Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Four: The Heartbreaker

133K 1.9K 89
By aLexisse_rOse

Remind ko lang po kayo na ni-revised ko ang NTIFIL magmula chapter three hanggang eight. May ilang mga scenes at event lang akong binago para sa ikakaganda ng story. Sana ay magkaroon kayo ng time na basahin ulit ito para maka-relate kayo sa flow ng story ni Jared. Yun lang!

Enjoy reading...

Chapter Three: The Heartbreaker

<Jared POV>

"I hate you!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa guwapo kong mukha bago pa ako makaiwas. Kung sabagay inaasahan ko na iyon ang magiging reaksyon niya pagkatapos ng mga sinabi ko.

"Makarma ka sana!" Singhal pa nito sabay tayo. Binitbit niya ang bag at madilim ang mukha na lumabas ng restaurant.

Nangingiti na napailing na lamang ako habang hinihimas ang nasaktan na pisngi. Ito na yata ang pang-apat na beses na nasampal ako. And for the record, nangyari lang ito sa iisang araw. Muli kong sinulyapan ang pintuan na nilabasan ni Janine. Sa mga oras na ito, marahil ay sinusumpa na niya ako. Pero mas mabuti na rin na maging honest ako sa kanila kaysa naman paasahin ko sila sa wala.

One more to go at matatapos na rin ang misyon ko. Ngayon ako nagsisisi kung bakit pinagsabay-sabay ko pa silang lima. Hindi sana ako mahihirapan ng ganito kung hindi dahil sa kalokohan ko. 

Anong magagawa ko kung talagang lapitin ako ng mga babae? 

Haist! Ang hirap talagang maging guwapo!

Pero bago pa man ako makipagrelasyon sa kanila, sa umpisa pa lang ay alam na nila na hindi ako ang tipo na one-timer. At pumapayag naman sila sa ganitong set-up. Yun nga lang, kapag dumating na yung time na ayoko na at gusto kong tapusin ang isang relasyon, hindi maaari na hindi sila gagawa ng eksena katulad ng nangyari kani-kanina lang. At kung minsan ay mas malala pa.

Riley was right! Darating ang panahon na kailangan kong magpakatino at magseryoso. And I think this is the right time. I'm getting married very soon.  Although its not yet official, siguradong doon din naman mauuwi ang engagement namin ni Pamela. 

But I'm not doing this because I'm in love wiht her... I'm doing this for my future. Kahit ganito ako kapalikero, wala naman akong balak maging ganito habang buhay. And who knows? Baka matutuhan ko ring mahalin si Pamela and live happily ever after with our kids.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Margaret na pumasok ng entrance. Too beautiful and sophisticated. She was so poised habang naglalakad patungo sa kinaroronan ko. 

"I miss you baby." Yumuko siya at binigyan ako ng banayad na halik na hindi ko matanggihan. "So, what is the important thing that you want to tell me personally?"

"I'm engaged, Margaret." Walang pasakalye na sagot ko.

"With whom?" Kumunot ang kanyang magandang noo. Ngunit nakita kong kumislap ang kanyang mga mata sa pag-aakala na siya ang tinutukoy ko.

"I don't know if you know her."

"Oh come on, Jared." She asked playfully.

"I'm engaged with someone else... And we are through."

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "You must be joking!"

"I'm serious, Margaret. We need to end up this relationship."

A flash of anger appeared in her eyes. Pero sandali lang iyon at nawala rin agad. "Are you breaking up with me?"

Tumango ako. At inihanda ang sarili sa sampal na matatanggap ko mula sa kanya. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko.

"What if, hindi ako pumayag?"

"Margaret..."

"You can have the both us. You don't need to choose. "

Umaangat ang kilay ko. "Are you saying..."

"Please, Honey.. don't break up with me!"

She's unbelievable. Sa lahat ng mga naging girlfriend ko ay si Margaret ang pinaka-matured mag-isip at hindi demanding. Pero hindi ko akalain na ganito siya kadesperada. 

"Don't make this hard for you, Mags. Just let me go and find someone new." 

Ngumiti lang siya at umiling. "It's you that I want, Jared." Inaabot niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa mga palad niya. "I love you so much. And I won't even mind sharing with her."  Tila napapaso na binawi ko sa kanya ang kamay ko. I think she is crazy. And I'am in a big trouble.

Paano ba ako makakawala sa babaing ito?

Kung takasan ko na lang kaya siya at tumakbo palabas?

Sa kabilang mesa ay kanina pa ako pinatatawanan nila Vince at Tyron. Akala ko ba ay tutulungan ako ng dalawang ito? Iyon ang dahilan kung bakit kasama ko sila ngayon. Pero sa halip ay pinapanood lamang nila ako at mukhang nag-eenjoy sila sa nakikitang eksena.

"Jared, Honey!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Margaret at bigla na lamang umupo sa kandungan ko. "Let's go to my place." Bulong niya sa tenga ko. And smiled seductively to me.

O tukso layuan mo ako!

