed my pride nang pumayag sa arranged marriage na iyon. And I think I had enough.

                Tinawagan ko si Pamela and informed her about our dinner date. Sa inis ko kay Mama ay nawala sa isip ko na tanungin siya kung wala ba siyang lakad at kung okay lang sa kanya na mag-dinner kami sa labas. Basta sinabi ko lang na susunduin ko siya ng seven o'clock. Saka ko na-realized na naging rude pala ang dating ko sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Babawi na lang siguro ako sa kanya mamaya.

                Huminto ako sa tapat ng isang car shop. Ito na siguro ang tinutukoy sa akin ni Mark. Kakilala raw niya ang may-ari ng talyer. Ang sabi pa niya ay superb daw sa galing ang mga mekaniko rito. Ngayon ko lang nalaman na bukod pala sa pagiging doktor ay magaling din pala sa sales talk ang kaibigan. At dahil iyon ang pinakamalapit na talyer na pwede kong puntahan ay sinubukan ko na rin.

                "Bossing! Magandang hapon po." Isang maliit na lalaki ang bigla na lang sumulpot sa tapat ng bintana ko. "Ipapagawa po ba ninyo ang sasakyan nyo?"

                Napakislot ako sa kabiglaan. Totoong nagulat ako sa pagsulpot niya.

                "Maganda po ang service namin dito. Siguradong hindi kayo magsisi."

                "I-ipapa-check ko lang sana ang breaking sytem ng kotse ko."

                "No problem, bossing!" Ang lapad ng ngiti niya. "Sandali lang po at may tatawagin lang ako," aniya at nagmamadali pumasok sa loob.

                Bumaba ako ng kotse at nilibot ng tingin ang buong paligid. Ilang sandali ay bumalik ang nasabing lalaki at may kasama  na itong cute na maliit na babae.

                "Oh my god! Alfa Romeo!" Nanlaki ang mga mata niya na hinagod ng tingin ang sasakyan ko. "This is the Guillieta C-segment, right?"

                Nakangiti na tumango ako. Nakakabilib ang malawak niyang kaalaman pagdating sa mga mamahaling sports car. Ngunit mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang mga bahid ng grasa sa kanyang pisngi. Suddenly, bigla kong naalala sa kanya ang babaeng nakaengkuwentro ko sa bahay ng mga Alejo.

                "Sir?"

                "Yes?" Hindi ko namalayan na may sinasabi pala siya.

                "Are you sure gusto mo lang ipa-check ang breaking system ng inyong sports car? Kaya rin namin ibalik sa dati ang na-damaged na front bumper na parang bagung-bago ulit."

                "No, thank you. Naka-insured itong kotse ko."

                "Ah, okay. No problem, Sir." Pagkatapos ay lumingon siya sa kasamang lalaki. "Bogard, ako na ang bahala rito. Pakikuha na lang ang mga gamit." Muli siyang humarap sa kotse at bakas sa kanyang mukha ang excitement. "Whoooh! Pagkakataon ko na ito. Minsan lang sa buhay ko na makahawak ng ganitong kagara na sasakyan."

                Lalo akong napangiti. Sanay ako na nakukuha ang atensyon ng babaeng kaharap, dahil sa aking charm. Pero mukhang hindi iyon umepekto sa dalaga. Mas may appeal pa yata sa kanya ang kotse ko kaysa sa akin.

                "Miss.."

                "Jianne na lang po."

                "Kilala mo ba si Dr. Mark Jerome Mendoza?" Naisip kong itanong.

                Tumango siya habang ang mga mata ay nasa kotse pa rin. "He's my boyfriend." At nakangiting nag-angat nag mukha. "Joke! As if naman na papatulan ako ng lalaking iyon."

                "Why? Cute ka naman."

                "Sa kasamaang palad hindi siya mahilig sa cute. Mga exotic beauty ang tipo niya," nakasimangot na sabi niya.

                Kunot-noong napatitig ako sa kanya. Sa pagkakaalam ko, ang mga tipo ni Mark ay mga mapuputi at chinita na babae. Except, Muriel. Kahit ako ay hindi maipaliwanag kung anong mayroon siya at nahuli niya rin ang pihikan kong puso. Riley is too lucky for having her.

