10270171127D

De MyBurning

243K 6.6K 1.6K

Labing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutieg... Mais

Prologue
1 : Who's the killer?
2 : Letter
3 : New friend
4 : Names
5 : Alden
6 : CR
7 : Missing
8 : Nightmare
9 : Next victim
10 : Escape
11 : Agony
12 : The other side
13 : Confused
14 : An angel
15 : Hopeless
16 : Clues
17 : Explode
18 : Video
19 : The killer?
20 : Secrets will reveal
21 : Real Identity
22 : Secrets
23 : The witness
24 : Second to the last
25 : His side
26 : The last stand wins
Announcement (sa interesado)

Epilogue

8.2K 289 191
De MyBurning

Hara's POV

"Sigurado ka ba Hara dito?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit saka tumango.

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Inilalayan niya ako makababa at hanggang sa paglalakad, maingat niya akong inilalayan.

Naka-cast kasi ang kaliwang paa ko.

Tumigil kami sa paglalakad at matagal ko iyong tinitigan.

Brian dela Cruz Hereza.

Ang puntod ni Sean.

Limang minuto ang nakalipas bago ako magsalita.

"Wala na talaga siya..." malamig kong pagkakasabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot ngunit ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Ayos lang ba talaga na nandito tayo?" tanong niya na parang di mapakali. Humarap ako sa kanya at ginawa ang lahat upang makita niya ang aking matamis na ngiti.

"Ayos lang ako. Puntod na lamang ito ni Sean. Patay na siya. Hindi na niya ako magagalaw o kaya masasaktan pang muli. Walang dapat ikabahala Eron" pagkasabi kong yun ay tumango siya at ipinakita sa akin ang napakaganda niyang ngiti.

Tama. Hindi patay si Eron.

Noong October 27, ang araw ng aking kamatayan na naging para kay Sean... nakita ng mga pulis ang katawan ni Eron na nakatali sa kwarto ni Sean habang walang malay.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang lahat. Ang kalungkutang nadama ko habang nasa hospital ako noon.

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas ngunit hindi pa sapat iyon upang mag-hilom lahat ng sugat sa katawan ko at pati na rin sa puso ko.

Kulang na kulang pa.

Pero atleast payapa na ngayon ang buhay ko. Wala ng Sean, wala ng killer. Sana nga lang kasama ko pa ang mga magulang at kaibigan ko.

"Umiiyak ka na naman" bigla akong napatingin kay Eron. Humakbang siya palapit sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Hahaha. Trinatraydor na naman ako ng mga luha ko. Sabi kong di na ako muli pang iiyak ehh... kaso masakit talaga. Hindi ko pa kaya..." nagpatuloy ako sa pag-iyak. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko saka pinaharap ako sa mukha niya.

"Mahal kita" pagkasabing pagkasabi niyang iyon ay awtomatikong tumigil ang mga luha ko. Hindi ko siya tinugunan, bagkus ay nginitian ko lamang siya.

Naalala ko, noong mga nasa ospital pa ako at inakala kong wala na talaga si Eron. Walang araw na hindi ako umiyak noon. Walang nakapagtahan sa mga luha ko hanggang sa nakita kong pumasok sa kwarto ko si Eron. Doon nila kwinento sakin lahat ang nangyari kung paano naging buhay si Eron. Si Eron lamang ang nagpapagaan ng loob ko.

At ngayon, boyfriend ko na siya. Oo ang bilis. Pero may magagawa ba ako? Mahal na mahal ako ni Eron at ayoko na ding mawala pa siya kaya kahit hindi ko pa siya mahal tulad ng nararamdaman niya sa akin ay tinanggap ko na agad siya... Baka kasi hindi ko na talaga kayanin na ang huling taong nagmamahal sa akin ay mawala pa.


"Mahal kita" pag-ulit niya. Nginitian ko lamang ulit siya saka muling tumingin sa puntod ni Sean.


Napahawak ako sa tiyan ko. Wala na.... wala na silang lahat. Ako na lamang at si Eron ang natitira. Wala na ang baby ko.


Pinatay rin siya ni Sean. Dahil sa kanya nakunan ako. Pero siguro nga nakatadhana ng mangyari sa akin iyon kaya kailangan ko ng tanggapin ang lahat.


Napatingala ako sa kalangitan dahil sa mga nagbabadyang luha na papatulo muli. Ito na ang huling araw ng pagdudusa ko.


