HEARTS & BULLETS (COMPLETED)

By raidenredux

365K 15.9K 1.5K

Sa mundo na ang pag ibig ay walang kinikilalang batas, posible bang mag tagpo ang dalawang taong may kanya ka... More

PREAMBLE
CHAPTER #1
CHAPTER #2
CHAPTER #3
CHAPTER #4
CHAPTER #5
CHAPTER #6
CHAPTER #7
CHAPTER #8
CHAPTER #9
CHAPTER #10
CHAPTER #11
CHAPTER #12
CHAPTER #13
CHAPTER #14
CHAPTER #15
CHAPTER #16
CHAPTER #17
CHAPTER #18
CHAPTER #19
CHAPTER #20
CHAPTER #21
CHAPTER #22
CHAPTER #23
CHAPTER #24
CHAPTER #25
CHAPTER #26
CHAPTER #27
CHAPTER #28
CHAPTER #29
CHAPTER #30
CHAPTER #31
CHAPTER #33
CHAPTER #34
CHAPTER #35
CHAPTER #36
CHAPTER #37
CHAPTER #38
CHAPTER #39
CHAPTER #40
CHAPTER #41
CHAPTER #42
CHAPTER #43
CHAPTER #44
CHAPTER #45
CHAPTER #46
CHAPTER #47
CHAPTER #48
CHAPTER #49
FINALE (Part 1)
FINALE (Part 2)
FINALE (Part 3)
AUTHOR's NOTE

CHAPTER #32

5K 242 33
By raidenredux

Naalimpungatan si Rhian at bigla na lamang nya naramdaman ang mabigat na pagbugso ng puso nya at kaba.

Bumangon ito para humagilap ng tubig pero wala na pala syang stock. Sinipat nya ang oras, it's 4 in the morning pero pakiramdam nya, ang haba na nang kanyang naitulog.

Bumababa ito ng makasalubong nya ang umiiyak nyang Mama.

"Ma what's wrong?"

"Mabuti at na gising ka anak. I am about to wake you up... Ang dada mo... Huhuhu!"

Biglang nadagdagan ang kaba sa dibdib ni Rhian

"Anong nangyari? Ma tell me na... Kinakabahan na ako. Anong nangyari kay Dada..?" Pero imbis sumagot ay napabagsak sa kinatatayuan nya si Amanda at himagulgol.

"Wala na si Dada shobe. He was shot kanina sa naganap na raid... I told him... Wag na syang pumunta pero nagpumilit sya" sakaa nag drama si Gab at nag iyak iyakan.

Biglang nayanig ang mundo ni Rhian... She don't know what to do and to think.

Bumigay ang mga tuhod nya at ang nanunuyo nyang lalamunan kanina ay tila naging desyerto na...

"No! Huhuh!!! Noooooo!!!" Sigaw nito ay napalupasay sa may Hagdan

"Asan si Dada??! Asan ang Dada ko?! I want to see him!"

Ikaw lang ang maaaring gumawa nito Glaiza... Wala kang awa! Wala kang awa!!!

Maya maya ay dumating ang lawyer ni Oscar...

"Maam, Sir... Confirmed. Nasa morgue na ang labi ni Sir Oscar..."

"Anong morgue?! Walang nasa morgue! Buhay ang Dada ko!!!" Saka pinagbabato ang abugado

"Pagpasensya nyo na po attorney, ako na po bahala dito. Susunod kami" ani ni Gabriel

"Shobe, Ma... Let's accept it. This is Dada's fate, alam natin yon diba? And he always said that... Darating ang araw na hindi na sya makakauwi and remember what he told us??? Accept instead of grief"

"No Ahya!!! Dada would be alive kung walang nagtraidor satin!!!"

Biglang na mutla si Gab

"A-Anong ibig mong sabihin Rhian?"

"Si Glaiza! Si Glaiza ang may paakana nito! She's a fuckin bastard! Dada is her mission kaya sya lang ang pwedeng magpasimuno nito!!!"