TRISHA

                "Cous!"

                Napakislot ako sa kabiglaan nang sumulpot si Jianne mula sa pintuan. Napadiin tuloy ang hawak kong bulak sa ginagamot na sugat.

                Ang hapdi! Whooh!

                "Bakit?" Angil ko.

                "Wala lang," she said while smiling.

                I rolled my eyes. Parang adik lang!

                "Napaano yan, Cous?" Itinuro niya ang galos sa braso ko.

                Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood na magkuwento sa kanya. Pero mukhang wala siyang balak na tigilan ako. Dinampot niya ang alcohol at tangkang bubuhusan ang sugat ko. Mabuti na lang at napigilan ko siya. Tinignan ko ng masama ang pinsan.

                "Gusto lang kitang tulungan," parang bata na sabi niya.

                "Thanks, but no thanks!" Hinablot ko sa kamay niya ang alcohol.

                "Bossing, may bagong dating na customer?" Humahangos na dumating si Bogard. "Walastik! Ang ganda ng kotse," nakangisi na sabi niya

                Nagkatinginan kaming dalawa ni Jianne. Isa lang naman ang weakness naming magpinsan, iyon ay ang magagara at mamahaling sasakyan.

                "Ako na lang ang lalabas," sabi niya at mabilis na tumayo.

                "Ako na lang!" Hindi naman ako nagpatalo at nakipag-unahan sa kanya palabas ng pintuan. Pero bigla na lang akong binalya ni Jianne. Tumama tuloy ang braso ko sa gilid ng pinto. Kung minamalas ka nga naman, ang tumama pa ay ang braso ko na may sugat.

                Pagkaraan ay lumabas din ako ng opisina. Hindi ako makatiis na hindi makita ang sports car na sinasabi ni Bogard. Malayo pa lang ay natanaw ko na si Jianne na nakikipag-usap sa isang matangkad na lalaki. Nang makita ako ay mabilis siyang kumaway sa akin."Cous! Come here! Dali!"

                Napahinto ako sa paghakbang nang lumingon sa akin ang kausap niya lalaki. Si...ano nga pala ang pangalan niya?

                "It's you!" Namimilog ang mga mata ng niya nang makita ako. Sa isang iglap ay nakalapit kaagad siya sa akin. "Pate? Sabi ko na nga ba at ikaw yan!" Ang lapad ng ngiti niya.

                Hindi ko inaasahan na matatandaan pa niya ako. Lalo na ang pangalan ko.

                "Hindi mo na ba ako naaalala? It's me! The cute guy from Alejo's party."

                Hindi ko malaman kung mangingiti o hindi. Kailangan talaga may cute?

                "O-of course, I remember you. Ikaw si Mamang Ano, 'di ba?" Hindi naman kasi niya ibinigay sa akin ang kanyang pangalan noong gabing iyon. At iyon ang naisip kong itawag na lang sa kanya.

                "Just call me Jared." He gave me a devastating smile at bigla akong inakbayan. "Pate, muntikan na kitang hindi makilala. The last time I saw you, mukha kang taong-grasa."

                Taong grasa talaga?Puwede naman niyang sabihin na madungis na lang.

                "Sayo ba ang kotse na ito?" Naisip kong itanong at pasimpleng tinanggal ang mabigat niyang braso sa balikat ko.

                "Yup, this is mine," may pagmamalaking sagot niya.

                Pinasadahan ko ng tingin ang pulang sports car nang biglang magsalubong ang mga kilay ko. "Sigurado ka na sayo talaga ito?" 

                "Oo naman. Anong akala mo sa akin, carnapper?" At tumawa siya ng mahina. "Kaya naman nagkaganyan ang kotse ko ay dahil sa mga pasaway kong kaibigan. Ang sabi nila gusto lang daw nila i-road test, pero hindi ko  alam na pati pala poste ng Meralco ay gusto rin nilang i-test."