December 31...


Ang huling araw para sa taong ito. Bukas, gusto ko ng mamuhay ulit ng masaya.


Wala man akong magulang at kaibigan, pipilitin kong mag-umpisa muli.


Muli kong ibinalik ang tingin sa puntod niya.


12/31/94 - 10/27/13


"Happy birthday Sean."


Huminga ako ng malalim at ibinato ang puting rosas na hawak ko.


Humarap akong muli kay Eron na kanina pa nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng pilit.

"Tapos na" masaya kong sabi ngunit blangko lamang ang ekspresyon ng mukha niya.


Humakbang ako papalapit at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik.


"Birthday ngayon ni Sean. Bukas, bagong taon na. Gusto ko na ding mag-bagong  buhay. Gusto kong kalimutan lahat. Gusto kong maging masaya ulit. Tulungan mo ako Eron please" sabi ko habang nakayakap sa kanya.


"H-hindi ko kaya" biglang kumunot ang noo ko. Ang boses niya... parang umiiyak siya.


"Hah?" narinig ko siyang suminghot bago muling nagsalita.


"Mahal na mahal kita Hara" lalong kumunot ang noo ko sa ikinikilos niya.


"Teka nga Eron, naguguluhan ako sayo. Umiiyak ka ba?" sinubukan kong humiwalay sa yakap ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sakin.


"Mahal kita pero ako ang huling sikreto" bigla akong natahimik sa narinig. H-hindi ko maintindihan.


"Sa tingin mo, tapos na talaga ang misteryong ito?" biglang nagbago ang tinig ng pananalita niya. Para bang hindi siya si Eron.


Muli kong sinubukan kumawala sa yakap ngunit sa bawat pagpupumiglas ko ay siya namang mas hinihigpitan ang yakap. Para bang niyuyupi niya ang katawan ko sa higpit ng yakap niya.


"E-ron bitawan mo ako. Nasasaktan ako. Atsaka ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan" sabi ko habang patuloy sa pagpupumiglas.


"Gusto mong ipaliwanag ko sayo?" at para bang nanigas ako sa kinatatayuan ng makaramdam ako ng matalim na bagay na nakatutok sa likod ko.


Bigla akong nakaramdam ng takot.


"Kapatid ako ng kapatid mo" lalo akong naguluhan sa sinabi niya.


"Sa madaling salita, kapatid ako ni Sean" at doon ko naramdaman ang matulis na bagay na iyon na bumaon sa likuran ko.


Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.


At doon ako nakaramdam ng kirot ng binunot niya ang matalim na bagay sa likod ko.


Pinakawalan na niya ako sa yakap kaya agad akong natumba at napaluhod sa harapan niya.


Gulat na gulat na tinignan ko siya. Matalim na nakatitig lamang siya sa akin habang may hawak na kutsilyo na may mga natitira pang dugo. Dugo ko....


"Eron...." bigla siyang ngumisi sa akin at ipinahid ang mga dugo ko na nasa kutsilyo niya sa aking mukha. Bigla akong nanginig sa takot.


"Anong pakiramdam ng matraydor sa huling pagkakataon Hara?" pagkasabi niyang iyon ay napahagulgol na ako sa iyak.


Ang salitang pinaka-ayaw kong marinig. Traydor...


Eron's POV

Pinagmasdan ko si Hara habang umiiyak. Napangiti na lamang ako ng mapait.


Totoong mahal ko siya... pero mahal niya ba ako?


Tama siya. Dapat itinigil ko na lang tong nararamdaman ko noon. Pero nakakainis parin. Bakit siya pwedeng mag-mahal, samantalang ako hindi?


**
Tinitigan ko ang kanina pang nagri-ring na cellphone ko. Huminga ako ng malalim bago ko ito sinagot.


"Hello"


[Ano? Napatay mo na ba?]


"Oo. Patay na si Gelou."

[Mabuti naman. Sige, dumiretso ka na lang sa bahay. May hinahabol pa akong isang tanga]


Bigla akong nakarinig ng sigaw ng babae sa kabilang linya. Siguradong si Elisha iyon, ang pangalawa sa huli na nasa listahan ni Sean.


Ibinaba ko na ang tawag at ginawa ko ang sabi niya. Dumiretso ako sa kanyang bahay.


Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at pinakeelaman ang kanyang mga gamit.


Kinuha ko ang dalawang picture frame doon. Sila Keilah at Gelou.


