HEARTS & BULLETS (COMPLETED)

By raidenredux

367K 15.9K 1.5K

Sa mundo na ang pag ibig ay walang kinikilalang batas, posible bang mag tagpo ang dalawang taong may kanya ka... More

PREAMBLE
CHAPTER #1
CHAPTER #2
CHAPTER #3
CHAPTER #4
CHAPTER #5
CHAPTER #6
CHAPTER #7
CHAPTER #8
CHAPTER #9
CHAPTER #10
CHAPTER #11
CHAPTER #12
CHAPTER #13
CHAPTER #14
CHAPTER #15
CHAPTER #16
CHAPTER #17
CHAPTER #18
CHAPTER #19
CHAPTER #20
CHAPTER #21
CHAPTER #22
CHAPTER #23
CHAPTER #24
CHAPTER #25
CHAPTER #26
CHAPTER #27
CHAPTER #28
CHAPTER #29
CHAPTER #30
CHAPTER #32
CHAPTER #33
CHAPTER #34
CHAPTER #35
CHAPTER #36
CHAPTER #37
CHAPTER #38
CHAPTER #39
CHAPTER #40
CHAPTER #41
CHAPTER #42
CHAPTER #43
CHAPTER #44
CHAPTER #45
CHAPTER #46
CHAPTER #47
CHAPTER #48
CHAPTER #49
FINALE (Part 1)
FINALE (Part 2)
FINALE (Part 3)
AUTHOR's NOTE

CHAPTER #31

5.5K 233 40
By raidenredux

Win or Lose, Oscar always throw a party for Rhian after her race...

Dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigan at mga nakikipusta...

Nandon din ang mga kaibigan ni Rhian and they call it a victory party.

"Good evening Kumpare" bati ni Mr. Manalaysay

"Good evening po Tito Oscar" sigunda naman ni Patty

"Si Rhian po?"

"Nandon sa kwarto nya... Nagpapahinga. Masama ata ang pakiramdam... Akyatin mo na lang iha"

"Ay wag na po Tito... Let her rest na lang po"

"Kayo ba e may tampuhan ni Rhian anak? Himala ata na hindi ka nag alala sa kaibigan mo na masama ang pakiramdam... Alam mo kumpare, hindi pa nga sana sasama yan dito sakin... Pinilit ko lang, kako e ipagdrive nya ako"

"Totoo ba iha? May tampuhan ba kayo ng anak ko?"

"Wala po tito..."

"Pero may alam ka ba sa nangyayari sa kanya? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw e panay ang mukmok nya at laging umiiyak... Pag tinanong mo naman, hindi nasagot o di kaya ang sabi e ok lang daw"

"Wala po tito... Wala nman syang nababanggit... Sige po, dun na po muna ako sa gazebo" pag iiwas ni Patty

"Hay nako kumpare, mga kabataan talaga ngayon e ang hirap espelingin... Lalo pa pag babae, iba ang timpla sa umaga, iba din sa gabi... E dinaig pa ang mga nanay nilang nag mimenopause."

Saka natawa naman si Oscar sa sinabi ng kausap.

"Sya nga pala kumpare, mamayang hating gabindadating ang mga shipping natin... At si Mr. Tang mismo ang pupunta para pick-upin ang mga ito. Don sa warehouse namin sa San Juan... Baka gusto mong pumunta at maipakilala kita sa kanya." Ani ni Oscar kay Mr. Manalaysay

"Sige titignan ko Mamaya kumpare. Pano kasi si Misis e may ihahatid ko pa mamaya sa airport. Tignan ko pag naka alis kami ng maaga."

"Sige, pasabi ka lang. Osya, enjoy the party..."

...

..

.

"Ok ka lang?" Tanong ni Chynna sa kaibigan nang maabutan nitong busy ito kakabutingting ng kanyang armas

"Ikaw pala Chyns... Oo ok lang.. Lagi naman akong OK e"

"Sabi ko nga... So goodluck. Sana magtagumpay kayo"

"Sana nga, nang matapos na din to lahat and please type my resignation letter. I need it by the end of month"

"Ano?! Naririnig mo ba yang pinagsasasabi ko... Anong resign? Bat ka mag reresign? After all this time Cha?"

"I just want a peaceful life..."

"Wow!!! I mean, just wow! 4yrs in PMA, a class Valedictorian in her batch... An outstanding Scout Ranger, trained SAF Conmando,.. One of the youngest chief of police... Tapos after 5 yrs of service basta basta na lang magreresign dahil sa... (Hindi na nito tinuloy ang salitang pag ibig dahil inirapan sya ni Glaiza) you got it all Cha, yung mga achievement mo sasayangin mo lang?"

"It doesn't matter..."

"Think about it... Ok? Wag padalos dalos... Ika nga e, dont make a decision if your emotional... Osya, mauna nako. Goodluck sa raid nyo mamaya"

Tumango lang si Glaiza at tuloy pa din ang pag loload ng mga bala sa magazine ng baril nya.

...

..

.