                Nanlaki ang mga mata ko at muling pinagmasdan ang kotse na nasa aking harapan. Hindi ako maaaring magkamali. Ito nga ang red sports car na iyon sa highway.

                "Pate, ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Muli akong inakbayan ni Jared na parang close kaming dalawa. "Are you also working here?"

                Hindi ako makasagot. Ang totoo ay hindi pa ako maka-recover sa nalaman ko.

                "Mekaniko ka rin ba katulad niya?" Sabay turo kay Jianne na parang luka-luka na hinihimas ang hood ng Alfa Romeo. "Astig! You're incredible. Ang dami mo palang talent, Pate." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

                "Jianne!"

                "S-sir?" Tila roon lamang natauhan ang pinsan at lumapit sa binata.

                "Pakiayos na rin ang front bumper ng kotse ko."

                "P-pero ang sabi mo naka-insured itong sport car."

               

                "It's okay. Ako na lang ang magbabayad ng service." Lumingon sa akin si Jared at kumindat. "Pate, please take care of my Alfa Romeo."

                Malalim na ang gabi nang makauwi ako sa bahay. Katulad ng dati, sa likod-bahay na naman ako dumaan. Nakasanayan ko na ang umakyat sa pader at maglambitin sa puno upang makaiwas. Maingat ang aking mga hakbang habang palabas ng kusina. Siniguro ko muna na walang ibang tao na makakakita sa akin bago ako umakyat ng kuwarto. Malapit na ako sa hagdanan nang makarinig ang mga tinig nila Mommy at Daddy. Dali-dali akong nagkubli sa ilalim ng hagdan. Sa pagmamadali ay nauntog pa tuloy ako.

                "Nakauwi na ba si Trisha?" Tanong ni Daddy.

                "Natutulog na siya nang silipin ko sa kanyang kuwarto," sagot naman ni Mommy.

                Lihim akong napangiti. Ang buong akala niya ay ako ang nakahiga sa kama. Ang hindi niya alam ay isa lamang iyong dummy. Nang tuluyang makapanhik ang mga magulang ay saka lang ako lumabas sa pinagtataguan. Patungo na ako sa sariling silid nang madaanan ko ang kuwarto ni Ate Pamela. May narinig akong umiiyak sa loob.

                "Ate?" Sumilip ako sa silid niya at nakita ko siya na nakaupo sa ibabaw ng kama."Ate Pam, may problema ka ba? Bakit ka umiiyak?" Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi nang makita ako.

                "Don't mind me. I'll be fine." Subalit hindi ako naniniwala.

                "Tungkol na naman ba ito kay Daddy?"

                Hindi siya kumibo. At kahit hindi siya magsalita ay alam kong iyon ang dahilan. Sa aming magkakapatid ay si Ate Pamela ang pinakatahimik. Madalas idinaraan lamang niya sa pag-iyak ang kanyang mga problema.

                "Kung ayaw mo talagang magpakasal sa Monreal na iyon, p'wede ka naman mag-back-out. Sabihin mo kay Daddy na hindi mo gustong magpakasal."

                "Hindi ako katulad mo, Trish. I can't do what you can do."

                "Gusto mong tulungan kita?"

                Mabilis siyang umiling. "Ayokong madamay ka. Hayaan mo na ako. I'll be fine soon. Kailangan ko lang talagang mailabas ito," pilit siyang ngumiti sa kabila ng pamumula ng mga mata. "Thanks, sis!"

                Hindi ko na siya pinilit. Alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay hindi rin naman niya kayang gawin. Mabuti na lang at hindi ako kasimbait niya. Dahil kung ako ang nasa kanyang kalagayan, malamang pinakidnap ko na sa mga tropa kong gangster ang Monreal na iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

111K 2.1K 45
(BOOK 1) Si Azalea Elania Jules, bumalik sa Espanya buong bakasyon, dahil may business ang kanyang mga magulang. Pero may nakilala siyang lalaki na p...
1.1K 191 7
"No matter how I wish to break my vow, I just can't. I can't because its cost is the one I love. I would rather suffer than have a chance to lose him...
1.1M 27.8K 30
Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer skills with his guitar. But he's not just...
492K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...