Psh. Kalokohan.


Sabi niya mahal na mahal niya si Keilah pero nakaya niya itong patayin.


Ngayon naman si Gelou ang binalak niyang patayin. Girlfriend ni Sean si Gelou ngunit nalaman nito ang sikreto niya kaya tulad kay Keilah, kailangan na rin niyang mamatay.


Nakakatawa talaga. Dalawang beses siya nagmahal pero parehas namang pinatay niya lang.
**


Patuloy parin sa pag-iyak si Hara. Napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang aking kamay sa mga nakikita.


Maya-maya, naramdaman ko na lang na nag-init ang aking mga mata. Umiiyak na naman ako.


"Arghhhhhh!" napasigaw na lamang ako sa nararamdaman kong ito.


"T*ngna Hara! Bakit ba kasi mahal na mahal kita?! Kung alam mo lang kung gaano ako nagseselos kay Sean. Kung alam mo lang kung gaano ako nagalit sa kanya noong nabuntis ka niya. Hara baliw na baliw na ako sayo!" singhal ko sa kanya ngunit patuloy lang siya sa pag-iyak habang dumadagak ang mga dugo sa tagiliran niya.

Napapikit na lamang ako at muling nagbalik ang mga bangungot kung paano ako nalasali sa laro ni Sean.


**
"Kuya sigurado ka ba dito? Hindi ka ba nakokonsensya? Sila ang kumupkop sa ating dalawa!" sumbat ko kay kuya Sean.


"T*ngna Eron! Akala ko ba magkakampi tayo? Kaya gawin mo na ang ipinapagawa ko sayo. Tandaan mo, hindi natin sila tunay na magulang at balang araw, sila din ang sisira sa plano nating paghihiganti kaya mas mabuti ng mamatay na sila!" sabi sa akin ni kuya.


Napalunok ako ng laway at tinignan sila mom at dad. Ang kumupkop sa amin sa bahay ampunan at naging mga magulang namin. Nakatali silang dalawa sa upuan habang nakatakip ng tape ang mga mata at bibig.


Naramdaman kong tumulo ang aking pawis. Mabait sila mom at dad. Binigay nila lahat ng luho namin ni kuya. Iniba nila ang pangalan ni kuya Brian bilang Sean Servano para hindi siya matunton ng tunay na ama nito. Alam nila ang lahat ng nangyari sa amin, kung paano namatay ang totoong magulang namin. Sinunod nila si kuya na gumawa ng paraan para maiba ang identity naming dalawa at magmukhang hindi kami magkapatid. Sinunod nila lahat ng gusto namin at tinuring bilang mga totoong anak kaya nakakalungkot isipin na kami ang kikitil sa buhay nila.


"Ano pang hinihintay mo Eron? Patayin mo na sila!" utos sa akin ni kuya.


Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo at humarap sa kanya.


"K-kailangan ba talagang mangyari ito?  H-hindi ko kaya... ikaw na lang ang gumawa" kinakabahang sabi ko. Nakita ko namang pumikit siya at napabuntong hininga, ani mo'y nagpipigil na ng galit.


" Kailangan mong gawin to Eron. Kailangan mong masanay. Magtiwala ks sa kuya mo Eron, masayang pumatay ng tao. Napakasayang makakita ng dumdagak na mga dugo" at ngumiti siya sa akin.


Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. M-masaya? Kailan pa naging masayang makakita ng dugo?!


Pero ginawa ko pa din. Pinatay ko silang dalawa. Pinatay ko ang kumupkop sa amin at tama nga siya.

Masayang pumatay at makakita ng pagdagak ng dugo ng mga tao.
**


Kung sila Hara at Sean ay magkapatid sa ama, kami naman ni Sean ay magkapatid sa ina. Bata pa lang ako ay ulilang lubos na kami ni kuya Sean. Dahil bata pa ako noon ay hindi ko alam kung paano namatay ang mga magulang namin pero pinaliwanag niya sa akin ang lahat. At pumayag ako sa planong paghihiganti niya.


Si papa, ang tunay kong ama ay may sakit at nahawa ko yun sa kanya kaya pagkapanganak sa akin ay ingat na ingat silang lahat sa akin.


Hindi ako pinapalabas ng bahay kaya walang nakaalam na may isa pang anak si mama Cassandra. Pero dahil sa mag-asawang kumupkop sa amin ay gumaling ako sa sakit ko pero dahil sa plano ni kuya, pinalabas naming hindi kami magkakilala at magkapatid.