"Yung CCTV ok na ba?" Tanong ni Gab sa isang lalaking dumating.

"Yes boss.."

"Good. I can't wait to watch the best play ever..."

"Anong plano nyo?"

"Simple lang, alam kong kapag naipit si Dada sa sitwasyon, gumagamit ng baril yun... At kapag may nangyaring bakbakan, sisiguraduhin natin may mamamatay... Hahahaha!!!"

"Anong ibig mong sabihin boss?"

"Set up... Yun ang gagawin natin, palalabasin nating nabaril si Dada ng mga pulis... Pero, ang hindi nila alam, inside job ang mangyayari"

"Ala Ninoy Aquino pala ang drama?" Komento ng isa pang lalaki.

"Tumpak.! Yan ang gusto ko sayo Johnny, kahit minsan gumagana din ang utak mo... O sige na... Get back to work!"

...

..

.

"Men, good luck! Pag nagtagumpay tayo ngayon, hindi lamang isa ang madadali... Si Mr. Tang at positive na nanduon... He has a meeting with Oscar Tanchingco... This gonna be a big catch..." Parang sigurado ang lalaking heneral sa sinasabi nito

"Hanggat walang lumalaban, walang magpapaputok... Walang shoot to kill order kaya wag padalos dalos..."

"Sir Yes Sir!!!" Kuro ng mga ito

Si Glaiza naman tahimik lang...

But she's eager to do her duty for one last time...

...

..

.

Nang nagsi alisan na ang mga bisita, agad namang naghanda si Oscar para sa kanyang lakad. Nag bihis lang ito saglit.

"Hon, aalis muna ako ha... Don't wait for me, Ok? I love you..." Paalam ng lalaki sa asawa.

"Bumalik ka kaagad ha... Wag ka magpaumaga, wala ka nang matinong tulog nitong mga nakaraan.

"Im fine Hon... This is my last deal, tutuparin ko na ang pangako ko sayong magbago at tumigil sa gawaing ito."

"Salamat Oscar, salamat at pinakinggan mo na ako... I love you too"

"Anything for you... Ok, I have to go now.."

"Mag iingat ka Oscar..." Mahigpit na bilin ni Amanda

"I will Hon... Wag kang mag alala... Di ako mag tatagal don."

Pagkatapos magpaalaman ay umalis na din si Oscar...

...

Bago ang nasabing oras, nakaposisyon na ang mg otoridad...

Glaiza take one platoon in one side. At bilang in charge sa nasabing misyon, sya din ang magbibigay ng mando sa mga kasamahan nito.

Gamit ang transmission device as their communication, don lang nag uusap usap ng mga strategy ang mga team leader.

"Alpha, Charlie, Delta. Information: may paparating na mga sasakyan to the entrance,"
Ani ng TL ng bravo

"This is Alpha... Copy that... Back area is clear and we are ready to take position inside... May nakita akong lagusan papasok" si Glaiza naman ang sumagot.

"Charlie, Delta... Stay and control the wings until futher instructions..." Dagdag pa nito

"Copy that." Halos sabay na sagot ng dalawang tao na maririnig gamit ang kanilang earpiece

Isa isang nagsipasukan ang mga kasamahan ni Glaiza sa kanyang team sa loob ng nasabing gusali.

Maya maya ay nag umpisa nang magsi babaan ang mga tao para salubungin ang dumating.

"Hold your place. Palabas ang mga suspect... Keep an eye in the entrance." -Glaiza

Dahan dahang naghanap ng magandang posisyon ang mga taong nakapasok sa loob at nagmasid.

Nakita ni Glaiza ang pagbaba ni Tanchingco.

"Mr. Tang... It's good to see you. Salamat sa pagbisita... At talagang ikaw pa ang naghatid"

"Wala plobrema Oscal, ako talaga gusto makipagkita sayo. Ako gusto bigay offer. Malaki halaga deal ito." Sabi ng lalaking intsik

"Ano bang deal yan Mr. Tang?"

"Smuggled file ams (fire arms) isa henelal na sundalo bigay tulong samin. Tulong daw para hindi bisto. Sunod bwan malaki halaga bili Pilipinas na almas sa Japan pala sa mga sundalo. Ito henelal sabi saakin na gusto puslit ilang kahon na almas." Paliwanag nito

Oscar half smiled.

"Maganda... Magandang proposal yan Mr. Tang, pero nangako ako sa asawa ko na ito na ang huling transaction na gagawin ko... I have to drop this"

"Nako! Malaki mawawala sa amin pag ganon. Isa ka malaki asset sa ganito kalakalan."

"I think I have done to much and it's time for me to take a rest kaya salamat Mr. Tang but you can give the offer to others."

"Ok. Ikaw bahala Oscal. Sige ito na akin dala."

Isa isang nagsipasukan ang mga lalaking may dala dalang mga kahon.

"Plemium lahat walang daya." Sabi ng lalaking intsik

Binuksan nang mga ito ang kahon at tumambad ang napakaraming balot ng droga... Kitang kita iyon ni Glaiza kaya nagimbal sya.