Nagulat na lang ako nang may bigla na lamang humablot sa akin mula sa likuran. "There you are!" At bigla na lamang akong itinayo na halos ikahulog ni Margaret mula sa kandungan ko. "Sa wakas nahuli ka na rin namin!" Pagtingala ko ay si Tyron pala iyon.

"Wala ka ng kawala sa amin!" Bigla naman sumulpot sa harapan ko si Vince at sinadya pang ipakita ang mga muscles nito sa magkabilang braso.

At bago ko pa mahulaan ang binabalak nila ay walang babala na inipit ni Tyron ang ulo ko sa braso niya. Halos mapugto ang hininga ko. 

"Hey!" Sinubukan pang pigilan ni Margaret ang mga ito. "Saan nyo siya dadalhin?"

"Pasensya na sa istorbo, Miss! Hihiramin muna namin siya. Malaki kasi ang atraso niya sa amin." Si Vince na sinadya pang lakihan ang boses. Napatanga na lang si Margaret. At wala na itong nagawa nang bitbitin ako ng dalawa palabas ng resto.

Ngunit hanggang sa makarating kami sa nakaparada kong sasakyan ay hindi pa rin ako binibitiwan ni Tyron. Pucha! Nakangangawit na ang leeg ko. 

"Vince kunin mo sa kanya ang susi ng kotse." Utos ni Tyron. At saka lamang niya ako pinakawalan ng tuluyang makuha nito ang susi sa bulsa ng pantalon ko.

"Alright!" Nag-high five pa ang dalawang gago at saka mabilis na sumakay ng sports car ko.

Gusto ko tuloy magsisisi kung bakit pumayag ako na magpatulong sa kanila kapalit ng pagro-road test sa bagung-bago kong kotse. At ilang sandali pa ay humaharurot na ang Alfa Romeo sa kalsada.

"Baka gusto nyong magdahan-dahan! Kapag nagasgasan ang kotse ko malalagot kayong dalawa sa akin." Reklamo ko habang hinihimas ang nanakit kong leeg.

Tumawa si Vince. "Relax, Jared! Everything is gonna be alright." At lumingon ito kay Tyron na siyang may hawak ng manibela. "Paglagpas natin sa kabilang kanto ako naman ang mada-drive test. It's my turn."

Ngumisi lang si Tyron at lalo pang inaapakan ang accelarator. "This is cool!" 

Tuluyan akong walang nagawa para pigilan sila. 

"Pre! Ang ganda nung babae." Si Vince.

"Saan?" Mabilis na tanong ni Tyron at bahagyang binagalan ang pagda-drive. Pati naman ako ay nakiusyoso na rin sa itinuturo ng kaibigan.

"Wow!" Sabay-sabay naming sabi. Hindi lang basta maganda ang babae kundi sexy pa.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang pagtingin ko sa unahan namin ay may motorbike na patawid ng kalsada.

"Tyron, watch out!" Sigaw ko.

Mabilis na kinabig ni Tyron ang manibela para makaiwas at bago pa nito matapakan ang preno ay bumangga na kami sa poste ng ilaw.

Ouch! Sapu-sapo ko ang ulo ko. Sa aming tatlo ay ako lamang ang hindi nakasuot ng seatbelt. Ako lang kasi ang nakapwesto sa backseat. 

"Langya ka, Pre! Papatayin mo ba kami?" Narinig kong sabi ni Vince at walang babala na binatukan si Tyron. Gumanti naman ng batok ang isa.

"Kung hindi mo itinuro yung chikababe hindi tayo mapapahamak."

"Ako ba ang may hawak ng manibela?" Hanggang sa para na silang nagsasakalan.

Lalo akong nakaramdam ng hilo sa pag-iingay nila.

Nakuha ang atensyon naming lahat nang may kumatok sa bintana. Ang rider ng motorbike. Sa katunayan ay suot pa niya ang helmet niya. Nagtataka na nagkatinginan kaming tatlo.

"Huy! Buksan mo yung bintana." Utos ni Vince. Sumunod naman si Tyron. But to our surprised, bigla na lamang sinapak ng nasabing rider ang kaibigan. Sapul siya sa mukha.

"Gago!" Narinig ko pa na sabi nito bago tuluyang umalis.

"B-babae ba yun?" Namamangha na tanong ni Vince.

I'm not so sure, pero parang boses nga ng babae ang narinig ko. "Okay ka lang, Pre?" Tanong ko kay Tyron na napatanga sa bilis ng pangyayari. Na-shocked ang loko! Kung sabagay kung sa akin nangyari iyon ay baka ma-shocked rin ako.

"Pre, nagdurugo ang ilong mo!" Sabi ni Vince.

"Ha?" Mabilis na pinahid ni Tyron ang ilong. At nang makita nito ang dugo sa daliri ay nanlaki ang mga mata nito at bigla itong namutla. "D-dalhin nyo na ako sa... o-ospital!" Aniya bago pa siya mawalan ng malay.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Vince. Takot nga pala ito sa dugo!

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 86K 43
[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. But when a twisted situation forces them...
65.9K 7.6K 67
Are you willing to be patient enough for the one you truly love?
1M 32.5K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
492K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...