Para walang makahalata, tumira ako sa dorm ng school namin samantalang si kuya naman ay kasama nila mom at dad sa bahay. Naiintindihan naman nila kung bakit kailangan namin magtago pero kahit na kakampi namin sila, kailangan pa rin nilang mamatay.


Nangako kasi kami ni kuya na wala na kaming ibang pagkakatiwalaan kundi ang mga sarili lamang namin.


Dahil sa kanila namatay si mama Cassandra. At pati si papa, namatay dahil sa kademonyohan nilang lahat kaya hindi ako nagsisising nakisama ako sa plano ni kuya.

Ngunit nabago lahat ng dahil sa lintek na pag-ibig na ito! Wala naman akong balak kontrahin ang gusto ni kuya Sean kung hindi ko lang mahal si Hara.


Muli akong dumilat at tumingin kay Hara. Umiiyak pa rin siya.


"Hara tatanungin kita, ni katiting ba, may nararamdaman kang pagmamahal sakin?" tanong ko ngunit umiling iling lamang siya habang patuloy sa pag-iyak.


Naiyukom ko ang mga palad ko. Mas lalo akong nakaramdam ng galit.


"Arghhhhhhhhhhh! muli akong napasigaw sa galit.


"T*ngna mo Hara! Matapos kita ipaglaban! Matapos kitang pagtyagaan, matapos kitang tanggapin, matapos akong magpatanga, matapos kong isuko lahat, ganito na lang?" biglang tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin.


Muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.


"Kulang pa ba lahat ng ginawa ko para lang mahalin mo rin ako? Sabihin mo kung ano pang kulang... gagawin ko naman eh." muli siyang umiling at sa wakas, nagsalita narin siya.


"H-hindi ka nagkulang Eron. Wala kang kasalanan..." bigla naman akong natawa sa naging sagot niya.


"Nagpapatawa ka ba? Marami akong kasalanan Hara. Gusto mong isa-isahin ko pa? Ako ang pumatay sa naging magulang namin ni Sean. Ako ang sumagasa kay Lily Trinidad, ako ang nagsabit sa bangkay ni Yura Santiago sa cr, ako rin ang nagtanim ng bomba sa faculty room ni Sr. Rowen Salla, ako rin ang pumatay kay Gelou Arson. Ako ang kasabwat ni Sean sa lahat lahat! Demonyo din ako at napakarami ko ng kasalanan. At siguro nga, pati ito kasalanan din. Kalanang mahalin ka Hara. Kasalanang nagmahal ako ng isang kalaban" at napatalikod ako sa kanya dahil hindi ko na nakayanan. Sumabog na ang mga luha ko at ayokong makita iyon ni Hara.


Suminghot ako at pinunasan ang aking mga luha saka muling humarap kay Hara.


"Kung sana ako na lang ang pinili mo noon pa edi hindi ka aabot sa ganitong sitwasyon. Kaya kitang ipaglaban sa kuya ko Hara. Mahalin mo lang ako ililigtas na kita sa kamatayan. Pero kahit na hindi mo ako mahal ay pinaglaban parin kita. Noong gabing kamatayan mo na dapat, noong nanghingi ka ng tulong sa tawag... totoong niligtas kita noon Hara. Totoo lahat ng mga ginawa ko sayo dahil alam kong hindi ko kaya kapag nawala ang babaeng mahal ko. Sinuko ko lahat ng meron ako. Pinili kita kaysa sa kuya ko kasi mahal kita! Nagpakatamga ako sa pag-ibig! Naiintindihan mo ba ako Hara?!" galit na sabi ko sa kanya.


"I--I'm sorry Eron"


"Hindi ko kailangan ng mga salitang yan Hara. Dahil kulang na kulang ang salitang sorry para sa mga nangyari sa amin ni kuya!"


"P-patawarin mo ako... P....p-patayin mo na lang ako Eron" biglang naningkit ang mga mata ko sa mga sinabi niya.


"Sana pala naniwala na lang ako kay kuya. Sana hindi ko na lang siya trinaydor. Sana hinayaan na lang kitang patayin niya. Walang hiya ka Hara! Anong karapatan mong patayin ang nag-iisang pamilya ko?! Anong karapatan mong patayin ang kuya ko?!!!" at marahas kong hinawakan ang dalawang braso niya at pwersahang pinatayo. Wala akong pakeelam kahit na may pilay pa ang paa niya, tutal hindi naman niya ako mahal.