"Bravo, ready... Attention in 60 seconds..."

"Copy"

Maya maya...

"Oscar Tanchingco... Sunuko ka na... Napapaligiran na namin kayo!"

Umalingaw ngaw ang katagang iyon dahil sa lakas ng megaphone
mula sa labas ng warehouse kaya nag umpisang magpanic ang mga nasa loob

"Shit! Paano tayo na bisto?! Bilis... Iakyat nyo to sa taas. Mr. Tang, halika" at hinila nito ang intsik na lalaki paakyat.

Dali daling tumalima ang mga lalaki paakyat at yun naman ang pagbigay ni Glaiza ng hudyat ng paglusob.

Glaiza lower her shield na naka attach sa helmet nya para hindi sya masyadong ma identify ni Oscar

"Itaas ang mga kamay!" Sigaw nito sa mga kalalakihang nagmamadali pumahik.

Isa isang nilapitan ng mga tauhan ni Glaiza ang mga mga lalaking hindi pa nakakaakyat.

"Bravo, Charlie, Delta... Move.. We need backup!!!" Mando ni Glaiza

"Shoot!" Biglang sigaw sa kampo ni Oscar.

At dahil inunahan ng mga ito ng mga sindikato, hindi na din nagpatumpik tumpik pa ang mga kapulisan.

Namayani ang putukan sa nasabing lugar...

Inakyat ng grupo nina Glaiza sina Oscar bago pa makatakas ang mga ito.

Hanggang sa narinig nilang mag umuugong na helicopter.

"They're escaping!" Sigaw nang isang pulis

Hinabol ng mga ito sila oscar hanggang sa ikaapat na palapag.

Nagkaroon ng matinding putukan hanggang sa namataan ni Glaiza ang isang lalaking tinututukan ng baril si Oscar.

She was puzzled. Tao nya ito pero bakit ganon ang pakay nito.

Uunahan na sana nya ito pero tuluyan na n
itong binaril ang lalaki.

"Noooooooooooo!" Sigaw ni Glaiza sa gulat.

Napahandusay si Oscar

"Hold your fire!!! Hold your fire!" Sigaw nya pero tila walang may nakikinig

Putok dito, putok doon.

Mabilis na nilapitan ni Glaiza si Oscar.

"Sir... Sir... Oh my God! Marco! Rey! Arnel!!! Tulungan nyo ako!!!" Tawag nito sa mga kasamahan

"Maam, si Oscar Tanchingco po yan... Hayaan nyo na"

"Hindi!!! Hindi pwede... Tulungan nyo ako... Kailangan nating dalhin sya sa ospital!"

Pero parang walang gustong tumulong kay Glaiza

"Hold your fire!!!" Sigaaw nyaa ulit pero tuloy ang putukan

With all her might, sinubukan nyang buhatin ang lalaki.

"Sir... Stay with me... Hold on... Please"

Pero ilang hakbang pa lang ng maramdaman nitong nalaylay na ang leeg ng lalaki

"No... No... Sir Oscar... Sir!!! Sssiiiirrrrrr!!!"

Gustong magalit ni Glaiza dahil ni isa ay walang tumulong sa kanya...

Ni walang pumansin sa naghihingalong lalaki...

Glaiza pump his chest at naagbabaka sakaling ma revive ito.

Sino at ano ang pakay ng lalaking bumaril sa tatay ni Rhian?

All eyes was turned to Glaiza when she try to revive the man who they believe to be a notorious drug lord.

"Cmon!!! Sir gumising ka!"

"1001, 1002, 1003, 1004" pagbibilang nyaa habang tuloy sa ginagawang paag pump sa dibdib ng lalaki pero wala pa rin.

"Galura! Anong ginagawa mo?" Sita ng isang kasama nitong pulis

"Hindi sya pwedeng mamatay... Hindi!!!" Sigaw nya at nag umpisang maging restless.

"Ikaw?! Sinabi ko sayong tulungan moko pero nagbingi bingian ka! Ikaw! Ikaw din!" Saka pinaghahampas ni Glaiza ang mga lalaking tinawag nya kanina.

"Mga wala kayong kwenta! Inutil!"

...

..

.

"Boss, ok na"

"Magaling... So ano ang nangyari?"

"Binaril ko si Sir Oscar pero hindi ako sigurado kung naapuruhan ba sya o hindi... Paano kasi ang hirap timmingan dahil naging mabilisan ang putukan.

"Ok na yun... Hayaan mo na... Gagawa na lang tayo ng paaraan pag nakaligtas pa sya."

=========================

AN:

Matulog na muna paara sa ikaauunlad ng ekonomiya...

Anong mangyayari sa susunod na kabanata?

Ay nako,
See you soon na lang 😁

RAIDEN

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 68.5K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...
1.9M 58.6K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
19K 4.4K 36
-COMPLETED- Kapag nasira na ang mundo, paano na ang mga nakatira rito? Lumolobong populasyon ng mga tao. Kakulangan sa pagkain at tubig. At kapag ang...