Lihim na napangiti si Gabriel... At the back of his mind, he is rejoicing... Umaayon ang lahat sa plano nya at hindi magtatagal... Sa kanya na ang tagumpay.

...

..


.

Idiniklarang dead on arrival si Oscar ng makarating ito sa ospital.

Nagsimula ding umugong ang usap usapan sa naging kilos ni Glaiza.

Sya mismo ang nagtakbo ng lalaki sa ospital at kung titignan... Parang ama nya ang nabaril sa naaging reaction nya.

"Tara na Maam." Yaya ng isang lalaking pulis.

Pero parang walang narinig si Glaiza. Nakasandal ito sa pintuan nang morgue kung saan dinala ang labi ng ama ng mahal nya.

"Hindi dapat ganito ang nangyari!" Humihikbing usal nya

"Maam, ginawa lang naatin ang trabaho natin. Unang pumalag ang kampo nila kaya nasa consequence naa ito ng sitwasyon at isa pa... He is a criminal"

Hindi maikalma ni Glaiza ang sarili dahil natitiyak nyang ikakalungkot ito ni Rhian.

Pero wala nang magagawa si Glaiza, wala nang buhay ang lalaki... Pero nag iwan nang palaaisipan sa kanya ang nakita.

Hindi sya namamalik mata at sigurado sya sa naging ganap. Planado ang pagpatay sa ama ni Rhian.

Sa ngayon, biglang nagbago ang isip nya. She can't resign. Kailangan nya malaman kung bakit at sino ang may pakana ng nangyari... She is willing to use her profession to discover the truth. Kailangan nyang matunton ang lalaking nakita nyang bumaril kay Oscar.

...

..


.

Sumugod agad sina Rhian, Gabriel at Amanda sa naasabing lugar kung saan dinala ang labi ng haligi ng kanilang tahanan.

Habang nasa daan, maataimtim na nagdadasal si Rhian na sana ay mali ang impormasyong nakalap nila...

Sana buhay ang Dada nya.

Nang marating nila ang ospital, nagtanong ang mga ito sa information area at isang nurse ang nag lead sa kanila papunta sa nasabing lugar.

Pagtapat nila sa isang pinto, nag umpisa nang umiyak si Amanda samantala nanginginig ang mga kamay ni Rhian na tila giniginaw.

May isang lalaki na nasa loob ng silid na iyon, malamang ay isang
hospital personel.

"Tanchingco daw Sir" sabi ng nurse na kasama nila.

Bago ituro ng lalaki ang katawan ng kanilang yumao, may kinuha itong isang plastic na naglalaman ng mga gamit.

Inabot iyon ng lalaki sa kanila at si Rhian ang kumuha. Transparent ang balot kayat kitang kita nya ang mga laman non.

Mga gamit... Things which belongs to her Dada.

Without a sound, bumigay na ang loob ni Rhian... Tears over flow in her eyes and start chilling.

"Dito po sya" at lumapit ang lalaki sa isang mesa kung saan may nakahigang natatabunan ng puting kumot.

Slowly, Rhian uncovered the corpse of her father...

Seeing the man who give her everything in life lying in this room and lifeless makes her enraged.

And hearing her mother's scream make her feel chocked up.

She can hardly breath because of anger deep inside her...

Patakbong lumabas si Rhian sa lugar na iyon dahil pakiramdam nya ay masosuffocate sya. She need an air to breath...


Nang makalabas na ito sa may bandang parking area, dun na sya bumigay... Napaluhod ito habang umiiyak.

...


..



.

Umuwi si Gabriel at naiwan sina Amanda at Rhian para asikasuhin ang mga labi ng Ama nila.

Naghukay ito sa mga gamit ng Dada nya sa library pero wala syang makita na kung anong importanteng bagay na mapapakinabangan nya maliban sa mga papeles ng kanilang negosyo at kompanya.


Wala din sa pangangalaga ng Dada nya ang last will nito... Sigurado sya.