Pinagsisisihan ko na ang lahat. Dapat hindi ko iniwan si kuya. Dapat tinupad ko ang plano namin. Dapat naniwala na lang ako sa kanya na sasaktan lang ako ni Hara.


Edi sana, sabay pa naming makakamit ang hustisya


**
Nakita kong paika-ikang tumakbo si Hara papalabas ng bahay.


"T-ma na kuya. Tigilan mo na si Hara" sabi ko habang patuloy niya akong tinatadtad ng suntok.


"Traydor ka! Yung babaeng pang yun ang kakampihan mo ngayon?! T*ngna ka Eron, di ko hahayaang sirain mo ang mga plano ko!" at dinapo niya ng malakas ang kanyang kamao sa mukha ko na naging dahilan ng pagtilapon ko.


Hirap man ay pinilit ko paring makato.


"Tama na. Walang kasalanan si Hara. Patay na ang mga taong pumatay kay mama Cassansdra kaya please itigil mo na to.."


"Akala ko ba naiintindihan mo ako Eron?! May kasalanan o wala damay parin si Hara dito! At ano? Matapos ng lahat ngayon ka pa mangtatarantado Eron? Mahal mo talaga yung babaeng yun ah"


"Oo mahal ko nga siya. Mahal na mahal at kaya ko siyang ipaglaban sayo. Para kay Hara, isusuko ko lahat"


"Kahit ako?"


"Kahit ikaw. Kahit kuya pa kita. Basta para kay Hara gagawin ko lahat!"


"Ahhhhhhhhh!" bigla niya akong sinugod at pinagsusuntok.


"Traydor kayong lahat! Matapos kitang alagaan hayup ka! Wala ka ng pinagbago sa kanila Keilah at Gelou! Matapos kitang pahalagahan, iiwanan mo rin ako sa ere at ipapagpalit para sa babaeng yun! Mga g*go! Ano bang meron kay Hara at laging siya ang pinipili niyong lahat?! Magsama-sama kayong mga punyeta!" at bigla na lamang ako bumagsak at nawalan ng malay.
**

Nung malaman kong buhay si Hara ay sobrang sayo ko ngunit ng mabalitaan kong pinatay niya si kuya Sean, ay para narin niya akong pinatay.


Grabeng pagsisisi ang dinanas ko lalo na ng maramdaman kong pinagmumukhang tanga lang ako ni Hara. Ng dahil sa pag-ibig,  nawala ang nag-iisa kong kakampi sa buhay. Tinanggap man ako ni Hara, alam ko namang panakip butas lamang ako para sa kanya. Mag-isa na lang talaga ako sa mundong ito.


Lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga braso niya.


"Mahal kita Hara" sa huling pagkakataon ay sinabi ko ulit ang mga katagang iyon sa kanya. Pilit na naghahangad na sasabihin niya rin iyon sa kin ngunit gaya ng madalas na nangyayari.... sinaktan na naman niya ang puso ko.


Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. Hindi siya nagpumiglas, bagkus, pinikit na lamang ang mga mata at tinanggap ang aking halik.


Pumikit na rin ako atsaka mariin na sinaksak siya sa tiyan gamit ang paboritong kutsilyo ni kuya.


Naramdaman ko ang paggalaw ng  kanyang labi dahil sa ungol.


Ilang segundo pa'y humakbang na ako paatras sakanya. Napaluhod siya sa harapan ko habang nakabaon parin sa kanyang tiyan ang kutsilyo.


Humarap naman ako puntod ng kapatid ko at ngumuti ng matamis.


"Happy birthday kuya. Magustuhan mo sana ang regalo ko sayo" nakangiti kong sabi at muling humarap kay Hara habang duguan.


"Hara, sinayang mo lang ang lahat.Kung ako na lang sana kasi edi sana, magagawa ko pa ang gusto mo. Pwede pa kitang matulungan sa plano mong pagbabagong buhay kaso huli na ang lahat. Huling huli na"


At sa huling pagkakataon, tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko iyon ng marahas. Pinapangako ko, ito na ang huling beses na iiyak ako. Ang huling beses na masasaktan ako.


Napabuntong hininga na lang ako ng muling marinig ang mga hikbi niya ngunit di tulad kanina, para na siyang isang musika sa aking pandinig.


