W I S H (Z E T H)
"Aray ang sakit ng katawan ko." daing ko. Pa'no ba naman kasi, ang taas nun no!
Napatingin ako kay Kiro. Napatayo ako bigla nang makitang nakadagan ako sa kanya. Inupo ko siya at niyugyog ang balikat niya.
"Kiro! Ayos ka lang ba?! Sorry!" sabi ko sa kanya.
"O-oo ayos lang ako. Medyo sumakit lang ang ulo ko. I-ikaw?" tanong niya kasabay ng paghawak niya sa ulo niya.
"Oo ayos lang ako. Sorry talaga." sabi ko sa kanya.
"Ayos lang 'yun. Kung hindi ko na-control ang pakpak ko baka pareho pa tayong napuruhan dito." sabi niya.
"Sorry talaga..." sabi ko parin sa kanya. Kahit na ba no, masakit parin yun. Dahil sakin kaya sumakit ang ulo niya. Lagi niya talaga akong tinutulungan.
Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan lang siya. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung na-meet ko na ba ang lalaking 'to. He reminds me of someone in real world. Pero sinisiksik ko sa utak ko na hindi naman siya 'yun dahil imposible. Because that guy is weak. Malayong-malayo siya kay Kiro.
Hanggang ngayon nakahawak parin siya sa ulo niya. Tinulungan ko siyang sumandal sa puno at pinikit niya ang mga mata niya.
"Kiro." tawag ko sa kanya. Napadilat siya at napatingin sakin.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Bakit... parati mo akong tinutulungan?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa ibang direksyon at ngumiti.
"Tinutupad ko lang ang pangako ko." mahina niyang sabi pero narinig ko. Malinaw na malinaw.
"A-ano?" taka kong tanong. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Wala." sabi niya.
"Anong pangako? Kanino?" diretso kong tanong kaya napatingin siya sa akin.
"P-pangako ko yun sa sarili ko. Na poprotektahan ko ang mga kaibigan ko." paputol-putol niyang sabi.
Ah, akala ko naman kung ano na.
"Bakit ako hindi mo pinrotektahan?!" rinig kong sigaw ni Silver. Hinanap ko kung nasaan siya at nagulat nalang ako nang makita ko siya sa taas ng puno. Natawa ako sa itsura niya dahil nakayakap siya sa isang sanga doon.
"Nakakaselos na ah!" sabi niya at natawa kaming lahat.
"Ang bakla mo bro." sabi sa kanya ni Kuya Carl at pagkatapos, naubo siya. Hindi rin kasi biro ang pagkabagsak niya kanina kaya nakahawak siya sa tiyan niya.
"Seryoso ako." sabi ni Silver sabay pout. Natawa ulit ako sa expression na ginawa niya.
"Hindi mo talaga maintindihan ang ugali nito ni Silver. Minsan seryoso. Minsan masungit. Minsan makulit." sabi ko kay Kiro.
"Ganyan talaga 'yan." sabi niya naman sa'kin.
"Bumaba ka na diyan. Mukha kang butiki." sabi ko kay Silver.
"Gwapong butiki." sagot niya naman at napa-iling nalang ako. Napakasarap nilang kasama. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng chance na makilala sila.
Tutal ako naman ang hindi masyadong nasaktan, lumipad ako papunta sa kanya para tulungan siyang bumaba. Hinawakan ko ang kamay niya at ini-akbay ko sakin. Pagkalapag namin sa baba, inilapit ko rin siya sa puno para makasandal siya.
"Hindi ko in-expect 'yun." sabi ni Silver.
"Oo nga eh. Akala ko mamamatay na tayo." sagot naman ni Clyde. Napatingin ako sa HP bar nila. Masayadong maraming nabawas dito lalo na kay Kiro. Tumalikod ako sa kanila at pinindot ko 'yung blue button na nasa harap ko.
"Sana meron..." bulong ko sa sarili ko. Kinalkal ko pa ito at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Thank God!" halos pasigaw kong sabi. Meron pa akong tatlo, tamang-tama. Sakto sa kanila 'tong tatlong healing potion. Agad akong pumunta sa kanila at isa-isang iniabot sa kanila ang potion. Una kong iniabot kay Clyde sunod kay Kiro at pagdating kay Silver, tinitigan niya lang ito.
"Oh bakit? Inumin mo na!" sabi ko sa kanya.
"Eh pa'no ka?" tanong niya.
"Okay lang ako. Mas kailangan mo 'to." sabi ko sa kanya.
"Hati nalang tayo." sabi niya.
Hay nako. Hindi kami pwedeng maghati. Ang kulit talaga nito.
"Sayo na." sabi ko.
"Ha--" di na niya naituloy dahil hinawakan ko ang pisngi niya at ibinuka ang bibig niya. Pinainom ko na ito lahat sa kanya.
"Very good." sabi ko. "Kulit-kulit pa kasi." dagdag ko at tiningnan niya ako ng masama.