Maya maya ay may notification na tumunog sa laptop ni Gabriel. Mabilis nya itong cheneck at dinownload, video ito ng kuha sa CCTV sa warehouse kung saan naganap ang raid kagabi. Matiim itong pinanood ni Gabriel.

Nakita nya kung paano nagsimula ang lahat hanggang sa nagkaroon na ng tensyon sa pagitan ng kampo nila at ng mga kapulisan.

On the late part, kuha sa ibang scene.. nakita nya ang pagbagsak ng dada nya. Kung titignan, hindi mo malalaman kung saan nanggaling o sino ang bumaril dito... Hindi kita doon ang tauhan nyang tumira sa ama.

Hanggang sa may isang pulis na lumapit sa nakahandusay na lalaki. Tila sinisiyasat nito ang kabuuhan ng biktima. Ng nagtanggal ito ng head gear, nakilala agad iyon ni Gabriel, sa buhok at side view nito... Hindi sya pwedeng magkamali... Si Glaiza nga ito... Pinanood nya hanggang matapos and he saw how Glaiza try to help and revive his father


Minaniubra nito ang nasabing bidyo... He cut the last part of it





...



..




.


Naabutan ni Nanay Cristy si Glaiza sa may sala ng magising ito.

Nakasandal at sa kisame nakapako ang mga mata... Ni hindi pa ito naka bihis dahil suot pa nito ang pang ibaba nyang uniporme at combat boots.


Puno ng dugo ang puting tshirt nito.

"Glaiza anak?"

Nun lamang nagising ang diwa ni Glaiza.

"Nay... Ang aga nyo po magising"

"Maaga aalis si Alchris kaya mag hahanda na ako. Kadadating mo lang ba? Bakit puno ka nang dugo? Anong nangyari??? Kamusta ang raid nyo? Oh bakit ka nanaman umiiyak???" Sunod sunod na tanong ng ginang

Yumakap si Glaiza sa ina..

"Di ba dapat masaya ako dahil nagawa ko ang trabaho ko nay? Natiklo ang isa sa malaking drug lord dito sa Pilipinas. Napatay... Di ba dapat proud ako sa sarili dahil tagumpay ang misyong ibinigay sakin???" Kanda utal ito sa pagsasalita dala din ng pag iiyak

"Pero bakit pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao... Hindi ko nagawang iligtas si Oscar ng makita kong may gustong pumatay sa kanya na hindi naaayon sa nakasaad sa batas... Namatay sya hindi dahil sa maling ginawa nya..."

"Anong ibig mong sabihin anak?"

"Nakita ko po ang lahat nay... Isang lalaking tauhan nya ang bumaril sa kanya... Hindi ang mga pulis... Pero hindi ko alam kung bakit... Alam kong iisipin ni Rhian na ako ang pasimuno ng lahat ng ito... Ni hindi ko pa nalilinaw sa kanya ang pagkatao at pakay ko, ngayon madadagdagan nanaman... Hindi ko na alam ang gagawin ko nay"

Even no words to hear, bilang ina, dama ng Nanay ni Glaiza ang hirap na pinagdadaanan ng anak...

"Nak... Ika nga e, lahat ng bagay na nangyayari, may dahilan... Pwedeng hindi mo pa ito nalalaman ngayon pero darating ang araw na maiintindihan mo ang lahat kung bakit nangyayari ito ngayon... Nagkataon lang na naipit ka sa sitwasyon pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka nang magagawa... Mahal mo ba talaga yung Rhian?"

"Mahal na Mahal nay..."

"Kung ganon, gawin mo lahat ng makakaya mo na mapatunayan sa kanya na totoo ang pagmamahal mo... Na hindi mo sya niloko o tinraidor... Wag kang susuko hanggat hindi mo naipapaliwanag ang sarili mo sa kanya... Kung gaano mo sinusuong ang bala para sa pagmamahal mo sa bayan, gawin mo yun para mapatunayan ang pagmamahal mp sa kanya..."

Somehow, Glaiza get a little hope and strength sa sinabi ng nanay nya.