Tama si kuya. Napakasayang pumatay. Naiintindhan ko narin siya sa wakas. Ang kasiyahan naramdaman niya ng patayin niya si Keilah ay nararamdaman ko na ngayon.


Unti unti, napapangiti ako.


Unti unti, sasaya na din ako.


Unti unti, mamumuhay na ako ng payapa.


Nakamit ko na rin ang hustisyang pinapangarap ni kuya.


Sana masaya si kuya sa ginawa ko. Ako na ang tumapos sa trabaho niya. Ako na ang gumawa ng kasiyahan niya.


Ang sarap sa pakiramdam.


Tinitigan ko si Hara hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng hininga.


Muli akong napangiti.


Ako ang nagwagi sa laro. Sa akin ang huling halakhak.


Nanalo kami ni kuya.


Pumitas ako ng bulaklak sa tabi at ibinato iyon sa katawan ni Hara.


Para sa huling pagkakataon, tinitigan ko ang napaka-ganda niyang mukha.


Matapos ang ilang minuto, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.


Tapos na.


Tapos na talaga ang misteryong ito. Tinapos ko na....

Muli akong napangiti.


"Paalam, mahal ko."

---------

OMG! Tapos na tapos na talaga siya! Hohohoho.


Una sa lahat, thank you sa mga bumasa! Thank you ng sagad sagad! Second story na natapos ko... super nakaka-overwhelming.


Sa mga nag-vote, naglagay nito sa RL nila at sa mga comment! Minsan pa nga napapamura pa ang iba hahaha xD


Salamat sa mga sumuporta sa akin. First time ko magsulat ng ganitong genre kaya ang saya na kahit papaano ay may nagtyagang bumasa nito.


Salamat din para sa death bell movie. Ng dahil sa panonood ko noon, sinipag ako para isulat ito. Obvious naman dahil sa mga casts ko hahaha xD


You see, long time ago pa itong 1027 sa utak ko, balak ko nga next year pa ito simulan dahil medyo magulo ang plot tsaka wala akong maisip na title and names pero planned na talaga kung sino ang killer at mga victims. Di kasi ako gagawa ng story hanggat di pa naayos ang casting ko. Then one day, pinanood ko ang death bell 2 dahil bida doon si Jiyeon ahaha. Then pinanood ko na rin yung DB1 kasi andun naman si Eunjung... obvious na maka-T-ara ako noh? xD


Then di ako nakatulog dahil di maalis sa isip ko kung sisimulan ko ang pagsusulat nito o hindi, thanks talaga sa death bell! Hahahaha xD


Nagsulat ako ng walang idea kung paano magpakamistery. Never din akong nagbasa ng mga mistery stories na filipino. Then nagtry akong maghanap ng good mystery story then I found 3C-CHAS. I started reading it at dahil narin sa isang tao na nagcomment here noon about sa 3c-chas kaya mas naengganyo ako mag-basa. Try reading it guys! Super nakaka-mind blown. May book 2 iyon which is mas bet ko hahaha. Grabe yung story na iyon, compare mo dito na nevermind na lang xD


Okay, ginagawa ko na tong diary haha. Please bear with me na lang, I'm just happy na natapos ko na siya. And you see, I'm being conyo na here. Dito ko na lang inubuhos ang pagiging tag-lish kong tao. Nahirapan rin akong isulat to in pure filipino langguage kaya kahit tagalog na, wrong grammar parin kaya nagmukhang epic and I'm sorry for that.


Sorry din sa lahat ng errors, brutal scenes at kung ano pa mang di niyo nagustuhan. Isa lamang akong amateur na sinusulat lahat ng nais. Sensya na din kung ang di ko nameet ang expectation niyo sa isang mystery story dahil alam ko namang may pagka-predictable ng story na to hahaha.


Sorry din kung naging tragic ito. Ganun na talaga ang balak ko kahit nasa isip ko palang ang istoryang to eh. Huhuhuhu sorry kung napangitan kayo.


Again thank you very much. Napamahal na rin ako sa mga readers nito. Mamimiss ko ang mga mura niyo sa comment box! XD


And still hoping na makagawa ako ng iba pang mystery stories but for now, focus muna ako for doing rom-com pieces.


Basta! I Labyu!


XDD

XOXO,

MyBurning

Continue lendo

Você também vai gostar

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
662K 36.2K 23
Erityian Tribes Novella, Book #6 || I know it isn't right, but secretly, I ended up caring about him.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.