"Hoy tama na 'yan. Dadaan ka muna sa'kin Silver bago mo makuha ang kamay ni Zeth." pagkasabi ni Kuya Carl nun, bigla akong napatingin sa kanya.
Ano bang sinasabi mo Kuya Carl?! Napatingin ako kay Silver at nakita kong ngumisi siya.
"Loko." sagot niya at lumapit siya sa akin. "Zeth." tawag niya. Hindi ako makatingin sa kanya dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ako mapakali. Ano ba 'to?! Kuya Carl naman kasi eh!
"Kahit na makulit ka, salamat parin. Pero!..." sabi niya at nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw. "Hahanap at hahanap parin ako ng paraan para mapuno din 'yang HP mo. Mahirap na, baka mapasabak tayo." sabi niya.
T-tama ba 'tong narinig ko? C-concern siya sa'kin? Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang noo ko.
"Okay ka lang ba? May lagnat ka ba? Bakit ka namumula?" tanong niya.
H-hala! Hindi no!
"Silver." napatingin ako kay Kuya Carl nang tawagin niya si Silver.
"Tanong ko lang. Manhid ka ba?" diretso niyang tanong.
"Kuya!" sigaw ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. Sipain ko 'yung tiyan mo para lalong sumakit eh.
"M-medyo. Manhid nga ang kaliwang kamay ko ngayon dahil sa brutal na pagkabagsak ko kanina." sagot niya naman. Nakita kong napa-sapo sa noo si Kiro.
"Clyde wala ng pag-asa 'yan." sabi ni Kiro kay Kuya Carl.
Aish! Pinagti-tripan ba nila ako?
Umalis na ako dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Dumaan ako kay Kuya Carl at hinampas ko siya sa braso. Nakita kong tumawa siya.
Hmp! Maka-alis na nga muna!
S I L V E R
Nagwalk-out si Zeth. Halatang-halata mo sa mukha niya na pikon na pikon siya. 'Yung kanina, it was just an act. Pagpapanggap lang ang lahat ng ginawa ko. Na parang hindi ko alam lahat ng sinasabi nila.
Alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yun. Alam ko na ang tungkol sa nararamdaman niya. Ayokong tuluyan siyang mahulog sakin. Ayokong masaktan siya. Kaya lang naman ako ganun sa kanya dahil naaalala ko sa kanya si Mist. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanya at ayoko namang masira ang pagkakaibigan namin ng dahil sa'kin. Nang dahil lang sa bagay na 'yun. Maya-maya, nilapitan ako ni Clyde.
"Hindi magandang biro ang ginawa mo kanina." diretso kong sabi sa kanya at nagulat siya sa sinabi ko.
"I-ibig sabihin..." sabi niya.
"Hindi yun loko. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Para ko ng kapatid si Zeth. Wag kang magsasalita ng ganun." sabi ko sa kanya.
"Ouch. Parang ako ang nasaktan para kay Zeth." sabi niya at may pahawak-hawak pa siya sa dibdib niya.
"Wag ka nga, ang baduy mo! Diba sabi namin wag ka na uli maga-act? Hindi bagay ang mga ganyan sa mga seryosong taong katulad mo!" sabi ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. Napatingin ako kay Kiro at nakita kong natutulog siya.
"Tsk. Kasalanan natin 'to eh." sabi ko kay Clyde. "Hindi kasi tayo nag-iisip." dugtong ko.
"Tama ka. Bakit nga naman gagawing ganun kadali ng GM 'yun? Hindi nga talaga tayo nag-iisip." sabi niya.
Hays.
"Wag mong sasabihin kay Zeth ang mga sinabi ko. Masasaktan lang siya at iiwas-iwasan niya ako. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang dun." sabi ko sa kanya.
"Anong gagawin mo?" tanong niya.
"Ako ng bahala dun." sabi ko sa kanya.
"Pero pre, masakit din 'yun para sa'kin. Pinsan ko parin naman 'yun." sabi niya sa akin.
"Alam ko. Kaya nga gagawa ako ng paraan na hindi ako nagpapakita ng motibo sa kanya. Wag kang mag-aalala. Gagawa ako ng paraan nang hindi siya nasasaktan." sabi ko at tumango naman siya.
"Hindi ba motibo na ang mga pinakita mo kanina?" tanong niya.
"'Yung part na 'yun, totoo 'yun. Concern talaga ako sa kanya." sabi ko at tumango nalang siya.
"Basta, wag lang siyang masasaktan." huling sabi ni Clyde at umalis na siya.
Hindi pwedeng mangyari 'to dahil ayoko talaga siyang masaktan. Hindi ko alam, pero simula ng makita ko ang babaeng 'yun, iba na agad ang naramdaman ko.
Isa lang ang nasisiguro ko ngayon. Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko.
At si Asky 'yun.
"Aaaaah!" nagitla kami ng makarinig kami ng isang sigaw. Napahinto si Clyde sa paglalakad.
T-teka, boses ni Zeth yun!