Hindi nya pa alam kung paano at kung sa anong paraan pero tama ito, hindi sya dapat sumuko...


...



..




.

"Ahya... Ahya..." Tawag ni Rhian sa kapatid ng makauwi ito sa bahay nila. Mula nang sumugod sila sa ospital, hindi pa sya nakapag ayos. Hindi nakapagsuklay at nakapambahay lang itp kaya ng mailipat sa punerarya ang labi ng ama... Minabuti muna nito umuwi at maghanda.


"Im here at Dada's library" sagot ng lalaki.

Tumuloy si Rhian doon at nakita nyang tuon na tuon ang mga mata ng kapatid sa laptop nito. Nagsasalubong pa ang mga kilay

"What's keeps you busy Ahya? Sya nga pala, Inihatid na si Dada sa Arlington at Mamaya hanggang bukas ang lamay... And after that Mama already arranged for the Mass and everything..." Saka ito umupo sa sofa na nasa harap ng mesa na kaharap ni Gabriel

"Ok... Isa sa mga tauhan natin ang nag send ng video na kuha sa CCTV ng warehouse... Im note sure, pero parang si Glaiza itong babaeng pulis... Di kaya sila ang nagtumba kay Dada?" Pagkunyari ni Gab


Na freeze ng ilang seconds si Rhian kaya hindi ito naka galaw sa kinauupuan.

Tumayo si Gabriel at tumabi kay Rhian bitbit ang kanyang laptop.

"Take a look at this" then he play the video.


...


Nakita ni Rhian ang nangyari and how his father was shot... At ang nagwindang sa kanya, ay nang makita nya si Glaiza na lumapit after her Dad fall at parang tinignan pa nito ang mga pulso ng ama nya the the video stopped


Parang dinudurog ang puso ni Rhian... Kung dati ramdam nya sa puso nya ang natitirang pagmamahal sa dating nobya, ngayon ni katiting ay nawala nya... Napalitan ito ng galit at poot.


Her fist clinched at napatiim bagang...

"Magbabayad sya Ahya... Ako mismo ang sisingil sa punyetang yan! Magbabayad sya!!!" Galit na galit na sambit ni Rhian...


Patakbong pumasok ito sa kwarto nya at nag umpisa nanamang umiyak...

Even how hard she will cry, hindi nababawasan ang sakit sa dibdib nya at tila hindi nauubosan ng luha ang tear ducts nya.

Kung nung una ay matatawag na heart break ang nararamdaman nya, ngayon totoong galit na ito... She cant imagine na ang babaeng mabait, sweet, maalaga at minahal nya ang mismong tatapos sa buhay ng tatay nya...


Masakit... Walang kasing sakit.


Pagod na pagod na syang umiyak pero yun lang ang paraan para makahinga sya sa matinding pinagdaanan nya.

Hindi nya mapigilang hindi maalala ang mga huling pag uusap nila ng tatay nya... Ang mga lambing nito... Ang mga yakap at tawa... She knew her dad is a law breaker but as a daughter, she'll never wanted to end up her father's life that way...


"Pangako Dada, mananagot ang dapat managot... We trusted her pero ito pa ang igaganti nya... She's nothing but a fuckin asshole!!!"



At tuluyan nanamang nagwala si Rhian sa loob ng kwarto nya.


=============================

AN:

Sorry talaga guys! But lab ko kayo... Plamis! ✋


Thank you s

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 180 40
A story of a college instructor, Nita, who doesn't want to commit with anyone.
289K 10.8K 61
Just from the author's playful imagination with a whole lot of mixed concepts Actually some of the parts na mababasa niyo dito is based on one of the...
78.4K 1.3K 13
You shouldn't give up, what you like easily. - Crescent Not every battle is worth fighting. - Inigo Nikay
50.9K 1.5K 60
Naging magkasintahan si Rhian at Glaiza ngunit kagaya ng ibang relasyon ay nagkaroon ng lamat sa kanilang relasyon, paano pa ba ipag lalaban nils ang...